Download App
95.87% Love Connection [Tagalog] / Chapter 93: CHAPTER 73 – So, Why Does It Rain?

Chapter 93: CHAPTER 73 – So, Why Does It Rain?

V4. CHAPTER 14 – So, Why Does It Rain?

NO ONE'S POV

"Good morning class, siguro naman alam niyo na na magkakaroon kayo ng bagong kaklase ano,"

"Yes, mam,"

"Good, kasi today I'll introduce you to her."

"Today is not a good day," sabi ni Aldred sa sarili. Umuulan at mag-isa siyang pumasok ng eskwela. Tulog pa rin si Arianne noong umalis siya. Hindi na rin ito ginising para pumasok dahil minabuti ng kaniyang ama na ipa-check up muna siya.

Isang oras pagkatapos makausap ni Cecil si Alex ay dumating na ito kasama ang anak na si Marius. Katulad ni Arianne ay nay chestnut color hair din ang nakababata niyang kapatid. Gwapo katulad ng kaniyang ama, may pagka-feminine itong kumilos, may salamin sa mata na katulad kay Harry Potter at kasing tangkad na ni Monique kahit na sampung taong gulang pa lamang.

Hindi nakausap ni Aldred si Marius dahil mukhang pagod ito. Dumiretso na kagad ito sa kwarto ni Arianne at tumabi sa kaniyang ate para matulog.

"How lucky for him to sleep beside my Arianne. Kailan kaya ako?"

"Good morn— oy ang sad mo boy a," bati agad ni Charles pagkadating niya. Umagang-umaga ay naabutan niya si Aldred na nakapangalumbaba sa desk nito at naka-usli ang nguso. Hindi na nga niya nilapag pa ang kaniyang bag at dumiretso na lang sa pwesto ni Aldred para kausapin ito.

"May nangyari kasi kay Arianne. Hindi siya pumasok ngayon."

"Ganon? Bakit anong nangyari?" Umupo si Charles sa desk ng kaibigan.

Aldred sighed, "Kasalanan ko bro, inatake siya ng anxiety kahapon."

Hindi nakapagsalita kaagad si Charles. Nakita niya kasi ang kalungkutan at pag-aalala sa mga mata ni Aldred kaya kahit gusto niyang biruin ito ay di niya magawa.

"Kumain kasi kami sa labas kahapon," napataas ang kilay ni Charles sa narinig, "tapos habang nagi-stroll kami iniwan ko siya," napasingkit naman ng mata si Charles, "tapos ng ma-realize ko yung ginawa ko, binalikan ko siya tapos naabutan ko na iyak na siya ng iyak."

Napakamot si Charles sa kaniyang ulo pagkatapos ng salaysay ni Aldred. Umihip siya ng hininga bago iikot ang paningin sa paligid na para bang may hinahanap.

"Nasaan na ba si Jerome, dapat marinig niya yung kwento mo e,"

Ngayon ay na-realize din ni Aldred na wala pa nga ang kaibigan nila na laging maaga pumasok.

"Bakit mo nga ba kasi iniwan si Arianne a?"

"Nise-seduce niya kasi ako."

Siningkitan ng tingin ni Charles si Aldred. His face went flat at nagkaroon siya ng pagnanasang sapakin ang matalik na kaibigan pero buti na lang ay tumunog na ang bell kaya napigilan niya ang kaniyang sarili.

"You're lucky, you don't know how much I want to punch you right now." Ngumisi si Charles.

Pagdating ng kanilang adviser ay agad nagsipag-ayos ang mga estudyante ng class 3-A. Umupo na si Charles sa kaniyang silya na nasa harapan katabi ng dingding malapit sa pinto. Pumasok ang kanilang guro pero may naiwang isang babae sa labas na naka-sibilyan. Tinignan niya ito na sinalubong naman siya ng pagngiti.

"Come'on iha, please come in," saad ng guro. Napalingon ang mga estudyante sa pinto ng silid. Unti-unti ay lumabas ang pigurang nasa kabilang bahagi at unti-unti rin ay napapalitan ng pagka-amaze ang ekspresyon ng mga nagaabang.

"Hello, good morning, everyone, I am Amanda Beatriz Yaptengco, nice to meet you all. I am now in your care so I hope we'll all be good. Laking US ako pero kaya kong magsalita ng Filipino. Kinagagalak kong makilala kayong lahat," masiglang pagpapakilala ni Amanda sabay lingon sa paligid. Lalo siyang napangiti noong makita ang hinahanap niya. Samantala ay umingay naman ang silid. Everyone is curious about their new classmate especially the boys.

"Jerome is absent today kaya Aldred, since you're the vice president, sa'yo ko muna ipagkakatiwala si Miss Yaptengco. Ipakilala mo sa kaniya ang school natin at ituro mo rin sa kaniya ang mga rules and regulations."

Na-surpresa si Aldred noong malaman niya na absent si Jerome pero mas ikinagulat niya ang sunod na iniutos sa kaniya.

"Oh, Aldy will assist me?"

Napalingon ang lahat kay Aldred.

"Aldy? He's Aldred Cuzon. Do you know each other?" manghang tanong ng guro.

Kasing bilis ng pagtango ni Amanda ay ang mabilis naman na pagka-disappoint ng mga lalaking kaklase ni Aldred.

"Oh yes! Aldred and I were childhood friends."

Nilingon ng lahat si Aldred at naabutan nila itong bumuntong hininga bago tumango.

♦♦♦

"Today is not a good day," Bianca told herself.

Lumingon siya sa labas ng bintana. First period at kasalukuyang may klase nang bigla na lang bumuhos ang ulan. Makulimlim na ang kalangitan noong umalis si Bianca ng bahay pero dahil mas nagdidilim ang kaniyang puso ay di na niya naisipang magdala pa ng payong.

Their teacher was discussing something about an upcoming quiz. Bianca should be worried because Economics is her weakest subject but right now, her mind is too cloudy to be concerned.

"Ayoko po pumasok ngayon, Ma."

Bianca sighed noong maalala niya. Kumakain sila ng almusal nang pumasok si Jerome sa kusina. His eyes were red and has bags and circles all over them. Their Mom asked if he is sick but what Jerome replied surprised and puzzled them.

"Ayoko lang po," saad niya sabay balik sa kaniyang silid. Lahat sila ay napatunganga which is understable dahil for the first time ay ganoon ang idinahilan ni Jerome. Malungkot na pumasok si Bianca dahil sa nangyari pero naging mas malungkot pa siya ng malaman na absent si Arianne.

August ang pinakamaulang buwan sa Pilipinas (at kung gusto niyong malaman ay February naman ang pinakamaaraw). August was originally named Sextilis, salita mula sa patay ng lenggwahe na Latin. Kaya Sextilis ay dahil ang six sa latin ay sex at sa orihinal na 10-month roman calendar ay ika-6th month ito. Pagkalipas ng ilang taon ay tinawag itong August noong 8BC bilang pagpaparangal sa founder at unang emperador ng Roman empire na si Augustus Caesar. May tatlong birthstones ang August, ito ay ang peridot, sardonyx at spinel. Meron din itong birth flowers na gladiolus at poppy na sumisimbolo ng beauty, strength of character, love, marriage and family.

Kapag ipinanganak ka ng August ay isa sa dalawang zodiac sign na Leo at Virgo ang kahahantungan mo. Kilala ang mga Leo na natural born leaders, dramatic, creative, self-confident, dominant at mahirap i-resist katulad ni Natalie na ipinanganak noong August 22. Ang mga Virgo naman ay hayag bilang analytical, practical, sensible, loyal at perfectionist. Kilala rin sila bilang single minded pero extremely dedicated sa kanilang mga ginagawa katulad na lang ni Pristine.

Maraming notable events sa buong mundo ang maalala sa tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto. Month of August nang dalawang beses na bombahin ng atomic bomb ang Japan, ito rin ang buwan ng mamatay si Elvis Presley at pumutok ang bulkang Vesuvius na dahilan para masira ang syudad ng Pompeii sa Italya. Sa ating bansa ay ito ang buwan kung kailan in-assassinate si Ninoy Aquino at ang buwan kung saan ipinagdiriwang ang National Heroes Day bilang pagpupugay sa anibersaryo ng Cry of Pugad Lawin, ang simula ng Philippine revolution.

Afterall sa bawat pag-ulan ay lilitaw pa rin ang araw...

"Miss, saan po ang punta mo?"

Nilingon ni Arianne ang lalaking guard. Nanatili ang kaniyang mata dito pero hindi siya umimik. Nagtaka ang gwardiya kaya inusisa niya ang kaniyang kinikwestyon. Ini-scan niya ang dalaga at na-conclude niya na hindi ito taga-rito. Mukhang mayaman si Arianne sa paningin ng sekyu base sa aura, karisma at pilantik ng mga kamay. Mukha ring wala naman siyang kakayahan manakit sa isip-isip niya pero syempre kailangan niyang mag-ingat. Napaisip ang sekyu dahil umagang-umaga, umuulan at basang-basa na ang naka-school uniform pa man din na babae pero nandito ito sa entrance ng subdivision. 

Kapag isa kang security guard ay kailangang marunong kang mangilatis at kahit ano pa ang kanilang maging konklusyon, maganda man o hindi ay kailangan nilang maging skeptical lalo na't kapag hindi normal ang nangyayari.

"Miss?" Nakapayong na nilapitan ng security si Arianne.

"I'm going inside," saad ni Arianne na ikinagulat ng security.

Naningkit ang mga mata ng guard at napansin niya na may kakaiba sa dalagang kaniyang kaharap. Parang wala ito sa sarili.

"Sorry Miss, pero hindi pwedeng pumasok dito yung mga hindi residente. Kung bisita naman, dapat may tawag mula sa loob," pagpapaliwanag ng sekyu na tila hindi pumasok sa utak ni Arianne. Nanatili siyang nakatulala lang sa kawalan. Minabuting isilong ng security si Arianne. Inalalayan niya ang dalaga sa balikat at dinala sa security post. Tatawag sana siya sa kaniyang senior para ipag-alam ang nangyayari pero sakto ay dumating ito.

"May problema ba?" tanong ng nakatatandang security nang mapansin si Arianne na nakatayo sa tabi.

"Eh sir, ito kasing estudyante gustong pumasok. Wala naman tawag galing sa loob na may bisita. Tapos hindi naman siya taga dito."

Sinulyapan ng superior si Arianne at nilapitan ito para kausapin.

"Iha, mukhang mali ka ata ng napuntahan. Ano bang pangalan mo? Saka anong subdivision ba ang pupuntahan mo para maituro namin?"

Arianne looked at the superior with her emotionless and darkened eyes.

"I'm Arianne Mari Fernandez and no I'm not mistaken."

The senior security was shocked for a moment before a smile immediately plastered on his aged face. Pinagmasdan niyang maigi si Arianne at agad niyang nakilala kung sino ang kamukha nito.

"Ah, o—opo! You're not! Nasa Central Estates po kayo. Pasensya na po," mabilis na tugon ng matanda na ikinagulat ng nakababatang security.

"Kayo lang po ba mag-isa? Nanggaling po ang Papa niyo dito kagabi kasama yung nakababata mo pong kapatid a," masayang kwento ng security.

Arianne didn't react.

"Wala po ba kayong payong? Ito po o," pag-abot ng security na hindi pinansin ni Arianne.

"Can I come in?" she asked and this time the security guards let her.

Pumasok si Arianne ng Central Estates na nakasunod sa kaniya ang mga mata ng dalawa. Umuulan pero hindi niya iyon ininda kahit na basang-basa na siya. Blangko ang pag-iisip niya pero tila alam ng kaniyang mga paa at binti kung saan siya tutungo.

"Sino 'yon sir?" nakakunot noong tanong ng batang security.

"Panganay na anak 'yon ng lalaking pumunta dito kagabi. Yung dating may-ari nitong Central Estates," sagot na nagpakorteng-O sa kaniyang bibig.

"Ang gandang bata sir a, artistahin ang dating kaya lang parang lutang. Okay lang ba na hayaan natin?"

"Okay lang yan, sa laki ng mansion nila hindi 'yan maliligaw. Saka andoon naman ata ngayon yung caretaker nila."

Muli ay binalik ng batang security ang tingin niya kay Arianne pero naglaho na siya sa kaniyang paningin.

ARIANNE'S POV

Sabi nila normal lang na wala ka ng maalala sa childhood mo kapag malaki ka na. Naikwento iyon sa akin ni Dr. Mariano noong minsan ay tanungin ko siya. Meron daw kasing tinatawag na Childhood Amnesia kung saan unti-unting nawawala yung ilang memories ng kabataan natin habang tumatanda tayo.

Tinanong ako ni Dr. Mariano kung bakit ko naitanong iyon. Sinabi ko sa kaniya na wala lang pero alam niya na nagsisinungaling ako.

"May naaalala ka bang hindi mo dati naaalala?"

1st year highschool ako sa SES noon ng pag-tripan ako ng isa sa mga notorius na bully ng paaralan. I ended up losing consciousness and found myself inside the clinic later. I still remember Felicity's face at that time. It was the first time, according to Enrico that she lost her cool. Kinailangan kong mag-therapy matapos yung insidente na 'yon kaya ilang araw akong absent then eventually ay pinalipat ako ng school ni Mama.

Tumango ako kay Dr. Mariano. Sinabi ko sa kaniya na may napanaginipan akong batang lalaki sa isang malaking mansyon.

"What do you feel about that dream? Do you think it's a part of your memory?" he asked.

Nagkibit-balikat ako, "Nothing," I said.

"Kilala mo ba yung batang napanaginipan mo?"

Hindi ako nakasagot and then we moved on to a different question.

I don't know if it's because I'm too stiff to deliver myself, emotionless, or too tired. Or maybe he's the one who is tired of not understanding what I meant. When I answered "Nothing", what I meant is I felt nothing like I am an empty vessel. That dream somewhat opened a hole in my heart that I thought I already forgot.

Right now, I'm in front of the mansion that I dreamt of before and also last night. It was already raining when I woke up with that familiar emptiness. The emptiness that will unknowingly lead me here.

Lumalakas pa ang ulan pero hindi ko ito ininda. Sa ngayon kasi ay ito lang ang pumupuno sa sisidlang ako na walang laman. Nagpapaalala na meron pa rin akong pakiramdam. I never like being damp but who will not like the coolness that the rain brings? Coolness is always associated with the words calmness, soothing and serene. That's why every time it rains I always feel comfortable. The rain will not choose what kind of person you are. It will not choose your current state. Happy, grave, sad or empty, the rain will always hug you to give comfort.

Marahan kong iniapak pa abante ang mga paa ko. Hinawakan ko ang railing ng napakataas na gate at nakaramdam ako ng kaunting gulat ng bumukas ito. Sa main gate ay kita ko na ang mansyon pero hindi dahil sa malapit lang ito kundi dahil sa sobrang laki nito. Sinimulan kong maglakad sa mala-work of art na pathwalk na napapaligiran ng mga iba't-ibang kulay ng rosas. Sa ayos ng mga bulaklak ay alagang-alaga ito. Nilapitan ko ang isa para pagmasdan ng maigi pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa utak ko.

"Arianne!"

Napalingon ako sa paligid ng makarinig ako ng tinig ng bata. Hallucination? Posible dahil wala naman akong nakitang tao. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

Habang tumatagal ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kasanayan. Unti-unti na rin bumabalik ang kamalayan ko kaya naitanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba ako nandito?

It is so wrong to trespass on someone's house but in the back of my mind, I feel so right that I am here. Dumating ako sa main door ng mansion with the righteousness of my back mind winning. I looked around, but no one is here. This is really not right so I turned my back but what I saw from behind made me stop.

Mula rito sa aking pwesto ay kitang-kita ang buong front yard. Yung tatlong gate, mataas na fence, yung intricated design na pathwalk, yung mga roses, yung fountain sa gitna at yung mga puno sa gilid. Nakikita ko lahat kahit na yung mga bagay na hindi naman dapat.

"Arianne, anak, gusto mo ba i-surprise natin si Papa mo?" tanong ni Mama sa batang ako. Nandoon kami sa tabi ng fountain.

"Arianne, anak, magugustuhan kaya 'to ng Mama mo?" tanong ni Papa sa batang ako habang hawak-hawak niya ang isang bouquet ng rosas.

"Papa, paglaki ko po gusto kong maging katulad ni Mama," sabi ng batang ako habang naglalakad kaming tatlo sa pathwalk na magkakahawak ang kamay.

Marami pang mga pangyayari na ngayon ko lang naalala ang naglitawan. Some were happy memories, some were not. Hindi kinaya ng utak ko yung biglaang pag-daloy ng mga alaala kaya nakaramdam ako ng pagkahilo. Pinikit ko ang mga mata ko at sa muli kong pagdilat ay naramdaman ko ang pinakaunang pagkadurog ng puso ko na akala ko'y naging estranghero na sa aking pakiramdam.

"Mama, where are you going? Iiwan mo na ba kami ni Papa? Paano po ako? Sabi mo love mo ako? Bakit mo ako iiwan? Hindi mo na ba love si Papa? Papa, please stop Mama! Papa, why are you not stopping her?!"

My mother left us 14 years ago and it happened in August during heavy rain. Both my parents and I were drenched in water. I held my mother's hand to stop her while my father just stared at us. I don't know what happened but I'm aware that both of my parents quarreled a lot before.

Hindi ko noon napigilan si Mama at iyon ang kauna-unahang pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko. Dumating ang umaga at kahit maaraw ay nanatiling malumbay ang pakiramdam ng paslit na ako.

"Arianne, bakit ka malungkot?" tanong ng isang lalaking paslit na hindi ko maalala kung sino. Nakaupo kami sa ilalim ng isang puno.

"Umalis kasi si Mama. Iniwan niya kami kagabi," malungkot na tugon ng batang ako.

Bigla ay tumayo ang batang lalaki. Sinundan ko siya ng tingin habang tumatakbo siya patungo sa mga rosas. Tumingkayad ang bata habang inaabot ang matinik na sanga. Dahil sa paga-alala ay napatayo naman ang batang ako. Lalapit dapat ang batang ako sa kaniya pero nang tumigil siya sa pagtingkayad ay pumihit siya paharap sa akin na may malaking ngiti sa kaniyang labi.

"Para sa'yo," saad ng bata ng iabot ang pulang rosas. Tinignan ng batang ako ang bulaklak at kahit napakaganda nito ay di niya naiwasang tignan ang sugat-sugat na kamay ng kalaro niya.

"Thank you, pero dapat di ka na kumuha. Nasugatan ka tuloy."

"Okay lang," masayang sabi ng batang lalaki pero noong makita niya na hindi pa rin sumaya ang batang ako ay ngumuso siya.

"Sabi ni mama kapag may problema raw mag-pray lang kay Papa God. Lika upo uli tayo tapos pag-pray natin na bumalik na si Tita Shan."

Kinuha ng batang lalaki ang kamay ko. Nakita ko ang pagngiwi niya dahil sa sakit pero agad din siyang ngumiti. Lumuhod kami saka inilagay ang rosas sa harapan namin. He then asked me to close my eyes. Sumunod naman ako at namagitan ang katahimikan sa aming dalawa.

Actually, my parents also said the same thing. Na kapag may problema, pagaalinlangan, kalungkutan, kasiyahan o sa kahit ano pa man ay wag makakalimot na kausapin ang Panginoon. Pero noong panahon na iyon ay nagalit ako sa Kaniya. Sabi kasi nila ay ipagkakaloob ng Panginoon kung ano ang makakabuti sa iyo pero sa isipan ng isang paslit na tulad ko ay lumitaw ang tanong na makakabuti ba na iwanan ako ng aking ina?

"Sana po Papa God, pabalikin niyo na po si Tita Shan, yung mama po ni Arianne. Ayoko po kasing nakikita si Arianne na malungkot po. Kahit po bawal kukuha po ako ng maraming rosas kahit matinik ako basta pabalikin Mo na po ang Mama ni Arianne para masaya na po uli siya."

Dumilat ang batang ako na may ngiti sa labi. Ngumiti rin sa'kin ang batang lalaki.

"Arianne, promise ko sa'yo hindi kita iiwan kahit kailan," sabi niya.

Pumikit ako at lumitaw sa alaala ko ang naging sagot noon ng Panginoon sa aming dasal. Kinabukasan ay dumating si Papa na kasama na si Mama. Sobrang saya ko noong mga panahong iyon dahil nadinig ni God ang panalangin namin. Naging kumpleto uli ang pamilya namin kahit saglit lang.

Matapos kong panuorin ang mga alaalang iyon ay pumihit ako muli paharap sa main door. Opening this big brown antique door will lead me to the past that my brain always tries to hide. I'm aware that my brain does things like that to protect me and I am thankful because it saved me from a lot of sadness.

This mansion was the place where I grew up. Yung maraming sulok nito ay saksi kung saan ako unang tumawa, nalungkot at umiyak. Dito ako unang tumugtog ng violin, nag-pinta at nag-bisikleta. Dito unang ipinakita sa akin ng Panginoon na lahat ng pangyayari ay may rason at kahulugan.

Hinawakan ko ang door handle at marahan itong itinulak. Wala namang kahirap-hirap itong bumukas na tila ba iniimbita talaga akong pumasok. Umapak ako papasok sa foyer at agad bumungad sa akin ang isang mapait na alaala.

Isang araw ay bigla na lang hindi umuwi ang mama ko. Akala ko dahil sa busy lang siya pero dumaan ang linggo at lumipas ang ilang buwan na hindi ko na siya nakita o narinig pa. Ilang beses kong tinanong kay papa kung bakit hanggang sa isang araw, kasabay ang nagdidilim at walang emosyon niyang anyo ay isiniwalat niya na nakipag-annulled siya kay ama. 

Nang malaman ko iyon ay agad akong nagdasal sa Panginoon sa pag-iisip na baka pwede niya uling gawin yung dati. Umaga, tanghali, gabi at araw-araw akong nagdasal pero hindi bumalik si Mama. Doon ay na-realize ko na hindi mangyayari ang dati dahil katulad ni Mama ay wala na rin ang batang dati kong kasamang magdasal.

ALDRED'S POV

Kumakain na kami ng tanghalian pero hindi pa rin tumigil ang ulan. Sa harap ko ay nakalatag ang tinolang manok, dalawang cup ng kanin, chocolate shake at slice ng dulce de leche pero nakaramdam ako ng kawalan ng gana. Hindi ko alam kung dahil sa panahon ba o dahil simula pa lang kaninang umaga ay wala ng saysay ang araw ko.

"Bakit kaya absent si Jerome?" tanong ni Carlo. Nagkibit-balikat na lang ako. Pareho naming ni-message si Jerome kung bakit nga ba siya wala pero hindi naman siya sumagot.

"Did you ask Bianca? May number ka niya di ba?"

Nilabas ko ang aking cellphone at ni-message si Bianca pero katulad ng kapatid niya ay hindi ito sumagot.

"Weird," sambit ni Carlo sabay kagat sa kaniyang butter cookie.

Siningkitan ko si Carlo. That butter cookie smells really tasty pero ako na ang nauumay para sa kaniya. Magsasalita sana ako pero naagaw ang atensyon ko.

"Hey, Aldy! Why did you leave me? Did you forget what our advisor said? You're supposed to guide me on my first day!"

Bigla na lamang sumulpot si Amanda sa tabi ko dala-dala ang isang maliit na bag. Since bago si Amanda ay naka-civilian lang siya. Naka-white sneakers, blue fitted jeans at white tshirt in contrast sa sobrang itim niyang buhok na hanggang bewang. Nitignan ko lang siya saglit saka balik ng tingin sa aking tinola. Sumubo ako at habang ngumunguya ay mas nawalan ako ng gana.

Amanda sat beside me. Nilabas niya ang isang lunch box at pagkabukas nito ay tumambad ang samu't-saring gulay. She's having a salad for her lunch.

Yuck!

"So why do you know each other?" Carlo who is at the opposite side ask directly at Amanda. Kinindatan niya ako dahil kanina habang naglalakad kami sa canteen ay nikwento ko na sa kaniya kung bakit namin kilala ni Amanda ang isa't-isa. 

Amanda and I were grade school classmates back in the US. Part kami ng isang programa para sa mga batang may remarkable intelligence or talent.

"Oh! It's because Aldy and I were classmates back in grade school sa states. Palagi kaya kaming magkasama, right Aldy?" Amanda's tagalog in American accent entered my ears. I sighed and then nodded.

Totoo na lagi kaming magkasama noon ni Amanda. Kami lang naman kasi ang may lahing pinoy doon sa program kaya syempre kahit papaano ay nagkakaunawaan kami.

"Eh? Ano 'to Aldred? Bestfriends tayo pero hindi mo man lang naikwento na may ka-close kang ganito kaganda dati?"

Tinignan ko si Carlo ng masama.

"Just so you know we're not close. She's a total pain in the ass and annoyed me so much," I scowled.

Tumawa si Carlo pati na rin si Amanda. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ako nga pala si Charles Carlos Ramirez bestfriend ni Aldred," pagpapakilala ni Carlo with his signature playboy smile. Napaisip tuloy ako kung ano ang tingin niya kay Amanda lalo na't kagaya nito ang mga tipo niya.

"Nice to meet you," tugon naman ni Amanda with her signature eye smile. Narinig ko naman ang pagsunod ng mga bulong ng paghanga dahil sa aksyon niyang iyon.

Habang nag-uusap kami ay pansin ko na maraming nakatingin sa amin. Naisip ko na normal lang iyon dahil kay Amanda na bukod sa bagong salta dito sa school ay hindi pa naka-uniporme. Hindi rin naman maitatanggi na maganda at charismatic siya kaya halos lahat ng estudyante sa canteen ay nakatutok ang mga mata sa kaniya.

Binalik ko ang aking atensyon sa pagkain. Ngumunguya ako at palunok na sana nang biglang mabulunan ako sa mga sunod na aking narinig.

"Love rival alert! Love rival alert! Poor Fernandez! I heard she has amnesia after the JFEvent. Is that true?"

"Narinig ko nga rin. Kung totoo man at nakalimutan niya si Aldred naku sana makaalala na siya bago pa maagaw yung boyfriend niya sa kaniya."

Anak ng!

"Okay ka lang?" parehong tanong ni Amanda at Carlo.

Napangitngit ako bago iikot ang tingin sa paligid.

Anak ng tinapa 'tong mga 'to?! Ano bang akala nila sa akin? How dare they speak nonsense! Si Arianne lang ang mahal ko at wala akong balak ipagpalit siya ever!

I glared at everyone whom I set my eyes on. Nag-alisan sila ng tingin.

Sa inis ay tinusok ko ng tinidor yung dulce de leche. Kahit di ko pa ubos yung kanin at tinola ay napa-dessert na tuloy ako para mawala ang aking galit.

"What's wrong with him?" Amanda asked with a smile on her face.

Tumawa naman si Carlo, "Pagpasensyahan mo na siya. This is not his day. Um-absent kasi yung babaeng gusto niya kaya wala siya sa mood."

Tinignan ko ng masama si Carlo.

"Really? Aldy has someone he likes? Kaklase ba natin siya? Saan siya nakaupo?" masayang pangi-intriga ni Amanda. Nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Sa tuwing nakakaramdam ako ng negatibo ay nawawala kagad iyon basta kumain lang ako ng sweets. Masarap naman 'tong cake pero hindi sapat para maibsan ang nararamdaman ko. Mukhang nagka-tolerance na ako sa regular sweets at iba nang tamis ang hinahanap ng aking sistema.

Sigh, I miss my Cotton Candy.

Gusto kong iuntog ang aking ulo sa mesa nang biglang lumitaw si Arianne sa isipan ko. This is really frustrating. Gusto ko ng umuwi para makita ko na siya.

Kamusta na kaya si Arianne? Gising na kaya siya? Kamusta kaya yung check-up niya? Okay lang ba siya? Nakakaalala na ba siya? Naaalala niya kaya yung nangyari kagabi?

Maraming question mark ang nagsulputan pa sa isip ko. Ngayon ay lalong nawalan ng tamis ang cake dahil sa aking pag-aalala.

"Or siya pa rin ba yung batang babae na lagi mong sinasabi dati?" dagdag na tanong ni Amanda sa akin.

"What are you saying?" I asked because her question sounds ridiculous to my ears. Bigla naman ay sumingit si Carlo.

"She's not our classmate. Taga-ibang school siya, sa SNGS, sister school nitong NIA," saad niya na mukhang ikinamangha ni Amanda. Kumorteng O kasi ang bibig niya.

"SNGS? Yung girls' school 'yon di ba? Malapit lang ba 'yon dito?"

"Oo, mga 5-minute walk. Bakit?" tanong ni Carlo.

"May nakilala kasi ako kahapon na taga-doon."

Marahang tumango si Carlo.

"Taga-ibang school naman pala. Then it's just a norm that you don't see her, right?"

Hindi ako sumagot.

"That's the norm pero yung set-up kasi nila hindi. Nakatira sila sa iisang bahay at sabay sila laging pumapasok kaya ganyan siya," natutuwang sabi ni Carlo sabay tawa. Pinanlisikan ko siya ng tingin.

"Really?" Amanda asked in disbelief. Nakatitig siya sa akin na nireaksyunan ko ng pag-make face. Tumawa siya.

"Zhēn méi xiǎng dào..." pabulong na sabi ni Amanda na syempre hindi ko naintindihan.

"What?" singkit mata kong tanong sa kaniya.

Bago magsalita si Amanda ay sumubo muna siya ng kaniyang pagkain. Sumubo rin ako gayundin si Carlo. Pagnguya lang namin tatlo muna ang nag-usap.

"Ano na palang nangyari doon sa bata na lagi mong pinagmamayabang na pakakasalan mo dati?" tanong nanaman ni Amanda na hindi ko alam kung saan niya kinukuha.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?"

Kumunot ang kilay niya sa reaksyon ko.

"Eh? You don't remember? After rejecting a lot of kids including me because of her?"

Pareho kaming nakatanga at nakatitig ni Carlo sa kaniya.

"Sheesh! I can't believe you! Sa school before every time there was someone that will confess to you, you will always reply, I can't because I already made a promise to someone else."

"May sinabi akong ganoon dati?"

Pasubo na si Amanda noong bigla niyang ibaba ang kaniyang tinidor. She stared flatly at me.

"I know that most genius people are forgetful but it's not an excuse for you to forget something that you always say especially that it's a so-called promise on top of all," paglitanya ni Amanda.

Bigla ay humalakhak si Carlo, "For real, Aldred? I didn't know this bro. Who is this girl? Ikaw pala ang tunay na senpai! Bata pa lang umaariba na!"

Sininghalan ko si Carlo.

"What the hell Carl? Please choose your words and Amanda I'm sorry pero wala talaga akong maalala."

Napatanga sa akin ang dalawa.

"True?" tanong ni Amanda.

Marahan akong tumango at nagtinginan naman ang dalawa sa isa't-isa.

"Oh, that's sad," reaksyon ni Amanda with her straight face, "Napaka-harsh mo kaya dati, lagi mong sinasabi, I don't like you, I only like Arianne. I'll finish school early so that I'll move immediately back to Philippines. I will visit Arianne and surprise her and asked her to marry me. Arianne here, Arianne there. Nakakatawa ngayong naaalala ko. Paulit-ulit ka ta's sasabihin mo sa'kin na wala kang maalala? Seriously?"

Napatanga ako kay Amanda. Saglit ay paunti-unti kong nabibitawan ang tinidor na aking hawak habang nakatitig sa kaniya. Wala akong maalala ni katiting sa mga sinasabi niya kaya hindi lang ang tinidor kundi pati panga ko ang tuluyang nalaglag noong mabanggit niya ang pangalan ni Arianne.

"What is that, Aldred? Ibig sabihin matagal na kayong magkakilala ni Arianne?" pag-conclude ni Carlo.

Wala ako sa sariling napalingon sa kaniya. Sinubukan kong i-proseso ng maigi ang aking pag-iisip. Sinuyod ko yung mga kasuluksukan ng wrinkles ng utak ko pero wala talaga akong maalala.

"I—I don't know... I don't know."

I am speechless by Amanda's revelation. Obviously, she's not lying pero bakit wala akong maalala ni kung ano sa mga binanggit niya. Nalilito ako. Magkakilala na ba kami dati pa ni Arianne? Yung Arianne ba na tinutukoy niya is yung Arianne na minamahal ko ngayon? Bakit wala akong maalala?

"Pero yung Arianne na nabanggit mo Charles, siya ba yung gusto ni Aldy?"

Tumango si Carlo, "What a coincidence, hmm... Pero maraming may name na Arianne sa mundo. Saka ipinakilala ko lang naman si Arianne kay Aldred at originally wala talaga silang idea sa isa't-isa, right Aldred?"

Unsure akong tumango. Posible kasi na meron nga lalo na't magkakilala ang mga magulang namin. Ngayon ay naalala ko yung mga madalas kong panaginip kung saan involve ang isang batang babae. Malabo sa akin ang itsura niya pero merong angking familiarity sa kaniyang aura. Si Arianne at yung batang iyon, pareho sila na may kakaibang puwang sa puso ko.

"You're right pero kung yung Arianne na like ngayon ni Aldy is the supposed to be heir of the old aristocrats Arevalo-Fernandez, which is Arianne Mari then siguro makikilala niya iyon. After all, iyon yung lagi niyang binabanggit na pakakasalan niya."

"Arianne Mari Fernandez?!" I exclaimed. Napatayo pa ako dahil sa gulat.

Muli ay kumain si Amanda ng kaniyang salad bago tumango sa akin.

"Yeah, Arianne Mari Fernandez. I remember it correctly because this brain never forgets. You even erased the word love in the dictionary and replaced it with her name because duh Arianne is love according to you. So simp."

♦♦♦


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C93
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login