Bitbit na namin ni Elaine yung mga foods. While palabas na kami, I asked her about sa sinabi sa akin ni tatang kanina.
"bestie, ano bang ikwinento mo kay tatang patungkol sa akin?" curious na sabi ko.
"why do you ask?"
"tatang said kasi to keep it up. Eh hindi ko naman alam kung ano ang pinagsasabi mo sa kanya" me.
"bestie....don't worry...hindi kita ilalaglag kasi I am your number one fan" then she smiled.
And excited na siyang umupo katabi si Nathan. Napapagitnaan siya ni Jotham at Nathan tapos may space between Nathan ang Abby kaya doon ako umupo.
Nakaform din kasi sila ng circle. Magkatabi naman sila Jonamee at Mac-Mac sa kabila ni Abby.
Nakangiti sila nang maupo na ako sa tabi ni Nathan.
Wait. Why?
Feeling ko talaga na may sinabi si Elaine na hindi niya dapat sabihin.
Shocks.
"so we have a guitar, who will use it?" ask ni Abby.
"me!!! alam ko kung paano tumugtog" nakangiting sabi ni Jotham kaya iniabot ni Abby 'yung gitara.
While tuning it...
Napatingin ako sa kalangitan. Tama si tatang, the starry sky can be seen clearly here. Napakagandang tingnan. Now, we don't need to use some light kasi maliwanag naman ang moon.
Everything is perfect!
Everyone is happy..with music....and with HIM, being my special someone.
Hay, I want to enjoy this moment na parang ayaw ko nang lumipas ang sandaling ito.
"so what song is that Jotham?" curious na ask ni Abby.
Instead of answering Abby, he started singing na.
"Uulit-ulitin ko sa 'yo....Ang nadarama... ng aking puso...."
Nanlaki ang mga mata namin ni Elaine. Peacock! ang ganda pala ng boses ni Jotham.
Kaboses niya ang French singer na si Jacques Brel, medyo malalim kasi ang boses nya and maganda pakinggan.
(Then tumingin siya kay Abby.)
Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo...
Kahit kailanma'y hindi magbabago....
(Then napatili si bestie kasi hindi na niya nakayanan ang kilig for them. Hay! buhay single talaga.)
Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw
(this time Jonamee is having a duet with Jotham, alam niya rin kasi ang song... and their voices? shocks, nagblending talaga. Wow! Nathan's sister can sing very well. Nakaka-amaze!)
Ikaw ang buhay at pag-ibig
Wala na ngang iba
Sa 'king puso'y tunay kang nag-iisa (Jonamee paused)
'Di ko nais na mawalay ka (Jotham's solo part)
Then ngumiti siyang itinuro si Abby.
(Author's note//: credits to the owner of this song: Sa Aking Puso by Ariel Rivera)
After Jotham sang it, I noticed Abby's face. Well, nagblush lang naman siya and kinilig, kasi kilala ko si Abby when she is in kilig.. ngingiti lang siya slightly tapos papalakpak siya ng super lakas.
(And iyon nga ang ginagawa niya ngayon.)
"hay, sana lahat may...Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw" Elaine, singing some phrases of the song.
"naiingit si ate Elaine" biglang tukso ni Mac-Mac sa kanya.
Ay, iba na ang mga kids ngayon ha?
Tinawanan lang namin siya dahil sa panunukso ni Mac-Mac.
"si kuya Nathan naman" sabi ni Jonamee kaya napakamot ng ulo si Nathan.
"ay, eto si insan, ano bang kantang hinanda mo dyan?" nakangiting sabi ni Elaine tapos sinundot niya ako sa aking tagiliran. Ay shocks!
"ah..ano ba? teka lang.." nag-iisip na sabi ni Nathan.
Well honestly, excited ako sa song na kakantahin niya. I mean, if Jotham expressed his feelings to my bff..then maybe Nathan will do the same.
Haha. Dapat ba akong mag-assume?
"ah..hindi ko masyadong kabisado yung lyrics eh pero bagay ang kanta na ito ngayong gabi" medyo nahihiyang sabi ni Nathan.
"okay lang iyon bro, sasabayan na lang kita, alam mo ba ang chords ng simula?" ask ni Jotham.
"'basta yung sakto lang, pasensya na kung wala akong alam sa chords, hindi kasi ako marunong magitara" Nathan.
"ah sige, simulan mo na lang. Try kong kunin ang chords"
Huminga muna siya ng malalim. Then he started singing.
"Pa....bagalin.. muna natin ang ikot ng mundo
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo"
(Even though his voice is not as good as Jotham but I can feel inside me 'yung lyrics ng kanta. And he's right, the song fits to what I really wanted to happen right now. Para talaga kaming magsoulmate nitong si Nathan. We have the same mindset.)
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Sobrang saya dahil nandito ka na
Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad
'Wag ka sanang mainis, panahon natin, mabilis
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali, 'di ba?
(Author's note//: credits to the owner of this song: Teka Lang by Emman)
After niyang kumanta, tiningnan ko siya....
Then, tumingin din siya sa akin....
Happy ending na!.....
Bwahaha. Joke.
If I could just say how I really feel.
Natigil lang ang aming titigan ng marinig namin ang malalakas na palakpakan nila.
"bah, binata na talaga ang anak ko....eto na pala 'yung buko juice at langka. Hindi niyo kasi ito pinansin kanina" sabi ni tatang tapos inilapag niya sa may gilid yung mga dala niya.
"uy! salamat po tatang!" sabi ni Jotham.
"walang anuman ijo, siya nga pala Nathan, kapag alas otso na, papasukin mo na sa bahay ang mga kapatid mo't maaga pa ang pasok nila bukas" sabi ni tatang.
"bakit, saan po ba kayo pupunta tatang?" tanong naman ni Nathan.
"aayusin ko lang 'yung kwarto para medyo lumuwag-luwag naman doon" sabi ni tatang.
"o sige po tatang"
"sige mga ijo at ija, kapag may kailangan kayo, tawagin nyo lang ako ha?" tapos umalis na si tatang.
"Aikka....di ba gusto mong kumain ng langka?" tapos kinuhanan niya ako nito at inilagay sa small plate.
"thanks Nathan" inabot ko naman iyon at nagsimula nang kumain. Ang sarap talaga nitong jackfruit!
"okay! since ang tanging partner ko lang ay si Mac-Mac, I'll be singing "May tatlong bibe, so ano Mac-Mac, handa ka na?"
"handa na!!!" cute na reaction ni Mac-Mac.
Dahil doon, napangiti kaming lahat. Habang sinasabayan si bestie ni Mac-Mac, we clap hands na rin. Super cute nilang tingnan na magpinsan.
After nilang kumanta, pinalapit ko si Mac-Mac sa akin.
"bakit po ate Aikka?" Mac-Mac.
"pahug lang....super proud kasi ako sa iyo eh. Nakaduet mo si ate Elaine" me.
Kaya hinug niya ako.
Naku! ang kyutttt!
Pinisil ko 'yung cheeks niya kaya nakangiting napatingin si Nathan sa akin.
"ah..eh...pasensya na...he's so cute kasi eh"
"sa totoo lang, parehas kayong cute" tapos ginulo-gulo niya ang hair ko.
"ahem!" Abby while nakatingin na pala siya sa amin. Okay, nakalimutan kong medyo strict pala si mommy Abby. Bwahaha.
"oh ano guys, may hahamon pa ba ng kantahan?" Elaine.
"magkwentuhan na lang muna tayo para makain natin itong dinala ni tatang" sabi naman ni Abby.
"tama! masarap yung jackfruit, try nyo!" me.
"naku bestie, huwag mo masyadong damihan ha kasi baka hindi ka matunawan, sensitive pa naman iyang tummy mo" paalala ni Elaine.
"yes, don't worry Elaine. Eh ikaw Mac-Mac, di ba favorite mo 'yung tinapay? marami pa akong tinapay sa bag, gusto mong kunin ko?" me to Mac-Mac.
"ah, huwag na po ate Aikka, mas gusto ko itong nasa harapan kong pagkain" Mac-Mac.
"chocolate chips? sige, kuha ka lang. Bigyan mo din si ate Jonamee mo"
"okay po ate Aikka, salamat po" tapos kumuha siya at pinuntahan si Jonamee.
"naku Aikka, huwag mo masyadong i-spoiled ang mga iyan...baka magsisi ka" nakangiting sabi ni Nathan.
"uy grabe ka sa mga kapatid mo Nathan, mas gusto ko nga silang maging close eh kasi ang gaan sa loob kapag sila ang kasama, like you" me.
Nang sabihin ko iyon, para siyang kinilig na ewan. Haha, ay ang harot!
Isang malakas na hooray po para sa ating lahat! 29000 reads na po tayo at maraming-maraming salamat sa support readers! Updates pa po later.
Stay safe po everyone and be healthy! :)