CHAPTER 48
-=Ram's POV=-
Who would have thought that the great and mighty Ram Santiago will be this pathetic, kung makikita ko ang sarili ko na ganito noong mga panahon na hindi ko pa kilala si Atilla ay siguradong magagalit ako sa sarili ko dahil sa pagiging martir ko, pero ganito talaga siguro kapag masyado mong mahal ang isang taon na kahit na nasasaktan ka ay gugustuhin mo pa din siyang makasama, isang taong nasa malapit lang ngunit pakiramdam mo ay sobrang layo dahil alam mong malabo nang mapasayo.
"Ram are you ok?" nagulat na lang ako nang marinig ko ang tawag na iyon ni Atilla, saka ko lang naalala na nasa meeting pala ako kasama nang mga tauhan nang isa sa mga kumpanya ni Henry habang ito ay nasa US.
"I'm sorry I didn't hear the question?" mahinahon kong tanong habang nakatingin sa magandang mukha ni Atilla, ilang araw na din nang sinimulan naming pamahalaan nito ang mga negosyo nang kapatid nito habang nasa America si Henry para sa operasyon nito at masasabi kong ibang-iba na talaga si Atilla, they way she handled herself in front of the other people and they way she deal with them is so amazing.
Ibang-iba na siya sa dating Atilla na kilala ko, no wonder na ganoon ang sinabi ni Ellaine sa akin bago ito umalis nang Pilipinas para samahan ang asawa, Atilla redeemed herself from all the drama that happened in her life and I don't have the right to destroy whatever she have right now nang dahil lang sa mahal na mahal ko pa din siya lalo na ngayon na alam kong wala na itong nararamdaman sa akin.
"Ang sinasabi ko kanina ay makikipag kita tayo sa dalawang foreign investors na nagbabalak na gumawa nang five star hotel sa isang isla sa bandang Visayas sa nabiling isla ni Henry kamakailan,." paliwanag nito, ang sinasabi nito ay ang isang maliit na isla na kalahating oras ang biyahe mula sa Cebu Port, meron iyong isang lumang resort na binabalak ni Henry na palitan nang isang high end resort na dadayuhin nang mga tao.
"I see, you mean the Japanese investors?" tanong ko dito.
"Sila and two days from now ay kailangan natin silang imeet sa Cebu para masamahan natin sila mag ocular inspection sa isla." pagpapatuloy nito at base sa mga business plan nito ay sigurado na akong makukuha namin ang pirma nang mga investors nang araw na iyon.
So the following day ay sinigurado namin ni Atilla ang mga business proposals na ibibigay namin sa mga naturang investors and I can see Atilla is effective being a decision maker pagdating sa negosyo ni Henry, sa totoo lang hindi ko nga alam kung kailangan pa ba ako nito sa pagpapatakbo nang negosyo nito.
The night before out flight ay naisipan kong imbitahan ang dalaga sa isang dinner para na din mapag-usapan ang mga last minute changes sa naturang proposals na ginawa namin.
Ang lakas nang kabog ng dibdib ko nang mga oras na iyon habang hinihintay ang pagdating ni Atilla, nauna ako siguro nang mga sampung minuto bago ko makita ang pagpasok nito sa naturang restaurant and she never failed to mesmerize me with her beauty, simpleng blue dress lang ang suot nito ngunit sobrang lakas na ng dating na karamihan nang mga lalaking nasa loob ay hindi maiwasang hindi siya tapunan nang tingin more than once.
"Sorry may nangyari kasing aksidente kaya medyo nalate ako." hingi paumanhin nito.
"No worries kakarating- rating ko lang naman din, shall we order?" tanong ko dito nang makaupo na ito sa kabilang side ng table.
"Sure." maikling sagot naman nito kung ako ay ramdam na ramdam ko ang labis na pangungulila dito, ito naman ay parang hindi naman naapektuhan sa pagkakasama namin ngayong gabi.
Nang matapos makuha ang mga order ay naiwan naman kami ni Atilla sa isang ackward na sitwasyon na wala sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan.
"So sa Cebu na ba tayo magkikita?"
"I'm sorry Atilla."
Magkasabay namin sinabi at sa ilang segundong pagtatama nang mga mata namin ay parang nakita ko ang dating tingin na binibigay sa akin ng dalaga noong mga panahon na mahal pa niya ako, ngunit sandali lang iyon at agad din iyong nawala kaya nga naisip kong baka guni guni ko lang iyon dahil iyon ang gusto kong makita.
"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noong tanong nito na piniling iiwas ang tingin sa akin.
"I'm sorry dahil nasaktan kita, I'm sorry dahil mas pinanaig ko ang pride ko kaysa sa kung anuman ang nararamdaman ko para sayo, at sorry kung hindi kita agad nakilala." madamdamin kong sinabi dito ngunit mas lalo atang lumalim ang pagkakakunot ng noo nito sa sinabi.
"Anong ibig mong sabihin sa huli mong sinabi?" naguguluhang tanong nito.
"I'm sorry kung hindi ko agad nakilala ang matalik kong kaibigan nang mga bata pa tayo, sorry kung hindi kita agad nakilala samantalang ikaw ang taong nagligtas sa buhay ko." seryoso kong sinabi dito, at kita ko ang pamumuo nang luha sa mga mata nito na pilit nitong nilalabanan.
"Please Ram it's all in the past, at salamat sa mga naranasan ko kung bakit ako ganito ngayon, successful, independent, na hindi kailangan umasa kahit na kanino." sagot naman nito ngunit muli kong nakikita ang dating Atilla na kilala ko and somehow it gave me hope na maaring may pag-asa pa sa aming dalawa.
"Tama nga sila malalaman mo lang ang halaga nang isang tao kapag nawalan na siyang minsan sayo at iyon din mismo ang naramdaman ko nang mawala ka sa piling ko, doon ko napagtanto kung gaano kita kamahal, and Atilla I still love you." madamdamin kong sinabi dito ignoring what she just said at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito ngunit sandali lang iyon at agad din iyong napalitan nang isang malamig na titig mula sa dalaga.
"Katulad nga nang mga sinabi ko kanina Ram, lahat ng iyon ay nasa nakaraan na at lahat ng bagay na nangyari sa akin ay ginamit ko para pagbutihin ko ang sarili ko, there are things in life na dapat na lang iwanan sa nakaraan, and besides I'm happy with what I have now." sagot naman nito, but I decided to push my limit.
"I still love you Atilla so much that it hurts, at kung bibigyan mo ako nang pagkakataon ay........" I said ngunit agad din iyong naputol nang biglang tumayo ang dalaga.
"Enough Ram! Whatever happened between us are all in the past, and there are some things in life that doesn't deserve second chances specially kung ang taong iyon ay masaya na sa buhay niya at maliban doon ay may nobyo na, sorry I need to leave may kailangan pa pala akong asikasuhin bago ang flight ko bukas, magkita na lang tayo sa Cebu." sinabi nito at matapos non ay dali dali itong naglakad palayo na para bang may kung anong humahabol dito.
Hindi ko naman naiwasang hindi mangiti sa ginawi ni Atilla dahil nasagot non ang katanungan sa isip ko.
"Sir ito na po ang mga inorder ninyo....." sinabi ng waiter na naghatid nang mga inorder namin ngunit agad kong pinutol ang kung anuman sasabihin nito.
"Please get me the bill." sinabi ko naman dito na kinagulat nito.
"Pero paano po itong mga inorder ninyo?" naguguluhang tanong naman nito, sandali akong nag-isip at naisipan kong ipabalot iyon, ilang sandali lang ay nabayaran ko na din ang bill namin at naipabalot ko na din ang pagkain na hindi man lang namin nagalaw.
Bitbit ang ilang supot nang pagkain ay agad akong sumakay nang kotse ko, for the first time in two years ay ngayon lang ako napangiti nang ganito ulit, tinalo pa nang kahit na anong kasiyahan na naramdaman ko sa kahit anong sucess ko sa business ang nararamdaman ko ngayon.
Sandali akong tumigil nang may mamataan akong isang mag-asawa na naghahalungkat nang basura para marahil maghanap nang pagkain doon. Mabilis akong lumapit sa kanila at walang sali-salitang inabot ang mga pagkain na dala ko, at matapos nga noon ay agad akong bumalik sa kotse ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
"Mukhang masaya ka ata ngayon hijo." ang bungad sa akin ni Dad pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay namin.
"I decided to follow you're advice Dad." sagot ko naman dito at kita ko ang pagtataka sa mukha habang iniisip ang payong sinabi nito noon sa akin.
"You told me to fight for Atilla, and everything is fair in love and war." I told him and saw undestanding on his face.
"What made you change your mind Ram?" tanong naman nito na sinuklian ko lang nang ngiti at matapos non ay dumiretso na ako sa kuwarto at mabilis na nagshower at nahiga sa kama ko.
Kapag naalala ko ang naging reaksyon ni Atilla kanina ay parang may mainit na kamay ang humahaplos sa dibdib ko dahil isa lang ang ibig sabihin nang naging reaskyon nito na may pagtingin pa din ito sa akin, kung noon ang dahilan ko kung bakit ayokong guluhin ito ay dahil sa pag-aakalang wala na talaga itong nararamdaman sa akin ngunit nabago iyon ngayong gabi.
"I will do everything para mahalin mo din ako at maging akin ka uli Atilla." bulong ko sa hangin.