AIKKA's POV
Nasa sasakyan na kami ngayon.
And nalulungkot ako.
Kasi mamimiss ko sila Mac-Mac, Jonamee at tatang.
Pati ang place na ito, mamimiss ko.
Lahat nang happenings last night at noong nakaraang araw, mamimiss ko din.
"Walang iiyak ha?" sabi ni Abby habang nakatingin sa akin.
"di naman ako iiyak, I'm just sad" sabi ko.
"huwag ka nang malungkot. Di ba nga, binigyan ka ng sulat nung dalawa? Saka pwede ka pa namang bumalik doon e" sabi naman ni Elaine.
Well, she's right. Iisipin ko na lang na mabilis lumipas ang panahon.
"pero honestly, I'm starting to miss those two makukulit at ang mga payo ni tito" her while eating mango chips.
Katatapos lang naming kumain kanina ah?
"huy bestie, mamigay ka naman" sabi ko kaya pilit ko iyong inabot at tinikman rin iyon. Si Abby kasi ang nasa gitna naming dalawa.
"haha! kung makakuha naman ito, parang hindi siya ang bumili" Elaine.
Bakit ba? Paborito ko rin kasi ang pagkaing iyan..lalo na kapag nasa byahe.
"by the way guys, sa bahay na muna kayo dumiretso huh? magluluto ako ng pinakamasarap na chicken parmesan" excited na sabi ni Jotham while driving.
"Chicken Parmesan? wow ha! kapag hindi iyon masarap, sisipain talaga kita" sabi naman ni Elaine.
Kawawa ang magiging boyfriend nito in the future. I'm sure, bugbog sarado. Bwahaha!
"don't worry, hanggang garage ka lang naman eh" Jotham.
"you! ang bully mo talaga!" Elaine.
Natatawa na lang ako sa kanila kasi para lang silang mga bata kapag nag-aaway.
Hay naku, buti na lang at hindi masyadong mainit ang ulo ni Abby ngayon. Nakapikit lang kasi siya sa gitna eh. Napagod din ata siya kasi dalawang araw din kaming madaling araw na kung matulog.
~•~•~
ABBY's HOUSE...
Agad kaming naupo sa sofa ng makapasok na kami.
Hay! Nakakapagod ang biyahe pero worth it naman ang lahat.
"sige guys, pahinga lang muna kayo dyan at ako nama'y maghahanda na nang lunch natin" sabi ni Jotham.
"ah kaibigan, tulungan na kita" sabi naman ni Nathan.
"oh sige, halika at ituturo ko sa iyo ang secret ingredients ng Chicken Parmesan ko" inakbayan niya ito papuntang kusina.
Gusto ko rin sanang tumulong kaso inaantok na ako. Maybe, I should take a nap.
Humanap ako ng magandang pwesto then I leaned my head on their sofa until...nakatulog na pala ako.
"Aikka...Aikka...lunch time na" when I opened my eyes, I saw Nathan's face.
Kaya napabalikwas ako kasi feeling ko, may laway na tumulo habang natutulog ako. (Medyo, basa eh.)
Shocks!
I saw him smiling kaya dumiretso agad ako ng banyo para maghilamos. Then I saw my face on the mirror...
Eew Aikka! Ang pangit mo! at nakita ni Nathan iyon!
I immediately washed my face, after that.. pumunta na ako sa dining area nila Abby.
Pag-upo ko...
They are busy talking about other things so maybe, they didn't notice na naglaway pala ako kanina.
Kumuha na lang ako ng kanin at saka ulam.
Bah! may talent din pala talaga itong si Jotham sa pagluluto, tinitingnan ko pa lang ang chicken parmesan, natatakam na ako. Teka, nilagyan niya ba ito ng cheese? Kasi kapag hinihiwa ko yung chicken, yung juiciness at pagkacheesy ng ulam ay lumalabas. Dali ko iyong tinikman....
Napapikit ako sa sobrang sarap.
If I am not mistaken, Mozarella cheese ang hinalo niya dito.
Ang sarap talaga...
Habang ninamnam ko ang pagkain, bigla na lang akong nagulat dahil nagtaas bigla ng boses si Abby.
Teka, ano bang pinag-uusapan nila?
"Jotham! I said stop! Nahihibang ka na ba?" Abby. Yung kalmang bff ko kanina ay uminit na naman ang ulo.
Because of it, natahimik kaming lahat bigla.
W_wait. Ano bang nangyayari?
"Abby, kahit ngayon lang...pakinggan mo ako." Jotham na mahinahon ang pagkakasabi.
"I_ I think..Jotham is right Abby, mas makakabuting huwag na kayong bumalik sa Moon Corp." sabi naman ni Elaine.
"then what? sa tingin mo bang basta na lang nila kami papayagang umalis?" Abby.
"kaya nga tayo mag-iisip ng alternative plan di ba?" Jotham.
"Alam mo ba kung gaano na karami ang nasacrifice ko para sa plano nating iyon?" Abby.
"kaya nga Abby, marami ka nang nasacrifice....ayoko lang kasi na pati buhay mo, maisakripisyo mo para sa planong iyon. Hindi pa ba sapat na magkasama na kayo ni Aikka? Huwag mo sanang sayangin ang pagkakataong ito Abby. Alam mo, andito naman ako palagi para suportahan ka eh...ang hindi ko lang maipapangako ay kung hanggang kailan. Siguro alam mo naman na hindi basta-basta ang binabangga natin Abby at matagal ko nang sinasabi iyon sa iyo."
Nang sabihin iyon ni Jotham, kumalma na bahagya si Abby.
Then doon ko lang naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Makikisali na sana ako when Nathan have said something that shocked us.
"Teka lang guys, may isinend sa akin si Lisa, wala na daw si Misy"
Tapos ipinakita niya ang kumakalat na attachment from SA's page.
"what?" nasabi ko.
Bigla ko tuloy naalala 'yung mga sinabi niya sa akin before pa siya papasukin sa police car.
That was the time when Nathan is negotiating me to drop the gun down.
"do you heard him? put the gun down Aikka....parehas lang tayong biktima dito"
That phrase 'tho. (We are all victims.)
Nagkatinginan kaming lahat.
And me? Honestly, nakakaramdam na ako ng takot ngayon kasi totoo nga ang sinabi ni Jotham kanina na hindi basta-basta ang kinakalaban namin.
"see?" Jotham.
Because of what we heard, nawalan na kami ng ganang kumain.
Time check: 1:00 p.m
Nakaupo na kaming lima sa couch. Tahimik lang.
Hay! Di ba, after ng aming relaxation sa bukid, eto na naman kami...bumabalik na naman sa normal naming buhay...ang magulo.
Peacock! Kailan pa ba ito matatapos?
"alam niyo guys, siguro ito na ang panahon para mag-unite na tayo kasi as what I've noticed, watak-watak tayo eh. May plano kayong dalawa ni Abby, may plano kaming dalawa ni bestie, si Nathan...walang kaalam-alam sa mga plano natin. Ano kaya kung magkaisa tayo at bumuo tayo ng isang malaking plan para mapabagsak ang kalaban natin?" Elaine.
"a_ah...tama si Elaine, may idea siya...magkaroon tayo ng iisang plano at magtulungan tayo." agree naman ni Nathan.
ONE BIG PLAN?
She's right.
Mas mapapadali ang lahat kung magkakaisa kami.
"okay, how would you convince me with that one big plan?" seryosong sabi ni Abby kay Elaine.
Well....Paano nga ba?
Saka if ever, ano namang one big plan iyon?
Teka lang...
Sino ba ang magaling sa mga ganitong bagay?
"guys! I think kailangan pa natin ng isang kasama" suggestion ko.
"what do you mean?" curious namang ask ni Jotham.
"may nakalimutan kasi tayong isang tao na kayang-kaya tayong tulungan pagdating sa mga ganyang bagay" me.
"sino?" them.
"si Mr. Cloud Ramirez"