Download App

Chapter 4: 4

WHY am I here again? Tanong ni Ridge sa sarili habang patingin-tingin sa wrist watch at sa paligid. Isang oras na siyang naghihintay sa coffee shop na iyon at nakakailang refill na rin siya ng brewed coffee ngunit ni anino ng babaeng imi-meet niya ay wala. Parang nais niyang pagsisihan ang ginawang pagpayag sa pabor na hiningi ng kaibigan. Kelan pa ba siya naging mabuting kaibigan? Curiosity, that was the sole reason. Nakakapagtaka kasi na tinatanggihan ng babaero niyang kaibigan ang isang date na in-arrange pa mismo ng mga magulang nito. Ito ang tipo ng lalaking hindi tumatanggi sa kahit na sinong babae. For him, every girl is beautiful in their own unique way. Iyon ang dahilan kaya naman iba ang sipa ng kyuryosidad niya nang sabihin nitong siya ang makipagkita sa babaeng kababata umano nito imbis na ito mismo. Ang tanging dahilan na sinabi nito ay hindi maganda ang naging karanasan nito sa ilang taong naging kapitbahay nito ang babaeng iyon. Naging interesado siya sa nag-iisang babaeng nagpabali sa prinsipyo nito sa buhay.

At talaga namang saludo siya sa ugali ng babaeng iyon kahit na hindi pa niya ito nakakaharap. Iyon pa lang na isang oras na itong nagpapa-importante ay malaking bagay na, hindi na siya magtataka kung masama nga ang ugali nito sa personal.

"Another refill, sir?" nilingon niya ang waitress na lumapit sa kanya. Ang tamis ng pagkakangiti nito. Ito rin ang waitress na kanina pa nagsi-serve ng kape sa kanya. She was flirting with him, he was sure of that. Nginitian niya ito bago tumango. Sinalinan nito ng kape ang tasa niya bago ito muling umalis nang nakangiti pa rin.

Five minutes more and I'm out of here. Naisip niya saka muling tinignan ang relong pambisig. He was not the type to wait for girls. It was always the other way around. Pero dahil hindi naman alam ng babaeng iyon na siya ang makikipagkita rito, pagbibigyan niya ito.

"What the--- bulag ka ba?" napalingon siya sa sigaw na iyon ng isang lalaki di kalayuan sa loob din ng coffee shop na iyon. Nakatalikod ito sa kanya kaya ang mukha lamang ng kausap nito ang nakikita niya. Napakunot ang noo niya. This is a small world after all. Napangiti siya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login