Naging mabuting hari si Daejeo sa buong kaharian, nagkaroon sila ng apat na anak si Ryu Ji, Da Wang, Su Chu at Di Byon mga apat na prinsipe kay Yeonyang at mayroong naging anak rin sa iba pang babae ngunit si Yeonyang ang naging imperatris.
Dahil ito naman ang tunay nitong iniirog. Nang bago mamatay ay sinabi nya kay Yeonyang na Si Ryu Ji ang gawing hari ng Gwang at si Su Chu ang sa Pyeol Gwa dahil nakitaan nya ang dalwang ito ng mabuting katangian at kakayanang mamuno ng isang bansa.
At pinangaralan nya at binigyan ng pwesto rin ang dalwang kapatid ni Ryu Ji at Su Chu dahil ayaw nyang maulit ang naging alitan nilang magkakapatid na naganap noon.
Maging ang anak niya sa ibang babae ay pinagsabihan nya na kaya nya lang ibinigay ang trono sa dalwang iyon dahil ang ina nila ay reyna ng Pyeol Gwa at maigi na lang ay naging maunawain sila.
Nang mamatay ang hari at reyna ay natupad nga ang mga iyon sa pangunguna ni Dal Won.