Download App
44.88% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 57: HE's NOT FINE 1

Chapter 57: HE's NOT FINE 1

AIKKA's POV

Time check: 6:30 p.m

Dumiretso muna kami kanina ni bestie sa hospital bago umuwi sa aming mga bahay.

Dinalaw kasi namin si Cloud..to know if he's okay.

Well, okay naman siya kahit medyo nagsusungit din kanina. Sinisisi niya kasi kami dahil kung hindi daw siya nakialam sa amin, hindi sana siya mahohospitalized.

Eto rin naman kasing si bestie, sinabi pa kasi kay Cloud na may surprised quiz kami sa Science at ako ang highest. Iyan tuloy, umandar na naman ang pagkacompetitive ng taong iyon.

Anyway, kung hindi dahil kay Cloud..hindi mabibigyang kasagutan ang pagkamatay ni Miss Campo kahit na alam kong hindi pa iyon nagtatapos doon since hindi pa rin nahuhuli 'yung ex-girlfriend ni Ralph. Although we already have the evidences, like the photos and even the recorded voice ni Ralph yesterday na naretrieve ni Cloud sa mainframe niya..hindi pa rin namin kilala 'yung tinutukoy ni Ralph na kasabwat niya sa pagmurder kay Miss Campo. That girl...whoever she is

I'll make sure na she will rot in jail.

"ma'am" while knocking on my room's door.

"bukas po iyan Manang" sabi ko.

"Ma'am, handa na po ang hapunan nyo" sabi ni Manang Esther pagbukas niya ng pinto.

"okay po, bababa na po"

Then, I went down na papuntang dining area.

Andoon si dad at si Elena.

Himala at andito si dad.

"hi dad" sabi ko after kong makaupo.

"hi anak ko. Ano, kumusta ang school?" him habang ginagamit ang meat knife sa beef stake niya.

"ah...it's fine.... I'm doing good"

Ngumiti siya dahil sa sinabi ko.

"magandang balita iyan for me. Siya nga pala, sa Saturday..igala mo si Cotton sa park." him.

"why dad? nabobored na po ba si cotton dito sa bahay? Anyway, tinuruan ko nga siyang magfencing eh kaso tinatahulan lang niya ako" biro ko.

Napatawa ko naman si dad sa corny jokes ko.

Iyon kasi ang gusto niya eh. Kaya nga niya nagustuhan itong si Elena.

Shocks, ayaw ko sanang magkwento about sa kanya but si Elena kasi 'yung tipo ng babaeng maluho at boring kasama.

Hindi nga niya akong magawang kausapin di ba?

If I am not mistaken, nagkita sila ni dad sa isang charity event. Actually, si Elena ay isang doctor. Internist doctor kaya hindi naman din maikakailang she's one of the best doctors here in the country. She's intelligent but not the way she acts. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa kanya...the way she treats my father, the way she talks to me kapag andito si dad at the way na magjoke siya.

Peacock. Hindi ko lang talaga siya gusto for dad. Kasi ayaw kong palitan niya si mom sa buhay niya.

"by the way Aikka, kumusta na 'yung guy na nagligtas sa iyo, baka gusto mo siyang i-invite ng hapunan here..para naman makausap namin siya ng dad mo at mapasalamatan na rin" Elena.

Shocks, nagsalita na siya.

"She's right. Invite mo siya bukas dito." sabi naman ni dad.

Hindi na lang ako kumibo. As if naman makakapunta si Nathan dito, eh nasa Baguio siya.

Nang matapos ang dinner, dumiretso na ako sa aking room. Tiningnan ko ang aking phone.

"peacock, wala nga man lang text from him eh" mahinang sabi ko then I took the shower na para makatulog na rin. (Medyo napagod din kasi ako kanina sa school, sinabihan kasi ako ni Spade na maghanda ng banner para sa Monday next week since iyon ang first game nila sa soccer. Napapunta tuloy ako sa mall ng di oras para mamili ng materials before pumunta ng hospital kanina.)

Siguro, 30 minutes lang at tapos na akong magshower.

Naisipan kong icheck this time ang notebook ko and I got 23 names in my list na. May 3 kasing nadagdag kanina ng bigyan ako ng bouquet ni Spade. Baliw kasi ang lalaking iyon, gusto talaga niyang patayin sa inggit ang mga die hard fans niya.

"Ally, Feah, Hazy, Leah etc. hmm...sino kaya sa mga ito si Miss 3184?

Isinulat ko sa paper 'yung 3184.

Actually, sinubukan kong idecode ang number na ito eh but I failed....kasi halata namang hindi siya based sa Morse Code, hindi rin naman sa Columnar Cipher kasi parang may sariling coding system ang pinagtatrabahuan nitong girl kaya impossible na malaman ko kung ano ang ibig sabihin ng number na ito. Unless, humingi ako ng tulong kay Cloud.

Right!

Shocks, ba't ngayon ko lang ito naisip noh? I immediately texted Cloud about sa secret code name na ito and I waited for his reply ng almost an hour.

Tulog na kaya siya this time?

Shocks, bukas na nga lang.

THURSDAY.

Walang masyadong ganap sa morning classes ko kasi puro discussions lang ang nangyari. Hanggang sa natapos na ang class hour namin for the last subject. Papalabas pa lang ako ng classroom ng marinig ko ang boses ni Nathan.

"Nathan?" sabi ko tapos agad akong tumakbo sa kung saan siya naroroon. Ang kaso, marami nang mga students sa daanan ko kaya hindi ko siya naabutan sa kinatatayuan niya kanina. May kausap siyang babae, and hindi ko alam kung sino iyon.

Teka, akala ko ba, next week pa ang balik nila?

Di man lang niya ako pinuntahan dito huh? Humanda siya sa akin.

"Bestie! come here!" sabi ni Elaine ng nasa hallway na ako.

"nakita ko si Nathan kanina ah" me.

"oh really? where he is?" iginala niya ang kanyang paningin.

"hindi ko nga alam kung saan na siya nagpunta, di man lang ako dinaanan sa classroom. Hindi na nga niya ako tinext nung umalis siya papuntang Baguio eh! tapos now? babalewalain lang niya ako" inis na sabi ko.

"ay grabe siya, tampo agad. Let's find him na lang okay? Alam ko namang miss mo lang siya eh" ngiti niyang sabi then she started walking na.

A moment after, nakita ko din si Nathan. Kausap pa rin 'yung babae...teka sino ba kasi ang babaeng iyon?

Tiningnan ko ng maigi ang face ng babae habang nakaside view siya.

Si Princess Alvarez ba iyan?

"tara bestie" hinila ako ni Elaine papalapit sa kanilang dalawa.

Shocks! Ba't parang hindi ko feel ang araw na ito. Gusto kong mainis na ewan eh.

"ah..hi Miss Montero! andito ka pala" nakangiting sabi ni Princess.

Bwiset! Bakit ang cute niya lang tingnan. Nawala tuloy ang inis ko bigla. May dimples kasi siya sa right cheek niya, may pagkahawig siya ni Julia Barretto..pero mas gusto ko 'yung hugis ng face niya.

"hi, ikaw ba 'yung transferee?" ask naman ni Elaine sa kanya.

Nagsmile lang siya ulit then she nodded.

"magkakilala pala kayo ni Nathan?" ask ulit ni Elaine.

"ah...nagkasabay lang rin kami kahapon" sabi ni Miss Alvarez.

Teka lang....tama ba ang mga narinig ko?

"kahapon?" sabay pa naming react ni Elaine.

"ah...eh...hehe...oo, sorry napadaan lang ako dito kahapon kaya naisipan kong huwag na lang muna kayong istorbohin. Nagmamadali rin kasi ako last time eh" explain niya.

Bwiset siya. Kahapon pa pala siya andito. Di man lang niya naisipang magparamdam?

"ah..guys, speaking of, kailangan ko na ring magmadali kasi baka malate ako sa pinapasukan ko. See you na lang next time" sabi ni Princess.

Better na hindi niya makita ang gagawin ko kay Nathan. Humanda talaga ang lalaking ito sa akin.

"okay, take care" Nathan.

Bah! nagawa pang magpacute sa kanya huh?

Nang makaalis na si Princess, inapakan ko bigla ang paa niya.

"ouch!" nasabi niya tapos nagtaka siyang tumingin sa akin.

"bagay iyan sa'yo" sabi ko.

"a_anong nagawa kong kasalanan, bakit mo iyon ginawa?" him na halata rin namang nagpipigil sa inis. Ikaw ba naman ang tapakan bigla sa paa.

"ay, LQ ba iyan? nagseselos ata si Aikka insan eh" Elaine while teasing us.

"selos? no way!" sabi ko.

"Weh? bakit nakakunot ang noo mo ngayon? okay ka pa naman kanina ah"

"totoo ba iyon Aikka?"

"I'm not jealous okay? Naiinis lang ako kasi di ka man lang nagparamdam habang nasa Baguio ka" mahinahong sabi ko.

"I'm sorry, hindi na mauulit" sincere na sabi niya.

"ases..ases....gutom lang iyan guys, kumain na lang kaya muna tayo" sabi ni Elaine.

"ah...siguro mauna na muna kayo, may pupuntahan lang ako saglit then try kong makahabol"

"ganon? importante ba talaga iyan?" Elaine.

Ano bang nangyayari kay Nathan? Parang ang weird ng mga actions niya ngayon.

"Nathan.....may problema ba?" ask ko.

"problema? wala naman. Huwag kayong mag-alala, hahabol ako okay?" tapos nagsimula na siyang lumakad papalayo sa amin.

Saka ko lang naalala yung sinabi ni dad sa akin kagabi.

"ah wait, Nathan!" sabi ko.

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa amin.

"if ever na hindi ka makahabol sa lunch, hintayin mo na lang ako sa main gate mamaya. May sasabihin ako sa iyo.

"sige" ngumiti siya tapos naglakad na ulit.

"anong nangyari sa isang iyon?" ask naman ni Elaine sa akin after ni Nathan makalayo.

"I don't even know nga eh. Hindi man lang tayo binalitaan sa game nila...di kaya, natalo sila?" hunch ko. Kasi parang career na rin ni Nathan ang basketball eh.

Siguro, dapat hindi ko na dinagdagan ang sakit ng ulo niya ngayon. Maybe, kailangan ko ring magsorry sa kanya mamaya.

(fast forward)

Time check: 3:50 pm

Kakalabas lang ni sir. Kaya me, inaayos ko na ang mga gamit ko before pumunta ng main gate. Pagdating ko doon, wala pa si Nathan. Mas mabuti nang ako ang maghintay sa kanya ngayon kasi ayaw ko rin namang paghintayin siya eh.

Time check: 4:23 p.m

He's not yet here. Naglean muna ako sa bandang wall then kinuha ko ang aking ipod music player to listen some music while waiting.

Time check ulit.... 4:45 p.m na....asaan na ba siya?

Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa dumating siya.

"Aikka" sabi niya in a cold voice.

Tiningnan ko siya. Mukha talaga siyang hindi okay.

"Ah...saan ka galing?" mahinahong ask ko kasi galing siya sa labas ng SA.

"may inasikaso lang, kanina ka pa ba diyan? sorry kung pinaghintay kita"

"its okay Nathan, tara..samahan mo ako" sabi ko while putting the ipod on my bag.

"saan?" sabi niya.

"sa bahay namin. Dad wants to see you"

Nang sabihin ko iyon. Tumango lang siya.

"are you okay? may sakit ka ba?" worried na ask ko.

"wala naman. Before tayo pumunta sa bahay niyo, daan muna tayo sa apartment" tapos nagsimula na siyang maglakad kaya sumabay na rin ako sa kanya.

Malapit lang naman dito 'yung apartment nila kaya okay lang na maglakad muna kami so that I can talk to him more.


CREATORS' THOUGHTS
MissKc_21 MissKc_21

Hi guys, 12:41 a.m na po. As of now, eto pa po ang dugtong ng story. Thanks for reading again! I'm trying to figure out how this story will end na hindi masyadong mahaba ang happenings. Medyo complicated din kasi ang plot eh. But anyway, keep on supporting lang po. Salamuch!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C57
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login