Download App
11.02% TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 14: PUZZLES IN MIND

Chapter 14: PUZZLES IN MIND

Nagulat kaming tatlo sa nabasa namin mula sa nakalukot na papel.

"bakit ba sa tuwing may nangyayaring kaguluhan dito sa SA eh may kinalaman ang NWA?" pagtatakang sabi ni Nathan.

"oo nga, ano bang meroon sa school na iyan?" dagdag naman ni Elaine.

Yun nga rin ang naglalaro sa isip ko eh. Kaso, wala pa akong maisip na mabigat na dahilan why would someone do that.

"Simple lang naman, rival school ng SA ang NWA"

Sino iyon?

Lumingon kami sa kinaroonan ng nagsalita. Nakaeyeglasses siya, may katangkaran rin, medyo mapungay ang mga mata at matangos ang ilong.

Si Cloud, ang top 1 ng year level namin.

"Cloud? anong ginagawa mo dito?" Nathan.

He smirked.

"ako nga ang dapat magtanong niyan sa inyo eh" him.

"we're trying to help that girl, bakit may alam ka na ba sa posibleng may gawa nito?" ask naman ni Elaine.

"I have puzzles in my mind but those puzzles are not yet enough to point out someone." him.

"but you have someone in mind, sa tingin mo, may kinalaman kaya ang mga Santos sa nangyayari dito?" me.

Kasi di ba kasasabi lang niya kanina na rival school ng SA ang NWA?

"Pwede ring oo at pwede ring hindi."

"Is that even an answer?" sabi ko. Gusto ko kasi ng exact answer kasi naba-bother na ako sa school na ito.

This year lang, marami nang incidents ang naitala tapos ngayong araw pa. Siguro, pag hindi nagtagal, lilipat na talaga ako ng school. Students here are being violent, nakakatakot na.....pati nga yung mga nagtangkang pumatay sa akin_

Teka.

Wait lang...

Di kaya?

"Nathan, namukhaan mo ba 'yung taong nagtangkang pumatay sa akin?" me.

"hindi, kasi nang makita kita sa Forest Park, nag-iisa ka lang doon" sabi ni Nathan.

"huh? may nagtangkang pumatay sa iyo? My G!" gulat na sabi ni Elaine.

"do you think may kinalaman ang mga taong iyon sa nangyayari dito lately?" ask ko kay Cloud.

"sinabi mong MGA right? so ibig sabihin, marami sila. Ilan silang nagtangka sa buhay mo?"

"tatlo sila, isang lalaki at dalawang babae pero hindi ko sila namukhaan" me.

"how did you identify their gender?" Cloud.

"nakaschool uniform natin sila" me.

"so hindi lang pala siya ang suspect. Ibig sabihin, mali ang pattern na naiisip ko" Cloud.

"pattern? anong ibig mong sabihin" curious na tanong ni Nathan.

"I have known you since elementary Aikka at never ka namang nagkagusto sa isang lalaki right?" Cloud.

"huh, teka, ano namang kinalaman nun sa mga nangyayari dito sa SA saka sa pattern na sinasabi mo?" me.

Nakatitig lang siya sa akin at tila ba may naglalaro sa isip niya ngayon na ayaw niyang sabihin.

"pero impossible namang siya ang magkagusto sa iyo. Pero malaki naman ang posibility na yun ang reason why he is doing it, pero marami nga sila eh.." Cloud.

"bro, pwede ka naming tulungan para masolve ang problem na ito basta ishare mo lang sa amin ang nalalaman mo" Nathan.

"No. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo since mali ang pattern ko. I need to find more clues. Gusto ko ring siguraduhin if related ang case mo sa mga nangyayari dito" him.

"Seriously??? I gave you the information and you didn't share what's yours. Ano ito, lamangan? Pati ba naman dito, you're still being competitive?" me.

Peacock. Kairita rin siya ah. Bibitinin nya kami sa ganon matapos kong ishare ang nalalaman ko. Hindi ako makakapayag!

"bahala ka kung ano ang gusto mong isipin against me, but ito lang ang masasabi ko sa iyo..never trust anyone" sabi niya tapos umalis na siya ng nakapamulsa.

"so, ano ang gusto niyang ipalabas?" Nathan na halatang nabadtrip din sa nangyari.

"eh di ano pa, isa sa atin dito ang suspect" Elaine.

"tss" Nathan.

Shocks! binigyan niya tuloy ng katanungan ang utak ko ngayon.

Why am I nvolved?

Ibig sabihin ba nito na malaki ang possibility na those people who tried to kill me are the same people causing trouble here in Academy?

"ano ba iyan? pati ba naman ang school na ito ay dadagdag sa problema ko? nai-istress na nga ako sa lovelife ko eh. Magiging suspect pa ako sa mga nangyayari dito, My G! nababawasan ang bangs ko dahil dyan huh?" Elaine.

Saka yung warning niya na never trust anyone. It keeps bothering me.


CREATORS' THOUGHTS
MissKc_21 MissKc_21

Guys, sorry if may typing errors. Minsan kasi nagmamadali ako sa pagtype kaya di ko na napapansin. Hope you understand. Anyways, Thank you sa mga nagbigay ng time to read this story!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login