♡ Author's POV ♡
It's been five days since it happened and everything was completely ruined. It is really true that so much pain changes people. Bliss Syden was just a normal and innocent girl who was driven inside this horrifying place. In this perilous stage of time, being afraid won't do any good. It's either to kill or be killed. And the true meaning of friendship, love and loyalty will be tested.
Roxanne, Clyde and Sean Raven were busy guarding Bliss Syden's room. Punung-puno ng pag-aalala ang mga itsura nila dahil limang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Syden. She was lying on her bed with her weak body. Although it was already weak, never did she try to give up. Kahit gaano kahirap, kinaya niya. She might had been left and forgotten by him, but her mindset wouldn't change...it is to fight back...and this time no more tears were left to cry.
Nakaupo sina Roxanne at Clyde sa sulok habang nakaupo naman si Raven sa tabi ni Syden. Hinahawakan ng dalawang kamay niya ang isang kamay nito at halos limang araw na rin siyang walang pahinga dahil hinihintay niya ang paggising nito, "What do you think will happen once she wakes up?" napatingin si Raven kay Roxanne nang magsalita ito.
"Natatakot ako na baka hindi siya magising, pero natatakot din ako sa paggising niya." may pagkabahalang saad nito na muling tinignan ang kakambal niya, "Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Roxanne.
"She suffered too much and I am just afraid that she might not be my twin sister that she used to be once she wakes up. Can't you see her? She's totally emotionless...at hindi ko alam kung sinong Syden ang dadatnan ko kapag nagising siya." maayos niyang tinitignan ang namumutlang itsura ni Syden.
Tumayo si Clyde at lumapit kay Raven. Hinawakan niya ang isang balikat nito kaya napatingin si Raven sa gawi niya, "I'm sorry...for what happened." ani niya at halata sa mukha nito ang pagsisisi dahil sa nangyari. Napatingin sa ibang direksyon si Raven at nakaramdam ng galit, "You shouldn't be sorry, Clyde. It's the enemy who should feel sorry. I will definitely kill him. Lahat ng ginawa niya sa atin, hindi ko palalagpasin." wala sa sariling sambit nito habang nagpipigil sa galit at muling tinignan si Syden.
Ibinaba ni Clyde ang kamay niya at kagaya ni Raven ay tinignan niya rin si Syden. The moment they looked at her face, nanlaki ang mga mata nila ng dahan-dahan nitong buksan ang mga mata niya kasabay ng paggalaw ng kamay niya kung saan nakahawak si Raven. Dahil doon, biglang napatayo si Raven at nilapitan si Syden, "Sy?" tanong nito ngunit may halo ng pagkabigla.
Iniikot ni Syden ang mga mata niya na tila nalilito pa rin sa nangyayari hanggang sa magtama ang mata nila ni Raven. Sean Raven couldn't help himself but to feel so happy kaya napangiti ito at lumapit na rin doon si Roxanne na binati si Syden, "Finally! You're awake!" masayang saad nito. Isa-isang tinignan ni Syden ang tatlo at may pagtataka sa mga mata niya kaya nagkatinginan sila.
"S-sy. A-are you okay? May masakit ba sa'yo? Tell me." pahayag pa ni Raven kaya bumalik ang tingin sa kanya ni Syden. What? Tanong ni Syden sa sarili nito. She couldn't still absorb what's happening around her hanggang sa inilipat nito ang tingin niya sa kabilang direksyon kung saan walang tao kaya muling nagkatinginan ang tatlo.
Aktong tatanungin ulit siya ni Raven ay natigilan si Raven ng hawakan ni Roxanne ang braso niya, "I think we should not ask her about anything first. Looks like she is still confused." mahinang saad ni Roxanne kaya napatingin silang dalawa ni Raven kay Syden.
Nagbuntong-hininga si Raven at muling umupo, "Fine but I will stay with her." saad pa nito. Nagkatinginan sina Roxanne at Clyde at may halo ng kalungkutan sa mga mata nila dahil alam nilang limang araw na ring walang pahinga si Raven.
"Why am I still alive?" dinig nilang tanong ni Syden ng mahina kaya sabay-sabay silang napatingin sa kanya hanggang sa tignan niya si Raven, "Bakit?" tanong pa niya kaya napatingin si Raven kina Roxanne na nakatayo sa dulo ng kama ni Syden bago ibinalik ang tingin kay Syden. There were no sadness in her eyes, in fact there was anger in it.
"Uhmmm, S-sy....I think kailangan mo munang magpahinga-- "
"How many times do I need to ask bago ko makuha ang sagot na gusto ko, Raven?" seryosong tanong nito na ikinagulat nilang tatlo. This is what I am talking about, I am afraid that this would happen. Saad ni Raven sa sarili niya that's why he had no choice. He thought that telling her the truth would make it even harder for her situation pero si Syden na mismo ang nagtanong sa kanya kung ano talaga ang nangyari.
"Fine." sandali itong natigilan at nagbuntong-hininga bago nagsalita na sakto namang pagpasok nina Dave at Dustin na walang alam sa nangyayari at nabigla sila nang makitang gising na si Syden, "Pagbalik ko noong oras na 'yon, nakita kong nakabukas na ang pintuan ng kwarto mo. I thought you escaped kaya tinawag ko ang buong grupo para hanapin ka but I was wrong. Hinanap ka namin kung saan-saan hanggang sa makita namin na lumabas si Dean na duguan mula sa isang madilim na kwarto. W-we started to panick until we found you inside that room. The members of dark eagle society was about to dispose you pero naunahan namin sila at kinuha ka namin-- "
"Why do you even have to tell her about that? Kakagising niya lang and it's not safe for her-- " natigilan si Raven ng lapitan siya ni Dave at sabihin 'yon na hindi na rin niya natapos nang harangan din siya ni Syden sa pagsasalita na mas ikinabigla ng lahat, "I want to know the truth that's why I asked him..." seryosong tinignan ni Syden si Dave na natigilan naman sa nangyari, "If you don't want him to tell me the truth, ikaw ang magsabi sa akin ng totoo, Dave." saad nito na sinamaan ng tingin si Dave. They were all completely in shocked dahil sa inasal niya.
Who is this girl exactly? Tanong ng lahat sa sarili nila dahil sa pagkabigla.
"K-kinuha ka namin sa kanila because we wanted to save you, Sy." pagtutuloy ni Raven na umiwas ng tingin sa kakambal niya. Tumango naman si Syden at muling tumingin sa kabilang direksyon. Her eyes were completely full of anger.
"From now on, you don't need to save me anymore." saad nito, "Pero Sy-- "
"Raven..." at muling nagtama ang mata nilang dalawa, "I'm sick of this. So please, let me fight for myself. Sa dami ng pinagdaanan ko, tingin mo ba hindi ko pa rin kaya hanggang ngayon?" natatawang tanong nito ngunit tahimik pa rin ang lahat na nakatingin sa kanya, "Let me handle my own situation." dagdag pa niya.
Kahit labag sa loob ni Raven, "Fine, if that's what you want, Sy. Always remember na nandito lang kami para sa'yo." sagot nito.
Muling tumingin sa kabilang direksyon si Syden na hindi na nagsalita pa kaya sinira ni Clyde ang katahimikan nang mapatingin siya kina Dustin at Dave, "How about the other members? Did you find them?" mahinang tanong nito kaya napatingin sina Dave at Dustin kay Clyde. Umiling ang mga ito kaya nagtatakang napatingin si Syden sa gawi nila, "What happened?" kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala kaya nabuhayan silang lahat. Hindi pa rin talaga maiiwasan na mag-alala siya sa mga taong paulit-ulit siyang inililigtas.
"Stephen, Caleb and Oliver have been missing for five days. After we brought you here, bigla silang nawala." pahayag ni Clyde kaya nagsalubong ang kilay ni Syden, "Do you mean...limang araw akong walang malay?" tanong niya kaya tumango si Clyde, "At limang araw na rin silang nawawala. There were no signs of them."
"But they are not yet...dead, right?" tanong pa ni Syden pero tahimik lang ang lahat, "W-we don't have an idea kung nasaan sila. Naikot na namin ang buong building at araw-araw kaming naghahanap pero..." umiling si Dave pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya napayuko si Syden.
Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya napatingin si Raven doon lalo na ng mapansin niya ang pagdaan ng isang babae na tila pamilyar sa kanya kaya napaisip siya. Bigla na lang itong lumabas na ipinagtaka naman ng lahat at hinabol niya ang babae kaya natigilan ito at napatingin sa kanya, "Hindi ba ikaw yung kaibigan ni Leigh?" tanong nito na ipinagtaka ng babae at tumango.
"D-do you have an idea...kung ano ang ginawa ni Leigh the day before she died? K-kung may nakausap ba siya?" tanong pa nito ngunit bigla na lang napaiwas ng tingin ang babae at umiling, "W-wala akong alam." saad nito na tinalikuran ng mabilis si Raven kaya muli niyang hinabol ang babae at iniharap sa kanya.
"Please, gusto kong malaman ang totoo...at alam kong may alam ka dahil malapit ka kay Leigh." pakiusap ni Raven, "Gusto kong malaman ang totoo para maipaghiganti ko siya at alam kong 'yon din ang gusto mo. Kung gusto mo talagang bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya, sabihin mo sa akin ang nalalaman mo." napatingin ng diretso ang babae kay Raven at may pagkabahala sa mga mata nito. Nagdadalawang-isip pa rin siya kung magsasalita ba siya o pipiliing manahimik na lang. Gustung-gusto niya talagang tulungan si Leigh kagaya ng sinabi ni Raven pero dahil sa takot, wala siyang magawa. Umamin man si Dean kay Raven na siya ang pumatay kay Leigh pero pakiramdam ni Raven ay mayroon pa siyang hindi nalalaman.
Tumango ang babae kaya binitawan siya ni Raven, "Ang alam ko lang, nadatnan ko si Leigh sa kwarto niya na may binabasa sa isang maliit na papel. Nung nakita niya ako, agad niya ring tinago 'yon sa akin. Hindi ko alam pero simula ng matanggap niya ang papel na 'yon, ang laki na ng pinagbago niya. Lagi siyang wala sa sarili niya at parang malalim ang iniisip. Simula noon, hindi ko na siya nakakausap dahil ayaw niya akong pagbuksan ng pintuan sa tuwing pinupuntahan ko siya sa kwarto niya."
"Alam mo ba kung kanino o saan nanggaling ang papel na 'yon?" tanong ni Sean na ikinailing ng babae, "Pagkatapos niyang mamatay, napag-alaman na lang namin na..." natigilan ito at nabalutan ng takot, "Na ano?" tanong ni Sean.
"Kalat sa buong campus ngayon na maraming mga estudyante na nagpapakamatay...they were forced to do it at ganon ang nangyari kay Leigh." nagtaka pa si Raven dahil sa sinabi nito ngunit muli niyang naalala ang nakasulat sa papel na nabasa niya.
"Come to death alone or death will welcome you along with your friends."
"So it means they were telling her to commit suicide?" gulat na tanong ni Raven na ikinatango naman ng babae, "Kapag hindi siya nagsuicide, kami ang papatayin nila at isusunod nila si Leigh kaya alam na namin kung bakit takot na takot si Leigh noong mga oras na 'yon, Sean."
That's why many students commit suicide...in order to save their friends. Saad ni Raven habang nag-iisip ng malalim.
"Do you mean...Leigh was planning to commit suicide too?" tanong ni Raven.
"Yon rin ang nasa isip namin. Noong huling beses na nakausap namin siya, binanggit niya sa amin na gusto niyang matapos ang lahat kaya pupunta daw siya sa rooftop."
"Rooftop?" tanong pa nito na muling napaisip hanggang sa nanlaki na lang ang mga mata nito ng maliwanagan siya. Noong nakita ko si Leigh sa rooftop, bigla niyang itinago sa akin ang papel na 'yon, it only means she was planning to jump off from the rooftop pero hindi niya itinuloy nang makita niya ako...kaya pala hindi siya mapakali noong mga oras na 'yon, dahil balak na niyang gawin 'yon at nailigtas ko sana siya kung nalaman ko agad ang tungkol sa papel na itinatago niya. D*mn! I should've asked her!
"I just managed to hide from them kaya hindi nila ako napatay. Lahat ng mga kaibigan namin ni Leigh, wala na Sean." nabalutan ng takot ang babae at napayuko na lang si Raven dahil hindi ito makapaniwala sa nangyayari. Bigla na lang siyang tinalikuran ng babae at mabilis na tumakbo papalayo.
"Sean, is everything okay?" napatingin si Raven sa pintuan ng kwarto ni Syden at nakita niya si Dave kaya tumango siya. Lumapit siya dito para pumasok sa loob at aktong uupo siya sa tabi ni Syden ay sabay-sabay silang napatingin sa pintuan, "Where the hell have you been, Oliver?!" napatayo si Clyde at lumapit kay Oliver na duguan at nakahawak sa pinto habang hinihingal. Marami din itong sugat kaya lahat sila ay lumapit sa kanya.
Tinignan niya sila isa-isa bago ito nagsalita, "I-i managed to escape."
"From who? Where's Stephen and Caleb?" nag-aalalang tanong ni Clyde kaya unti-unti na ring tumayo si Syden na inalalayan naman ni Raven at lumapit na din kay Oliver.
Umiling si Oliver habang nakahawak sa gilid nito na dumudugo at halatang nanghihina na din siya, "I-i was just with them." at bigla na lang itong naiyak habang punung-puno ng dugo ang mukha niya, "P-pero kinuha sila. There were many of them kaya hindi namin kinaya." saad pa nito.
"Alam mo ba kung saan sila dinala?" tanong ni Clyde kaya umiling siya, "I don't know. Nakatakas lang ako." sagot nito hanggang sa may dumating na isang babae na nakilala naman ni Raven, "Sean.." saad ni Feli at parang hindi ito mapakali. Napunta sa kanya ang atensyon ng lahat kaya tinignan niya sila isa-isa bago ibinalik ang tingin kay Raven, "You need to see this." pinagpapawisan pa ito at hinihingal sa pagod kaya nagkatinginan ang grupo. Tinignan ni Raven si Syden at tumango naman ito kaya ng talikuran sila ni Felicity ay sumunod na rin si Raven at ang buong grupo.
Sinundan nila si Felicity ngunit nagtaka ang mga ito nang mapansin nilang pamilyar sa kanila ang daan na tinatahak nila dahil papunta si Felicity sa kwarto ng mga Vipers. Bigla itong tumigil sa tapat ng isang kwarto na mas ipinagtaka pa nila. Unti-unti niyang hinarapan ang buong grupo at tila kinakabahan ito, "Kai, what are we doing here? Kwarto 'to nina Stephen at Caleb." saad ni Raven kaya tumango siya, "I know that's why you need to see this, Sean." may pag-aalalang sambit nito habang naguguluhan naman ang buong grupo.
Isa-isa niya silang tinignan hanggang sa dahan-dahan niyang hinawakan ang door knob at iniikot 'yon, "Kai, may problema ba?" tanong ni Raven dahil sa itsura nito lalo na't nakita niyang nanginginig ang kamay ni Felicity. Unti-unti niyang binuksan ang pintuan at tinignan si Raven, "Whatever you're gonna see, please bear it." pakiusap ni Feli.
Hindi na maintindihan ni Raven ang inaasal nito kaya nang tuluyang mabuksan ni Feli ang pintuan ay sumilip si Raven sa loob. The moment he saw what was inside the room, unti-unti na niyang naintindihan kung bakit ganon si Felicity. Nanigas ito sa kinatatayuan niya at nanlaki ang mata. Bahagya siyang napaatras dahil sa kaba, pagkabigla at takot na nararamdaman nito. He never expected that he would see it, that this would happen, "T-this...can't be..." nauutal na saad nito habang nakatingin pa rin sa loob at tila mawalan na ng boses.
"What is it?" tanong ni Clyde na lumapit na rin kay Raven at sumilip sa loob ngunit katulad ni Raven ay natigilan din si Clyde dahil sa nakita niya. Nagsilapitan na rin ang lahat at tumingin sa loob. Napaatras si Felicity dahil pare-pareho ang naging reaksyon ng lahat. Takot, gulat at kaba. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso nila at tila nanigas sa kinatatayuan habang napako ang mga tingin nila sa loob.
Lahat sila, nakatingin sa dalawang taong nakasabit ng patiwarik habang nakabalot ng puting tela...ngunit ang puting tela ay nabalutan ng napakaraming dugo habang pumapatak ito sa sahig at unti-unting kumakalat. Nagkalat ang gamit nina Stephen at Caleb sa sahig...sira-sira na ang mga ito at nababalutan rin ng dugo. Unti-unting lumapit si Dave doon habang lahat sila ay nanginginig sa takot at tila walang gustong lumapit, "N-no...t-this is not them, right?" tanong nito na tinignan ang grupo ngunit walang kumikibo. Muli siyang lumapit sa dalawang katawan na nakasabit at kahit naginginig siya, pinilit niyang ibaba ang mga 'yon at putulin ang tali gamit ang kutsilyo nito. Nahihirapan na rin itong gumalaw dahil sa sobrang panginginig ng mga kamay niya.
Nang nasa sahig na ang dalawang bangkay ay pinilit niyang alisin ang telang nakabalot sa mga ito kaya't pinunit niya 'yon gamit ang kutsilyong hawak niya, "B-believe me, this is not them-- tinatakot lang nila tayo!" hindi ito mapakali at kahit ayaw niyang makita ang itsura ng dalawa ay sinubukan niya pa rin para ipakita sa grupo na hindi 'yon bangkay ng mga kaibigan nila. Lahat sila, isa lang ang gustong isipin...na totoo ang sinabi ni Dave na hindi sina Stephen at Caleb ang dalawang taong 'yon.
Nang tuluyang mapunit ni Dave ang telang nakabalot mula sa katawan ng dalawa, ay dahan-dahan niyang hinawakan ito para tignan ang itsura ng isa. Nang makita niya ang itsura nito ay hindi na siya nakapagpigil sa galit at kusa itong lumuha nang mapatingin sa kwintas na suot ng lalaki na pamilyar sa kanya. Kahit hindi niya kaya, pinilit niyang tignan pa ang isang lalaki at ganon din ang naging reaksyon nito, tulala dahil sa pagkabigla.
Lumapit na rin isa-isa sa kanya ang grupo at napatakip ng bibig si Roxanne. Nanginig silang lahat nang makita ang lapnos na balat ng dalawang lalaki at hindi na mamukhaan dahil sa asidong ibinuhos sa mukha nila. Nakikita na rin ang ibang parte ng buto nila na halos lumabas na dahil sa sobrang pagkakalapnos ng balat na naging dahilan upang mabilis na lumabas si Roxanne kaya sinundan siya ni Clyde.
End of part 1...