V2. CHAPTER 9 – Morning Chaperone
ARIANNE'S POV
"Good morning, Arianne."
Sinalubong ako ng boses ni Aldred pagkalabas ko ng kwarto. Napatigil ako saglit bago sundan ng tingin ang pigura niyang bumababa ng hagdan. Kagaya ko ay naka school uniform na rin siya. White long sleeve polo with red necktie at gray pants - boys uniform ng NIA.
"Good morning din," bulong ko.
"Nauna na si Monique?" Natanong ni Aldred habang kumakain kami ng almusal. Napansin ko nga na hindi pa bumababa ang kapatid niya gayong kanina pa kami kumakain.
"Oo, nauna na. May early morning activity raw kasi sila ngayon," sagot ni Tita Cecil.
Tocino, hotdog, bread, egg at kaniya-kaniyang baso ng gatas ang nasa hapag. Pasulyap-sulyap ako kay Aldred habang tinutusok ang hotdog sa pinggan ko. Walang style at natural ang bagsak ng itim na buhok niya. Kung kumain siya ay tipong nasa fine dining restaurant. Nakatindig at pino ang galaw. Tahimik siya kung kumain pero napansin ko na ang tight ng expression niya. Lalo tuloy naglaro sa isip ko ang sinabi niya kahapon. Ngayon ang unang araw... seryoso kaya talaga siya?
Nahuli ako ni Aldred na nakatingin sa kaniya kaya't madali ay iniiwas ko ang mga mata ko. Naaninag kong uminom siya ng gatas habang nananatiling nakatingin sa akin. Tumayo siya pagkaubos ng gatas at lumabas ng kusina.
"Arianne, nagbabaon ka ba ng lunch?"
"Ah, minsan po, pero madalas bumibili na lang po ako sa canteen."
Sandali ay humigop si Tita ng gatas bago nagtanong muli sa akin.
"Healthy ba naman at masarap yung mga pagkain sa school niyo?" tanong niya pagkalapag ng baso.
"Fair naman po, huwag po kayong mag-alala," nangiti kong sagot, "Mahal nga lang po kaya minsan nagluluto na lang po ako para kahit papaano makatipid."
Nagkislap ang mata ni Tita sa aking sinabi, "Aba'y marunong ka palang magluto. Pwede bang minsa'y patikimin mo kami rito?" natutuwa niyang sabi. Nahiya naman ako.
"Sure po, kaya lang hindi po ako kasinggaling niyo."
Natawa si Tita.
Pagkatapos kong kumain ay huhugasan ko na sana ang pinagkainan ko ngunit pinigilan ako ni Tita. In-insist niya na siya na lang daw at pumasok na kami. Kumislot ang tenga ko. KAMI?
Akala ko'y nauna na si Aldred pero nang pumunta ako sa sala ay nakaupo siya sa sofa at naghihintay katabi ng bag ko.
Tumayo siya paglapit ko.
"Ano? Aalis na ba tayo?" Iritable niyang tanong. Napansin ko na parang galit siya.
Nainip ata siya sa paghihintay sa akin. Well, malay ko ba. Hindi ko naman alam na inutusan pala siyang sabayan ako. Lumingon ako kay Tita na sinalubungan niya naman ng ngiti at pagtango.
"Ma, alis na po kami," paalam ni Aldred sabay lakad palabas ng bahay, dala ang bag ko. Nagpaalam na rin ako kay Tita bago mabilis na sumunod sa kaniya. Inabutan ko si Aldred na nagaantay sa labas ng gate.
"Sorry napaghintay kita. Hindi ko kasi alam na magsasabay pala tayo."
Hindi umimik si Aldred at sinara lamang ang gate.
"Nakakahiya naman, ako na dyan sa bag ko."
Hinawakan ko ang backpack ko na nakasampay sa balikat niya para sana kunin ito pero tinitigan niya ako ng masama. Napabitaw ako at sinundan siya ng tingin pagkalakad niya.
Anong problema niya?
Nalito ako sa takbo ng pakikitungo ni Aldred. He said that he'll make me fall in love with him. Ito ba yung paraan niya? Pa-bad boy effect? Duh, 'wag ako. Sigh, baliw talaga siya... baliw talaga dahil siraulong tao lang ang matutuwa at magkakagusto sa ganito mang-approach na lalaki.
Humabol ako kay Aldred.
"Akin na sabi 'yang bag ko," giit ko sabay hila pero tinampal niya ang kamay ko. The audacity! Tumalas ang tingin niya sa akin bago nag-irap.
"Ano bang problema mo?!"
Napatigil kami sa paglalakad. Suminghot siya bago lingunin ako.
"Nagtanong ka pa talaga a?" he slurred, "Huh, Alam mo naman di ba?"
I bit my inner cheek before looking at him. Hindi ako makapaniwala sa kaniya. We stared at each other. Sa bawat segundo ng pagtititigan namin ay palihim kong dinadapo ang kamay ko sa bag ko pero namalayan niya ito. Agad niyang inilipat sa kabilang balikat niya ang bag ko.
Asar!
"Bwiset! Akin na sabi!"' nabulyaw ko ng hindi sinasadya. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Aldred. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.
Kumagat ako sa labi ko. Kailangan kong makisama sa lalaki na 'to dahil nakikitira ako sa kanila pero hindi pa nga kami masyado nakakapag-interact ay mapipigtal na ang pasensya ko. Lumipat ako sa kabilang side at hinila ang bag ko ngunit muli ay binalik niya ito sa kabilang balikat. Ilang beses kami nagpaulit-ulit habang naglalakad hanggang sa mapatigil ako ng magsalita siya.
"Arianne, I love you."
Lumayo ako bigla sa kaniya sabay iwas ng tingin pero agad rin niyang binawi ang atensyon ko ng kunin niya ang kamay ko.
"Stop this— Tsk, Aldred bastos ka ba talaga?"
Kumagat si Aldred sa pang-ibabang labi niya. Kahit sinabihan ko na siya ay di niya pa rin ako binitawan. Inalis ko isa-isa ang mga daliri niyang nakakapit sa kamay ko pero binabalik niya rin ito at mas lalo pang humihigpit ang hawak niya.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid at mabuti na lamang ay walang tao.
"Sasagutin mo ko o hahalikan kita?" Pagbabanta niya.
Napatikwas ang kilay ko.
"Sampalin kita gusto mo?"
Parang bata si Aldred kung makatingin sa akin. Tinitigan ko siya ng masama pero hindi pa rin siya nagpatinag. Patuloy ako sa pag alis ng mga daliri niya. Ang hirap alisin ng kamay niya dahil sakop na sakop nito ang buong kamay ko.
Nangigigil na ako sa kalokohan niya. Nakita ko siyang ngumisi. Maalis ko lang 'tong kamay ko ay isang bagay lang ang pipiliin ko at iyon ay ang sapakin ang makapal niyang mukha. Walanghiya siya!
Bigla ay hinigit niya ako papalapit sa kaniya dahilan para magtama ang dibdib namin sa isa't isa. Nag-init ang pisngi ko at biglaang umusbong ang kaba dahil magkalapit kami. Umusog ako palayo pero ibinalik ako ng isang kamay niyang nakalapat sa likod ko.
"Hoy- ano- ano ba? T-tigilan mo n-nga 'to," naiilang kong sabi.
"Ang bango mo Arianne."
Bigla ay nanlambot ang tuhod ko ng lumapat ang hininga niya sa tenga ko. Bwiset. Dahil ata sa wala akong contact for almost 3 years sa mga lalaki ay naging estranghero na ang katawan ko sa mga touch and moves nila.
"Ano ba kasing gusto mo talagang... talagang mangyari a?"
"Mahalin mo ako," tugon ni Aldred gamit ang napakalalim na boses niya.
"Tigilan mo ako."
Tinulak ko si Aldred. Nakanguso siya at pumupungay ang mata niya habang mariing nakatitig sa akin.
Ang gwapo ni Aldred, ang cute ng mga actions niya... lahat ng physical aspects para gustuhin ng isang babae ay nasa kaniya na pero hindi iyon sapat para maging basehan ng nais niyang mangyari. Wala nga kaming alam tungkol sa isa't isa tapos ganun-ganon na lang niya i-demand na mahalin ko siya?
"Ano bang gusto mong gawin ko Arianne? Lahat ng gusto mo gagawin ko para lang mahalin mo ako."
Wala akong masabi. Wala naman kasi akong gusto. Wala naman kasi akong pagtingin sa kaniya. Umagang-umaga ay napapabuntong-hininga ako.
"KYAAH! O M GEE!"
Pareho kami ni Aldred ay naagaw ang atensyon ng isang boses na pamilyar sa akin. Nilingon namin ang direksyon kung saan nanggaling ang tili at nakita namin si Bianca kasama si Jerome?
"My god, Arianne! How dare you! How dare the two of you! KYAAH!" Parang kiti-kiting nag-breakdown si Bianca sa daan. Irita akong nakatitig sa kaniya. Napahawak siya sa semento ng kalsada habang inangkla naman siya ni Jerome para tumayo.
Bumitaw si Aldred sa akin at tinindig niya ang kaniyang sarili. Ganoon din ang ginawa ko, umaktong parang walang nangyayari.
"Hey, Je!" bati niya kay Jerome bago tumingin kay Bianca, "Kaibigan mo ba siya?" tanong niya sa akin.
Tumango ako, "Si Bianca," pagpapakilala ko. Nilingon ko silang dalawa ni Jerome. Noong una ay nahihiya ako pero napuno ako ng pagtataka at pagkalito kung bakit sila mag kasama. Lumapit sa akin si Bianca. Idinuro niya ang kaniyang mukha sa akin.
"Hoy Aya! Ano 'to? Umagang-umaga! Anong ginagawa niyong dalawa dito sa daan?"
Lumihis ako ng tingin at nakita kong nakangiti si Jerome. Tinugunan ko siya ng pilipit na ngiti.
"Wow, so it's true," reaksyon ni Jerome bago niya kami batiin, "Good morning, Aldred. Good morning, Arianne," nakangiti niyang dugtong. Babati rin sana ako pero bigla na lang ay niyugyog ako ni Bianca.
"Tumigil ka nga! Wala kaming ginagawa," iritado kong sabi sabay tulak sa kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Napalingon ako kay Aldred at nakita ko ang sama ng tingin niya kay Bianca.
Bumulong sa akin si Bianca pero alam kong sapat ang lakas ng pagkakasabi niya para marinig iyon ni Aldred.
"Lokohin mo lelang mo a. CIA kayo, loving-loving in the morning. Umamin ka na nga!" Sinundot niya ang bewang ko kaya't napa-jerk ako ng malakas.
"Hi Aldred ako nga pala si Bianca Jeane Lim. Step sister ni Jerome." Sumulyap sa akin si Bianca sabay kindat.
Ang sama ng mukha ni Aldred pero agad ay napawi rin dahil sa sumunod na sinabi ni Bianca.
"Friend ako ni Arianne at number 1 supporter ng pag-ibig mo sa kaniya."
Tinignan ko si Bianca ng masama ngunit ininda niya lamang ito. Napalipat ang atensyon ko kay Aldred nang biglang magliwang ang aura niya. Abot tenga ang ngiti niya at masayang kinuha ang mga kamay ni Bianca para makipagkamay. Ipinakilala ni Aldred ang sarili niya.
"Talaga? Gusto mo ako para kay Arianne? Cool, nice nice to meet you! Nice to meet you."
Masayang nag-usap si Bianca at Aldred kaya tumikhim ako. Masyado na kasing naaagaw ang oras namin.
"Oh my, may nagseselos. Sorry Arianne," sabi ni Bianca sabay layo. Gusto ko siyang sapukin. Hindi ako nagseselos!
Sabay sabay na kaming naglakad. Nagkwentuhan sina Jerome at Aldred habang ako naman ay kinukulit ni Bianca.
Bianca pulled a silly face.
"What happened?" bulong niya sa akin. Tinignan ko siya at inirapan. Wala akong balak na sagutin siya dahil naiinis ako sa kaniya.
"What happened? What happened?!" pangatlong beses niya ng inulit. Nakukulitan na ako at naririndi, alam kong 'pag ganito ay hindi siya titigil hangga't di ako sumasagot. Sumulyap ako kay Aldred na nasa harap.
"He just hugged me," matabang kong sabi. Tumigil si Bianca sa paglalakad, tulala at hindi gumagalaw. Napahinto ako gayundin sina Aldred at Jerome. Tatlo kami ay nakatingin sa kaniya.
"Anong problema mo?" nagtataka kong tanong. Marahang dumirekta ang tingin niya sa akin at from astonished ay to maniac smile ang umiral sa mukha niya hanggang sa marinig ko ang tiling nakakabasag ng eardrums.
"KYAAAAAAAAAAH— " Hindi ko na siya hinintay pang tumigil at tinakpan ko kagad ang bibig niya.
"OMG, how can you say it like that?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"What do you mean?"
"You're saying it casually! Na niyakap ka ni Aldred!"
Agad ay napasulyap ako kay Jerome.
"OA ka lang kasi maka-react kaya hindi ka sanay!"
"Hindi ako OA. You're just too casual. My god Arianne ayiiii," tukso niya kasabay ang pagsundot-sundot sa akin. Narinig ko naman ang pagtawa ni Jerome kaya napalingon muli ako sa kaniya. Nahiya ako ng magkatitigan kami kaya't binaling ko kay Aldred ang atensyon ko. Nakalihis ang mukha niya pero aninag ko ang ngiti niya. Naasar ako kaya bumalik ako kay Bianca.
"Sabagay ano ba naman yung yakap kung sa lips lang kotang kota na,'' ani Bianca na nakapagpagigil sa akin. Naaasar na talaga ako pero hindi ko na pinatulan pa. Siningkitan ko na lamang siya ng tingin saka nagpatuloy na ako sa paglalakad. Iniwan ko silang tatlo pero hinabol ako ni Bianca at sinabayang muli.
Habang naglalakad kami ay kwinento niya sa akin yung tungkol sa sitwasyon nila ni Jerome. Sinabi niya rin sa akin kung bakit hindi niya agad ipinaalam sa amin ni Pristine na may step-sibling siya.
"We're not on good terms," bulong niya.
"Hanggang ngayon?"
Bianca paused for a moment before answering.
"Yes…"
Tinitigan ko si Bianca. Sa daan nakatingin ang mga mata niya pero malayo ang distansiya nito sa iniisip niya. Sumulyap ako sa likod at nakita ko ang maliwanag na aura ni Jerome. Ngumiti siya sa akin. Noong una kaming magkita ay mukha naman siyang mabait at palakaibigan. Hindi ko tuloy mahinuha ang dahilan kung bakit di sila magkasundo ni Bianca.
"Mukha naman siyang mabait a?"
Tumawa si Bianca, "Oo, sobra, at iyon ang dahilan," saad ni Bianca sabay tingin sa akin. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung ano ang ibig sabihin niya pero nilapat niya ang kanang hintuturo niya sa labi ko kaya't tumigil na ako.
"Alam mo naman na ayoko ng mga goody two shoes di ba?" Bianca asked, which I considered to be the answer to my supposed question. Hindi na ako nagtanong pa.
Pagkarating namin ng gate 1 ng NIA ay nakatingin halos lahat ng nagdadaang estudyante sa direksyon namin. Wala silang pake kung sa harap ng pagmumukha ko pa sila magbulungan. Nailang ako kaya napayuko ako.
"Bianca, yung lunchbox mo a. Arianne, pakibantayan yung kapatid ko. Ingat kayo," sabi ni Jerome. Tumingin ako kay Aldred para sa bag ko.
"Halika na," nagulat ako.
"Anong "halika na"?"
"Sa SNGS- baka ma-late ka." Humakbang siya pero agad ko siyang pinigilan.
"Wait! Ihahatid mo ako?" Marahang lumingon sa akin si Aldred saka ngumiti.
"Oo, kaya nga maaga tayong pumasok."
"Hindi na, 'wag na! Okay na ako kasabay ko nanaman si Bianca. Di ba Bea?" Lumingon ako sa paligid pero wala akong nakita ni anino ni Bianca.
Bianca? Bwiset ka!
"Nauna na si Bianca," nakangiting sabi ni Aldred habang lumilinga-linga, "Paano ba 'yan wala ka ng kasabay? Okay lang, ihahatid kita kasi mahal kita," Aldred giggled.
Baliw, ano namang koneksyon?
NO ONE'S POV
"OHAYOUUU!" bati ni Bianca noong makita niya si Pristine at Natalie na bumababa ng van. Napalingon sa kaniya ang dalawa.
"Morning," sabay na bati nila. Nagkalingunan pa sila sa isa't isa at sabay ding nag-irap.
"Lively day, huh? Lumayo-layo ka lang sa akin, wala ako sa mood ngayon," sabi ni Natalie.
"Whew, ang scary naman this girl. Anyare Pristy? Ano na namang pinag awayan niyo ni Nutty?"
"Wala. Ba't ba hindi ka pa nasanay dyan e pinaglihi 'yan sa sama ng loob," sagot ni Pristine.
"And what do you think about yourself then?"
Hindi sumagot si Pristine. Nang ialis ni Natalie ang tingin niya sa kaniya ay pumilig siya ng ulo at pabulong na nagsalita na hindi naman napalampas ng tenga ng pinatutungkulan niya.
"Witch,"
"Fiend,"
"Demonyita,"
"Santa Santita,"
"Mutain!"
"Uhugin!"
Nakaamba na ang bawat kamao ni Natalie at Pristine sa isa't isa at malapit na sanang magkaroon ng bagong scoop si Noreen kung hindi lang pinigilan ni Bianca ang dalawa.
"Hoy! Teka! 'Wag nga kayo mag-away. Wag kayo dito mag-away, doon mamaya sa gym - sa P.E class na lang para madaming manunuod."
Kumalma ang dalawa.
"Humanda kang bwisit ka sa joint P.E class mamaya. Lalagasin ko 'yang ngipin mo."
"Talaga lang ha? Itago mo 'yang ilong mo kung ayaw mong panguin ko 'yan at di ka na makapag-model letse!"
Napangiwi na lang si Bianca habang tinitignan ang palalang away ng dalawa. Hinayaan niya na ang mga ito at hinintay na humupa ang tensyon bago sabihin ang hindi naman lahat ng nasaksihan niya nitong papasok siya.
"Guess kung sinong kasabay ko kanina? Iniwan ko lang silang dalawa kasi naawa ako sa sarili ko na mabansagang thirdwheel pero si Arianne! Ihahatid siya ni Aldred dito sa'tin!"
Papasok na sana noon si Natalie sa school gate ng mapahinto siya dahil sa pananadya ni Bianca na iparinig sa kaniya ang sasabihin. Habang sumi- sink in sa dalawa ang narinig ay pigil na nagdidilim ang timpla nila pero nang mismong makita na ito ng kanilang mga mata ay parehong tuluyang sumama ang aura nila.
Habang nagsasalita pa si Bianca ay lahat ng mata ng mga estudyante ay nalipat sa iisang direksyon. Kagaya ng sa NIA ay pinagbulungan din si Aldred at Arianne nang makita sila. Si Arianne na nakakatanggap ng atensyon ay hiyang-hiya at walang magawa kundi ilihis na lamang ang kaniyang mukha habang si Aldred naman ay walang pakialam.
Nang mapansin ni Bianca ang nagsingkit na mga mata ng dalawang taong kausap niya ay napalingon siya sa tinitignan ng mga ito.
"Arianne!"
Tumakbo si Arianne kay Bianca.
"Sira ka ba Bianca? Ba't mo ko iniwan?"
Ngumisi lamang si Bianca bilang tugon. Nilingon ni Arianne si Pristine saka Natalie. Magpapaliwanag sana siya pero natigilan ng magsalita si Pristine.
"Anong ginagawa mo dito Freak?" tanong ni Pristine na umagaw ng atensyon ng lahat.
"Hinatid ko lang si Arianne," sagot ni Aldred. Habang ibinibigay ni Aldred ang bag kay Arianne ay biglaan na lamang nagtilian ang mga estudyante. Napansin naman ni Aldred na napalingon si Arianne kay Natalie nang marinig ang ingay at parang naligalig.
"Inutusan lang ako ni Mama na ihatid siya kaya 'wag kayong mag-alala," paliwanag niya habang mariing nakatingin kay Natalie. Nilihis ni Natalie ang kaniyang mukha nang magkasalubong ang mga mata nila ni Aldred. Mariin siyang napahawak sa handle ng kaniyang shoulder bag.
"Okay, thanks Aldred Freak sa paghatid mo kay Arianne, now pwede mo na siyang iwan at bumalik ka na sa NIA."
Tumango lamang si Aldred saka lumingon kay Arianne.
"I'm okay now."
"Later,"
"Later?"
"See you later, susunduin kita."
Nagtaasan ang kilay ng apat dahil sa sinabi ni Aldred. Papalag pa sana si Arianne ngunit pinigilan siya ni Aldred.
"Utos ni Mama," depensa ni Aldred saka inisa-isang nilingon si Natalie, Bianca, Pristine at Arianne. Pumihit patalikod si Aldred at naglakad na pero natigil siya ng biglang tawagin ni Arianne ang ngalan niya.
"Aldred!"
Lumingon si Aldred kay Arianne.
"Thank you."
♦♦♦