V4. CHAPTER 3 – Just as Planned
NO ONE'S POV
"Miss Pristine, may bibilhin pa po ba tayo?" tanong ni Irene na hindi kaagad nakaani ng sagot. Bigla kasing nag-ring ang cellphone ng kausap niya at doon natuon ang atensyon nito.
"Hello? Who's this?" tugon ni Pristine na ipinagtaka ni Irene at ng isa pang kasama nilang bodyguard. Pareho nilang tinignan ng maigi ang senyorita.
"Piri, good morning. Where are you?"
"Sorry, but I think you got the wrong number," nagseryoso ang mukha ni Pristine noong malaman niya kung sino ang nasa kabilang linya.
"I know that you are currently in the mall. Can we see each other?"
"Ah okay lang po, sige po, bye."
Bago patayan ni Pristine ang kausap ay nakarinig pa siya ng paghalakhak. Napangitngit siya dahil sa inis pero agad din itong naglaho noong marinig niya ang mga pahabol pang salita ng tumawag sa kaniya.
"See you later, I love you."
Napakagat sa kaniyang labi si Pristine matapos niyang marinig ang huling tatlong salita na binitawan sa kaniya. Napalingon siya kina Irene at naabutan niya ang mga nakataas nitong kilay.
"Any problem, Miss?"
Umiling si Pristine, "Nothing, just wrong number," tugon niya kasabay ang kaniyang default angelic smile. Ini-slid niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pantalon saka pasimpleng tinurn-off ang tunog nito.
"Ano nga pala uli yung tanong mo kanina?"
"Kung may bibilhin pa po ba kayo?"
"Ah, let's see."
Pristine looked around. Napaisip siya habang nakatitig sa mga paper bag na dala ni Robert. Kung tutuusin kasi ay nabili niya na lahat ng balak niyang bilhin.
"Pwede bang maglakad-lakad muna tayo?"
Kagaya ng hiling ni Pristine ay naglakad sila. Habang lumilibot sa loob ng Central Mall ay panay ang ikot ng mata ng dalaga sa paligid. Dahil sa sinabi ni Charles ay nasisiguro niyang nandito rin ito, nagmamatyag sa kaniya. Pasimple namang nagtinginan si Irene at Robert dahil pansin nila ang kakaibang kilos ng alaga nila.
Bigla ay naramdaman ni Pristine ang pag-vibrate ng kaniyang phone.
UNKNOWN NUMBER: Pupunta ako sa department store. Sa may lingerie section.
Halos mapiga ni Pristine ang kaniyang cellphone matapos niyang mabasa ang mensahe.
"So what?" sa isip-isip ni Pristine, "As if I will follow him..." ngumisi siya.
"Miss Pristine?" tawag ni Irene na ikinagulat ni Pristine. Napataas pa ang balikat niya dahilan para magduda si Irene.
"Ano, pwede bang paunahin na natin sa sasakyan si Kuya Robert? Gusto ko kasing pumunta sa lingerie section," nahihiyang hiling ni Pristine na ikinapula ng mukha ng lalaking bodyguard niya.
"Irene?" kwestyon ni Robert.
Hindi man sang-ayon si Irene ay pumayag pa rin siya.
"Okay, sige kuya Robert, pakidala na lang din itong ibang pinamili."
Iniabot ni Irene ang iba pang paper bags.
Habang naglalakad ang dalawa patungo sa kanilang paroroonan ay panay ang pagmamasid ni Irene sa paligid. Kilala niya kung sino ang nakakapagpa-akto kay Pristine ng ganito. Minsan na siyang nalusutan ni Charles at hindi niya hahayaang maulit pa iyon.
"Aren't you going to buy something?" tanong ni Irene habang naka-idle sila. Naagaw ang atensyon ni Pristine na kanina pa rin pasimpleng nagmamasid sa paligid. Wala sa sarili siyang napatango.
"Y—Yes!" Naitugon ni Pristine bago nagmadaling pumunta sa bra section. Sa totoo ay hindi niya ugaling bumili ng underwear in public. Kung bibili man siya ay naka-schedule iyon at tanging sa mga kilalang boutique lamang. Habang iniisa-isa ni Pristine ang mga nakasabit na bra at nagpapanggap na interesado sa kaniyang ginagawa ay muling nag-vibrate ang phone niya. Pagkabukas niya ng message ay napaikot ang ulo niya sa paligid.
UNKNOWN NUMBER: Piliin mo yung pastel pink na color, tapos cup b.
"Huh?! Are you kidding? Kainis! Nasaan ba siya?!"
Naiinis na si Pristine kaya huminga siya ng malalim para kumalma saka muli ay nilibot ang mata sa paligid. Galit siya kay Charles pero kapag naaalala niya lahat ng sinabi nito noong nasa may bodega sila ng NIA at yung itsura nito na natatabunan ng mga luha ay nagugulo ang emosyon niya. Mas lumalala pa ito kapag umuulit sa isip niya ang huling tatlong salita na binanggit ni Charles.
Muli ay nag-text nanaman ang lalaki sa kaniya.
UNKNOWN NUMBER: I love you.
Napadaop palad si Pristine sa bra na kaniyang hawak. Napansin siya ng sales lady kaya nilapitan siya nito.
"Kukunin niyo po ba 'yan mam?"
"Ah ano, ita—try ko muna," sagot ni Pristine saka siya tumungo sa fitting room dala-dala ang pastel pink colored bra na cup b. Sinundan siya ni Irene.
Walang tao sa fitting room. Pumasok si Pristine sa gitna ng limang fitting cubicles. Pagkapasok niya sa loob ay napatitig siya sa repleksyon ng sarili sa full body mirror bago sa underwear na kaniyang dala. She stared at it eye level before blowing a distressed breath. Hindi na niya kailangan pang isukat ang bra dahil alam niyang hindi ito kasya sa kaniya. Cup C kasi talaga siya.
"What the hell am I doing?" tanong ni Pristine sa sarili. Tatapusin na sana niya ang kaniyang kalokohan at lalabas na pero bigla ay tumawag sa kaniya ang numerong ginagamit ni Charles. Malalim siyang napalunok bago sagutin ito.
"What are you up to?" pagbungad ni Pristine.
"Sinukat mo na ba?"
"Huh? Why would I? Anyway, I am asking you, ano bang binabalak mo a?"
"Sukatin mo."
Nanggigil na napadaop palad si Pristine.
"At bakit naman kita susundin?"
"Susukatin mo ba o hindi?"
"Aargh! You're not even answering my questions. Tigilan na natin 'to, by—" papatayin na sana ni Pristine ang tawag ng biglang ma-stun siya sa sumunod na sinabi ni Charles.
"Pristine, I love you. You will do it for me, right? You still love me, right?"
Pristine squealed inside. Nakita na lang niya ang sarili na naghubad ng damit pantaas para sundin ang iniutos sa kaniya ni Charles.
"How is it?" tanong ni Charles na ikinalambot ng mga binti ni Pristine. Napakalambing kasi ng tono nito.
"Hindi kasya."
"Ah, ganoon ba?" malambing na reaksyon ni Charles, "Sorry, sige... utusan mo na lang si Miss Irene na kuhanan ka ng cup C. Sabihin mo yung ganyang kulay pa din ah."
"O—Okay," tugon ni Pristine. Kung sundin niya lahat ng pinapagawa ni Charles ay para siyang nahipnotismo. Tinawag niya si Irene at inutusan ito.
Nagdadalawang isip man ay napilitan si Irene na iwan saglit si Pristine. Pinuntahan niya ang pinagkuhaan ni Pristine ng bra at hinanap ang sales lady na humahawak nito. Samantala ay bigla namang nawala sa linya si Charles. Ini-inspect ni Pristine ang kaniyang hubad na upper body noong biglaang bumukas ang kurtina ng cubicle.
"Ire—"
Hindi na natapos pa ni Pristine ang sasambitin niya noong takpan ni Charles ang bibig niya. Mula sa likod ay akap-akap siya nito. Namula ang mukha niya ng makita ang ayos nila sa salamin. Nagpumiglas si Pristine pero natigil siya ng maramdamang sinusuotan siya ni Charles ng jacket.
"Cha—Charles,"
"Shh, huwag ka maingay," bulong ni Charles sabay zip up sa jacket na isinuot niya kay Pristine. Inalis niya ang kanyang hawak sa kinuha ang hinubad na damit at bra para ilagay sa bag na kaniyang dala. Sunod ay hinila niya si Pristine paalis.
"Bilisan mo," utos ni Charles.
Naguguluhan man sa kung anong gagawin ay kusang sumunod ang mga binti ni Pristine sa humihila sa kaniya. Lumingon siya sa kaniyang likod. Part ng utak niya ang humihiling na sana ay makita sila ni Irene pero part din nito ay ayaw na mahuli silang dalawa.
♦♦♦
"HAHA-Hahahaha!" Charles laughed between his breaths. Malayo na ang natakbo nila ni Pristine at kasalukuyan silang nasa may parking area ng Central Mall. Tinignan ni Charles ang kaniyang kasama at naabutan niya ang paghahabol nito ng hininga.
"Ang galing! Just as I planned," saad ni Charles. Hindi makapaniwal si Pristine sa kaniya.
"Nababaliw ka na! Ano sa tingin mo 'tong ginagawa mo?" galit na tanong ni Pristine. Napatitig sa kaniya si Charles pero imbes na sagutin siya ay hinawakan nito ang kaniyang pisngi. Agad ay hinawi ni Pristine ang kamay ni Charles at nanggigigil na tinitigan ang binata.
"I missed it."
"Missed what?!"
"Your smile," napabago ng sinabi ni Charles ang reaksyon ni Pristine. Kahit papaano'y nag-relax ito.
"Palagi ka man nakangiti pero alam kong ilan lang ang totoo doon. At kahit alam kong hindi totoo yung mga ngiti mo umaasa pa rin ako na ngingiti ka kapag kasama mo ako. Eversince kasi na nag-interact uli tayo lagi nalang nagpupuyos yung galit mo sa akin e."
"Bakit? Sa tingin mo ba nakakatuwa yung mga ginagawa mo sa akin?"
"Bakit? Hindi ka ba masaya na kasama mo ako?"
Nagtitigan ang dalawa sa isa't-isa at muli ay nag-init nanaman ang dugo ni Pristine.
"Walang mararating 'tong usapan natin. Paalisin mo na ako," sabi ni Pristine saka siya pumihit patalikod. Hahakbang na sana siya paalis ng biglang akapin siya ni Charles mula sa likod.
"You don't know how happy I am to be with you. Ang tagal kong pinag-planuhan lahat ng ito. Ang tagal kong nagplano at naghintay para mapalapit uli sa iyo alam mo ba iyon?" tutok na pahayag ni Charles sa tenga ni Pristine. Tumatama ang mainit na hininga niya sa balat ng dalaga dahilan para magulo ang isipan nito.
"Ano naman? Wa—wala na akong pake sayo kaya hindi ko alam," pagkatapos magsalita ni Pristine ay mas humigpit ang akap ni Charles sa kaniya. Na-conscious siya at namula noong pumwesto sa ilalim ng kaniyang dibdib ang kanang braso ni Charles. Wala siyang damit panloob kaya dama niya kung paano sadyain ng binata ang pagbunggo ng kamao nito sa kaliwang dibdib niya.
"Charles," naiiritang sambit ni Pristine pero naiwan ang mga salita niya sa hangin ng itutok naman ni Charles ang labi nito sa leeg niya.
Kung nakikita lang ni Pristine ang kasalukuyang ekspresyon ni Charles ay siguradong ikabubuhol-buhol ito ng utak niya. Daig pa kasi ng mukha ng binata ang kamatis sa pamumula.
"Piri, alam mo ba sabi sa akin ni Mama layuan kita. Pero hindi ko siya sinunod kasi isipin ko pa lang iyon mababaliw na ako. Hindi ko kayang mawala ka kaya ginagawa ko lahat ito. Mahal na mahal kita Pristine," and just by that ay nawala na lahat ng kontrang opinyon ni Pristine para sa binata.
Pumihit si Pristine paharap kay Charles kaya naabutan niya ang namumulang mukha nito at naluluhang mga mata. Agad ay bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito kanina pero sino ba naman siya para magduda pa kung ganito pala ang itsura ni Charles habang sinasabi ang lahat ng iyon.
"To—Totoo ba 'yon?"
Tumango si Charles saka kinuha ang kanang kamay ni Pristine para halikan ito.
"Actually, I even asked Aldred and Jerome's help to pursue you. Hindi nila alam yung past natin but they're willing kasi ngayon lang daw ako humingi ng tulong nila pero hindi na ako nakapaghintay. I'm sorry Pristine if I made things rough," sabi ni Charles sa nagsusumamong tono dahilan para mas lumambot pa ang puso ng kausap niya.
Inutusan ni Charles si Pristine na magpalit ng pang itaas. Binigyan niya ang dalaga ng plain colored pink shirt saka binalik niya rin ang bra nito.
"Okay ka na ba?" tanong ni Charles pagkalabas ni Pristine ng rest room.
Tumango si Pristine pero hindi niya maiwasang magtaka.
"Saan tayo pupunta?"
Ngumiti si Charles, "Sa may Central Amusement Park. Magdi-date tayo," tugon niya na ikinapula ng pisngi ni Pristine.
"Pero paano sina Irene?"
"Don't mind them, hindi ako magpapahuli sa kanila," tugon ni Charles saka pinalapit sa kaniya si Pristine.
"Halika na."
Parang isang masunuring tuta na lumapit si Pristine sa kaniyang amo. Kinuha ni Charles ang kamay niya at muli ay naalala niya ang namagitan dati sa kanila. Being with Charles before was one of the best moments in her life. Of course, she is still skeptical about his actions but her skepticism is being overwhelmed by what her heart beats.
Lumabas ang dalawa ng mall. Tumawag si Charles ng taxi at sumakay sila patungo sa kanilang pupuntahan. Lingid sa kanilang kaalaman, simula pa lang sa may parking area ay sinusundan na sila ni Irene.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Robert.
"Mag-stay muna kayo dyan ni Kuya Lino, ako na ang bahala."
"Paano kapag tumawag sina Madam?"
"Make the best excuse Kuya. This is still for her after all."
"Okay, basta ingatan mo siya ah."
"I will, bye."
Pagkapatay ni Irene ng tawag ay agad siyang tumawag ng taxi para sundan sina Charles at Pristine.
♦♦♦