CHAPTER 6 – The Good in the Bad
NO ONE'S POV
"Theresa, as much as possible ayokong malaman ni mama yung nangyari kay Pristine. I have high regards to your family. Sana mapagsabihan mo ang anak mo tungkol dito."
A wanly look formed on Theresa's face upon hearing what Veronica said. Standing in front of Veronica's mahogany desk, Theresa drew a breath and answered Veronica with her sorry eyes.
"I will. Pasensya na Madam sa problemang naidulot ng anak ko. Ako na ang unang humihingi ng paumanhin. Hayaan niyo po't pagsasabihan ko siya para hindi na maulit ito."
Veronica leaned back on her chair and sighed before eyeing the woman in front with her regretful eyes.
"Theresa, si Charles…" Veronica paused as if she was thinking of the right words to say, "I know how much he was devastated. I can't blame him for being angry. I am still sorry about what happened to Marcus. If only there is a way to bring your husband back to life, then I will do everything it takes."
"I know Madam," Theresa smiled. "Thank you for understanding my son. He just loves his father so much it still hurts him but I assure you that I won't tolerate what he did. It's not your family's accountability or your daughter's. It was my husband's job and I was aware of the consequences before I married him. It's my fault as a mother for not being able to widen Charles's understanding regarding it."
Pagkatapos ng kanilang usapan ay lumabas na si Theresa sa office ni Veronica. Isang kwarto sa Vicereal Mansion. Sa kaniyang paglabas ay nakita niya si Pristine. Nginitian niya ito na tinugunan naman ni Pristine ng isang malungkot na ekspresyon. Tumuloy si Theresa at sa kaniyang pagbaba naman sa foyer ay nakasalubong niya si Natalie. Mukhang galing ito sa labas at gulat na ekspresyon ang kaniyang naging reaksyon ng makita si Theresa.
"Magandang araw po," nahihiyang bati ni Natalie bago siya bahagyang yumuko. Katulad sa kaniyang kapatid ay nginitian din siya ni Theresa bago ito bumawi ng bati.
"Magandang araw din, iha," saad ni Theresa saka siya nagpatuloy lumabas. Lumabas siyang kasunod lahat ang tingin ng mga tao sa mansion.
Theresa Magbanua is known by everyone who resides at the Vicereal Mansion. She was the previous secretary of Madam Victoria Vicereal and the wife of the late Vicereal family's head bodyguard, Marcus Ramirez. Theresa quit her job after the sudden death of her husband. A considered double great loss for the family. Upon her leave, Theresa was offered a million pesos as a sorry, and help for what have happened to her husband, but she easily declined it because she knows that what his husband did is his job and the family should not be blamed for what happened.
Theresa now works as an online secretary. Though her current job provides a huge salary, it is not enough to satisfy her and her son's needs. She sometimes does part-time jobs making her come to their house late at night or not be able to come home at all. The reason why she has less supervision of his own child Charles.
♦♦♦
"Charles!" Bulyaw ni Theresa ng pagsabihan ang anak at nang mapansin niyang di naman ito nakikinig.
Paakyat na si Charles ng hagdan noon pero nagawa siyang pigilan ng ina. Yamot niya itong nilingon saka sumunod ng direktahan siya ni Theresa na umupo sa sofa. Umupo rin si Theresa at tinapatan ang anak.
"You want to make your papa proud, right? Sa tingin mo ba magiging proud siya sa pinaggagagawa mo? Sinaktan mo yung taong lubos niyang pinoprotektahan noon."
Napakuyom ng kamay si Charles dahil sa galit.
"So, what, ma?" Charles chuckled, "They should be thankful dahil sinaktan ko lang. Sinaktan ko lang yung taong pumatay kay Dad… sinaktan ko lang, sinaktan ko lang. Pasalamat talaga sila dahil di tuluyang nagdilim ang paningin ko kundi baka kung ano pang nagawa ko," pahayag ni Charles sabay ngisi.
Hindi makapaniwala si Theresa sa mga salitang nanggaling sa bibig ng anak. Tinignan niya ito sa mga mata at di niya masukat akalain kung gaano kalalim ang pinapahiwatig ng mga ito. She realized that there's something in her son's eyes that is dangerous, that she should be wary of. Hindi niya tuloy naiwasan ang magtanong.
"Am I not a good mother?" tanong niya na nagpabago ng ekspresyon ni Charles.
"What— What kind of question is that, ma? Of course, you are. You're the best mother ever," Charles retorted.
"Then why are you like that? Tell me, tinuruan ba kitang maging ganyan? Saan ako nagkamali?" she asked disappointed.
Malungkot na yumuko si Charles. Ang kaniyang kanina pang nakakuyom na kamay ay unti-unti ng nagre-relax. Umiling siya ng ilang ulit bago iharap ang nagsisising mukha sa kaniyang mama.
"No, you did nothing wrong ma. I'm sorry. It's me. It's my fault. I'm the one who is wrong. Please don't blame yourself. I'm sorry if I disappointed you," Charles said almost crying. He really felt sorry about what his mother felt. Mahal na mahal niya ang kaniyang ina at sa lahat ng ayaw niya ay makita itong nasasaktan. Nagsisisi siya sa kung anong mga bagay ang nagawa niya't nasabi para maging malungkot ito.
"The Vicereals, I don't want you to blame them. Walang may gusto sa nangyari sa papa mo. Everyone in the household loved him and respected him when he was still alive. Everyone felt grave and sad when he died. Your papa is an honorable man. I bet that he is proud of himself until his final moments. You should be proud of him too and continue what he oath to do."
Isang mapait na ngiti ang nabuo sa labi ni Charles. Gusto niyang kontrahin ang ina pero wala rin naman siyang maisip na idahilan dito. Pinunasan ni Charles ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata bago marahang tumango sa kaniyang ina.
Lumapit si Theresa sa anak at tinabihan ito sa sofang kinauupuan.
"Alam kong may galit pa rin dyan sa puso mo pero sana mas lumawak pa ang pang-unawa mo. Di ba nag-promise ka sa akin dati? Gusto kong mag-promise ka uli. Kung hindi ka pa handa, hangga't maaari pwede bang iwasan mo na lang sila?"
Napatitig si Charles kay Theresa ng pumasok sa utak niya ang hinihingi nitong pabor.
"Iwasan sila? Oo, pero si Pristine?"
Nang ma-imagine niya ang gustong mangyari ni Theresa ay parang may nag-snap sa utak niya. Kung kailan may dahilan na siya para makalapit dito. Kung kailan nakaplano na ang balak niya. Hindi maisip ni Charles kung paano niya gagawin ang hiniling ng ina.
Lumunok ng malalim si Charles bago lumingon sa kaniyang ina at ngitian ito.
"Opo, Mama. Promise iiwasan ko sila."
♦♦♦
"I respect both of your parents. That's why as much as possible, kahit na gustong-gusto ko na saktan ka dahil sa ginawa mo ay pinipigilan ko ang sarili ko. Huwag na huwag mo ng lalapitan pa ulit si Miss Pristine. Kapag nalaman ko na may ginawa ka uling masama sa kaniya ay humihingi na ako ka agad ng paumanhin kay Ma'am Theresa dahil baka kung ano ang magawa ko sa'yo,"
Masaya at magaan ang atmospera. Nababalot ng iba't-ibang tugtugin at halak-hakan ang paligid maliban sa isang spot. Umaabot naman doon ang ingay pero tila naba-block ito ng kasalukuyang aura ng dalawang magkatagpo. Ang mahigpit na ekspresyon ni Irene laban sa nakangiting si Charles. Pagkatapos ipahayag ni Irene ang sasabihin niya ay pumihit na siya paalis. Sinundan naman ng nakangiting si Charles ang pigura niya at habang lumalayo ang distansiya nila sa isa't-isa ay unti-unti namang nabubura ang ngiti ni Charles hanggang sa tuluyang mawala ang emosyon niya.
Ang malalim ng iniisip ni Charles ay nabulabog nang marinig niya si Aldred.
"Di ba yung bodyguard 'yon ni Pristine? Anong ginagawa niya rito?" tanong ni Aldred noong lumabas siya ng café nila.
Agaw atensyon ang itsura ni Aldred kaya't napatingin ang lahat sa kaniya. Suot niya na kasi ang kanyang vampire prince costume at dahil doon ay mas dumoble pa ang appeal at kagwapuhan niya.
"Ah, tinatanong niya lang kung hanggang anong oras bukas yung mga booths dito," nakangiting sagot ni Charles.
"Okay," tugon naman ni Aldred. Agad siyang naniwala sa idinahilan ng matalik na kaibigan.
Kinuha ni Aldred ang kanyang smartphone sa bulsa. Napansin ni Charles and pagtap-tap niya at nang itapat ni Aldred sa kaniyang kaliwang tenga ang smartphone ay namangha siya lalo na nang marinig niya ang isang dial tone.
"Himala ah, you have a load and… you're going to call someone?" manghang tanong ni Charles. Kilala niya ang kaibigan at madalang lang itong magkaroon ng load. Ayaw din nito ng tumatawag. Kung tumawag man ito ay dahil may kailangan siya o problema.
Inusisa ni Charles si Aldred ngunit mukhang wala naman itong alalahanin dahil sa lapad ng ngiti na nakaguhit dito.
"Oo, nagpa-load ako ng P1000 eh," nakangiting nilingon ni Aldred si Charles habang hinihintay ang kabilang linya. "Binigay kasi ni Arianne yung number niya sa akin kaya may dahilan na ako para mag-load," paliwanag niya. Hindi naman naiwasang humalakhak ni Charles.
"For real?" Lumapit siya sa kaibigan at tinapik ito sa balikat, "Iba ka talaga Bro. Pati number niya..." tumawa siya, "Sige na, I'm defeated. Hanga na talaga ako sa Aldred Cuzon's charm," dugtong ni Charles habang nakataas ang dalawang kamay.
"Ako pa ba?" Nakangisi at mayabang na tugon naman ni Aldred. Dahil dito ay mahinang batok ang nakuha niya mula sa kaibigan.
"Ouch," ngumuso si Aldred at tinignan ng masama si Charles. Gusto niya sanang gantihan ito pero hinayaan niya na lang nang may sumagot na ng tawag.
Though, sinubukan niya lang at hindi naman talaga iyon ang kaniyang pinakaplano, ay nagpapasalamat pa rin si Charles. Kahit kasi papaano ay nakagawa naman pala siya ng mabuti para sa bestfriend niya sa kabila ng aminadong masama niyang balak.
Si Arianne dapat ang next target niya pero mukhang hard to get ito at sobrang malapit kay Pristine. Matalino si Pristine at makikita nito kung ano ang balak niya. Naisipan ni Charles na kailangan niyang humanap ng ibang paraan. Kung hindi siya, sino? Si Jerome sana pero napansin niyang parang may pinagtutuunan na ito ng atensyon. Si Aldred, well, kahit na pinalaki itong konserbatibo ay hindi lingid sa kaniya ang hilig nito sa mga magaganda at sexy na babae mapa 2D or 3D. Hindi ito nakikitsismis sa kanila ni Jerome pero pansin niya ang paglaki ng mga mata nito tuwing may pinapakita siyang pictures ng mga magagandang babae.
Hindi alam ni Charles ang pinakaeksaktong tipo ni Aldred kaya isang himala at masasabi niyang parang pumanig sa kaniya ang kalangitan noong agad itong mahulog kay Arianne lalo pa't parang pinagtatagpo talaga sila ng tadhana.
Si Arianne na kaibigan ni Pristine. Si Arianne na kapag naging sila ng kaibigang si Aldred ay mapapalapit din siya sa kaibigan nito na si Pristine. Si Pristine na dahilan kaya naghiwalay sila ni Natalie. Si Pristine na dahilan kung bakit namatay ang papa niya. Si Pristine na ex-girlfriend niya.
Lahat ng mga balak niya ay si Pristine ang dahilan.
"Yes, lalayuan ko siya pero hindi ko na po problema kung siya mismo yung lalapit sa akin."
ARIANNE'S POV
"Hello?"
Nag-aayos na ako ng gamit nang may biglang tumawag sa smartphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Aldred sa screen at bigla na lang may ewan na kumabog sa dibdib ko. Naghe-hesitate ako na sagutin siya pero pansin ko ang mga mata nina Bianca at Pristine na tila nagtataka sa pagtitig ko lang sa smartphone.
Napabuga ako ng hininga.
"Hello?" bungad ko sa ikalawang pagkakataon. Tanging paghinga lamang kasi niya ang naririnig ko.
"A-Arianne, hi. Magandang hapon."
Napalunok ako nang magsalita na siya. Muli ay nabalot nanaman ng bwiset na boses niya ang utak ko. Medyo na-stun ako dahil agad itong nag-linger sa sistema ko pero agad din namang nagbalik ang diwa ko sa ulirat nang mapansin ko ang nerbyos sa tono niya.
"Ma—magandang hapon din. Ba—Bakit ka napatawag?" Naiilang kong tanong. Rinig ko ang impit na pagtawa ni Bianca sa reaksyon ko kaya nilingon ko siya.
"Kasi Arianne… Hindi kasi kita masasabayan ngayon sa pag-uwi. Tutulong kasi ako sa pag-aayos dito e. Okay lang ba?"
Napabuntong hininga ako. Ngumiti ako sa tanong niya pero at the same time ay nakaramdam ako ng lungkot sa di ko mawaring dahilan. Napatitig ako sa loob ng bag ko. Sa skyblue na pusa na nakuha ko sa claw machine. I don't know why a feeling of unknown blankness suddenly began to grow in my heart. Karma ko siguro to sa pag-cheat ko sa game.
Ang OA lang...
I bit my inner cheek.
I can't understand it. Buwan pa lamang naman kami nagsasabay ni Aldred at masasabi ko na hindi naman ako dependent sa kaniya. Kaya ko ang sarili ko, hindi ko sinanay ang sarili ko na dumepende sa iba, matagal akong naging mag-isa at simpleng paglalakad lang naman iyon kaya't hindi ko maintindihan kung anong mali at bakit may ganito akong nararamdaman.
"Okay lang," I faked a smile.
"Arianne, mag-iingat ka a. Mas maigi kung mag jeep ka na lang. Medyo late na, mahirap na,"
The worry in his tone struck me which made me feel emptier inside.
"Okay…" Walang gana kong tugon kasabay ang pagpisil sa tiyan ng pusang laruan.
"Mag-ingat ka a," ulit niya. Dahil dito ay hindi ko tuloy matigilan ang pagdutdot sa laruan.
"Okay…" I answered again.
"I love you."
"Oka—"napakagat ako sa labi ko. He caught me there at mabilis kong naramdaman ang pag-init ng tenga ko. Mabuti na lamang ay nakalugay lang ang buhok ko kundi ay mapapansin ito nila Bianca.
"Bwiset," pabulong kong reaksyon bago ko ibaba ang tawag at marahas na bumuntong hininga. Napatigil ako sandali dahil sa pag-iisip muli sa sinabi ni Aldred. Hindi niya raw ako masasabayan sa pag-uwi. Wala sa sarili akong gumuhit ng pabilog na linya sa tiyan ng pusa.
"Huh! " I shrugged.
Okay lang naman kahit hindi niya ako sabayan e. Okay lang.
"Who's that?" tanong ni Bianca na bumulabog sa lumilipad kong diwa.
Tinignan ko silang dalawa ni Pristine. Nagkatitigan kaming tatlo at nakita ko ang parehong pagtataka sa mga mata nila. Tumaas ang kilay ni Bianca at doon ko lamang napansin ang hindi ko pala pagsagot sa tanong niya.
"Si Aldred."
Nanlaki ang singkit na mata ni Bianca while Pristine blew a breath.
"OhMyGEEE! May number na kayo ng isa't-isa?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Lumapit si Bianca sa akin saka sinilip ang screen ng phone ko, "Gosh, lume-level up na talaga kayong dalawa. Im crying." Bigla ay kinuha ni Bianca ang phone ko.
Napa-irap na lamang ako sa reaksyon niya.
"So bakit siya napatawag?" excited na tanong ni Bianca habang nagpipi-pindot sa phone ko bago sa phone niya. Sinara ko ang zipper ng bag ko bago ako bahagyang umupo sa desk ko.
"Sabi niya lang na hindi niya ko masasabayan sa pag-uwi," tugon ko na parang nagpatigil ng oras sa paligid. Parehas kasi sila ay napatulala sa akin.
"Kaya pala ang lungkot mo," may pagkapakla na sabi ni Pristine.
"What?" I reacted, kind of vehemently.
She said I looked sad. Do I am?
I hissed, "Ba't naman ako malulungkot?"
Tumayo si Pristine sa kaniyang kinauupuan at kinuha ang phone ko kay Bianca.
"We heard it. Wandering couple wearing cat masks. Mukhang nag-enjoy kang kasama si Aldred kaninang umaga a?" Nakasimangot ang mukha ni Pristine. Hindi naman ako nakatugon sa kaniya. Totoo naman kasi na nag-enjoy ako sa mga pinaggagagawa namin ni Aldred kaninang umaga.
"Hmmp! Basta Aya, kapag nalaman ko na may ginawa siyang kalokohan sa'yo mananagot talaga siya sa akin, okay?" Dagdag niya kasabay ang pagbalik ng phone ko sa akin.
Tumango at ngumiti ako sa pahayag ni Pristine. Nakasimangot man kasi siya ay alam kong dahil ito sa pag-aalala.
"I don't like that Aldred guy but, I want you to know Aya that whatever decisions you make… I will always be beside you," nakangiting sabi ni Pristine. Tumayo siya mula sa kaniyang upuan at isinampay na ang kaniyang shoulder bag sa kaniyang balikat.
Muli ay naagaw ang atensyon ko ng singsing na suot niya.
Tapos na ang unang araw ng event at masasabi kong successful naman lahat ng pangyayari. Kahit na hectic at nakakapagod ay masaya ang buong araw ko. Simula sa muling pagpasok ni Pristine, nang mag-speech si Jerome, nang yayain ako ni Aldred, nang maglaro kami ni Aldred, nang kumain kaming dalawa. Tapos yung sa photobooth, kahit na ayoko naman talaga at nahihiya ako ay naging masaya pa rin lalo na't dahil doon ay nagkausap uli kami ni Natalie.
Pababa na kami ng academic building noong iabot sa amin ni Pristine ang mga pasalubong niya galing Japan. Galak na kinuha ito ni Bianca at pareho kaming nagpasalamat.
Habang bumababa ay nagkatinginan kami ni Bianca. Hindi lingid sa amin na parang may iba kay Pristine ngayong araw pero minabuti naming dalawa na hayaan muna siya. Hindi na namin muna siya kinulit tungkol sa Japan trip niya dahil pansin namin ang pagkatahimik niya. Hindi 'yong maingay na bigla na lamang tumahimik dahil kahit kailan ay hindi naman siya naging maingay. Tahimik siya na tipong lahat ng aksyon niya ay tipid at lumulutang sa ere. Wala siya sa sarili. Pagod? Hinayaan namin siyang matulog dahil baka nga pero matapos kong pagmasdan siya ng maigi ay napagtanto ko na tila hindi.
Napalingon ako sa singsing na suot niya. Pure gold ang ring nito at may bilog na ruby sa gitna. I know na pansin rin ito ni Bianca lalo na't mala-agila ang mata niya pagdating sa fashion pero katulad ko ay hindi niya rin ito pinupuna.
Sa tingin ko'y parehas kami ng iniisip.
She will tell it sometime because we are her friends… That's our friendship's motto. We don't insist on each other, instead we give each other time and let our hearts listen whenever each of us is ready. We will try to understand each other, share our opinions, point out the faults and help with everything we can. We care for each other and I can say that it is our friendship's foundation.
Pagdating namin sa may gate ay nandoon si Natalie. I smiled at her and she smiled back to me. I felt relief because of her response dahil ibig sabihin ay okay na kami kahit na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya nagalit sa akin. Sakto namang dumating na ang van na sumusundo sa kanila ni Pristine kaya't nagpaalam na kami ni Bianca sa kanila.
♦♦♦