AIKKA's POV
Buong maghapon talaga kami dito sa spring. Ano na bang oras?
Tiningnan ko ang aking watch.
"uy guys, it's almost 5:00 na't baka magabihan pa tayo sa daan. I think we need to go back na" me.
"tama si Aikka, tara na't alam kong andoon na sila tatang" Nathan.
"wait lang! mga 5 minutes pa!" tapos tumalon ulit si Jotham sa may bandang malalim.
"Shocks!" me kasi tumalsik 'yung tubig sa mukha ko.
"loko talaga itong si Jotham, ayos ka lang ba?" nakangiting ask ni Nathan sa akin.
Tumango ako.
Shocks! Bakit ka ba ganyan Nathan? Sinasanay mo ata ako sa pagiging sweet mo eh.
"magbihis ka na" tapos he pat my head.
Doon ko lang narealize and nasabi sa sarili ko ngayon na...
HE's so HOOOOT.
Bumakat kasi yung damit niya sa kanyang katawan. Peacock! Napalunok ako ng laway ng di oras.
Bwahaha. Nahahawa na ata ako kay Elaine.
Erase. Erase. No!! bad Aikka!
Haha!
Kinuha ko na 'yung bag ko at nagpasama kay Abby para magpalit na ng damit since si Elaine ay nag-eenjoy pa rin sa pagbabad ng katawan niya sa tubig.
Si Nathan naman ay sinamahan din si Jotham. Mukhang namiss talaga niya ang lugar na ito kaya okay lang na ienjoy na niya muna ang natitirang oras niya.
Time check: 5:30 p.m
Naglalakad na kami pabalik ng bahay at sobrang sakit na ng paa ko.
Honestly, hindi talaga ako sanay sa paglalakad ng malayo kasi napipilasan ang mga paa ko.
Now, I can feel the pain na kasi parang nasugatan na ito.
Peacock.
Okay.....kaya ko ito.
"malapit na ba tayo?" me asking Elaine.
"kalalakad lang natin bestie eh, siguro mga 30 minutes pa, why? masakit na ba ang paa mo?" concerned na sabi niya.
"ah..eh...hindi naman. I'm fine" sabi ko.
Nakakahiya naman kung bigla kong sisirain 'yung masayang araw namin ngayon noh. Ayoko silang bigyan ng problem kaya matitiis ko pa naman ang sakit.
"Aikka.....halika at papasanin kita sa likod ko" biglang offer ni Nathan.
Seryoso ba siya? He wanted me to have a piggy back ride with him?
"na_naku Nathan, mapapagod ka lang kaya huwag na" refused ko.
Shocks! ayoko namang mapagod si Nathan because of me noh? saka as what I've said, I can still manage the pain.
"sige na Aikka" tapos umupo siya na nakatalikod sa akin.
"bestie, magpiggy ride ka na sa kanya, alam kong pagod ka na saka don't worry kay insan...sanay iyan sa mga ganyan." Elaine.
"totoo iyon kasi iyon ang ginagawa ko kila Mac-Mac at Jonamee. Saka kung titingnan, mukhang magkatimbang lang kayo ni Jonamee" him.
Grabe naman. Minamaliit niya ba ang katawan kong ito?
Then I accepted his offer.
"basta walang magrereklamo huh kung mabigat ako?" sabi ko sa kanya.
"Ang bigat mo nga Aikka" Nathan ng pasanin na ako.
"sabi nang walang magrereklamo eh" mahinang sabi ko.
"hindi naman ako nagrereklamo..sinasabi ko lang naman" Nathan while smiling.
Napapansin ko na talagang napapadalas na ang panunukso niya sa akin. Is that his way of getting my attention?
"teka lang guys" tapos biglang narinig ko na lang ang click ng camera sa phone.
Napalingon ako.
"bestie?" me.
"ang cute nilang tingnan!! look Abby" tapos ipinakita niya ito kay Abby.
"kawawa si Nathan" her.
Grabe talaga itong si Abby, super pranka. Tanggap ko naman eh na mabigat ako kahit payat akong tingnan. Haha.
"kapag pagod ka na kaibigan, ako naman ang magbubuhat kay Aikka kasi alam mo na...." Jotham.
(Di ba, nang-aasar sila!)
" at sinong may sabi?" Abby na.....teka nagseselos ba siya?
Shocks Abby!!! Friend mo ako hello?
Mukhang mahal na niya ata si Mr. Nerdy ah.
Anyway, bagay naman sila.
Isang super serious na babae tapos isang medyo ewan na lalaki. Perfect! Bwahaha! Ayokong sabihin iyon kay Abby kasi baka makurot ako nun sa singit.
~•~•~
Ilang minuto ang lumipas, nakarating na kami sa bahay nila Nathan.
"ate Aikka!" biglang yakap sa akin ni Mac-Mac nang makapasok na kami sa loob.
"oh, Mac-Mac! kumusta ang school?" ask ko.
"okay lang po ate!!! nakaperfect po ako sa spelling!!" tuwang-tuwa niyang sabi.
"Naku ate Aikka, huwag kang maniwala kay Mac-Mac" nakangiti namang tukso ni Jonamee sa kapatid niya.
"totoo po iyon Ate Aikka, kanina pa talaga iyang si ate" sumbong naman ni Mac-Mac sa akin.
Hay! May pinagmanahan talaga.
Napatingin ako kay Nathan tapos ngumiti lang siya sa akin at ginulu-gulo ang buhok ng kapatid niya.
"at dahil perfect ka sa spelling mo! may premyo ka sa akin!!!"
"bike po ba iyon kuya??" Mac-Mac.
Bike? Gusto niya palang magkaroon ng bike?
Di bale, pagbalik ko dito, bibilhan ko siya ng bike. :)
"ah...eh...hindi...tinapay!!" masayang sabi ni Nathan.
Awh! Ang cute nilang magkuya!
"oh mga ijo at ija, kapag gusto niyong maligo, may tubig na sa banyo" sabi naman ni tatang pagkagaling niya sa labas.
"naku tito..tamang-tama at madumi na ang aking paa dahil sa mga leaves sa kakahuyan kanina" Elaine.
" tamang-tama at naigiban ko na kayo. Teka ano bang gusto niyong ulamin ngayon? Bumili na rin ako ng isda saka manok."
"ikaw Aikka, ano bang gusto mong pagkakaluto sa salmon?" tanong ni Nathan sa akin.
Teka, ba't ako ang magdedecide?
"ah.....ano nga ba? crispy soy salmon with quick pickles na lang po" sabi ko. Iyon lang kasi ang alam kong masarap na luto sa salmon eh.
"ang.... ibig sabihin po ni Aikka ay pritong salmon po na may kamatis at pipino sa gilid" Abby to tatang.
"o_opo, iyon po tatang" me.
Shocks! I'm sorry tatang if medyo nag-inarte ako sa tawag sa pagkakaluto.
"sige...sige...tapos itong manok?"
"Iyong favorite ko! Parmesan Chicken cutlets tito!!" sabi naman ni Bestie.
Teka. Akala ko ba na nasa banyo na siya?
"puro dry? 'yung may sabaw naman." react naman ni Jotham.
"ah..'yung sinampalukang manok na lang po tatang. Masarap po iyon" Nathan.
"tama, sige.... kumuha ka na ng panggatong sa ibaba at hihiwain ko na itong isda at manok."
"sige po tatang" bumaba na si Nathan at kumuha na ng panggatong.
Naupo naman muna kami nila Abby at Jotham.
"what happened to your feet?" biglang ask ni Abby ng mapansin ang blisters sa paa ko.
"w_wala iyan Abby."
"anong wala? baka sabihin ni tito na pinapabayaan kita...wait ka lang muna dyan at kukunin ko yung bandaid sa bag ko." Abby.
"a_ako na lang" me pero pumasok na siya sa kwarto.
Shocks...nag-abala pa tuloy siya.
Para tuloy akong bata nito...but I'm thankful kasi nakaramdam ulit ako ng sobrang care from her even though I don't deserve it.
Bumalik na siya with the bandaid.
"Aikka, kapag mga ganitong bagay, dapat sinasabihan mo ako so that I can take care of you" her tapos dahan-dahan niyang iniangat ang aking paa at nilagyan ito ng bandaid.
"I'm so thankful to have you Abby. I'm so thankful to have you guys" sabi ko.
"No, we're thankful to have you Aikka" Abby.
My heart. Sobrang naflutter ako to what she said.
"After all of this....balik na naman tayo sa dating gawi" biglang nasabi ni Jotham.
"yes, and we still have this night to enjoy." Abby.
"ONE LAST NIGHT" sabay-sabay naming sabi.
(fast forward)
Habang kumakain kami, biglang nagkwento si tatang tungkol sa past ng pamilya nila. Nakaka-amazed kasi kahit hindi naging madali ang pamumuhay nila, nakikita ko pa rin ang saya sa mga mukha nila.
"alam niyo ba noong bata pa si Nathan? sobrang masakitin n'yan, ewan ko ba kung bakit pero alam niyo bang kahit kapos kami sa pambili ng gamot niya, eh sa awa ng Diyos, andito at binatang-binata na ang anak ko. Kung hindi lang namatay si Tanya....siguro, sobrang saya niya ngayon lalo na kapag nakita niya kayo" sabi ni tatang.
"naku tito, I'm sure na mas masaya si tita kapag nakita niya ang anak n'yang pogi" sabi naman ni Elaine.
"hindi naman." medyo nahihiyang sabi ni Nathan.
"tama ka Elaine, sobrang ipinagmamalaki ko nga iyang si Nathan eh...kasi alam kong napalaki namin siya ng maayos. Saka maswerte kami sa kanya dahil masipag siya at responsableng anak. Kahit nga ang pagpasok niya dyan sa pribadong eskwelahan niyo, wala akong nagastos sa kanya na kahit na isang kusing kasi pinaghirapan niya iyon mismo." proud na sabi ni Tatang.
"Tatang.....kung wala po kayo, hindi ko magagawa ang mga bagay-bagay na iyon. Di ba nga, natuto akong magbasketball dahil sa tiyaga mong turuan ako? Mas proud ako sa iyo tatang." sabi ni Nathan.
I want to hug them, ngayon lang ako nakakita ng isang pamilya na punung-puno ng pagmamahal. Parang I wanted to be part of their family na. (Pakasalan ko na kaya si Nathan?! )
"salamat anak....pero lagi mong tatandaan ha na minsan, dumarating sa buhay natin ang pagkakamali at naranasan ko na rin iyon...ang lagi mo lang tatandaan, na kapag may nagawa kang isang pagkakamali, huwag na huwag mong hahayaang maging sagabal iyon sa iyong mga tagumpay. Gawin mong isang magandang aral ang pagkakamaling iyon para maging gabay mo sa landas na gusto mong tahakin. Huwag kang hihinto.... huwag kang liliko, diretso lang_"
"diretso lang sa mga pangarap mo!" sabay namang sabi nila Mac-Mac at Jonamee.
Because of it, nagpalakpakan kami nila Elaine.
What a wonderful encouragement and lesson from tatang. Kahit sa kaonting panahon lang na nakasama namin si tatang, feeling ko..andami kong natutunan sa kanya. Hay! How I wish, ganyan din si dad sa bahay.
Natapos ang masayang kainan at kwentuhan namin doon. Now, andito ulit kami sa labas, this time...pinagmamasdan naming lima ang kumikinang na mga bituin.
"guys...so ano nang plano after this?" biglang natanong ni Elaine.
"kung ano ang nasimulan natin, iyon na rin ang ating tatapusin" Abby.
"but what if..... it turns out differently? what if things happen unexpectedly?" me.
Naisip ko kasi bigla 'yung plan nila and I just realized na they don't need to do it anymore.
"tama si Aikka, mas delikado kasi ang buhay niyo kung nasa lungga kayo mismo ng mga kalaban." Nathan.
"saka what if, alam na pala ng kalaban ang plan niyo at naghihintay lang sila ng perfect timing para saktan kayo?" worried namang sabi ni Elaine.
"guys..please...bukas na natin iyan pag-usapan. Di ba nga, we wanted to enjoy this one last night?" Abby.
A moment of silence.
Abby is right. Andito kami to relax kaya dapat kalimutan na muna namin ang mga negative things na iyon kasi bukas back to normal na.
"eto na lang guys, knock..knock..." biglang hirit ni Elaine. Ice breaker talaga itong si bestie kaya gustung-gusto ko talaga siya eh.
"who's there?" sabi naman namin.
"Nobel" her na nakasmile na.
Sana hindi corny ang joke niya kasi sure akong magrereact na naman si Jotham.
"Nobel who?" us.
"Nobel that's why I just knocked, hahaha!!" her.
Peacock.
"R.I.P sa mga namatay na joke" Jotham teasing her.
"gusto mong ikaw ang sabihan ko n'yan?" Elaine.
Napatawa kami dahil doon. Para talaga silang aso't pusa.
That night? Idinaan na lang namin iyon sa kwentuhan at tawanan.
Guys, pakiabangan lang po ang mga susunod na tagpo. Sana huwag po kayong magsawang magbasa. Thank you everyone!
Good night! :)