V3. CHAPTER 9 – JFEvent 2nd Day Part 1
NO ONE'S POV
Ikalawang araw ng JFEvent ay maagang nagising si Arianne. Alas-singko pa lang ng madaling araw ay nag-ayos na siya. Pagkatapos ihanda ang sarili ay lumabas siya ng kaniyang silid, bumaba ng hagdan at tumungo sa dining area.
"Good morning, Arianne," bati ni Cecil na agad ding tinugunan ng dalaga. Sinuyod nito ang tingin sa paligid ngunit tanging si Cecil lang ang naroon.
"Good morning po, Ma," bati naman ni Monique na nakasunod sa kaniya. Katulad ni Arianne ay parang may hinanap din ito.
"Si Kuya?"
"Maaga umalis ang kuya mo. Sabi niya tutulong daw uli siya sa paghanda ng booth nila," tugon ni Cecil sabay lapag ng mga pagkain sa mesa, "Nasabi niya ba sa iyo Arianne?"
Umiling si Arianne.
Habang kumakain ay tila may pakpak ang diwa ni Arianne. Hindi pa rin maalis sa kaniya ang naiwang ekspresyon ni Aldred gabi matapos nilang mag-usap. Ayaw niya mang mag-isip ng kung ano ay ang pakiramdam niya na ang nagsasabing parang iniiwasan siya ni Aldred.
"Pupunta kami ng mga classmates ko mamayang hapon kina kuya ma kaya baka late na akong makauwi."
"Sige, e ba't di ka na lang sumabay sa kuya mo umuwi?"
"Tignan ko po, kasi sa pagkakaalam ko tutugtog yung favorite band niya roon. Baka gabihin na siya, ayoko umuwi ng gabi."
"Ikaw talagang bata ka. Sige basta, mag-text ka sa akin," nakangiting sabi ni Cecil.
"Opo ma," masayang tugon ni Monique. Pasubo na siya ng pagkain noong mapansin niyang parang malayo ang iniisip ng kaharap niya.
"Ate Arianne, kayo? Anong klase pala yung booth niyo?"
Nagulat si Arianne noong kausapin siya ni Monique. Alam niya kasing may galit pa rin ito sa kaniya.
"Ho-Horror booth yung amin," naiilang niyang naisagot.
"Really? Wow, makapunta nga rin kami sa booth niyo mamaya. Pero, isa ka ba sa mga nananakot doon? No offense pero masyado kang maganda ate para manakot," sabi ni Monique na nagpabilaok kay Arianne.
Kinuha ni Arianne ang isang baso ng tubig at lumagok dito. Hindi siya makapaniwala. Bukod sa dugo't laman ay pati sa ugali't pananalita'y magkapareho ang magkapatid. Nangiti na lang si Cecil habang nakikinig sa dalawa.
"Hindi, doon lang ako sa may entrance. Ako yung cashier."
"Oh, I see. Anyways, I'm excited. Excited din akong makita si Ate Natalie and Ate Pristine. Ate Natalie told me that they're having a play. Sleeping beauty and she's the prince? Napanuod mo na? Maganda ba? I bet it is."
Napansin ni Arianne ang pagka-good mood ni Monique. Dahil minsan lang itong makipag-usap sa kaniya ng ganoon ay minabuti niya ng iwaksi muna sa isipan ang pag-iisip sa kapatid nito.
Sinabayan ni Arianne ang sigasig ng kausap.
"Not yet but, a lot of JFE goers said that it is really great. From acting, to costume and set up. Kumbaga you can say it's critically acclaimed and box office hit. Sila ata yung may pinakamalaking kita in terms of donations," nakangiting kwento ni Arianne na masaya namang tinanguan ni Monique.
Ang JFEvent ang naiwang topic sa hapag pagkatapos nilang mag-almusal. Pagkatapos kumain ay sabay na lumabas ang dalawa't nagpaalam kay Cecil. Nagpaalam si Arianne kay Monique na tinugunan rin nito.
"Bye, Ate Arianne," mahina at nahihiyang sabi ni Monique sabay takbo paalis.
♦♦♦
Habang mag-isang naglalakad papasok ay nakarinig si Arianne ng pamilyar na boses. Nilingon niya ang pinanggalingan nito at nakita sina Bianca at Jerome.
"Ohayou, Aya-chan," bati ni Bianca.
"Hindi mo kasabay si Aldred?" Nagtatakang bungad na tanong naman ni Jerome. From Bianca ay napalingon si Arianne dito.
"Maaga siyang umalis. Hindi ko na nga siya naabutan. Sabi ni Tita Cecil tutulong daw siya sa pag-set up uli ng booth niyo," Arianne answered.
"Ganoon?" Bigla ay napaisip si Jerome, "Pero kahapon pa tapos yung booth ng section namin. May mga nakatoka naman para sa mga magluluto and sa mag-aayos. Nakatoka rin siya para mag-serve. Ang sipag niya naman. Nakakapanibago," sabi ni Jerome na nagpalukot ng mukha ni Arianne. Napansin siya ni Bianca.
"Yie! What's with that reaction, Aya? Parang nangungulila ka a?" nangaasar na sabi ni Bianca. Tinignan siya ni Arianne ng masama.
"What the? Nangungulila talaga? At bakit naman? Sira."
"Mukha mo kaya girl. Saka grabe ka a, guilty nito lagi."
"Hindi ako guilty."
"Guilty ka. Ang harsh mo kaya mag-salita."
Arianne rolled her eyes. Minabuti niya na huwag ng patulan pa si Bianca at tinanong na lamang si Jerome ukol sa pangyayari kahapon. Nagpatuloy sila sa paglalakad.
"Pero Jerome, hindi ko alam na nag-aral ka pala sa WES at kilala mo si Sato," sabi ni Arianne na nagpataka kay Bianca. Ngumiti si Jerome.
"Ah, iyon ba? Yup, I studied there from elementary to grade 9," paliwanag ni Jerome.
"For real? Wow, ang tagal. Eh bakit ka lumipat?"
Napatigil si Jerome sa paglalakad at sandaling lumingon sa kawalan. Sumulyap siya kay Bianca bago lumingon kay Arianne. Marahan siyang ngumiti, isang masayang ngiti.
"I fell—" sasagutin na sana niya si Arianne nang may tumawag sa pangalan niya. Nilingon nilang tatlo ang pinaggalingan ng boses at nadatnan si Charles na nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila.
Bigla ay parang napahinga si Bianca ng maluwag.
"Good morning ladies and gentleman," bati ni Charles kasabay ang isang nakakasilaw na ngiti. Hinanap niya si Aldred pero nagtaka nang hindi ito makita.
"Where's my boy?"
"Sabi ni Arianne maaga raw umalis para tumulong sa booth," paliwanag naman ni Jerome.
Isang mahabang "Weh?" ang naging reaksyon ni Charles dahil dito.
Gusto man ituloy ni Arianne ang usapan nila ni Jerome ay hinayaan niya na ito lalo na't nandyan si Charles. Hindi niya feel si Charles, bukod sa ayaw niya sa playboy ay simula noong madalas niya itong nakikita ay may ibang aura siyang nararamdaman sa asal nito.
♦♦♦
"Mga iha, 'wag kayong mag-aaway a. Lagi kayong magmahalan na magkapatid," paalala ni Manang Soledad pagkasakay ni Natalie at Pristine sa isang luxury van. Malawak ang gitna nito at may apat na single seats. Dalawa sa dulo ng van at ang dalawang pares ay nakaharap sa isa't-isa.
Maituturiing na sikreto sa buong angkan at isang taboo ang pagbanggit sa relasyon ng dalawa pero dahil si Manang Soledad ang nagsalita, at ang mga salitang iyon ni Manang ang hiling ng lahat ay hinahayaan na nila.
"Hindi po ba kayo nagsasawa Manang? Lagi niyo na lang sinasabi 'yan sa tuwing aalis kami. Ba't di niyo na lang po i-specify dyan sa Santa-Santitang 'yan na subukan niyang magbago para magkasundo kami," sabi ni Natalie ng makaupo siya sa gilid na side.
Pristine who is in the farther back scoffed at what Natalie said, "Huh, kahit magbago ako hindi magbabago yung pagka-ayaw ko sa iyo. Ikaw ba't di mo i-try? Para naman magustuhan ka ng ungas na si Aldred."
Nagtaas ang kilay ng mga bodyguard at ng mga kasambahay nang marinig ang remark na iyon ni Pristine. Nagngitngit naman si Natalie dahil sa pag-brought up ng naturang topic. Minabuti niya na manahimik na lang.
"Kayo talagang mga bata kayo," natawa si Manang Soledad. "Basta ako hindi ako magsasawa mga iha na paalalahanan kayo, lalo na't alam ko naman na mahal niyo ang isa't-isa."
Pareho ay napapilig ng ulo ang dalawa.
"Duh!" pareho nilang reaksyon.
♦♦♦
Muli ay nagsimula ang JFEvent. Sa ikalawang araw nito ay mas lalo pang dumagsa ang mga tao. Na-cover ito sa national tv at pareho pang in-interview sina Pristine at Jerome. Samantala ay dagsa rin ang pagdumog ng mga manunuod sa play ng senior 3-C ng SNGS. Nabanggit ito sa interview at naging agaw pansin si Natalie dahil bukod sa angkin niyang kagandahan ay magaling din siyang umarte.
Habang nasa backstage ay napapihit si Natalie patalikod nang makarinig ng palakpak. Nadatnan niya si Charles at ang killer smile nito.
"Ang ganda mo talaga Nat," pagpuri ni Charles ngunit walang emosyon na nabuo sa mukha ni Natalie, sa halip ay tinutukan siya nito ng espadang gamit niya play.
"What did you do to her?" malamig na tanong ni Natalie. Naka-focus ang mga mata ni Charles sa dulo ng espada bago ibaling ang tingin sa seryosong mukha ng tumutok nito sa kaniya. Umatras siya ng isang hakbang bago ngumiti.
"What do you mean?" tanong ni Charles. Isang inosenteng tanong na nagpasingkit sa mga mata ni Natalie.
"Tita Theresa went to the mansion. She talked to Veronica."
Nananatiling nakatutok ang espada ni Natalie kay Charles. Nakalingon na nga sa kanila ang ibang mga nasa backstage.
"And so? Your mo-, I mean Tita Veronica and my mom are friends. Is she not welcome in the household at all that is why you're questioning her presence?"
Nag-tight ang paghawak ni Natalie sa espada bago niya ito ibaba. Tanging ang matalim na tingin niya na lamang ang handang sumaksak kay Charles.
"Last Saturday, Pristine went missing. Nagkita kami kinaumagahan noong Sunday sa may arko ng subdivision niyo. Nakasuot siya ng dress na hindi sa kaniya and by the looks of it, isang tao lang ang may taste na gano'n na kilala kong magpapasuot sa kaniya noon."
Charles smiled then laughed. Dahil sa pagtawa niya ay tuluyan na silang nakaagaw ng pansin. Nakatitig sa direksyon nila ang mga tao at puno ng pagtataka sa kung anong pinaguusapan nila.
"Yep, ako yung kumuha sa kaniya," sabi ni Charles sabay pakita ng isang malisyosong ngiti.
"Mom was away and we were alone in the house."
Nang marinig ni Natalie ang sinabi ni Charles ay ilang scenario ang nabuo sa kaniyang isipan na maaaring ginawa nito kay Pristine. Gigil siyang napahawak sa kaniyang espada at handa na sanang ihampas ito pero matigilan siya ng pagdating ni Eunice.
"Charles..." malungkot na sambit ni Eunice bago ibaling ang tingin kay Natalie. Walang emosyon naman siyang tinignan ni Charles.
"Nat, mga corporate partners daw ng VGOC's yung susunod na manonood sabi ng committee kaya gawin daw ang lahat para ma-impress sila," pahayag ni Eunice.
Mariin pa ring nakatitig si Natalie kay Charles bago tugunan ang sinabi ng kaibigan.
"I know, thank you for reminding," Ini-relax ni Natalie ang sarili saka pumihit patalikod.
Habang papalayo ay narinig ni Natalie ang pagkausap ni Eunice kay Charles.
"Charles, wala ka na bang balak na balikan ako?" malungkot na tanong ni Eunice.
Tumigil si Natalie para mapakinggan ang isasagot ni Charles ngunit hindi ito umimik.
"Ganoon na lang ba kadali na iwan ako?" tanong muli ni Eunice at sa pagkakataong ito ay nakaani na siya ng sagot.
"Siguro," nagkibit-balikat si Charles, "How about try to ask her?" Nilingon ni Charles si Natalie na ipinagtaka ni Eunice, "Say Nat, ganoon ba kadali na ipamigay ako?" tanong ni Charles na naging dahilan para magbulong-bulungan ang lahat ng nakarinig.
Napadaop palad si Natalie pero hindi niya ginawang lingunin ang nagtanong sa kaniya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at naiwan ang gulat na si Eunice at ang nakangising si Charles.
Mabilis na naglakad si Natalie. Gusto niyang lumabas para magpahangin ngunit bago niya pa man buksan ang pinto ay bumukas na ito para sa taong papasok.
"Oh my gosh Nat ang wafu mo! My nose is bleeding," agad na bati ni Bianca nang madatnan niya si Natalie. Isang flash naman ng camera mula kay Noreen ang biglang umilaw.
Natalie's sleeping beauty prince attire is composed of a red cape, white shirt, brown gilet, brown semi-fitted pants, and boots. Her short blonde hair is tied back, emphasizing her small heart-shaped face.
"Oo nga Nat, ang gwapo mo, bagay pala talaga sayo 'yang role mo."
Napalingon si Natalie sa nagsalita at nakita niyang kasunod pala ni Bianca at Noreen si Arianne.
She scoffed at the compliment and then smiled, "O—Of course."
Naroon ang tatlo para makiusyoso sa backstage ng 3-C at para narin panuorin ang susunod na run ng play. Ayon kay Bianca ay susunod daw sa kanila si Pristine para manuod din.
Hindi na lumabas pa si Natalie dahil sapat na ang presensya ng tatlo para mabago ang mood niya. Ilang minuto na rin lang at magsisimula na ang play kaya't naghanda na lang siya. Sumilip siya sa mga manunuod at nakita niya sina Bianca, Pristine at Arianne pati na rin sina Noreen at Eunice. Humugot siya ng hininga.
♦♦♦
Habang naghihintay sa play ay hindi mapakali si Arianne. Binunot niya ang kaniyang smartphone sa bulsa at napaisip kung itutuloy ba ang kaniyang balak. Nang makapagdesisyon ay swinayp niya ang lockscreen ng phone at agad nag-text kay Aldred.
ARIANNE: Hi, good morning :) Alam ko na pala kung anong klase yung booth niyo. Okay lang ba kung pumunta kami dyan mamaya?
Wala pang minuto ay nakatanggap na si Arianne ng reply.
ALDRED: Hindi, wag ka pumunta.
Tugon ni Aldred na nag-iwan ng blangkong ekspresyon sa mukha ni Arianne. Unti-unti nang ma-realize ang sagot ng kaniyang tinext ay naghigpit ang kaniyang kamay sa phone. Napakuyom siya ng ngipin at gigil na napapadyak.
"Bi-Bwiset!" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Arianne. Napalingon si Bianca't Pristine sa kaniya.
"May problema ba Aya— eh!" Nagulat si Bianca nang madatnan ang gigil na mukha ni Arianne. Kahit si Pristine ay nagtaka pero hindi na nila ito natanong dahil nagsimula na ang play.
♦♦♦