V3. CHAPTER 24 - Sleeping Beauty: White Prince Vs. Black Prince
NO ONE'S POV
"Nagbibiro lang kayo di ba?"
Umiling ang mga ka-schoolmate ni Arianne.
"Ba-Bakit? Anong meron?"
"Si Shane kasi, sobrang sama ng pakiramdam kaya kailangan naming dalhin sa clinic. Ang problema wala na kaming maisip na urgent na ipapalit sa kaniya."
"Ba—Bakit ako?"
"Ikaw kasi yung pinaka-ideal," sabay-sabay na saad ng ilang estudyante ng 3-C habang nagniningning ang mga mata. Halos malaglag naman ang panga ni Arianne dahil sa narinig.
"NO," matigas na pagtanggi ni Arianne. Hindi niya na-control ang sariling emosyon kaya't nasaksihan ng kaniyang mga kausap kung paano magbago ang aura niya.
"NO.NO WAY, I'M SORRY," Umatras siya at mabilis na humawak sa door handle ng entrance para sana tumakas pero isa-isang nagkapitan sa braso niya ang kaniyang mga ka-school mate.
"Please Miss Arianne, we are begging you! Ikaw lang kasi yung sa tingin naming ka-size ni Shane," saad ng isa.
"Saka hindi ka na rin namin kailangang ayusan pa since maganda ka na," dagdag pa ng isa na nagpapula ng pisngi ni Arianne. Mabilis kasi siyang nakakaramdam ng hiya kapag nakakatanggap ng complement.
"T-Thanks."
Napakagat si Arianne sa kaniyang labi habang nakatingin sa mga nagmamakaawang mata na nakapalibot sa kaniya. Gusto man niyang tulungan ang mga ito ay hindi naman niya kaya ang hinihiling nilang gawin niya.
"I'm sorry, but I really can't. I can't deal with crowds and I have stage fright, saka yung mga lines. I will just ruin everything if you''ll put me in Princess Aurora's shoes," paliwanag ni Arianne pero nagulat siya sa reaksyon ng mga kausap niya. Parang nabuhayan kasi ang mga ito.
"Huwag ka mag-alala Miss Arianne kasi makikipagpalit naman si Shane sayo kapag doon na sa part na nakahiga lang siya. Ni-modify na rin namin yung last scenes para kumonti lang yung sasabihin ni Princess Aurora kaya sige na please, ikaw lang ang pag-asa namin. Para naman ito sa buong eskwelahan natin."
Napalagok ng malalim si Arianne.
Medyo nakaramdam siya ng pag-aalinlangan dahil sa huli niyang narinig. Nag-start mag-fidget ang kaniyang mga kamay. Ang daming nakakahiyang scenario ang nag-play sa utak niya pero dahil sa dami ng emosyong tumatakbo sa kaniyang damdamin ay hindi niya ma-define ang tunay na nararamdaman... ang sure niya lang ay gusto niyang masuka.
"Ate Arianne, I'm a big fan of Ate Natalie. Ayoko siyang mapahiya at bukod kay Shane ay ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko ng lips niya, kaya sige na please."
Medyo na-creep out si Arianne sa narinig. Nagtaka siya hanggang sa maalala niya na real kissing scene nga pala ang ginagawa ni Shane at Natalie.
Makalawang nag-isip si Arianne. Narinig niya ang palakpakan sa loob. Tinignan niya ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Punong-puno sila ng pag-asa. Wala naman sa kaniya kung mapahiya ang school. Pero kapag napahiya ang school ay siguradong itong mga tao sa harap niya ang magsasabi ng dahilan kung bakit iyon nangyari. Siguradong siya ang sisisihin tapos pag-uusapan na naman siya. Ga-graduate siya ng nakakabit ang paninisi sa kaniya at magugulo ang buhay niya.
Kung tanggapin niya naman ang role at kung magkamali man siya at mapahiya ay hindi iyon magtatagal. Given naman kasi talaga na hindi magiging perfect ang pagganap niya lalo na at biglaan lang iyon.
"O—Okay, sige, I a—accept it."
♦♦♦
Prince Phillip(Natalie): This must be the Mystic castle.
Narrator(Mishelen): Prince Phillip slowly opened the old rusty gate which is the supposed entrance to the huge but now sorrowful castle. He stepped in his boots inside the vicinity and cold haunted air welcomed him. He looked around until his vision was engulfed by how long the place was deserted by time. Prince Phillip walked lightly while checking and observing the surroundings. His imagination ran; picturing how beautiful the castle was. He closed his eyes and heard the chirps of the birds, the smell of the roses, and the kiss of the sun. It was all beautiful until he was disturbed by a suspicious sound.
Prince Phillip: Who's there?!
Lumapit si Prince Phillip sa tumpok ng malaking halaman. Ikakampay sana niya ang kaniyang espada dito pero napatigil siya ng biglang may lumabas na isang babaeng nakaputi at nagliliwanag.
Prince Phillip: Who are you?
White Clothed Female: Worry not young man, for I am one of the guardians of this land. I am a fairy protecting every living creature in this castle.
Narrator: And another fairy appeared followed by another one.
Ipinaliwanag ng mga fairies na nagsulputan sa harapan ni Prince Phillip kung ano ang nangyayari at kung ano ang mga dapat niyang harapin at gawin upang malunasan ang sumpa na bumalot sa kastilyo.
Prince Phillip: I have my sword, valor, and sense of justice. I, Prince Phillip swear to dispel such curse bestowed on the Princess. I will save her and everyone from this nightmare. I will return the beauty that was stolen from this paradise.
Habang nagsi-scene shifting ay sumimple na pumwesto si Natalie sa tabi ng isa niyang kaklase. Pinatay niya ang kaniyang mikropono saka bumulong.
"Kamusta na si Shane? May nahanap na ba kayong ipapalit sa kaniya?"
Sumagot ang kaklase niya, "Nasugod na Miss si Shane sa clinic."
"Mabuti naman... so ano nga? May papalit na ba sa kaniya?" Pag-uulit ni Natalie.
"Ah, oo, opo, nakahanap na ng papalit sa kaniya. Ma-swerte pa rin tayo Miss Natalie. Sakto kasing nakita namin si Miss Arianne."
Napatanga si Natalie bago siya nakapag-react sa narinig.
"Huh?"
"Si Miss Arianne yung papalit sa kaniya," pag-uulit ng kausap niya.
Napalingon si Natalie sa kabilang side ng stage at nakita niya si Arianne dressed up in Princess Aurora's gown. Kitang-kita niya ang kaba sa mukha nito pero nang magtama ang tingin nila ay nagawa naman nitong ngumiti, more on ngumiwi.
Napalunok si Natalie. Confident siya sa ginagawa niya pero bigla siyang nakadama ng kaba. Tumindi pa ito ng pumasok sa isipan niya ang key act ni Prince Phillip kasama si Princess Aurora na ngayon ay gaganapan na ni Arianne.
Gagantihan sana ni Natalie ng ngiti si Arianne pero tila may ibang umagaw ng atensyon nito kaya hindi siya nakita.
ARIANNE'S POV
"Aldred anong ginagawa mo dito?"
Malapit na akong lumabas sa stage kaya sobra na talaga akong kinakabahan. Kumukulo na ang sikmura ko at masusuka ko na lahat ng kinain ko. Kadiri man ay lumunok ako ng matindi. Nakita ko si Nat sa kabilang side at nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi ko na nakita ang tugon niya noong maagaw ng biglaang pagsulpot ni Aldred ang atensyon ko.
"Wow, ang ganda mo sobra Arianne," saad ni Aldred ng hindi sinasagot ang tanong ko. Dahil sa sinabi niya ay nagsulputan ang mga paru-paro sa puson ko.
"Baliw."
Tinignan ko si Aldred ng masama. Nananatili pa rin siyang nakasuot ng vampire prince costume niya.
"Nakita kasi kita na pumasok dito instead sa main entrance kaya sinundan kita. Bakit ka naka ganyan?"
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya bago ako mapayuko at tumitig sa baba.
"Ano, nagkasakit kasi yung original na gumaganap na Princess Aurora kaya ako yung napilitang mag-sub."
Nagulat si Aldred, "Woah, talaga?" reaksyon niya na sinundan ng isang malapad na ngiti. Tila tuwang-tuwa siya sa sitwasyon ko kaya napasimangot ako.
"I don't like this, alam mo ba 'yon?"
"Oo, alam ko," nagningning ang mga mata niya, "You are too shy to be infront of a crowd. What makes me happy is that you're trying to conquer that fear. It may look that it's for the sake of everyone but I believe that it's for your sake too," nakangiti niyang sabi na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako pero hindi na iyon ang dahilan ng pagkombulsyon ng damdamin ko.
Napakagat ako sa labi ko.
"Thank you, Arianne a," saad niya na ipinagtaka ko.
"Para saan?"
"Sa pag-push mo sa akin. Nag-sorry na ako sa mga classmates ko and pinatawad nila ako. Parang mas naging closer pa nga kami dahil doon kaya nandito ako ka agad kasi hinayaan nila akong sundan ka e."
Kinuha ni Aldred ang kanang kamay ko gamit ang kaniyang dalawang kamay. Minasahe niya ito at hinimas-himas.
"My Arianne is fragile but she is strong. She's soft-hearted but mature. Arianne can conquer anything because she already conquered my heart. She may make a mistake but Arianne is always perfect in Aldred's eyes."
Pagkatapos na magsalita ni Aldred ay inilukob niya ang mga kamay niya sa akin. Ang ngiti niya ay nagsilbing pampakalma sa tensyon ko. Ang mga mata niya ang nagsabing maniwala lang ako sa sarili ko.
Ngumiti ako at tumango ng ilang ulit. May sasabihin sana ako kay Aldred nang bigla na lamang mamatay ang ilaw sa buong theater at magkaroon ng gulo sa paligid. May naramdaman akong humila sa akin. Nang magbukas ang ilaw ay nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahiga na sa kama ni Princess Aurora.
"Sorry for the sudden power interruption. One of our crews accidentally turned off all the power instead of just the stage lights."
Nakahiga ako pero aninag ko lahat ng manunuod. Half eyes close ay sumulyap ako sa isang side kung nasaan nakapwesto si Natalie. Narinig ko ang reaksyon ng crowd at ang pagkagulat nila na ako ang nasa kama.
NO ONE'S POV
"Bea, anong ginagawa ni Arianne sa stage?!" naguguluhang tanong ni Pristine. Kasabay ng reaksyon niya ay ang samu't saring bulungan ng iba pang nasa paligid. Lahat ng manunuod ay nagulat nang mag-iba ang gumaganap sa role ni Princess Aurora.
"A—Ah ewan! Parehas lang kaya tayo nandito kaya hindi ko alam," sagot ni Bianca. Bakas sa mukha niya ang lubos rin na pagkagulat. Pareho sila ni Pristine ay hindi makapaniwala lalo't alam nila na may stage fright si Arianne.
Hinanap ng mata ni Bianca ang kapatid niya pero bago pa man niya ito matagpuan ay naagaw ng malamig na tinig ng katabi niya ang kaniyang atensyon.
"Miss Bianca"
Napalingon si Bianca kay Nicholei.
"Prince Philip will kiss Princess Aurora, right?" tanong ni Nicholei.
Tumango si Bianca.
"As I heard, Natalie and the original actress who played her opposite do a real kiss. Is that true?"
Tumango muli si Bianca pero di niya naiwasang magtaka, "Yeah, uhmm may I know why are you asking?"
"Do you think they will still do it for real even though the actress is now different?"
Napaisip si Bianca.
Samantala ay naririnig naman ni Pristine ang usapan ng dalawa. Napaisip rin siya. Tumingin si Pristine sa stage at nakita niyang nagsimula ng maglakad si Natalie - still in character at walang makikitang kaba. Nawala na ang mga bulung-bulungan na dulot ng pagkagulat. Lahat ng manunuod ay tutok muli ang atensyon sa stage.
"Yes, they will," si Pristine ang sumagot. Alam niya kasi kung gaano ka-professional ang kapatid niya.
Ibinalik ni Nicholei ang atensyon niya sa palabas. Samantala ay hindi naman maalis ni Bianca ang kaniyang tingin sa kilalang maganda ngunit walang emosyong mukha ng Student Council President ng EMIS. Nagulat siya ng gumuhit pangiti ang labi nito.
"I see," saad ni Nicholei kasabay ang one in a million na ngiti, "Goodluck Nat," dugtong niya.
♦♦♦
"Arianne, what are we going to do?" Tanong na narinig ni Arianne pero hindi niya pinansin.
"Uy, Arianne."
Nagtaka siya nang marinig muli ito. Nasisiguro niya na kay Aldred galing ang boses na iyon pero imposible pa rin sa isip-isip niya.
"Aldred?"
"Arianne, paano na?"
"Anong paano na? Wait nasaan ka ba?"
Gumalaw ang comforter na nakakumot kay Arianne at nag-stick out ang isang bumbunan na halos nagpatalon ng kaluluwa niya.
"Andito ako," saad ni Aldred kasabay ang namomroblemang mga mata.
Halos mapatili si Arianne dahil sa gulat pero matindi niyang pinigilan ang sarili.
"My god Aldred! What are you doing here?!"
"Hindi ko alam," nakangusong tugon ni Aldred.
"Anong hindi mo alam? Siraulo ka talaga Aldred! Anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Arianne.
Okay na sana lahat kanina. Nagawa ng pawiin ni Aldred ang nerbyos ni Arianne dahil sa touch at mga words of wisdom niya. Handa na sana si Arianne pero ngayon dahil kay Aldred na mismo kaya muli siyang kinabahan.
Kapag ni-visualize ang posisyon ng play mula sa audience ay nasa left side ang kama ni Princess Aurora. Nakaharap ang kahabaan ng kama sa mga manunuod kaya kita nila ng buong-buo ang isang side ni Arianne. Maswerte pa nga sila kung tutuusin dahil nagawang magtago ni Aldred sa side na tago sa paningin ng mga manunuod.
"Nagulat kasi ako noong mamatay yung ilaw kaya napahawak ako sayo. Tapos noong nahawakan naman kita bigla na lang may humaltak sayo. Akala ko kung ano kaya hindi kita nibitawan."
"Siraulo ka. Basta, mag-behave ka na lang dyan. Huwag kang makulit, patapos nanaman 'tong play."
"O—Okay..."
"Good."
"A—Arianne, pwede ba kitang yakapin?"
"NO. Kakasabi ko lang na mag-behave ka a?"
"Sorry. Parang masarap ka kasing yakapin dito e."
"Bastos ka talaga."
"Hehe, pero pwede ko bang malaman kung nasa anong part na tayo?"
Idinilat ng kaunti ni Arianne ang kaniyang isang mata kaya't nasilayang niya ang unti-unting paglapit ni Natalie aka Prince Philip.
"Dito na sa part na gigisingin si Princess Aurora."
"Okay," tugon ni Aldred hanggang sa may maalala siyang isang bagay.
"Oy, Arianne, di ba para magising si Princess Aurora hahalikan siya ni Prince Charming?"
Halos masugatan ni Arianne ang kaniyang labi noong mariin niya itong makagat dahil sa pangungulit nanaman ni Aldred.
"Oo,"
"Hahalikan ka ba ni Natalie?" Nakatikim bigla ng tadyak si Aldred dahil sa katanungan niya. Umimpit siya at medyo napapilipit sa sakit. Nagdulot naman ng kaunting paggalaw sa kama dahil sa aksyon niya kaya napatigil si Natalie.
"Tsk! Tumahimik ka na malapit na si Nat."
Narrator: After fighting and defeating the wicked witch, the young heroic prince, both exhausted and weary ran to the princess's room. It was quite a journey but Prince Phillip's travails immediately washed out just by seeing the purity and beauty of the maiden whom he promised to save.
Prince Phillip: What a beautiful princess. Isn't she the girl I met in the forest?
Gaano man kakalma tignan ang pag-akto ni Natalie ay alam niya sa kaniyang loob kung paano at kailan nagsimulang dumagundong ang puso niya.
Tinignan ng maigi ni Natalie ang nakahiga at nakapikit na si Arianne. Gumapang ang mata niya mula sa mapupungay nitong mata patungo sa natural na mapula nitong labi. Napalunok siya. Inisip ni Natalie kung ano kaya ang tumatakbo sa isip ng kapareha niya. Na okay lang kaya para dito na tanggapin ang halik niya.
Sobra ang pagkabog ng dibdib ni Natalie. Napaka-ironic nga kung tutuusin dahil kabaligtaran ng ipinahayag ng narrator ang tunay at kasalukuyang nararamdaman niya.
Fairy 1: Our Prince, you've come so far...
Fairy 2: Now is the time to awaken the princess...
Fairy 3: And the only way to wake her is a kiss...
All Fairies: A kiss from someone who truly loves her!
Katahimikan ang bumalot sa buong theater. Hindi katulad noong mga naunang palabas nila na agad sumagot ng buong sigla si Prince Phillip ay ito ngayon siya at nakatingin lamang sa natutulog na prinsesa.
Prince Phillip: I love her...
Kagulat-gulat ang naging reaksyon ng mga manunuod nang magsalita si Prince Phillip. Napaka-gentle at puno ng emosyon ang pagkaka-deliver niya sa tatlong salita na iyon dahilan para mahugot niya ang emosyon ng mga manunuod. Nang magsimula ng kumilos ang prinsipe ay nagsimula na ring mag-ingay ang mga tao sa loob ng theater.
Prince Phillip: I love Princess Aurora!
Unti-unting yumuko ang prinsipe. Sa bawat distansya na mababawas sa pagitan ng mukha nila ng prinsesa ay ang pagkapos naman ng hininga ni Natalie. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito, yung tipong lalabas ang puso niya sa katawan niya. Alam niyang hindi ito dahil sa baka magkamali siya kundi dahil sa baka hindi niya mapigilan ang sarili at lumabas ang sikretong matagal na niyang nililihim.
"Arianne," mahinang nasambit ni Natalie ngunit dahil sa ingay ay malabo itong narinig ng mga manunuod.
Lumagok ng malalim si Natalie para pakalmahin ang sarili. Halos magtama na ang ilong nila ni Arianne noong mapansin niya ang paghinga nito. Namangha siya at napangiti.
"She's nervous too"
Para matapos na ang paghihirap nilang dalawa ay hahalikan na sana ni Prince Phillip si Princess Aurora pero naagaw ang atensyon niya noong isang bumbunan ang umusli sa may kumot.
Tumigil si Natalie at napatingin ng maigi sa unti-unting lumilitaw na ulo.
Prince Phillip: Wha—What?!
Naguluhan ang lahat sa reaksyon ng prinsipe.
Prince Phillip: What are you doing here?!
Hindi napigilan ni Natalie na mangwestyon kahit nasa kalagitnaan sila ng play. Napaatras siya sa gulat dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari.
Litong nagpabalik-balik ng tingin si Natalie sa dalawa.
"Arianne and Aldred in the same bed?" Lumitaw sa isipan niya. Kung anu-ano pa ang pumasok sa isip ni Natalie noong ma-realize niya ang pwesto ng dalawa.
Na-curious naman ang mga manunuod at yung iba pa ngang nakaupo ay napatayo para tignan ng maigi ang stage. Sa palagay kasi nila ay may nakitang kakaiba ang lead actor para mag-react ito ng ganoon. Lumapit din ang mga gumaganap na fairy kay Natalie at nakita nila kung ano ang meron.
Nagsimulang mag-ingay ng mapansin nila ang isang pigura na unti-unting tumatayo. Nagulat ang lahat ng i-reveal nito ang sarili niya saka humalakhak ng matindi.
ARIANNE'S POV
"HAHAHAHA"
Nagtaka ako kung bakit ang tagal akong halikan ni Natalie hanggang sa maramdaman ko ang pagkilos ni Aldred. Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko ang ulo niyang nakalitaw at ang mata niyang nakatingin ng maigi kay Natalie. Kinuha niya ang mic na nakakabit sa damit ko bago siya tumayo.
"You must be surprised," rinig kong sabi ni Aldred. Gusto ko siyang tadyakan dahil sa ka-obvious-an ng tanong niya pero wala akong magawa kundi manatiling nakahiga at pumikit.
Bwiset! Ano bang pumasok sa utak niya?!
Prince Phillip: Wh-Who are you?
Natalie was really baffled but she tries to remain composed and in character. Narinig ko naman ang iba't-ibang reaksyon ng mga tao.
"Wow! So, they change the storyline for this last show!"
"They even invited Aldred Cuzon."
"Woah, ang gwapo niya talaga! Pero marunong ba siyang umarte?"
Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ni Aldred para gawin niya ito. Idinilat ko ng kaunti ang mga mata ko at nang magtama ang tingin namin ay pinanlisikan ko siya na tinugunan niya ng ngiti.
"Who am I?" saad ni Aldred na ikinagulat ko. Ang buo ng boses niya at para siyang experienced actor kung makapagsalita. Marahan siyang naglakad siya patungo sa gitna ng stage.
♦♦♦