CHAPTER 8 – Can't Hold Back to Sweets
ALDRED'S POV
Mabilis akong humabol kay Mama pagkatapos kong makausap si Sir Roel sa cellphone. Mabuti na lamang ay papasakay pa lamang siya noon kaya nakasabay ako at nakalibre ng pamasahe.
"Ma, ayaw mo po ba muna sumama?" tanong ko noong marating na namin ang Central Mall.
"Hindi na, minsan ka na lang naman lalabas kaya ayoko naman ng makaistorbo pa sayo."
"Eh? Hindi naman eh... pero bahala po kayo. Basta di ko po alam kung anong oras ako makakauwi."
My Mom is already 42 years old but she looks like she is in her mid-twenties. She stood about 5'7 the same as me. She has a pale complexion partnered by long raven black hair and deep but soft black eyes. She once told us (me and my younger sister) that she was called Sadako in her younger years because of her appearance.
My features are a set of both from my parents. My complexion, hair, and eyes are from my mom while my nose and lips are from my dad.
My Dad is a Controller in a top manufacturing company in the states. He was a so-called probinsyano - masculine, tanned, and handsome, who struggled for his way to reach the top and I'm proud to have a father like him. He rarely comes home but he always makes sure to us that he is always by our side through calls and frequent video chats.
"Sige na, basta anak ha. Alam ko namang maraming maganda dyan sa agency pero huwag munang mag-girlfriend," pabirong paalala ni Mama.
"Opo, opo." Nguso ko.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong papel sa event na 'yon. Sa katunayan din nga ay tapos na noong tawagan ako ni Sir, trip niya lang talaga na papuntahin ako.
"Sayang, dapat talaga sa susunod sumali ka na sa event. Andaming nanuod kanina na ikaw yung hinahanap."
We are currently in the agency's resident cafe. Pink and purple paint covered the surroundings and a playful piano piece is played at the side.
"Alam mo naman po sir na hindi ako pwede sa ganyan. Conflict sa sched," tugon ko sabay kagat sa burger na aking hawak.
Kinuha ni Sir Roel ang kaniyang tasa ng kape at humigop dito.
"Yah, yah, naiintindihan ko naman. What I'm trying to say is nasasayangan ako. Ikaw ang isa sa may least exposure sa lahat ng talent ng agency yet isa ka pa rin sa pinakasikat. Paano pa kaya kapag i-grab mo yung opportunity?"
Huminga ako ng malalim.
Matagal na kong pinipilit ni sir sa pag aartista pero kahit kailan ay hindi sumagi sa aking isipan na tanggapin iyon. Alam ko naman sa sarili ko na gwapo ako, matangkad, matalino, PERFECT in physical and intellectual aspects. Artist material ika nga pero kahit ganoon ay hindi naman ako sucker for popularity.
"Hello, Aldred."
Nailunok ko ng wala sa oras ang kakakagat ko pa lang na burger noong makaramdam ako ng pag-ihip sa aking tenga at marinig ang tinig na 'yon. Unti-unti kong inangat ang aking ulo at tumambad sa'kin ang isang babaeng may mapupulang labi.
Si Natalie. Hinila niya ang isang upuan sa tabi namin ni sir at doon siya umupo.
"Hi" bati ko sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.
"Ano ba 'yan Aldred minsan na nga lang tayo magkita. Don't you miss me?" Nag-linger sa tenga ko ang sexy at breathy niyang boses pero hindi ko na hinayaan pang pumasok iyon sa aking munting sistema.
"Ah? Hindi, bakit naman kita mami-miss?" tanong ko sabay kagat muli ng burger.
Sumingkit ang mga mata ni Natalie kasabay ang pag-nguso niya.
"Sir Roel oh, ang rude nanaman sakin ni Aldred," she smiled.
Tsk.
Isa si Natalie sa mga pinakasikat na model dito sa agency. Maganda siya, sexy, at fashionista. She is a Filipino mixed Spanish part British. She has short legit blonde hair, doe brown eyes, and a rosy white complexion. Mas matangkad siya sa akin ng konti lang dapat dahil 5'8 siya pero dahil sa heels na suot niya ay umaabot siya ng 5'9. She is wearing a gray dress topped with a blue vest. SNGS's uniform. Katulad ko ay highschool student din siya. Hindi kami close. Clingy lang siya sa'kin at naiirita ako do'n.
"Hindi ka pa nasanay dyan. Kaya nga siya mas gumagwapo dahil sa cold attitude niya eh," tugon ni sir at saka ngumisi pagtapos.
Tumikhim ako.
"I couldn't agree more. Hey, Aldred samahan mo naman akong maglibot ngayon oh." Humawak si Natalie sa balikat ko at ngumiti.
"Ayoko," masungit kong reaksyon sabay nguya. Maganda si Natalie pati yung ngiti niya pero hindi ko siya type.
"Tss, ang damot," yamot niya namang reaksyon sabay tulak sa braso ko.
Nagpatuloy lamang ako sa pagkain. Simula nang pumunta ako at umupo dito ay nakakaanim na burger na 'ko. Ayokong pansinin si Natalie dahil baka humaba pa ang usapan namin... saka baka masaktan ko pa ang damdamin niya.
"By the way, kanina may babae akong nakasalubong. Model material or should I say artist material talaga ang datingan. Inalok ko ka agad pero ayun! Wala rin siyang patumpik-tumpik mag-reject," nanghihinayang na kwento ni Sir.
"You probably scared her. Baka napasobra naman kayo ng tingin?" tanong ko.
Kumamot si Sir sa ulo niya.
"Sa tingin ko nga... Hindi ko naman maiwasan eh kailangan kong i-check siyempre." Ungas siyang ngumisi. Siningkitan ko siya ng tingin dahil hindi ako makapaniwala sa dahilan niya.
"Say sir, sino mas maganda? Me or that girl?" Singit ni Natalie.
Marahan akong uminom ng softdrinks bago sumipat kay sir para abangan ang isasagot niya. Inabot niya muli ang tasa ng kaniyang kape at saka dahan-dahang humigop dito.
Nagsalubong ang kilay ni Natalie, "Argh, nevermind. Makaalis na nga." Bigla siyang tumayo at iniwan kaming dalawa.
Napahinga ako ng maluwag.
Wala na 'kong balak magpagabi pa dahil wala naman talaga kong gagawin do'n. Salamat na lang sa mga burgers. Kahit ilang beses pa ko kulitin ni Sir Roel ay isa lamang ang magiging sagot ko. Kuntento na ko sa pagpa-part time lang. Kumikita ako para sa mga luho ko ta's balance lahat. Nagagawa ko lahat, aral, modeling, gaming. Tamang takbo ng buhay para sa isang teenager na tulad ko.
♦♦♦
"Apat pa dito oh..."
Nakaupo na ako sa loob ng jeep. Masikip na nga sa loob pero di pa rin makuntento yung driver nito. Lahat ay naiinip na at obvious naman ng nagsisinungaling lamang yung barker.
Napatingin na lamang ako sa sign na nasa likod ng driver.
WALANG MASIKIP SA DRIVER NA MAPILIT.
Punyeta!
"Miss oh apat pa dito," narinig kong sabi ng barker bago ako napatingin sa dalawa kong katabi.
"Uy, Pare usog ka. Paupuin mo dito sa tabi natin," bulong ng isang lalaki sa katabi niya.
Napansin kong halos lahat ng sakay sa loob ay naglingunan sa istribo kaya hindi ko na rin naiwasan pang gumaya.
Bigla ay parang bagong sikat ang araw. Tumabi ang mga ulap at nagliwanag ang paligid. Maliwanag ngunit hindi ako nasilaw. Sa halip ay nandilat ang aking mga paningin nang umapak paakyat ng jeep ang isang anghel sa lupa.
ARIANNE?
ARIANNE! Napalunok ako. Tila ba bumagal ang oras habang pumapasok siya.
Fate or coincidence? Parang niyanig ang damdamin ko ng presensya niya. Hinangin paakyat sa utak ang aking dugo at nag-ulap ang aking diwa. Hindi ako makapaniwala. Sino nga bang makapagsasabi na magkikita kami ng hindi sinasadya.
Mapagkamalan na akong manyak, adik o ano pa man pero hindi ko maiwasang i-scan ang nakakabighani niyang mukha.
Those fierce eyes... her thick eyelashes, porcelain skin, rosy cheeks, and kissable lips. Shit! Is she real?!
Napailing ako. Wala na ako sa aking sarili kaya kailangan kong kumalma. Umusog na lang ako para sa akin siya tumabi.
Ang bango niya! Citrus and lilacs! Lintek! Anak ng cotton candy!
Para kaming sardinas sa loob ng jeep pero hindi ko na inalintana lalo pa't iyon ang dahilan para magkadikit kami ng maigi.
Salamat manong driver!
Pinagmasdan ko si Arianne. Yumuko ako at isinandal ang aking ulo sa aking braso na nakasampay sa bakal. Palihim akong sumulyap sa kaniya.
Wow, so gorgeous...
Ginala ko ang aking tingin sa paligid at halos lahat ng nasa jeep ay nakatingin din pala sa kaniya. Kahit si manong driver ay napansin kong sumusulyap-sulyap rin sa kaniyang rear view mirror. Grabe naman kasi, para siyang artista in person.
Muli ay palihim ko siyang pinagmasdan at doon ko napansin ang pagkailang niya. Siguro dahil sa sikip? Sinundan ko siya ng tingin ng biglang bumaling ang mukha niya sa akin at magtama ang pareho naming matatangos na ilong.
"Anak ng," mahina kong nabulalas bago manigas ang aking katawan. Parang estatwa na kakagaling lamang sa hurno. Ang init. Idiniretso ko ang aking paningin at nakita ko ang reaksyon ng lahat ng nasa tapat namin.
Nakakahiya pero nakaramdam ako ng kuryente. Sinulyapan ko si Arianne at kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha. Para bang gusto niya ng maglaho sa kaniyang kinauupuan.
Ang cute niya. Nakakabahala at the same time nakakatakot. What I mean is nababahala at natatakot ako sa aking emosyon. Para ba kasing ang vulnerable niya at alam kong kaunti na lamang ay sasabog na ang utak ko at puputok na ang puso ko ng dahil sa kaniya. Mahirap ang hindi makapagpigil.
♦♦♦
"Oy, yung taga St. North dyan oh."
Nang magsalita si Manong Driver ay do'n ko lamang napagtanto na nasa St. North na kami. Sumulyap ako kay Arianne. Ewan pero hindi ko kayang malayo sa kaniya ng ganun-ganon lang.
Sinundan ko si Arianne at nagulat siya sa presensya ko, naiintindihan ko naman iyon pero ang di ko maintindihan ay hindi niya ako maalala. Nalungkot ako. Pagkatapos niya pa man din i-like yung mga pics ko tapos hindi niya ako nakilala sa personal... pero okay lang. I'll let this pass, kailangan kong intindihin, kagaya ng sabi ko ay ngayon lang naman kami nagkita in person. I won't demand.
Hinawakan ko ang kamay ni Arianne at napakalambot nito kaya't hindi ko magawang bitawan. Dahil din sa paghawak ko sa kaniya ay naramdaman ko ang kaba niya.
"Can you please let go of my hand?"
Nang sabihin iyon ni Arianne ay parang nabalik ako sa ulirat. Naalala ko ang turo ni Mama at ang kamaliang kasalukuyan kong ginagawa.
"Ah, I'm sorry," saad ko, "Am I making you uncomfortable? I'm sorry, I tried to resist myself. Sabi ni Mama, rude na basta na lang humawak sa babae lalo na kung walang permiso pero hindi ko matiis na hindi ka hawakan kasi parang panaginip na bigla na lang nasa harapan kita," paliwanag ko.
Lumunok si Arianne dahilan para maintindihan ko na hindi talaga siya komportable. Pansin ko rin ang pag-uutal niya. Gusto ko siyang maging at ease sa akin kaya ni-cup ko ang pisngi niya.
"Ang ganda mo Arianne."
I smiled at her. Tinignan ko siya ng maigi with my honest and sincere eyes. I want to assure her that I don't mean harm, instead I want her to know what I feel.
"Arianne, I love you," I confessed. Hindi ko alam kung bigla bang tumahimik ang paligid dahil nasakop ng matinding kabog ng puso ko ang aking pandinig.
"Huh?" reaksyon ni Arianne. Ganoon ata kaingay ang puso ko kaya hindi niya ako narinig.
"I love you at first sight,"
"Huh?!"
Mukhang hindi ako naintindihan ni Arianne. If my words can't reach her then maigi na ipahayag ko sa kaniya via my action. After all, ayon nga sa kasabihan "Action speaks louder than words"
Mula sa kaniyang pisngi ay nilipat ko sa kaniyang baba ang aking kamay. Hinawakan ko ito para hindi niya maalis ang kaniyang atensyon sa akin. May nais sana akong sabihin ngunit nang mapatitig ako sa magaganda niyang mga mata ay nailunok ko ang mga salitang gusto kong buoin.
Her brown eyes, pink cheeks, and her pink lips…
Noong bata pa ako ay may mga bagay akong gusto na hindi naibibigay ni mama. May dahilan at naiintindihan ko naman iyon pero ngayon ay wala na kay mama ang control kapag hindi ko nakuha ang gusto ko ngayon.
Marahan kong inilapit ang aking mukha kay Arianne. Marahan kong inilapat ang aking labi sa labi niya.
Being an NGSB guy, I never kissed any girls in my whole existence (of course except my mom). This is my first kiss… Is this how a kiss should be? I'm feeling something inside of me, something that lit up, something that makes me excited.
I moved my free hand and hugged Arianne. I enveloped her softness with my arm. My hand trailed her back. She has a nice body. Kahit na loose yung style ng uniform nila ay nagawa kong madama ang hubog ng curves niya.
God, what I'm doing?
Marahan kong inialis ang aking labi. Kasabay ng paglayo ng mukha ko sa kaniya ay ang pagka-upos ng aking hininga. Bumalot sa aking kamalayan ang init ng aking mga pisngi. Napangiti ako noong makita ko na ganoon rin ang reaksyon ni Arianne.
"Your lips are soft too,"
Wala akong ibang masabi kundi iyon. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago bigla niya akong itulak. Pinunasan niya ang kaniyang labi saka tinalasan ako ng tingin.
"Arianne, I love you," saad kong muli. Tinitigan ko si Arianne ng maigi upang maipahatid ko na seryoso ako sa aking tinuran.
"Go to hell," mahina niyang sabi pero kahit ganoon ay naintindihan ko iyon. Ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang ibig niyang sabihin.
"I said go to hell!" bulyaw ni Arianne na nagpaatras sa akin. Galit siya at napansin ko ang pagngilid ng luha sa mga mata niya. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko siyang aluin pero natakot ako bigla. Imbes na hawakang muli siya ay dumiretso sa mga nalaglag na pinamili niya ang mga kamay ko.
"Arianne…"
Lumuhod ako at nanginginig na kinuha ang mga patatas, kamatis, mouse at carrot cake. May mga kamatis na nalamog at na-deformed ang carrot cake dahil sa pagkakalaglag. Nakalimutan niya siguro na may cake siyang dala-dala kaya napabayaan niya ito.
Isinampay ko yung handle ng shopping bag sa kaniyang kamay. Naghihintay ako ng reaksyon mula sa kaniya pero wala. Di siya kumikibo at parang nakatingin lamang sa kawalan kaya minabuti kong magsalita muli.
"Arianne, I know this is really sudden, hindi pa nga tayo nagkakakilala pero ayoko na kasing pakawalan pa yung opportunity," pahayag ko.
Tinitigan ko siya ng masinsinan ngunit parang wala ang kaniyang diwa. Gayunpaman ay pinagpatuloy ko ang aking sasabihin.
"Arianne, I love you. Please be my girlfriend," sabi ko mula sa kaibuturan ng aking puso pero hindi ako makapaniwala sa isinukli niya rito.
Bigla ay sinampal niya ako.
Ouch!
Naramdaman ko ang sakit mula sa pisngi hanggang sa mga kadulo-duluhang sulok ng aking katawan.. Hindi ko maintindihan kung bakit. Nagulat ako at medyo nainis sa ginawa niya.
"Arianne—!"
Gusto ko sanang magreklamo at magtanong kung ano ang dahilan niya para sampalin ako ngunit pagtingin sa kaniya ay tumambad sa'kin ang mukhang natatakpan ng mga luha.
"Arianne please stop crying..."
Natataranta kong pinunasan ng panyo yung mukha niya pero itinulak niya ang kamay ko bago nagmadaling tumakbo paalis.
Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa aking pisngi pero may kung ano sa puso ko na mas masakit pa. Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko at tanging ako na lamang ang tao sa tapat ng school gate nila.
"Hah!" I tried to laugh but my voice cracked.
Tanga. Naalala ko 'yong sinabi ni Mama. Inalala ko ang mga ginawa ko at na-realized ko kung gaano ako kasira. For the first time, I lost myself. Ako na laging kalkulado ang mga aksyon ay umakto ng hindi nag-iisip.
Ganito ba kapag inlove?
Ngumiti ako bago hindi ko na-control at nauwi ito sa pagngiwi.
"Arianne, I love you," I whispered to myself.
♦♦♦