"Dad, my girlfriend." saad ni Dean sa heneral pagdating nila. Sinalubong naman ng heneral si Syden nang may ngiti sa mga labi nito, "Ms. Fuentes, right?" tanong niya na ikinatango ni Syden na nakangiti din, "Opo."
"Your dad is a great colleague of mine. Nice to meet you." inilahad nito ang isa niyang kamay kaya kinuha naman 'yon ni Syden, "Nice to meet you din po, General Voughan." pahayag niya.
"No need to be so formal, Ms. Fuentes. You can also call me dad soon." pagbibiro nito kaya natawa silang dalawa habang napakamot naman ng ulo si Dean, "Dad.." saad ni Dean kaya natigilan sa pagtawa ang dalawa, "Mabait ba ang anak ko sa'yo?" tanong niya kay Syden kaya nagkatinginan ang dalawa, "Minsan po." sagot niya kaya natigilan si Dean, "Anong minsan?"
"Minsan lang po siya nagsusungit sa akin." at muling natawa ang dalawa habang naiirita naman si Dean sa pinag-uusapan nila, "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, hindi kasi lumaki sa amin kaya nagmana sa kasungitan at karahasan ni Arthur."
"Dad naman." saad ni Dean kaya natawang muli ang heneral, "Fine, fine. It's been thirteen days since she was interrogated pero wala kaming nakuhang sagot mula sa kanya. Ayaw niyang magsalita. Palagi naming naririnig sa kanya ang pangalan mo. Palagi niyang binabanggit ang pangalan mo kaya ipinatawag ka namin dito. Maybe you could talk to her." nagkatinginan naman ang dalawa at tumango si Syden, "Sige po. Gusto ko rin po kasi siyang makausap ng personal." sagot ni Syden.
Tinawag ng heneral ang isa sa mga tauhan niya, "Bring her to Ms. Samson." tinignan ni Syden si Dean at nag-aalala itong nakatingin sa kanya, "Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Dean na ikinailing niya, "Hindi na. Kaya ko na 'to."
"Sige, basta mag-iingat ka."
"Wala na tayo sa Curse Academy para mag-aalala ka ng sobra sa akin." natatawang saad ni Syden kaya tumango si Dean at tinalikuran na niya ito. Sinundan naman niya ang tauhan ng heneral na itinuro sa kanya ang daan. Natigilan sila sa tapat ng isang interrogation room at binuksan nito ang pintuan kaya huminga ng malalim si Syden bago pumasok.
Muling nagsara ang pintuan pagpasok niya kaya inilibot nito ang tingin sa buong kwarto. Sa gitna ay mayroong salamin na hinahati ang kwarto sa dalawa. Umupo siya sa upuan na nasa pinakagitna at pagkatapos ng ilang segundo ay mula naman sa kabila, pumasok ang isang babae na hawak-hawak ng dalawang pulis. Ipinaupo siya sa upuan na nasa harap ni Syden at tanging ang salamin lamang ang nagdidistansya sa dalawa.
Paglabas ng dalawang pulis ay muli nilang isinara ang pintuan kaya silang dalawa na lang ang natira sa loob. Nakaposas din ang babae para siguraduhin na hindi gagawa ng kahit na ano.
"What are you doing here?" tanong ni Amber kay Syden habang diretso ang tingin ng dalawa sa isa't isa.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Syden, "Bakit mo pinatay sina Mr. Wilford at Mr. Schulz?" dahil doon ay napangiti ng masama si Amber, "Sila ang dahilan ng pagkamatay ni Fortune...at hindi ko matatanggap 'yon."
"So napamahal na sa'yo ang presidente?"
"Bukod sa sekretarya niya ako, siya lang ang nakakita ng tunay na halaga ko." diretsong sagot ni Amber.
"Pero bakit ako, Amber? Bakit itinutok mo rin sa akin ang baril?" ilang segundo silang nagkatitigan bago sumagot si Amber at sinamaan ng tingin si Syden, "Dahil galit ako sa'yo." ipinagtaka naman ni Syden ang sinabi nito, "Ano namang ikinagagalit mo sa akin?"
"Hindi mo pa rin alam?" sarkastikong tanong niya.
"Alam ang alin?"
"Hindi mo pa rin alam na kagagawan mo ang lahat ng 'to?! Kung hindi mo pa rin alam, pwes ako ang magsasabi sa'yo!" sigaw nito at halata ang galit sa mga mata niya na mas ipinagtaka ni Syden, "A-ano bang pinagsasabi mo?"
"Ikaw ang estudyanteng tinutukoy ni Mr. Wilford at Mr. Schulz. You were the one who bestowed the curse inside that academy!!" at sa sinabi niyang 'yon, kusang natigilan si Syden at napailing, "W-wala akong alam sa sinasabi mo! Nahihibang ka na!"
"Ipinasok ka nila sa secret academy dahil sa kagustuhan ng magulang mo na protektahan ka! Bago ka pa man dumating sa lugar na 'yon, masaya ang lahat ng estudyante at namumuhay ng tahimik. That place where the secret academy was build, it was an old cemetery na napupuno ng iba't ibang klasing sumpa. Sa kagustuhan ni Augustus at Arthur na makatapos kayong lahat sa pag-aaral, they had to put a quotation inside that academy, 'When you started something, you should end it'...the students had insecurities because of your achievements, they started to bully you and torture you physically and mentally...you were so mad at binalak mong labanan sila but it didn't turn out that way. You accidentally killed them and that's where everything started. Itinago nina Augustus at Arthur ang nangyari dahil sa takot kaya naisip ng mga estudyante na hindi masama ang pumatay sa lugar na 'yon. Your achievements were precious to them, you would lift up their name dahil nag-aral ka sa eskwelahan nila kaya hindi ka nila pinabayaan at itinago nila ang totoo na nakapatay ka. The students thought it was freedom inside that academy. They started to kill one another at dahil 'yon sa kagagawan mo! Curse Academy started because of you!"
"They did everything to end the curse, inilabas ka nila sa eskwelahang 'yon at ibinalik sa Heaven's Ward High pero wala pa ring nagbago. You were also guilty that time at dahil inaalagaan ka nila, tinanggalan ka nila ng alaala para makalimutan mo ang lahat ng nangyari at para hindi ka umamin kung ano ang nangyayari sa loob dahil sa kagagawan mo. Ginawa nila ang lahat para matapos ang kaguluhan, nagpadala na sila noon pa man ng dark eagle sa secret academy to stop the students pero hindi na nagawang makalabas ng mga ito hanggang sa namatay rin sila sa loob. That's when they lost control of everything and in order to stop the curse, they thought that killing you would stop everything. Sinet-up din nila si Dean para ipasok sa eskwelahan na 'yon at patayin ka. Dean was their most powerful weapon to kill you pero hindi rin nangyari dahil siya pa ang pinakaunang nagliligtas sa'yo. They did everything to kill you but they couldn't. Curse academy was protecting you dahil sa sumpa nito na inumpisahan mo. The situation became the worst of all."
"H-hindi totoo lahat ng 'yan! Gumagawa ka lang ng kwento!!!" sigaw ni Syden sa kanya na ayaw paniwalaan lahat ng sinasabi ni Amber kaya mas lumapit pa si Amber sa salamin, "You are the villain of your own story." saad pa niya habang umiiling si Syden, "Hindi totoo 'yan!!!"
"For the third time, ito ang nabasa ko sa diary ni Mr. Wilford kaya nalaman ko rin ang totoo. It's only Arthur, Augustus, me and you na nakakaalam sa totoo."
"W-what do you mean third time?"
"This was the fifth time that the story repeated itself. On the third time, doon ko nalaman ang lahat. Marami mang namatay ngayon, muli silang babalik sa dati. The story keeps on repeating itself. I think you should know it dahil ikaw lang ang makakapag-pabalik ng lahat sa dati. Sa tuwing umuulit ang istorya, nawawalan ka ng alaala pero kapag nalaman mo ang totoo, hindi ka na mawawalan ng memorya. Tandang-tanda ko lahat ng nangyari sa'yo, the story repeats when you die and the story repeats sa tuwing nakakalabas ka. You had different stories, Bliss Syden." kahit hindi nito tanggap ang lahat ng naririnig niya, gusto niyang subukan na ibalik ang lahat sa dati, "Kung totoo man ang sinasabi mo...p-paano ko maibabalik ang lahat sa dati?"
"Once you started something, you should end it. You started to kill one student, that's why you should kill all of them. On the sixth time...to end the curse, you should be the last man standing...when the curse ends, you will come back to the moment just before you killed a student. Sa pagkakataon na 'yon, huwag munang ulitin ang ginawa mo."
"H-hindi ko kaya ang sinasabi mo!" bigla itong napatayo habang hindi siya makapaniwala at galit na galit kay Amber, "Curse Academy was protecting you, it's your opportunity to take advantage of its protection. Ayaw nitong mawala ka dahil sa'yo nag-umpisa ang lahat. You have to kill them all, lalong-lalo na ang mga taong mahal mo at mahal ka...hindi ka nila ulit matatandaan dahil babalik ang lahat sa umpisa. Make your story different next time, Bliss Syden." tila mababaliw na rin si Amber habang sinasabi 'yon kay Syden kaya nag-umpisa ng manginig si Syden.
Mas nagalit pa si Syden sa kanya, "Hinding-hindi ako maniniwala sa'yo!" sigaw nito na biglang lumabas ngunit paglabas nito ay ibang lugar na ang nadatnan niya na tila pamilyar sa kanya.
"Fools! What are you doing here when you were supposed to be studying?" isang pamilyar na babae ang nakita niya na papalapit sa kanya.
Wait, Roxanne? Tanong nito.
Napatingin naman siya sa tabi niya dahil sa isang lalaki. R-raven?
Inilibot niya ang paningin niya at hindi nagawang makapagsalita nang makita ang buong lugar, "No one's here to entertain you. You need to collect informations para mabuhay kayo ng tahimik dito" saad pa ni Roxanne na tinapatan si Syden.
"At para sabihin ko sa inyo, lahat tayong nasa Prison School. Na-frame-up lang sa Heaven's Ward High. Soon, hindi rin kayo magtatagal because you're both just a free soul here. Soon they will come to get you. If I were you, voluntarily join a group now if you don't want to be tortured here." pagkatapos niyang sabihin lahat ng 'yon ay tinalikuran niya sila.
"S-sy, okay ka lang?" tanong ni Raven sa kanya kaya napatitig si Syden sa kakambal niya habang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
Hindi nakakibo si Syden at inilibot muli ang paningin nito hanggang sa maalala niya lahat ng sinabi ni Amber.
Sa tuwing umuulit ang istorya, nawawalan ka ng alaala pero kapag nalaman mo ang totoo, hindi ka na mawawalan ng memorya. Tandang-tanda ko lahat ng nangyari sa'yo, the story repeats when you die and the story repeats sa tuwing nakakalabas ka. You had different stories, Bliss Syden. Once you started something, you should end it. You started to kill one student, that's why you should kill all of them.
Habang paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Amber ay kusa na lang bumuhos ang mga luha nito, "The story repeats again." saad nito na tila nanlamig sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa wall na may electric barrier. That place is Prison School again.
"Y-you're right, Amber. Naalala ko na lahat ng nangyari sa akin mula sa pinakaumpisa. Everytime I die, it repeats...d-dahil nakalabas kami, muling bumalik sa umpisa ang lahat!" paghagulgol nito at muli niyang narinig ang boses ni Amber.
On the sixth time...to end the curse, you should be the last man standing.
This is the sixth time of your own story repeating itself, make it different Bliss Syden.
That moment, she realized that love doesn't matter anymore.
— The End — Write a review