Download App
14.96% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 19: ABOUT THE PLAN

Chapter 19: ABOUT THE PLAN

"let me speak first okay? I'm doing this because I need to know something. Gusto kong malaman kung sino ang nanggugulo sa SA."

Let me repeat it to myself..

He wanted to know who are causing trouble in SA. So does it mean na hindi siya?

Kung ganon, hindi sila magkasabwat ni Abby.

So sino 'yung guy sa Forest Park?

"but you threatened me, so ngayon, naghuhugas ka na ng kamay?"

"until now, pinagdududahan mo pa rin ako?"

"eh mukha ka naman kasing kaduda-duda eh. Saka huwag mo nga akong idaan sa bulok mong style! Sinasabi mong gusto mong malaman kung sino ang nanggugulo sa SA, ano naman ang kinalaman ng kiss doon?"

"alam mo, I thought that you are intelligent, mali pala ako" him, nakatingin lang siya sa malayo.

"tss. stop those nonsense...hindi ka nakakatuwa" me.

"why, do I look like I'm joking?" seryoso niyang sabi.

"So ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin ngayon? tatakutin mo akong huwag makealam sa iyo.... then now, you want to cooperate with me?" me.

"okay, ieexplain ko sa iyo isa-isa para maintindihan mo..dummy"

Dummy? talino niya ah.

Hindi na lang ako umimik. Bwiset na bwiset na talaga ako eh.( Nagpipigil lang.)

"Okay, I'll start from Mr. de Veto's case hanggang kay Miss Georgia Campo.....Mr. de Veto became violent right?.. at tinangkang patayin si Lesley?" him.

Ano bang gusto niyang gawin, ikwento lahat ng nangyaring hindi maganda sa SA?

"also, teacher Mateo na pinatay ang gf niyang taga NWA"

"alam mo, diretsuhin mo na nga kasi ako" me.

Hindi pa kasi diretsuhin eh.

"may gusto sa akin ang gumugulo sa Academy" him.

"wow huh, how sure are you?"

Ang taas ng confidence level ah. Di mareach.

"kahit siguro average person, kayang pagdugtung-dugtungin ang pattern.... Lesley, Mr. Mateo's gf, Georgia Campo....sila ang naging targets ng may gusto sa akin"

Huh? Yabang nito ah. Bugbugin ko na kaya ito.

"sobrang gwapo mo naman ata para pagkaguluhan ka ng ganon"

"bakit hindi ba?"

Sasabunutan ko na sana siya eh kaso bigla na siyang tumayo.

"well, hindi rin naman kita pipiliting maniwala sa mga sinasabi ko. Pero alam kong you have someone in mind na mas pinagdududahan mo kaysa sa akin. Its up to you I guess."

"if you could persuade me kung paano mo nalamang may gusto sa iyo ang may gawa nito, then, I'll give you a chance to hear your plan"

"eto, alam ko namang hindi ka basta-basta maniniwala eh..so I brought this one"

May iniabot siyang sobre.

"nakabukas na iyan, just read what's inside"

Binasa ko ang sulat.

The content is about threatening him saka yung code name ng nagpadala ng sulat.

Miss 3184 ang code name. May bagong clue na naman.

"okay...., bakit sa lahat ng gagamitin mo, ako ang napili mo?" tanong ko since he has evidence naman at magagamit ko rin iyon in the future.

"alam ko kasing hindi ka nagkakagusto sa lalaki" sabi niya habang pinapagpag ang suot niya.

"hoy, paano mo naman nasabi ang bagay na iyon?"

"tomboy ka di ba?"

"hindi ako tomboy ha!!!" me.

Ako? tomboy? may nagugustuhan nga akong guy tapos sasabihin n'ya iyon sa akin?!

"then I'll be happy if you'll prove it to me tomorrow" he winked

"anong tomorrow ka dyan? manyak mo!!!" hinampas ko siya sa balikat.

"aray naman, sinasabi ko na nga ba eh, tomboy ka...kaya wala akong dapat na ipag-alala"

"grrr!"

Nagsimula na akong maglakad. Baka ano pang gawin ng isang ito sa akin.

"hey wait, hindi pa nga ako tapos sa pakikipag-usap ko sa iyo eh.,well kung papayag ka sa plan ko...it would be a great help"

"great help mo mukha mo! hmp!" binilisan ko na ang paglalakad ko para makaiwas na sa kanya.

"teka lang, di mo pa nga napapakinggan ang plan ko eh, aalis ka na agad?" him habang sinusundan niya ako.

"huwag mo na nga akong sundan!"

"okay, fine. Hindi na kita susundan." him habang nakaangat ang mga kamay niya.

Buti't nakaramdam din siya.

Inirapan ko lang siya't umalis na.

Salamat, nakahinga rin ng malalim.

Bumalik ako sa oval. Sa wakas, nakita ko rin si Nathan. He's with Elaine. Lalapit na sana ako sa kanila nang bigla siyang yakapin ni Jenna.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login