Download App
28.57% TRANSPORTED: Searching My Mr Right In Another World (Tagalog) / Chapter 1: CHAPTER 1: Welcome to another world

Chapter 1: CHAPTER 1: Welcome to another world

"Roaaaar!" Umalingaw ngaw sa buong  paligid ng kagubatan sa gitna ng kadiliman ang pag ungol ng isang mabangis na hayop. Hindi ko alam kung hayop ba itong maitatawag. Ang mukha nito ay tiger pero ang katawan ay unggoy. Mga buntot…oo mga dahil tatlo ang buntot niya na sobrang talim at matigas na iwinasiwas niya sa mga puno na ikanaputol ng mga ito. Mga mata na sing laki ng gulong ng sasakyan at mga ngiping matatalim! Naglalaway pa ito. Indikasyon na nagugutom ito.

Binilisan ko ang aking pagtakbo upang di niya ako maabutan. Alam ko na pag inabutan niya ako, paniguradong patay ako.

Waaah! Gusto ko ng maiyak! Sa dami ng kamalasan nangyari sa buhay ko bakit dumagdag pa ito. Mamamatay na ba akong birhen?! Geez! Bakit ko ba iyon naisip!

"Wag ka ng tumakbo! Makakain rin kita…" aniya. What?! Nag sasalita ito?!   "Bakit mo ba ako gustong kainin! Hindi naman ako masarap! Hindi ako maalat at hindi masarap! At isa pa! Nagsasalita ka?!" Gulat kong tanong sa kanya habang hindi humihinto sa pagtakbo.

"Hahaha….nagpapatawa kaba?! Ako ang hari ng kagubatang ito! Walang sino man ang hindi nakakakilala sa akin. Lumampas ka sa teretoryo ko kaya kakainin kita! Ngayon pa at nagugutom na ako." Kinilabutan ako sa sinabi niya…seryoso ba ito?!

Ugh! Napahawak ako sa tagiliran ko ng tumama ito sa sanga ng puno na matalim. Pinahid ko ang aking palad doon at tiningnan ko ang aking kamay.

Lumaki ang aking mga mata. Dugo?! Ngayon ramdam ko na ang mga likidong dumadaloy roon. Parang gusto ko ng mahimatay. Hindi! Kakayanin ko ito! Mabubuhay ako sa lugar na ito!

Sa di inaasahang katangahan ko. Hindi ko namalayang may malaking ugat sa aking dinaraanan kaya naman  nasabit ang paa ko doon at napasubsob sa lupa bigla.

"Aw," impit ko bigla ng mas lalong sumakit ang aking sugat.

"Hahaha wala ka ng matatakbuhan binibini. Huwag ka ng tumakbo at masasaktan ka lang," wika nitong nanglilisik ang mga mata.

Napahinto narin ito sa pagtakbo at dahan dahang lumalapit sa akin. Napapikit ako ng mariin. Katapusan ko na ata. Kung di ko ba naman sinundan ang itim na pusang iyon na kinuha ang kwentas na binigay ng aking ina. Hindi sana ito nangyayari. Pumasok ito sa isang kubo malapit sa sementeryo. Ng sinundan ko ito at makuha ang kwentas.

Paglabas ko ng kubo ay nasa gubat na ako at bumungad sa akin ang naghihintay na halimaw na ito. Lumingon ako. Pero parang bula na bigla nalang nawala ang kubong iyon na mas lalong kinabaliw na ng utak ko!

Voice: Welcome to Fantaria!

Ani ng boses na tila isang robot. Idinilat ko ang aking mga mata ng wala sa oras. Pero wala akong makitang nagsasalita. Ikinagulat ko ang paghinto ng halimaw na isang pulgada nalang ang layo ang sa akin. Napalunok ako. Nagmistulan itong parang statue.

Naigulo ko ng aking buhok bago nagsalita at parang baliw na tumingala sa kalangitan at napansing may tatlong buwan akong nakita na kulay asul, grey at pula. "Anong nangyayari?!"

Voice: Good question. Namatay kana sa iyong mundo na tinatawag na Earth. Kaya naman dahil sa awa ni Goddess Gamiya. Binigyan ka niya ng regalo. At yun ay mabuhay sa lugar na ito na may kapangyarihan.

Me: Te-teka! Paano ako namatay?!  Anong klaseng laro ito?! Bakit huminto ang halimaw na nasa harapan ko?! At nasaan ka?! Multo kaba?! Waaaah! Malas malas malas!

Nanguguluhan kong wika na napayuko agad.

Voice: Hahaha. Nakakatawa ka talaga. Isa isa lang ang tanong pwede? Una, oo, namatay kana. Paano? Nalimutan mong huminga habang umiiyak sa harapan ng puntod ng iyong mga magulang ng dumalaw ka. 30 minutes na ang nakakalipas. Pangalawa, hindi ito laro. Pangatlo, huminto ang halimaw dahil kay Goddess Gamiya. Pang apat, nasa Fantaria ka. Ang forest na ito ay sakop pa ng Fantaria. Ang Fantaria ay lungsod okay? At pang lima, hindi ako multo! Ako si Litlit, ang diciple ni Goddess Gamiya na nag anyong pusa kanina na ninanakaw ang kwintas mo na luma. Wala naman talaga akong balak kunin yan. Ginawa ko lang iyon para sundan mo ako at makapasok ka sa loob ng kubo na binigyan ko ang orasyon upang mai-summon ka sa lugar na ito."

Unti unting nangunot ang noo ko. Ang haba ng sinabi niya. Ang naiintindihan ko lang ay na transport ako sa mundong ito! Pinipilit na i absorb lahat ng mga sinasabi niya. Napilig ko ang aking ulo. Goddess Gamiya? Kahit ang gulo ko isipin. Walang Goddess  Gamiya akong maalala. Ahhhh!

Me: Sino si Goddess Gamiya?

Voice: Si Goddes Gamiya ay Goddess ng mga kamalasan. At ikaw ang may pinakamaraming kamalasan na naitala ng secretary niya. Magpasalamat ka nalang na pinadala ka niya sa lugar na ito.

Ka-kamalasan? Goddess  ng kamalasan?! So ako ang pinakamaraming nakuha na nakalasan sa earth. At dahil doon ay binigyan niya ako ng reward?

Ang mabuhay sa ibang mundo….Yes! Hindi ko ito sasayangin-

Voice: Bago ako umalis, ipapaalala ko lang sayo na may Cheat power ka at may kakayahan kang tingnan ang kanilang status. Sa lahat ng nakatira dito ikaw lang ay may kakayahang makakita agad ng level nila kung gugustuhin mo. Ang ilan ay kailangan pang gumamit ng puting crystal na maliit upang makita kung anong level kana.

Me: Parang laro?

Voice: Oo. Parang naglalaro kalang sa lugar na ito dahil sa binigay kong cheat power sayo. Hindi ka naman siguro mahihirapan dahil naglalaro naman kayo ng games sa earth--

Naitaas ko ang aking kaliwang kamay.

Me: Pero hindi ako naglalaro ng games.

Voice:H-ha?

Parang nagulat ito sa sinabi ko. Hindi naman talaga ako naglalaro. 16 years old palang ako at nag aaral ng Grade 11. Babad ang mata ko sa pag aaral kahit pa sinasabihan nila akong nerd at binubully araw araw. Hindi naman ako nagsusuot ng eyeglass. Nakapangko lang ang mahaba kong buhok pagpumapasok sa paaralan. O baka naman dahil sa naglalakihan kong acne sa pisngi. Malamang. Hindi naman ako maganda.

Napabuga ako ng hangin. Paano ako mabubuhay kong walang libro sa lugar na ito. Mas gugustuhin ko pang bumalik, nang sa ganun ay makapagtapos ako ng pag aaral gaya ng ipinangako ko sa aking mga magulang.

Me: Wala na bang paraan upang makabalik sa mundo ko?

Voice: Meron naman…kung mahahanap mo ang iyong Mr Right sa lugar na ito. Nasa screen mo na ang lahat ng detalye. Basahin mo nalang. Magigising ang halimaw na iyan sa loob ng 30 minutes. Bye bye!

Me: Sa-sandali!

Sigaw ko. Pero kahit ilang ulit kong tawag sa kanya. Hindi parin ito sumasagot. Umalis na nga ito.

"Status," wala sa sariling wika ko. Lumabas sa screen ang name na blanko pa at race na blanko rin. Level 1 na hindi ko na ikinagulat. Power blanko rin. Pumunta ako sa setting at may nakita akong Mr Right na naka off pa.

Pinindot ko ang detalye. Nakasaad roon na once na na on ito ay hindi na pwedeng i off. Kung sino ang iyong nahalikan ay siya ay iyong napiling Mr Right. Mutual dapat ang feelings. Pag mali…kamatayan ang kabayaran. Nalunok ko ang aking laway. Napapikit pa ako habang ini on ito.

You have 20 minutes left. Aniya ng screen na tila isang alarm. Gumagalaw ang numero nito na nasa gilid. Nyemas! Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito bago pa ito magising! Itinukod ko ang aking isang kamay upang maalalayang maitayo ang aking katawan. Hindi naman ako nabigo.

Sinuri ko muna ang kabuuan ng anyo nito bago nilisan ang lugar ng paika-ika gamit ang sanga ng putol na kahoy na napulot ko sa aking tabi kanina.

Magkikita rin tayo ulit halimaw, at sisiguraduhin ko na ikaw naman ang tatakbo pag hinabol ko.


CREATORS' THOUGHTS
ArujinSan ArujinSan

Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ito. Chapter 1 done!

REVIEWS ARE HIGHLY APPRECIATED!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login