After namin ihatid si Nathan sa apartment na tinutuluyan ng Auntie niya, nakauwi rin kami sa bahay.
Pagdating doon, nakahanda na ang hapunan.
"nauna na ako ditong umuwi kasi may problema pa sa kumpanya. Baka hindi daw makauwi ang dad mo ngayon. Kumain ka na" sabi ni Elena.
"I'm already full. Aakyat na ako"
Pumasok na ako sa kwarto ko.
"Hay" sabi ko after kong makahiga sa bed.
Well, after ng araw na ito. Back to solitary life again.
(SANTOS ACADEMY+++)
Monday, 7:45 a.m
Nakaupo lang ako this time. Ilang minutes na lang at papasok na si Miss Quin para sa Science subject namin.
"Sino ang nagnakaw ng notebook ko sa Science?" sigaw ni Jenna after n'yang pumasok ng classroom kasama ang mga alagad niya.
Umagang-umaga eh nambubulabog ang bruha.
"sino?!!!" hinampas niya 'yung teacher's table sa front. Natahimik bigla ang napakaingay na classroom.
"baka si Ms. Montero, di ba siya lang naman ang mortal mong kaaway dito?" sabi nung isang babae sa middle front na seat. Ako na naman ang nakita niya.
Naku, total magaling na naman ang sugat ko sa braso, pwede na akong makipagsabunutan ngayon. Sige, subukan lang nilang galitin ako.
"hey stupid" lumapit si Jenna sa akin.
Ayoko siyang tingnan kasi I'm trying to calm myself. Ayoko rin kasing may makalbo ako ngayon gamit ang mga kamay ko.
"stupid!" pinitik niya ang noo ko nang napakalakas.
Bwiset!
Tumayo na ako para kausapin siya. Hmp! Hindi ako natatakot sa kanya kasi alam ko namang walang ipapalag ang bruhang ito eh.
"What's your problem?"me.
"wow, so may gana kang ganyanin ako huh? Bakit, ano bang ipinagmamalaki mo?" Jenna, the witch
"wala naman, eh ikaw..anong ipinagmamalaki mo? Ipinagmamalaki mong anak ka ng may-ari nitong school? eh di ba dapat ngang mas maging mabait ka sa amin kasi kami ang nagpapasweldo sa daddy mo?"
Totoo naman ah, kung hindi kami nagbabayad ng tuition fee sa SA, hindi naman kikita ang bwiset na school na ito.
"what?" sa galit niya hinablot niya ang buhok ko.
Aba! hindi rin ako magpapatalo kaya hinablot ko rin ang buhok niya. Nagsabunutan talaga kami. Ang nakakagulat lang huh, wala man lang umawat sa amin. Nageenjoy ata sila sa scene ngayon.
"ouch! bitawan mo ang buhok ko stupid!!!!!"
Ayoko nga. Ginusto mo ito eh. Mas nilakasan ko pa ang paghila sa buhok niya kaya binitawan niya ang buhok ko.
"stupid!!! stupid!!! stupid!!!" pagwawala niya kaya pinakawalan ko na siya.
Inayos ko muna ang buhok ko bago ako nagsalita.
"I'm not stupid. Will I belong to top 3 if what you're saying is true? tsk."
"Ah!!!! I hate you!!!!" bigla siyang nagwalk out. Sinundan naman siya ng mga alagad niyang tila walang pakealam sa nangyari sa leader nila. Halatang mga sipsip.
Umupo na ako at nagbuklat-buklat na nang libro. Umingay ulit ang classroom at ang topic ay 'yung nangyari kanina.
"Ayos ka lang?" ask ni Jotham.
"lagi mo akong tinatanong kung ayos lang ako, ni hindi mo nga ako tinulungan kanina eh. Minsan I'm asking if you're really concern about me."
"of course I am, pero natatakot lang akong ireject mo lang ang tulong ko sa iyo." him.
"stop lying. I can read it in your eyes. Nobody cares for me kaya stop pretending"
Naglagay na ako ng earphone.
Ayoko nang makarinig pa ng kung anu-ano this time. Sana nga dumating na ang teacher namin.
After a minute, pumasok na rin si Miss Quin.
"okay, good morning class. I'll check your attendance first."
(cp message alert)
Kinuha ko ang aking phone at binasa ang message.
***** from unknown number....
Hey, good morning (with smiley sticker)
Don't 4get sa (coffee shop) sticker: coffee and shop..... ma2ya huh? See ya'!
"where did he get my number?"
Blush. kahit medyo magulo ang buhok.
Buti na lang at nagtext siya. Pinaganda niya ang araw ko ngayon.
"where are the twins? pati na si Ms. Alvarez?"
"si Jenna ma'am, umuwi daw kasi masakit ang ulo" sabi ni Misy.
tss. Sinungaling. Umuwi yun kasi nagulo ang hairstyle at mukha niya.
Ibinalik ko na ang cp ko sa bag. Mamaya ko na iisipin si Nathan. Baka mapagod siya sa kakatakbo sa isip ko.
(Eew! bakit ko ba iyon nasabi?)
"how about Mr. Santos and Ms. Alvarez?" ask ni Miss Quin.
Tapos biglang bumukas ang pinto, naunang pumasok si Spade tapos sumunod naman si Ms. Alvarez.
Namulagat ang mga mata ng classmates ko. Well me, nagulat rin ako.
Are they dating?
"why are you late? Mr. Santos?" ask ni Miss Quin.
"traffic po" sabi ni Spade na tila wala sa mood.
Ay oo nga pala, lagi rin pala iyong nakasimangot. Hindi ko alam kung ano ang problema nun. I never saw him smile unlike ng kapatid niyang si Jenna na halos lamunin ang taong kaharap niya sa kakatawa, sa laki ba naman ng bunganga nun.
"how about you Ms. Alvarez"
"ah... I'm sorry ma'am, naflat po kasi ang scooter ko kaya I need to commute papunta dito"
"My Gee, she's so cheap!" dinig kong sabi ng kaklase ko sa likod.
"buti nga eh yun ang reason niya kasi baka isipin kong, Prince Spade and that sampid are dating" maarteng dagdag naman nung isa.
Sigh.
Minsan din, gusto ko nang hindi pumasok ng school. Mga ganitong tao ba naman ang makasama mo araw-araw.
Kaya nga mas pinipili kong mapag-isa eh. Gusto ko nang katahimikan.
"okay, sa susunod, huwag niyo na itong uulitin.
I will not deduct it from your assignments today. Ipasa niyo na lang kay Ms. Montero ang mga assignments niyo at may meeting ang mga faculty. Class dismiss."
Shocks! kung minamalas ka nga naman.
Umingay ulit ang classroom.
"Guys! kindly minimize your voice!!! please lang!!" sabi ko.
"mind your own business bitch!"
Ugh. Grrr!