Download App
25.98% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 33: THE NEGOTIATION

Chapter 33: THE NEGOTIATION

Nagpark na ako sa loob ng SA. After kong makababa ng sasakyan, I feel something weird. Parang may nagmamanman sa akin. Iginala ko ang aking mga mata dito sa parking lot, seems he's hiding in one of those cars.

Mukhang kahapon pa ako sinusundan ng isang iyan ah. Tss.

Umarte na lang ako ng parang wala lang sa akin iyon. Kung mapagmatyag siya, well, lalo na ako.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaisip ako ng isang magandang idea. Kinuha ko ang aking mirror sa bag at nagkunwaring magsasalamin. Then, I caught him. May dala siyang camera, he's wearing a black cap with sunglasses and mask covering half of his face. Pinapasundan ba ako ni Mr. Black? Ganyan kasi ang suot ng mga spies n'ya eh.

"come with me" nagulat ako ng biglang sumulpot at nagsalita sa harapan ko si Cloud.

Anong ginagawa niya dito? Is he expecting me?

"where?"

"forest park" him with a cold voice. Tumalikod na siya and he started walking. Sinundan ko naman sya hanggang sa makarating na kami sa kanyang sinasabi.

Umupo siya bigla sa green ground nito sa lilim ng puno. Sinenyasan n'ya akong tumabi sa kanya as if we're close.

"what do you need from me?" ask ko kasi hindi ko siya maintindihan. Bigla-bigla na lang siyang susulpot sa parking lot para yayain ako dito and he's acting like we've known each other for so long. Anong trip nito?

"di ba ikaw ang dapat kong tanungin n'yan?" him.

May nalalaman nga siya but how did he know na gusto ko siyang makausap ngayon?

"ikaw ba ang nagpadala ng spies?" me.

Nagsmirk lang siya.

"ano ba ang alam mo sa mga nangyayari?"

Bakit hindi nya pa ako diretsahin. Nakakairita na ha?

"ganito na lang, I'll tell you everything in one condition" tapos tumayo siya.

"ano iyon?"

"sleep with me" tapos inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

Baliw ba siya? Itinulak ko siya papalayo sa akin.

"ayaw mo? okay, madali naman akong kausap" nagsimula na siyang maglakad.

"I can't do that, at kung may alam ka talaga, hindi mo iyon sasabihin sa akin. Tss. Stop acting like you know everything, hindi mo ako maloloko!" me.

Huminto siya saglit tapos humarap siya sa akin.

"well, siguro tama ka, but kahit papaano..may alam ako na hindi mo alam. Anyway, di ba ikaw ang bestfriend ni Ms. Montero dati? paano mo nagawang pagtangkaan ang kanyang buhay, not only once, I guess"

"how did you know about it?"

Paano niya nalaman ang about doon? I mean, alam kong may alam siya but about sa nangyari kahapon? how did he know about it? May kutob akong hindi maganda sa kanya. Di kaya_

"siguro nagugulahan ka right? at gusto mong maliwanagan. Ganito na lang, I'll give you another chance, just do this favor for me"

Tiningnan ko siya, 'yung itsurang expressionless, how can he act like that? hindi mo talaga malalaman kung kakampi ba siya o kalaban. But iba ang aura niya, seems like may kinalaman siya sa mga pangyayari dito. At alam kong kayang-kaya niya iyong gawin kasi matalino siya.

"are you interested or not?" him.

"kaya kong gawin ang lahat, except yung una mong sinabi"

Tss. I won't let myself to sleep with someone like him.

"kill Ms. Montero in front of my eyes"

Matapos niya akong tanungin about sa pagtatangka ko sa buhay ni Aikka, now, inuutusan niya akong patayin siya in front of him?

"oh, bakit parang nagulat ka? kaya mo bang gawin iyon o hindi?" him in a cold voice and expressionless face.

"pinaglalaruan mo ba ako? hindi ako nakikipagbiruan sa iyo" me.

"do I look like I'm joking?sa tingin mo ba sasayangin ko ang aking oras para makipag-usap sa iyo dito kung nakikipagbiruan lang ako?"

"so inaamin mong isa ka sa may gustong pumatay kay Aikka?"

"are you worried about your bestfriend? akala ko ba, matagal mo na iyong kinalimutan? kaya ka nga nagpadala ng assassins di ba, para ipapatay siya....ang kaso...ang ipinagtataka ko lang, bakit mahihina ang ipinadala nyo knowing na marunong magself defense si Aikka at may kasama siyang magaling din makipaglaban?"

"Cloud Ramirez, sino ka ba talaga?" me.

Alam kong he's intelligent but I just want to know how did he know about it?

"ikaw Miss Abby Francisco? ano ba talaga ang binabalak mo? are you hiding behind your mask?"

"walang patutunguhan ang usapan natin kung babalikan mo rin ng tanong ang mga questions ko sa iyo, Mr. Ramirez"

"you're here to negotiate with me right? so ako ang mas may karapatang magdemand, now, answer my questions Miss Abby Francisco, kakampi ka ba ni Aikka o hindi?" dahan-dahan siya lumapit sa akin.

Is he manipulating me right now? Why would I trust him?

"let's end our conversation here. I don't want to see you again" nagsimula na akong takasan siya. I guess, isasama ko na siya sa listahan ko na dapat bantayan. At kapag gumawa siya ng hakbang against Aikka, I'll make sure na pagsisisihan niya iyon habang buhay.

"tama nga ang hinala ko, you're doing this because of her. It sounds fun." him tapos may kinuha siya sa pocket ng trousers niya, parang lists or something kasi may check mark siyang ginawa eh. After niya iyong gawin, tumingin siya sa akin.

"don't worry, kakampi ako so you can ask help from me if you need it. But, I can't promise you that I can keep your secret forever"

"what do you mean?"

"I guess, you should tell Aikka about it" him tapos naglakad na siya papalayo.

"wait!" me, hahabulin ko sana siya.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita" tapos nagwave siya ng kanyang kamay.

Habang tinatanaw ko siya papalayo, napaisip ako bigla na kung nahalata niya ng ganon kadali ang mga plano ko, di kaya nakakahalata na rin si Mr. Black? Kailangan na naming dalian ang pagpaplano. Kailangan na naming patahimikin si Mr. Black na iyan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C33
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login