Download App
15.74% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 20: SAD HEART

Chapter 20: SAD HEART

Niyakap siya ni Jenna.

Nang makita ko iyon, feeling ko biglang tinusok ang aking puso.

Why would Nathan let that girl hug her in public? I mean, akala ko ba, ayaw niya kay Jenna?

"psst!" bigla akong natauhan. Nasa tabi ko na pala si Elaine.

"ah. why?" ibinaling ko ang tingin sa iba.

"ayos ka lang? ano bang nangyari kanina at bigla na lang nagwala yung mga babae?" her.

"ayaw ko na munang pag-usapan ang about doon Elaine" mahinahong sabi ko.

Sigh.

"bakit parang malungkot ka?"

"eh kailan mo ba ako nakitang masaya?"

"hmm...oo nga noh. Pero alam ko naman ang pagkakaiba ng pagiging mainisin at masungit mo sa pagiging malungkot mo, may problema ba?" her in a worried voice.

"wala" sabi ko.

"talaga? Anyway, anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Spade, may nangyari na ba sa inyo?" ngiting tanong niya.

Ayan na naman siya.

Shocks, kung alam lang niya ang nangyari..I'm sure mahahampas niya ang mayabang na iyon ng bag.

"magjogging na lang tayo para makauwi na tayo't makapaghanda na mamaya" me.

Nagsimula na akong magjog. Sayang lang ang pagpunta namin dito kung hindi ko na lulubusin.

Naikot ko ang oval ng isang beses. Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko ininda ang pagod. Sinubukan kong huwag munang mag-isip ng mga bagay-bagay. I just realized na masyado na akong stressed.

I need to relax.

Huminto na ako sa pagtakbo.

"Aikka"

Alam ko kung kaninong boses iyon. Hindi ko na muna siya nilingon. Uminom ako ng tubig at nagpunas ng pawis.

"Shocks, magpapalit na muna ako" bulong ko sa aking sarili.

"Bestie, tapos ka na? Punta na tayo ng locker room para makapagbihis na" Elaine.

"sige. let's go" nauna na akong lumakad.

"oh, Nathan? sasama ka ba sa amin mamaya?" narinig ko pang tanong ni Elaine sa kanya.

Tss. Nagmadali na akong lumakad. I need to change my clothes na rin.

*****sa locker room****

"Bestie, talaga bang ayos ka lang? may sakit ka ba?" ask ni Elaine ng makita akong nakatitig lang sa salamin.

"magbibihis lang ako."

Pumasok na ako sa cubicle at nagbihis na.

"hindi raw makakasama si Nathan sa atin mamaya...may aasikasuhin lang daw siya"

Aasikasuhin? sino si Jenna? Akala niya I'll be affected kapag sinabi niyang magkasama sila ni Jenna ngayon..tss..assuming.

After naming magbihis, dumiretso na kami sa mall.

"Bestie, doon tayo sa jewelry section..gusto kong bumili ng bracelet"

"akala ko ba, dress ang bibilhin mo? saka remember na ang theme ng acquaintance party is Future time"

"yes I know, pero gusto kong dagdagan ng palamuti ang susuotin ko para magkajowa na rin." her.

tss.

"hindi na siguro ako aattend ng acquaintance party" me.

"huh? bakit naman?"

"wala ako sa mood na magparty"

Well, totoo naman eh.

wala na ako sa mood.

There's no reason rin para maenjoy ko ang school program na iyon.

"bestie, alam mo, kahit minsan...pilitin mo naman maging masaya. Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo but you only live once, may problem ka...may problem ako...may problem sila...but look around you bestie, they're trying to enjoy their life. They can even manage to smile despite of all the hardships that they've ex_"

"Iba ako sa kanila so stop comparing." sabi ko.

"I know...iba ka sa kanila, iba ka sa akin. magkaiba tayo ng status sa buhay, iba't-iba tayo ng pinagdadaanan yet were living. Ikaw ba natanong mo ba sa sarili mo kung para kanino ka nabubuhay? Kasi if you really know what's the purpose of your life, marerealize mo ring every second counts"

Napaisip ako sa mga sinabi niya. It make sense.

Ano nga ba talaga ang purpose ng buhay ko?

Fast forward....

Nakalabas na kami ng mall and inihatid niya ako sa bahay using her car.

"in case na magbago ang isip mo bestie, punta ka lang dun at hanapin mo ako. Saka iniexpect ka ni Nathan doon, may sasabihin daw siya sa iyo"

Ano namang sasabihin niya? Well, I am not interested.....I guess.

"sige, alis na ako. Sana magbago ang isip mo bestie total maaga pa naman."

"Well.....paghinanap ako ni Jordan, ikaw na bahalang magexcuse sa akin" me.

"saka ko na pag-iisipan iyon kapag hindi ka talaga dumating doon" ngumiti siya.

"sorry but hindi talaga" me.

"okay? I guess, see you na lang bukas"

Then umalis na siya. Pumasok na ako sa bahay.

Napakatahimik.

( I know...iba ka sa kanila, iba ka sa akin. magkaiba tayo ng status sa buhay, iba't-iba tayo ng pinagdadaanan YET were living. Ikaw ba natanong mo ba sa sarili mo kung para kanino ka nabubuhay? Kasi if you really know what's the purpose of your life, marerealize mo ring every second counts )

Napatingin ako sa wall clock ng bahay. Galing pa iyan ng Europe na dala ni dad last year.

Maganda siya.

( tik..tok..

tik..tok..)

Umupo ako sa sofa at pinakinggan ko ang paulit-ulit na tunog nito.

Then I just realized na hindi ang value ng orasan ang mahalaga but the time itself.

Maybe, its time for me to know my worth.

(sniffing sound...)

Wait.

Lumingon ako sa gilid ng sofa.

Si Cotton!!!! Dali kong kinarga ang Pomeranian breed na aso. Mabalahibo kasi kaya cotton ang ipinangalan ko sa kanya.

"akala ko ba may acquaintance party kayo" sabi ni dad dala ang briefcase niya.

"akala ko rin po na nasa office po kayo ngayon" me. Usually kasi, pag Mondays to Fridays, lagi siyang nasa company niya't minsan di na makauwi dahil sa pagkabusy niya.

"umuwi lang talaga ako para isurprise ka sana kaya inuwi ko muna si Cotton dito"

Hinug ko si Cotton.

"so hindi nyo na po siya dadalhin sa office?"

He pat my head.

"hindi na. I just realized na baka namimiss mo na ang aso mo"

"buti naman dad kasi dalawang linggo ko nang hindi nakikita si Cotton"

Well, pati nga si Cotton eh miss na miss na ako. Dinilaan niya nga ako sa mukha eh.

"by the way, you're supposed to be in school, why are you still here at nagmumukmok lang diyan?" him nang makaupo na din sa sofa.

"Mas magiging masaya pa po akong kasama si Cotton kesa ang magpunta doon sa school"

"pero anak, I think kailangan mo ring makipagkaibigan doon sa school. Gusto kong magseryoso ka sa pag-aaral mo but di ko naman sinabing hindi ka na makipagsocialize sa mga kaklase mo"

"well, dad..may I ask you something"

"of course, ano iyon?"

"how did you met mom?"

"well, Anica was my college classmate. She's intelligent and pretty like you kaya nabihag niya ang heartthrob ng university, and its me."

Habang ikinikwento ni dad ang past niya, nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang saya kahit ilang taon na ang lumipas, tila fresh pa rin sa kanya ang lahat ng iyon.

"kaya ikaw sweetie, kapag may nagustuhan kang isang lalaki, ipakilala mo siya sa akin at hahamunin ko siya ng chess"

"chess? marunong po pala kayong maglaro nun?"

"of course, iyon ang nilalaro ko noong araw." proud na sabi niya.

"so, okay lang po sa inyong may magustuhan akong guy?" paninigurado ko lang. Kilala ko kasi si dad eh, medyo may pagkastrict siya sa mga bagay-bagay pero hindi na katulad nung dati.

"oo naman, ayoko namang maging abnormal ka noh." tapos ngumiti siya.

Shocks dad, napatawa niya ako doon huh. Maypagkajoker din pala itong si dad minsan.

"kaya pumunta ka na doon sa school basta huwag ka lang masyadong magpagabi." tumayo na siya.

Siguro, tama si dad. I need to go there and socialize. Tama na ang page-emote.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C20
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login