V3. CHAPTER 9.5 – JFEvent 2nd Day Part 2
NO ONE'S POV
Nakatulala si Aldred matapos niyang reply-an si Arianne. Hindi niya ma-gets ang sarili kung bakit ganoon ang ni-reply niya. Out of whim kasi ay gumalaw ang mga daliri niya at iyon ang tinipa.
Matapos ang pag-uusap nila ni Arianne noong gabi ay natanong niya ang sarili.
"Iyon ba talaga ang love?"
Napailing siya ng ilang ulit. Paano niya mapapatunayan iyon sa sarili niya? Nakatira sila ni Arianne sa iisang bahay, nagkikita sila sa umaga at gabi. Tanging ang eskwelahan lamang ang dahilan kaya nagkakalayo sila at rational naman iyon dahil kailangan nilang mag-aral.
Ngayong araw ay plinano niya na subukan ang damdamin. Na huwag makita si Arianne para malaman kung anong magiging epekto nito sa kaniya ngunit magkakalahating araw na ang lilipas ay hindi niya pa rin nararamdaman ang sinabi ni Arianne ukol sa pagmamahal hanggang sa…
"Woah! May picture ka with Arianne Fernandez?" manghang tanong ng lalaking kaklase ni Aldred sa kausap nito na kaklase rin nila. Narinig ni Aldred ang usapan nila kaya't napalingon siya.
"Oo, nakahabol ako doon sa one-time photo event ng booth nila. Grabe pre, ang ganda niya talaga lalo na sa malapitan," kwento ng lalaki.
Habang nag-uusap ang dalawa ay napatayo si Aldred. Mayabag siyang naglakad patungo sa kanila. Napansin lamang nila ang presensya ng kanilang vice president noong makaramdam sila ng nanggagalaiting aura mula sa kanilang likuran.
Balak pa lamang magsalita ng dalawang lalaki ay hindi na sila nakaimik noong kuhanin ni Aldred ang larawan, punitin ito at pira-pirasuhin. Parang wala lang ay iniwan niya ang dalawa at agad na naglakad paalis. Umalis siyang iwan-iwan ang mga kaklaseng mangha, gulat at galit sa inasal niya.
Nagtungo si Aldred ng SNGS. Kinontak niya si Doreen at napagalaman na nanunuod si Arianne ng play nila Natalie sa theater. Balak niya sanang pumasok pero dahil ongoing na ang pagtatanghal ay pinagbawalan na siya.
ALDRED'S POV
Nandito ako ngayon sa may tapat ng exit door ng SNGS theater. Wala akong pake kung kakasimula pa lang nito at mga isa't kalahating oras pa matatapos. Gusto kong mag-sorry ng personal kay Arianne dahil sa ni-reply ko sa text niya.
ALDRED: Arianne, nandito ako sa labas. Sa may exit ng theater niyo. Hihintayin kita.
Ni-text ko si Arianne pero ilang segundo, minuto at oras na ay hindi niya pa ako ni-reply-an. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.
Nagalit kaya siya sa akin?
Nakasandal ako sa pader nang magbukas ang pinto at magsilabasan ang mga manunuod. Hinanap ko si Arianne pero si Pristine ang una kong nakita. Nagkasalubong kami ng mata at bigla na lang na parang nakakain siya ng mapakla.
"What are you doing here?" agad niyang tanong nang lapitan ako. Nakahalukipkip siya't nakatitig sa akin.
"I'm waiting for Arianne," I answered.
Napalingon ako sa taong tumawag kay Pristine. It was Bianca and beside her was Arianne. I waved at Arianne but she did not give me even a single look. Papalakad na sana siya palayo pero natigilan noong agad akong lumapit sa kaniya.
"What?" masungit niyang tanong na nagpalunok sa akin.
"I'm sorry," sabi ko na marahil pumukaw sa atensyon ng dalawang kaibigan niya kaya napa-twitch sila, "Punta ka na sa booth namin mamaya oh," samo ko.
Walang ekspresyon na nabuo sa mukha niya.
"May ginawa nanaman ba siya sayo, Aya?" may pagdududang tanong ni Pristine sabay tingin sa akin ng masama.
Mukhang nabahala si Arianne sa tanong kaya tila nabalot ng pagkailang ang mukha niya.
"Wa—wala na—naman," nauutal niyang tugon. Nag-alala ako sa kaniya kaya't minabuti kong sabihin na lamang ang dahilan ng paghingi ko ng paumanhin pero...
"Ni-text kita—" nakaani ako ng isang malakas na tadyak bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Tinignan ako ni Arianne ng matalim na tipong nagbabanta na huwag ko ng ituloy ang balak ko.
Inaya ko sila na sa booth na namin mag-lunch pero hindi pumayag si Pristine at Bianca. Sinabi ko na treat ko at sumang-ayon agad ang dalawa. Ang dali pala nilang kausap sa totoo lang. Insert sarcasm.
Pagdating namin ay namangha ang mga kaklase ko dahil sa mga visitors na dala ko. Namangha rin sina Arianne sa concept ng booth namin.
"Magandang araw Miss Pristine, Miss Arianne at Miss Bianca,"
Umupo sila sa upuang pinagdalhan sa kanila ng aking mga kaklase habang ako nama'y papunta sa aming dressing room para magpalit. Bago ako pumasok ay nitignan ko ang tatlo't naabutan kong nakatingin si Arianne sa akin. I smiled at her pero wala siyang naging reaksyon. Inalis niya ang tingin sa akin saka binaling ang kaniyang labi sa juice na ni-serve sa kanila.
"Ayos mga costumer mo Al ah," sabi ni Nate sa akin, isa sa mga kaklase ko at ang kasalukuyang British Prince nitong café namin.
Kinakabit ko ang aking itim na kapa noong mabaling naman ang paningin ko sa dalawa kong kaklase na nag-uusap tungkol kay Arianne kanina. Nilapitan ko sila.
"I—I'm sorry," nahihiya kong paumanhin pero ini-snob ako ni Andres. Siya yung nagmamay-ari ng picture na pinunit ko.
"I will try to ask her to take a picture with you again," sabi ko na nagpaliwanag sa mukha niya. Ngiting-ngiti siyang nagpasalamat sa akin.
"Hindi mo dapat ako pasalamatan. Ako naman yung gumawa ng kasalanan e,"
Nilagay ko ang aking mga pekeng pangil saka ni-brush up ang buhok ko. Pagkatapos tignan ang aking sarili sa salamin ay lumabas na ako ng dressing room. As much as I want to talk and get close with Arianne ay hindi ko magagawa dahil I am on duty right now. I need to focus; I need to be serious.
Lumapit ako sa kanila at habang papalapit ako sa table nila ay napansin ko ang pagtitig sa akin ni Arianne. Hindi ko alam pero kagaya sa mga pelikula ay para bang bumagal ang mundo ko sa klase ng tingin niya. Napalunok ako at napansin ko na napalunok rin siya. Namula ang kaniyang mga pisngi't naglikot ang mga mata bago muling uminom ng juice na nasa tapat niya.
"Good day Princesses, what do you want to bite?" I asked which made their face flat.
Bianca suppressed herself to laugh but eventually burst out, Pristine has this disgusted look on her face while Arianne... tinignan ko siya pero agad niya akong inirapan.
"Grabe, ang gwapo mo talaga Aldred," papuri ni Bianca na nginitian ko lamang. I want to tell her that she does not need to state the obvious pero ayon sa code of conduct ng booth namin ay bawal kaming makipag-usap sa mga costumer para hindi magtagal ang order nila.
"What if I want to take a bite of you?" tanong ni Bianca na nagpanigas ng katawan ko. Ngayon ko lang na-realize na ang cringe pala ng order line ko.
"Mahiya ka nga Bianca," nakangiti at mahinhing sabi ni Pristine. Lumingon siya sa akin at biglang may pag-uyam na nabuo sa mga mata niya.
"Eew," bulong ni Pristine na tanging kami lang ang makakarinig.
Kinuha ni Pristine ang menu at nitignan ito. Makailang saglit ay isinalita niya na ang order niya at lahat ng mga pinili niya ay iyong mga special namin. Ibig sabihin lahat ng mahal!
Sunod ay pinasa niya ang menu pero nang makuha ito ni Arianne ay agad din niyang ibinigay ito kay Bianca. Nagtaka ako.
"Busog pa ako e," matamlay na sabi niya. Katulad ko ay nagtaka rin sina Bianca at Pristine.
"Aya, are you okay?" tanong ni Pristine.
Tumingin si Arianne sa kaniya at tumango, "Ye—"
"Pero Aya, nakakahiya naman na umupo rito ng di ka kakain no... Sige parehas na lang kay Pristine yung order-in natin tutal libre naman 'to ni Aldred. Di ba Aldred?"
Napangiwi ako sabay tango.
"Pwede rin naman 'tong i-take out di ba?" dugtong ni Bianca.
Muli ay tumango ako.
Dinala ko ang kanilang order sa mga chef ng booth namin. Habang hinihintay ang mga ito ay hindi di ko maiwasang mag-alala kay Arianne.
May sakit ba siya? Bakit ang tamlay niya?
Dumating ang kanilang mga order at kapansin-pansin na kaunti lang ang nakain ni Arianne. Nakita ito ng mga chef namin kaya't parang nalungkot sila.
"Infairness ah, ang galing ng mga tagapagluto niyo," papuri ni Bianca na sinundan naman ni Pristine ng pagsang-ayon.
Liningon ko ang mga chef namin at nakangiti na sila.
"Arianne, is there a problem?" nag-aalalang tanong muli ni Pristine. Hindi maikakailang may problema si Arianne dahil sa layo ng tingin niya't marahil pati ang iniisip.
"Oo nga Arianne, kaninang umaga ka pa malata," sabi naman ni Bianca na nagpa-alala sa akin. Kung sinabayan ko lamang kasi siya kaninang umaga ay baka nalaman ko na ang dinaramdam niya.
"No, none, I'm alright. Baka medyo napagod lang ako kahapon, so don't worry," sabi niya pero hindi niya naitago sa mga mata ko ang pilit niyang ngiti.
"Ganoon ba? Sorry, kung alam ko lang na mapapagod ka, sana hindi na kita pinilit sa photobooth," may pagka-guilty na sabi ni Bianca.
Ilang beses ko ng naririnig ang ginawang photobooth nila ngayong araw kaya't naiinggit ako. Hindi man lang kasi ako na-inform. Kung nalaman ko lang agad na may gano'n sila e di sana may pics pa uli kami ni Arianne.
Nanatili pa rin akong nakatayo sa tabi nila nang maramdaman ko ang matalas na pagtingin sa akin ni Pristine.
"Ano pang ginagawa mo dito? Di ba dapat nagse-serve ka na sa ibang costumers?" tanong niya dahilan para maalala ko na, oo nga pala, ako ang magbabayad sa mga pinagkukuha nila.
Nginiwian ko siya.
Tumayo ang tatlo. Aalalayan ko sana si Arianne pero iniwas niya ang sarili sa akin.
Why?! I screamed mentally. Gusto kong maiyak sa pagiging cold niya.
"Hey Al, how about take a break?" napalingon ako kay Sho, siya ang kaklase kong in charge sa pagiging manager ng booth namin.
"Huh?" tanging reaksyon ko.
"Marami ka ng naitulong simula pa kaninang umaga. Ayoko namang maburo ka dito. Enjoy the festival," aniya na nagpangiti sa akin. Lumingon ako kay Arianne pero she just shrugged her head.
"Sige Sho, salamat ah," sabi ko, "Arianne, can I visit your booth?" masaya kong tanong. I heard Pristine's huffed while Bianca has this huge grin plastered on her face. Tumango naman si Arianne.
"Sige magpapalit lang ako," paalam ko na nag pa "Ah..." kay Arianne. Nakatingin ako sa kaniya habang parang mabagal na nagpo-proseso ang utak niya.
"Pwede bang mauna na ako? Malapit na kasi yung shift ko and kailangan ko pa mag-costume."
Napalingon ako kay Bianca nang tumawa siya sa dahilan ni Arianne.
"Oo nga mauuna na kami, kailangan ko na bumalik sa committee e," mahinhing sabi naman ni Pristine sabay dila sa akin. Inaasar talaga ako ng babaeng 'to.
"Pero hindi ko alam kung saan yung booth niyo," naka-pout na sabi ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Pristine while inalis nanaman ni Arianne ang mata niya sa akin.
"Don't worry Aldred, ako na lang ang maghihintay sayo. Hayaan mo na lang sila," sabi ni Bianca sabay lingon kay Pristine.
"Sige sige maglibang~" dugtong ni Pristine sabay parehong tumuro ang dalawa kay Arianne.
"Yeah~" walang ganang dugtong niya sabay roll eyes.
Napatameme ako. Nakakatuwa sila pero mas lamang ang pagiging weird ng ginawa nila.
Ang cute.
Tumungo ako ng dressing room. Umalis na sina Arianne at Pristine habang si Bianca naman ay naiwang kinukulit ang mga iba pang naka-costume ukol sa suot nila habang hinihintay ako.
♦♦♦
"May ginawa ka nanaman ba kay Arianne?" tanong ni Bianca habang naglalakad kami.
Napatanga ako saglit sa kaniya at napaisip. Bukod sa naging sagot ko sa text ay wala naman na akong naisip na ginawa ko pa nitong nakaraan. Umiling ako.
"Arianne is a secretive person. Kapag may problema siya itatanggi niya kahit halata naman. Ang lungkot niya kaninang umaga. Hindi mo kasi siya sinabayan e," nakangiting sabi ni Bianca sabay siko sa akin.
"Imposible naman 'yon. Ayaw niya nga akong kasabay e."
"Kailan niya sinabi?"
"Noong una kaming magkasabay," sagot ko.
"Sinabi niya ba uli?"
Napaisip ako, "Hmm... Hindi na," tugon ko.
"You should take responsibility. I bet she's already dependent on you."
Nagtataka kong tinignan si Bianca.
"Arianne used to live on her own. She distanced herself from others and solely depended on herself. I hate her. Ang yabang niya sa paningin ko noon. Yung tipong kala mo kaya niya lahat. One-time hinanap namin siya ni Pristine at nakita namin siya sa may sulok. Humihikbi, umiiyak, nabully. Natawa ako sa kaniya. Akala mo kung sino pero iyakin pala. She always tries to look tough even though she's really soft inside. Then I realized that she's in need of friends. I love her and I don't want to see her getting hurt."
Pinagtagpi-tagpi ko ang sinabi ni Bianca sa sinabi ni Sato. Katulad din nang napansin ko noon ay may pagka-fragile nga si Arianne. Gusto kong matutunan kung paano siya i-handle. Gusto kong magkalapit kami hindi magkalayo. Ayokong ini-snob niya ako. Ayokong cold siya sa akin.
Ayokong mawala siya sa akin.
Kung tunay nga na natutunan niya ng dumepende sa akin ay gagawin ko ang sinabi ni Bianca. I will take responsibility. Hindi lang siya kundi pati ang puso niya if she will let me. I will not hurt her because...
I really love her.
♦♦♦