V4. CHAPTER 3.2 – Just as Planned
NO ONE'S POV
"So, ano ang gusto mong una nating sakyan?"
Mariing nakatingin sa mga mata ni Charles si Pristine bago nito ibaling sa isang naglalakad na couple ang atensyon. Ibinalik niya kay Charles ang kaniyang mga mata saka pumilig ng ulo.
"Can we just walk together and wander around?"
Ngumiti si Charles at tumango. Kukunin niya sana ang kamay ni Pristine pero mas pinili ng dalaga na umangkla sa kaniyang braso. Sa gitna ng masaya at maingay na paligid ay tahimik silang naglalakad. Segundo, minuto at ilang nakakatatwang mga pangyayari sa paligid na ang dumaan ngunit nanatiling tikom ang kanilang mga bibig. Naiintindihan ni Charles kung bakit ganito ang set up nila. Of course, Pristine is still wary of him. She has the right to lalo na na siya ang kasama niya.
Sa totoo lang, up to now ay hindi pa rin talaga nawawala ang galit ni Charles sa dalaga. Sa tuwing nakikita niya si Pristine ay naaalala niya ang kaniyang ama. Pero ma-imagine niya lang na mawala ito sa kaniya ay para siyang mawawala sa sarili. Minsan na siyang nawala noon pero ginawa niya lahat ng paraan para makabalik. He set up his goal, delivered his plans... he hated Pristine at first then fell all over for her. He then hated her again but realized at the end that he still loves her. Conflicted as it is but that is what he feels. Magulo pero hindi iyon mahalaga. Ang mahalaga lang ay ma-reach niya yung goal niya – to secure Pristine and make her his.
"Do you want me to buy ice cream?"
Tumango si Pristine.
"Chocolate chip it is, right?" tanong ni Charles na nagpamangha sa kaniya.
"You still know what I like," mahinang sabi ni Pristine. Matipid man siyang ngumiti pero naging dahilan ito para tumugon si Charles with his famous killer smile. Hinimas niya ang bumbunan ng dalaga bago siya umalis.
Pagkaalis ni Charles ay umupo si Pristine sa may malapit na bench. Hindi man halata pero tunay na masaya si Pristine. Hindi lang niya talaga maipakita physically dahil matagal na noong huli niyang maranasan ang ganitong uri ng saya. Masaya siya sa tuwing kasama niya ang kaniyang mga kaibigan, masaya siya kapag inaaway niya si Natalie at masaya rin siya kapag nanunuod siya ng horror at gore movies. Maraming paraan para maging masaya ngunit bawat paraan ay tila ginawa upang maka-cope up tayo sa iba't-ibang uri ng kalungkutan.
"Hey," naagaw ang atensyon ng nakatulalang si Pristine nang idampi ni Charles sa kaniyang ilong ang tip ng ice cream. Natawa si Charles sa kaniyang ginawa bago nag-squat paupo sa harapan ng dalaga.
"Ang layo ata ng iniisip mo."
"Wala akong iniisip."
"Eh bakit nakatulala ka?"
"Kasi nga walang tumatakbo sa utak ko."
"Hindi ka ba masaya na kasama ako?"
Nagtitigan ang dalawa. Ilang segundo ang lumipas at kinuha ni Pristine ang chocolate chip ice cream sa kamay ni Charles. Umalis naman ang binata sa kaniyang pwesto at umupo na rin sa tabi ni Pristine. Pinanuod niyang kumain ang dalaga at nang makita niyang may mabuong ngiti sa mga labi nito ay hindi na niya kailangan pang marinig ang sagot sa katanungan niya.
Mula sa likod ay inilapat ni Charles ang kaniyang kanang kamay sa kanang bewang ng dalaga at kinabig ito palapit sa kaniya. Nagulat si Pristine kaya napalingon siya kay Charles pero sinalubong siya nito ng halik sa gilid ng labi.
"Sayang yung ice cream," sambit ni Charles na nagpapula sa mga pisngi ni Pristine. Sunod ay nagnakaw naman siya ng mabilis na halik sa labi ng dalaga.
"I'm eating," naiiritang banggit ni Pristine. Nakasalubong ang kaniyang mga kilay pero imbes na tumigil si Charles ay mas lalo lang itong naengganyo na istorbohin siya.
"Pero gusto ko ring kumain."
"Bakit kasi di ka bumili ng sayo?"
"Gusto ko kasi share tayo," masayang ngumiti si Charles dahilan para mapatitig si Pristine sa kaniya.
"O, ito na sayo na."
Iniabot ni Pristine ang ice cream,
"Ayoko."
"Huh?"
"Ayoko. Ang gusto ko yung galing sa labi mo."
Ngumiti si Pristine pero kita ang pagkairita sa mga mata niya, "Bastos," saad niya saka aktong isasalpak sana sa bibig ng tumatawa na binata ang ice cream pero natigilan siya noong makarinig ng tinig.
"Aww, lovebirds."
Napalingon si Pristine sa isang morenang babae. Nakahalukipkip ang mga braso nito habang nakatingin sa kanila ni Charles.
"Hi Charles," bati ng babae na ikinalaki ng mga mata ni Pristine.
"Hello Deb," seryosong tugon naman ni Charles.
"Mabuti naman naaalala mo pa ako. Anyway, I heard that you and your latest girlfriend broke up. Siya na ba ang kapalit?" nakangising tanong ng babae. Hinintay niya ang magiging tugon ni Charles pero hindi ito sumagot kaya binaling na lamang niya kay Pristine ang kaniyang atensyon.
"Oh girl, sorry for interrupting your lovey-dovey moment with Mr. Playboy and also for not introducing myself. I'm one of Charles' ex-girlfriends Debrielle Castañeda... and you are?"
Lumingon si Pristine kay Charles at naabutan niya ang mapait nitong ekspresyon. Unknown to Charles ay kilala ni Pristine si Debrielle. Alam niyang ito ang 6th girlfriend ni Charles, currently 17 years old, Birthdate: October 23, nag-aaral ito sa EMIS at anak ng isang business man. Alam niyang lahat ng ito dahil gaya nga ng kini-claim niya ay wala siyang pakialam kay Charles.
"I'm Pristine Vicereal," nakangiting tugon ni Pristine na halatang ikinagulat ng kausap niya. Dahil dito ay nakadama siya ng kalamangan. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa apelyido niya. Hihintayin sana ni Pristine ang magiging tugon ni Debrielle pero biglang tumayo si Charles hawak-hawak ang kaniyang braso dahilan para malaglag ang ice cream na kinakain niya.
"It's nice to see you Deb pero kailangan na naming umalis," saad ni Charles. Hinatak niya paalis si Pristine ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila ay nagpapigil ito nang marinig ang halakhak ni Debrielle.
"Oh my god Charles! I can't believe it. Siya yung Pristine? Oh my gosh, I never thought that she is a Vicereal," saad ni Debrielle na ipinagtaka ni Pristine. Nang tignan niya si Charles ay nakita niya ang namumula nitong mukha at iritableng ekspresyon. Nangatog si Pristine nang bigla na lang itong bumulyaw.
"Shut up!"
"Baliw ka talaga Charles. Hindi ko tuloy maintindihan yung sarili ko kung bakit ba nakipagrelasyon ako sayo."
"Halika na Pristine, she's just bitter kaya kung anu-ano ang pinagsasa-sasabi."
Dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kaniya ni Charles ay nakaramdam si Pristine ng pananakit ng kamay. Magrereklamo sana siya ngunit nakita niya ang panggigigil sa ekspresyon ng binata. Binaling niya ang kaniyang mata kay Debrielle at naabutan niya ang pagngisi nito.
"Bitter talaga ako ulol! Minahal kita pero manggagamit ka bwiset! Lahat kaming ex mo ginamit mo lang para maging proxy. I really can't believe it na siya pala ang pinagpapantasyahan mo. Yung anong-ano ka na sa kalagitnaan tapos biglang ibang pangalan maririnig mo na isisigaw niya. Sira ulo lang no?" Humalakhak si Debrielle.
"Hey stop! Don't make her hear things like that!"
"Hah! Aba may hiya ka pala?" Nilingon ni Debrielle si Pristine.
"Sorry to say this girl, pero kung gusto mong ingatan 'yang apelyido mo ay lalayuan ko na 'yang lalaki na 'yan. He's a mad man. Siraulo 'yan, may kulang na turnilyo, sintu-sinto, psycho! Good luck na lang sayo, bye!" pahayag ni Debrielle sabay takbo paalis.
Matapos marinig ang mga degrading na remarks ay tinignan ni Pristine si Charles.
"You will not believe her, right?" tanong ni Charles habang nakatingin siya sa lumiliit na pigura ni Debrielle. Hindi kaagad sumagot si Pristine.
"Hindi ko naman siya masisisi. Galit siya sa akin kaya kung ano-ano yung sinabi niya," malungkot na saad ni Charles. Iniangat niya ang kanina niya pang hawak na kamay ni Pristine at iniloob ito sa isa niya pang palad.
"Katulad ni Papa, hindi mo ako iiwan di ba?" tanong ni Charles na nagpatanga kay Pristine. Nang hindi umimik si Pristine ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagbulusok ng damdamin si Charles. Biglang nangatog ang mga kamay niya at halos maluha na ang kaniyang mga mata. Desperado niyang inulit ang tanong kay Pristine.
"Hindi di ba?!"
Nagulat si Pristine dahilan para hindi na siya makapag-isip pa at tumango na lamang. Pagkasagot niya ay agad napawi ang lahat ng tumapong emosyon ni Charles. Lumunok ito ng malalim at ngumiti na tila walang kakaibang nangyari.
"Good, good. Mabuti kasi mahal na mahal kita Piri. Hindi mo ako pwedeng iwan kasi mahal mo rin ako di ba?"
Wala sa wisyo ay tumango si Pristine.
"No, say it. Say it to me," utos ni Charles.
Kumakabog ang puso ni Pristine pero ngayon ay hindi niya mahinuha kung bakit. Natutuwa siyang marinig kay Charles ang mga salitang iyon pero iba ang nakikita niya sa mga mata nito. Kaakibat ng kaniyang pagmamahal sa binata ay nakakaramdam siya ng kaba sa kung saan patungo ang magiging sagot niya.
"Ma—Mahal din kita Charles pero..."
"Pero ano?"
Biglang nagdilim ang paningin ni Charles. Binitawan niya ang kamay ni Pristine dahilan para makaramdam ito ng lungkot.
"Siguro naniniwala ka kay Debrielle na siraulo ako ano?"
"Hi—Hindi pero alam mo naman yung sitwasyon ko di ba? Nakatakda akong ikasal sa iba."
Bumuga ng hininga si Charles, "Oo nga pala," malungkot na sabi niya, "For sure wala kang balak na kontrahin yung utos ni Tita Veronica di ba? Kasi sino ba naman ako? Anak lang ako ng isang normal na mamamayan. Walang bearing para magkaroon ng koneksyon sa'yo at sa apelyido niyo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Simula pa lang naman hindi na ako karapat-dapat para sa'yo. Honestly, hindi ko nga maintindihan kung bakit ako nagustuhan ni Natalie... kung bakit mo ako nagustuhan. Sabagay mga bata pa naman tayo noon pero bata pa rin tayo ngayon. Pampalipas oras lang ako," malungkot na pahayag ni Charles saka ito pumilig ng ulo.
"Hah? Hindi... Kahit kailan hindi! Never naman naging issue sa akin yung estado at alam kong ganoon din kay ate. Pinili ka niya kasi ikaw si Charles. Mahal din kita kasi ikaw si Charles. Mahal kita dahil sa kung ano at sino ka."
Saglit na hindi umimik si Charles at nakatitig lang kay Pristine. Dahil dito ay kinabahan ang dalaga. Naisip niya kasi na baka may mali siyang nasabi.
"Really?" tanong ni Charles na agad tinugunan ng pagtango ni Pristine. Ngumiti siya at nawala na ang madilim niyang aura. Masaya niyang kinuha ang parehong kamay ng dalaga. Akala ni Pristine ay ayos na pero nagulantang siya sa sumunod na tanong nito.
"Ibig sabihin papayag ka na makipagtanan sa akin?"
"Huh?"
Dahil sa naging reaksyon ni Pristine ay biglang nag-iba nanaman ang aura ni Charles. Binitawan niya ang mga kamay na dalaga at malungkot na tinignan ang gulat nitong mukha.
"You can't, right?"
Hindi sumagot si Pristine ngunit tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.
"Of course, you can't," malungkot na pahayag ni Charles kasabay ang blangkong tingin niya kay Pristine. Sa gitna ng mga puno at sa kalagitnaan ng sikat ng araw ay bumuhos ang luha ni Pristine. Mahal niya si Charles pero hindi siya handa sa gusto nitong gawin. Oo't iyon lang ang paraan para makasama niya ang binata ngunit mali iyon. Kukunin sana ni Pristine ang kamay ni Charles pero agad nitong iniiwas ang sarili sa dalaga. Nagulat si Pristine pero mas nagulat siya sa sumunod na sinabi at ginawa nito.
"Hindi mo ako mahal Pristine. Hindi mo ako mahal," malamig na saad ni Charles bago niya talikuran si Pristine at iwan itong umiiyak.
♦♦♦
Naiwang umiiyak si Pristine sa may bench. Ilang beses niyang pinunasan ang kaniyang mga mata pero hindi ito tumitigil sa paglabas ng masasakit na likido. Naghalo na nga ang kaniyang mga luha pati ang lagkit ng kaninang ice cream sa kaniyang kamay. Sobra siyang nasasaktan sa mga huling salita na sinabi ni Charles. Wala siyang tigil sa paghikbi kaya nakakaagaw na siya ng atensyon. Napapalingon ang mga dumadaan kay Pristine at lumagpas sila ng may magkakahalong reaksyon. Awa, simpatya, natatawa sa itsura niya at nasasayangan sa nalaglag na ice cream na nagkakahalagang P150.
"Kailangan mo pa ba talagang masaktan para maunawaan mo na dapat mo ng layuan yung lalaking iyon?" saad ni Irene habang inaabot ang kaniyang panyo. Pagkaangat ni Pristine ng kaniyang mukha ay naunang nandiri si Irene bago maawa sa kaniya.
"I can't believe he can mess you up like this."
Bumunot si Irene ng alcohol sa kaniyang bulsa. Ini-spray-an niya ang mukha ng alaga bago punasan ang mukha nito.
"Ba't may green?"
Sinagot si Irene ng pagsinghot ng dalaga. Binaliktad niya tuloy ka agad ang panyo.
"I know you love him eversince. Masaya ako noong naging kayo dahil nakita ko kung gaano ka rin naging kasaya. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya. Kung sinasabi niyang mahal ka niya pwes hindi iyon totoo dahil hindi nananakit ang nagmamahal. Hinayaan kong magdaan siya ngayon sa mata ko para sa'yo. Sa susunod ay hindi ko na siya papalampasin pa. Kung kinakailangan ay ipaparating ko na kay Madam kapag naulit pa na nilapitan ka niya. Miss pakiusap, ayoko ng makita kang umiiyak."
Umihip ang hangin at dumampi ito kay Pristine. Pumasok lahat sa isipan niya ang sinabi ni Irene. Dinama ng puso niya ang pag-aalala ng bodyguard niya sa kaniya. Lumunok si Pristine para sana mapigilan na ang kaniyang paghikbi ngunit sa halip ay tumapon ang samu't-saring emosyon na nadarama niya. Muli sa kalagitnaan ng sikat ng araw ay bumuhos ang ulan mula sa mga mata niya.
♦♦♦