Download App
66.14% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 84: BEING AWKWARD

Chapter 84: BEING AWKWARD

(happenings before Spade's confession)

AIKKA's POV

"guys, do I really need to wear this? masyado kasing maikli, I feel uncomfortable" me talking to them on my cellphone. Andito na ako sa main gate kasi Spade just texted me na papunta na siya dito sa Academy.

"bestie! you wanted to seduce him right? that's the only way to seduce a guy" Elaine.

"pero sobra naman ata ang suot niya, hindi ba iyan daring masyado?"

Nathan's right. Para tuloy akong ewan sa suot kong ito. As in!

"anong daring ka dyan? eh wala nga akong makitang highlights sa katawan niya ngayon"

Ouch! Grabe talaga makapanglait itong si Elaine. Biniyayaan rin naman ako kahit papaano noh.

"basta Aikka, just use your phone if something went wrong. Nakasunod lang kami sa iyo" Abby.

Nasa kotse kasi sila ngayon. Para ko silang buntot na wherever I go, andoon sila..in case daw na magkaemergency.

"okay Abby" then huminga ako ng malalim kasi kinakabahan talaga ako.

Makipagkita ka ba naman sa taong gustong pumatay sa iyo. Shocks!

"Aikka, 'yung watch na ibinigay ko sa iyo, isinuot mo na ba?" ask naman ni Cloud.

(Para kasi kaming nasa group video call this time kaya nakakausap ko silang lahat.)

"ah..buti ipinaalala mo" dali ko iyong kinuha sa sling bag ko at sinuot iyon.

"good, recording device kasi iyan na connected sa laptop ko, so if ever na may conversation kayo, recorded ang lahat lalo na kapag may sabihin siya tungkol sa identity or background niya, automatic na itong maa-upload sa laptop. It would be a great help kaya huwag mo iyang tatanggalin sa kamay mo"

"okay, copy" then I noticed na may sasakyan nang paparating. I think siya na iyon kaya nagpaalam na muna ako sa kanila.

Bumaba na si Spade sa car niya at pinagbuksan ako.

Peacock! Nang makita ko ang mukha niya, bigla akong kinabahan.

Sana naman, wala siyang gawing masama sa akin dito sa kotse. Okay...I can do this.

I can do this!

Now, nakasakay na rin siya and he started driving na.

"kanina ka pa ba dun?" him.

"ah...hindi naman masyado." sabi ko.

When I answered him, bigla niya akong tiningnan.

Shocks! Nahalata ba niyang kinakabahan ako ngayon? Ang sabi pa naman ni Jotham, huwag daw akong magpahalata na may alam na ako about him.

Kasi it would be a big problem kapag Spade will notice it. Baka daw malagay sa alanganin ang life ko.

(Pero hindi pa ba iyon nangyayari sa akin ngayon?)

So, I tried to smile at him.

"teka lang, you have put some make-ups ba sa iyong face?" him.

Pew!

Buti na lang at ang make up ko ang napansin niya.

"ah..eh....wala lang. I just realized na maganda rin palang magmake up" me trying to talk to him like how I used to be.

"right...mas maganda ka ngayon" sabi niya but hindi na siya nakatingin sa akin this time.

Nagjojoke ba siya? I tried to smile na lang ulit as a reaction.

(a moment of silence)

Ano ba ito?

Kasi naman eh! Paano ba kasi ang mangharot ng lalaki? Para dalhin na niya ako sa mansion nila't matapos na itong awkward na happenings na ito. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng magkakagusto sa akin, ang isang ito pa talaga ang naglakas loob. Huhu! Ano bang dapat kong gawin?

Aikka, isip-isip ka ng itatanong kasi baka biglang may maisip itong katabi mo na hindi maganda.

"s_siya nga pala, saan ba tayo pupunta? di ba tapos na ang pagpapanggap natin? alam na natin kung sino ang nanggugulo sa SA na may gusto sa iyo, so anong purpose ng pagkikita nating ito?" me.

Okay, I'm trying to dig into something.

"Actually may gusto lang talaga akong sabihin sa iyo and I really planned to surprise you"

Surprise? Sana nga..magandang surprise iyon.

"wow, surprise? make it sure na magugustuhan ko iyan huh" me.

Naku po! Natatae pa naman ako ngayon. Not because of excitement but because of my nervousness talaga. Binanggit pa kasi niya ang surprise na iyan eh.

"well...sana"

Until we reached our destination. Then I saw an helicopter.

Sinasabi ko na nga ba eh!

Is he going to throw me somewhere, after niya akong pasakayin sa helicopter na iyan?

"akala ko naman na dadalhin mo ako sa mansion n'yo" bigla ko na lang nasabi.

Nagulat ata siya sa sinabi ko kaya binawi ko iyon agad. Gumawa-gawa na lang ako ng story para makalusot. Buti nga at naniwala siya.

Now, bumaba na kami ng car at sumakay na kami sa heli.

"teka, saan mo ba talaga ako balak dalhin?" me.

Of course noh, para naman alam nila Abby kung saan ako matatagpuan in case na itulak niya ako mula sa taas.

"surprise nga di ba? okay...lalagyan ko muna nang blindfold ang mga mata mo huh"

Omo!

May pablindfold pa ang kumag. Para tuloy akong hostage nito...isang magandang hostage.

Ilang minuto ng katahimikan, tinanggal na ni Spade ang blindfold. Then I saw the sea...

Shocks! Dito na ba niya itatapon ang bangkay ko?

I think it will be the end of my life..napapikit na lang ako at sinabi sa sarili ko na...

Good bye Philippines.

"Aikka" him.

Napatingin ako sa kanya. Actually, hindi lang sa kanya but sa ibaba niya...I mean, sa ibaba kung may baril ba or bomb dito sa helicopter. Kasi kapag meroon, I'll use my phone na talaga para magsend ng signal kila Abby na may hindi na magandang nangyayari sa akin dito.

"I know na tapos na ang pagpapanggap natin..." he looked into my eyes.

Wait, is he sincere right now? Magcoconfess na ba talaga siya sa akin ngayon?

"kaya now, ang gusto ko ay totohanan naman.....and I wanted you to know my real feelings for you. Dahan-dahan kang tumingin sa ibaba"

O_okay? Hindi naman siguro niya ako itutulak noh, kasi nga he's confessing to me.

"a_are you sure? natatakot ako, baka mahulog ako" me.

"better nga na mahulog ka eh...mahulog ka sa akin".

Bwiset!

Parang gusto kong masuka.

"talaga? pero mas prefer kong itulak ka" sabi ko.

Bwahaha! Sa totoo lang, gustung-gusto ko iyong gawin sa kanya ngayon eh. Ang kaso, I need to stick to our plan kaya I'm trying hard not to do something that he wouldn't like.

"itulak! para mahulog ka rin.....sa puso ko..ayiiie!" sabi ko na lang.

Boom! Turo sa akin iyan ni Elaine kagabi. Of course, may konting briefing kami noh before ako sumabak sa mission na ito.

"tingnan mo na Aikka" he just said.

So tumingin ako sa ibaba. Then, I saw the I love you phrase formed by students standing.

May paeffort huh?

Sorry, my heart is already taken.

"wow!!! ang ganda ng beach!! nararamdaman ko na ang summer!" me.

Basag trip noh. Bakit ba? Gusto kong asarin ang isang ito eh. Lalo na sa mga nalaman ko about him? Bwahaha. Ako ngayon si bad Aikka. Mwahaahaha!

"h_hindi ang beach! tingnan mo ng mabuti" him.

"ay, hindi pala ang beach?" me acting like I didn't see it.

Well, may nakita akong yacht.

Isa pang inis ko sa kanya. What will be his reaction this time?

"awh! thank you Spade" me.

"nabasa mo na?" him.

"h_ha? nabasa? I thought na you're refering to the yacht by the sea. Hindi mo ba iyon binili for me?"

When I said it, gusto kong matawa sa reaction niya. Bwahaha! nakaganti din ako sa iyo. Di ba, ang hilig niya ring mang-inis sa akin, its my revenge now.

"Aikka, I love you. Iyon ang nasa baba." then he pointed those students na kanina pa nakatayo doon.

I don't know but those words coming from him? natigilan ako saglit.

"ah...alam kong medyo nagulat ka pero....ito talaga ang nararamdaman ng aking puso"

Shocks! May gusto nga ba talaga siya sa akin?

Wait a minute.

So does it mean na 'yung time na he kissed me and I kissed him, may meaning talaga iyon for him?

Ahhhh!!! my first kiss was stolen by that psycho! Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya nasampal ko siya bigla.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C84
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login