Download App
46.45% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 59: SLEEPING IN ONE ROOM

Chapter 59: SLEEPING IN ONE ROOM

Natapos na siya sa paghuhugas kaya umupo muna siya sa kabilang sofa.

Kahit medyo, pawis siya..she's still beautiful.

Maganda siya sa kahit anong anggulo.

"hey, Nathan?" sabi niya. Kanina pa ata siya nagsasalita.

"ah...why? may sinasabi ka?"

"yes, I'm asking you if may aircon ba kayo? kasi medyo pinagpapawisan na ako eh."

"sorry, wala kaming aircon dito eh but meroon kaming electric fan, teka lang huh, at kukunin ko sa kwarto ni Auntie" sabi ko.

"uh...no no no.. I'm fine. Huwag ka nang mag-abala, may handkerchief naman ako sa bag eh" tapos agad niya iyong kinuha at nagpunas ng pawis niya sa mukha at.....sa...leeg.

Napapapikit ako saglit.

Tae.

Mukhang umaandar na naman ang utak pagkalalaki ko kaya dali na akong tumayo at pumasok muna sa kwarto. Kailangan ko nga palang magbihis. Andito kasi ang cabinet ng mga damit ko eh kasi iisa lang ang kwarto.

Si Auntie ang natutulog dito tapos ako naman sa sofa.

Matapos kong magbihis, bumalik ulit ako sa sala at umupo sa sofa dala ang aking mga unan.

"kung gusto mo talagang dito matulog sa apartment, doon ka sa kwarto ni auntie at dito ako sa sofa" sabi ko.

"grabe ka naman, katatapos lang nating kumain. Tulog agad? Hindi ba pwedeng may gawin tayo?" sabi niya.

"gawin?"

Tumango siya.

Napalunok ako ng di oras.

Tae! Bakit ba siya ganyan?! Hindi niya ba alam kung gaano kahirap ang maging lalaki sa ganitong sitwasyon?!

"ah....gu_gusto mong manood ng movie? may mga horror ako dito" sabi ko.

"wala bang mas exciting? 'yung nakakapagod pero masaya?" her na seryoso ang mukha.

"na_nakakapagod? pero masaya?" ngayon naman, bigla akong pinagpawisan.

Bakit?.....

Bakit niya ba iyan sinasabi?

Oo, namimiss ko siya at mahal na mahal ko siya pero tae naman.....may pangarap rin naman ako para sa kanya.

Ano ba Aikka? Huwag kang ganyan.

Tapos, dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata. Siguro, isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha ko sa kanya.

Ngayon, bumibilis na ang tibok ng aking puso.

Talagang ...sobrang bilis..

Para na itong nagkakarera sa loob ng dibdib ko.

"Ai_Aikka, huwag" mahinang sabi ko.

"bakit, ayaw mo ba na maglaro tayo ng habulan?"

Natigilan ako saglit.

Bwiset. Yun ba ang ibig sabihin niya? Tae. Kung anu-ano na talaga ang naiisip ko! Baliw...baliw..baliw....!!

"ah....medyo masakit pa ang sugat ko eh...remember?" sabi ko.

"ay oo nga pala...sige..manood na lang tayo ng horror movies" sabi niya.

Napabuntong hininga ako.

Hay! muntikan na ako doon ah. Buti na lang at nakapagpigil pa ako.

"s_sige..ano bang gusto mong panoorin? baka meroon ako dito"

"hmmm...meroon ka nung scarecrow?"

"ay wala, pero meroon akong jeepers creepers, para rin siyang scarecrow"

"nakakatakot ba iyan?"

"hindi masyado pero malay mo, matakot ka" sabi ko.

"okay..sige iyan na lang"

At dahil pumayag siyang panoorin ito, binuksan ko na ang tv at dvd player, tapos ininsert ko na ang cd.

"wala ka bang dalang extra na damit?" tanong ko sa kanya kasi napansin kong naka-PE uniform pa rin siya ngayon.

"none...may extra shirt ka ba dyan?" ask niya.

"meroon, saglit lang...kukuha lang ako"

Kinuha ko 'yung pink na shirt na may print sa harap na kabiyak na puso at yung isang kabiyak ay nasa akin kasi couple shirt talaga ito. Nakalimutan ko itong ibigay sa kanya after nung araw na umamin ako sa kanya tungkol sa nararamdaman ko for her.

"eto Aikka, magbihis ka na doon sa kwarto o sa c.r"

"okay, kindly pause the movie saglit?"

"sige"

After niyang magbihis, pinanood na namin 'yung movie. Nakailang sigaw ata siya sa gulat kaya tawang-tawa ako sa kanya.

Biruin mo, ang kilala bilang masungit na si Aikka ay matatakutin pala. Hindi talaga natin makikilala ang isang tao hangga't hindi natin sila binibigyan ng pagkakataong makilala sila.

"shocks....akala ko hindi na nila mapapatay 'yung monster eh" her nang matapos na ang movie.

"parang hindi pa ata iyon patay, I think may karugtong pa iyon" sabi ko naman.

"dapat kasi, sinunog na nila 'yung katawan ng monster na iyon eh" sabi naman niya.

Tinawanan ko lang siya dahil doon. Ang cute niya kasing tingnan eh.

"sige na, matulog na tayo at may pasok pa bukas. Ayaw mo namang malate di ba?"

"ay oo nga, maaga pala akong magpapasundo kay manong dito."

"teka nga lang, sigurado ka bang alam na ng daddy mo ito?" paninigurado ko kasi baka malinitikan ako sa daddy niya kapag nalaman niyang kami lang dalawa dito sa apartment.

"yes, nagpaalam na nga ako kanina di ba? saka siya pa nga ang nagsuggest na samahan ka eh... nang malaman niyang hindi ka okay"

"talaga?"

So ibig sabihin ba nito na sobra ang pagtitiwala na ibinibigay ng daddy niya sa akin?

Tae. Kailangan ko talagang panindigan ang sinumpaan kong "respeto para sa mga babae".

Okay! Kaya ko ito. Nagawa ko nga iyon sa loob ng 16 years di ba?

"okay, sabi mo iyan huh? halika, sumunod ka dito sa kwarto ni Auntie, papalitan ko lang itong kumot at mga ponda"

Pumasok na kami sa kwarto.

"so....araw-araw, doon ka sa sofa natutulog?" taanong niya habang busy ako sa pagpapalit.

"ganoon na nga" sabi ko naman.

"hmm...ibig sabihin, dito ako matutulog? ano kaya if palit na lang tayo..baka kasi mahulog ka doon at magbleed na naman iyang sugat mo" medyo worried na sabi niya.

"Aikka, do you think, papayag akong mahirapan ka? Alam kong hindi ka na komportable sa ganito kaliit na lugar kaya ayaw kong palalain pa iyon..saka huwag kang mag-alala sa akin...okay?"

"grabe ka naman. Sinong may sabi na I'm not comfortable here? Mas masaya nga dito eh....kasi andyan ka"

Hala!

kinilig ako bigla doon ah. Aikka naman eh....

"ready na...pwede ka nang matulog" tapos lumabas na ako sa kwarto.

"teka, ano kaya kung dito ka na lang matulog?" sabi niya.

"Aikka, hindi pwede noh"

"talaga bang iiwan mo ako dito? samahan mo na lang kasi ako..please" sabi niya.

"natatakot ka ba dahil sa pinanood mo kanina?" tukso ko bigla sa kanya. Kasi parang iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw niyang matulog mag-isa sa kwarto.

"eh kasi naman...oo na, di kasi ako familiar dito kaya I feel na hindi...ako....safe"

Tiningnan ko siya.

Medyo takot na nga siya. Ano pa bang magagawa ko.

"sige na..sasamahan na kita sa kwarto."

"really?" masayang sabi niya.

I nodded.

"thank you Nathan!" masayang sabi niya.

"sige, kukunin ko lang ang unan ko sa sofa"

"okay" sabi niya tapos naglaru-laro siya sa bed.

Hay, sana ganyan siya kasaya lagi.

Kinuha ko na yung unan ko tapos naglatag ako ng kumot sa sahig at doon na ako humiga.

"ahm..Nathan" sabi ni Aikka habang nakahiga na rin sa ibabaw ng bed.

"bakit?"

"alam mo bang super alala ko sa iyo kanina, lalo na nang himatayin ka?" sabi niya tapos tumingin siya sa akin.

"na_nahimatay ako?" tanong ko. Ang akala ko kasi, nakatulog lang ako.

"oo, sa susunod kasi...don't put yourself in a risk. Hindi ko kasi kayang may nakikita akong kaibigan na nasasaktan"

She has a good heart talaga. Kahit moody siya, alam kong deep inside, malambot ang puso niya. Siya 'yung tipo na kahit mayaman, hindi siya maarte and she's very down to earth. Hindi niya ipinagsisigawan sa academy kung gaano siya kayaman..instead, she's living her life na simple lang. At iyon ang sobrang nagustuhan ko sa kanya.

Sa araw-araw na magkasama kami....

Lagi akong may ala-ala sa kanya...

Although hindi lahat ay masasaya..pero lahat ay mahahalaga.

Kaya kung di man maging kami sa huli, ang hiling ko lang ay sana...makahanap siya ng taong mamahalin siya ng totoo at buong-buo. Pero hanggang may pag-asa pa ako sa kanya, gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano siya kaimportante sa buhay ko.

"Aikka.....I love you" sabi ko sa kanya...pero pag lingon ko..nakatulog na pala siya.

Pinagmasdan ko saglit ang kanyang napakagandang mukha hanggang sa nakatulog na rin ako.


CREATORS' THOUGHTS
MissKc_21 MissKc_21

Guys, updates.. updates.... the story is getting more interesting....keep on reading lang po. <3

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C59
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login