Download App
95.87% SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 93: ♥♡ CHAPTER 81.5 ♡♥

Chapter 93: ♥♡ CHAPTER 81.5 ♡♥

Pagdating nila sa secret room, natigilan sina Nashielle at Ms. Freud nang makita nila ang sitwasyon ni Fortune, ganon din sina Dean at Syden na nasa likuran nilang dalawa. Mabilis na lumapit si Dean kay Fortune na sinundan naman ni Syden.

"What happened?!" nag-aalalang tanong nito na napaluhod para tapatan si Fortune kaya napatingin ito sa kanya.

"Natatandaan mo pa ba kung para saan ang mga plano natin?" tanong niya na ikinatango ni Dean. Napaluhod na rin si Syden sa gilid nito habang nakatayo sina Icah, Maureen, Hadlee, Nashielle at Ms. Freud.

"Y-you just have to kill the remaining members of dark eagle. Wala ng natira sa lahat ng tauhan ko..." mas humina ang boses nito nang makita nilang napadaing siya sa sakit dahil sa pagdurugo ng mga saksak nito, "K-kill them and escape...a-alam ni Felicity ang daan."

"Wala ka bang balak na sumama sa amin?"

"I did what I had to do, Dean Carson. I have no reason to escape now. I already had my revenge..." napansin na rin nila ang kawalan ng pag-asa nang unti-unting manghina ang presidente, "S-sorry for everything..." tinignan niya sina Dean at Syden hanggang sa unti-unting bumaba ang kamay ng presidente na nakayakap kay Myrtle.

Bago pa man ito tuluyang matumba ay mabilis na siyang sinalo ni Syden kaya naipatong nito ang ulo ni Fortune sa balikat niya. Unti-unti na ring napapikit ang presidente, "No, thank you for everything, miss president." saad ni Syden kaya bahagya itong napatango.

"If you still wish to know what kind of revenge I had...a-ask them." at 'yon ang mga huling kataga na binitawan nito bago siya tuluyang malagutan ng hininga. Unti-unting tumulo ang luha nilang lahat dahil sa lahat ng sakripisyong ginawa ng presidente ngunit mabilis rin nila 'yong pinunasan.

"Itinago sa kanya ni Mr. Wilford ang totoo tungkol sa pagkatao niya." napatingin silang lahat kay Ms. Freud nang magsalita ito, "Pinaniwala siyang iniwan siya ng magulang niya simula noong bata pa lamang siya but the truth is..." natigilan ito at napalunok habang nakatingin kay Fortune.

"Lim was her real mother. Augustus forced her to abandon Fortune to be trained under dark eagle. Alam ni Lim ang tungkol dito but Augustus threatened her na kapag sinabi niya kay Fortune ang totoo, papatayin niya silang dalawa...that's why Lim kept quiet at itinago ang totoo sa anak niya. Fortune didn't know about this at lumaki siyang galit sa magulang niya without even knowing the truth. One day, she found out everything and that was the time when Lim was already killed in Heaven's Ward High. Hindi nila nagawang mag-usap bilang mag-ina. She thought of getting her revenge against Augustus dahil sa nangyari kaya ginawa niya ang lahat para ilabas kayo dito at sirain ang masamang balak ni Augustus lalo na ng malaman niyang ipapadala ang buong dark eagle dito." pahayag nito.

"That's why she was so desperate to get us out of here?" tanong ni Dean na ikinatango niya.

"She planned everything from the start. Alam ko rin ang plano ng tatay mo at ni Felicity dahil kasabwat nila si Lim. When Fortune hid me, sinabi niya sa akin ang totoong plano niya kaya sinabi ko rin sa kanya ang plano ng nanay niya at ng heneral. Hindi niya lang agad nagawa ang plano dahil hindi niya alam kung sino ang pwedeng makakuha ng tiwala ni Savannah hanggang sa nakilala ka niya. Myrtle was also her real sister." nabigla naman sina Dean at Syden sa sinabi nito.

"Alam niya ba?" tanong ni Sy kaya umiling ito, "She was about to tell Myrtle about it, but this happened." napayuko silang lahat dahil sa sinabi ni Ms. Freud. If Fortune and Myrtle hadn't been killed, masasabi ni Fortune kay Myrtle ang totoo.

"Dark eagle society was supposed to serve the Wilford and Schulz family. They were trained to kill people na hindi pumapayag sa gusto ng dalawa, especially when it comes to business matter. Sa kagustuhan nilang malinis ang duming ginawa nila, they sent the whole society here. All officers were part of dark eagle at sila ang nasa pinakataas. Officers are included on the top 10 eagles, including us." pahayag ni Icah kaya napatingin sa kanya sina Dean at Syden.

"The three of us made it to the top that's why we were called the three eagles no until Fortune came, she tried to steal it kaya napunta sa kanya ang posisyon namin. Kinalaban namin siya at dahil walang nanalo, kaming apat ang inilagay sa pinakataas. The three of us makes us one and Fortune was the other, they often call her as the sole eagle."

"Did you leave the society?" tanong ni Syden na ikinailing ni Icah.

"No. We escaped dahil gusto naming mabuhay ng normal...pero nahuli kami ni Mr. Wilford kaya ipinatapon niya kami dito." sagot pa niya, "We never really trusted Fortune hanggang sa kinausap niya kami para sa mga plano niya. Pumayag kami dahil gusto rin naming makatulong."

"That's why hindi natin dapat na sayangin ang lahat ng nagsakrispisyo. Many died protecting everyone." dagdag ni Maureen kaya nagkatinginan silang lahat.

"Let's make our president's plan succesfull." dagdag pa ni Dean na tumayo kaya maiging binitawan ni Syden si Fortune at tumayo na rin, "Let's end this." dagdag pa nito bago sila tuluyang umalis.

Because of that, the final battle has started.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C93
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login