Download App
57.14% The Spirit of Rihana / Chapter 8: Chapter 8

Chapter 8: Chapter 8

Nagpatuloy silang gumawa ng assignment sa kabila ng nangyari kay Jenny, dahil wala na sila magagawa para dito, makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ng library si Rihana.

"Nakakatakot nga sya! Di na ba sya aalis dito?" Naiiyak na sabi ni Myles, maya maya'y nilapitan sila ng librarian.

"That's the mistery question? Di sya aalis hangga't di nya nalalaman kung sino ang naging kasintahan ni Trevor sa section ninyo!" Wika ng librarian.

"May naging kasintahan ba talaga si Trevor sa section natin?" Curious na tanong ni Myles.

"Siguradong meron, pero di natin alam kung sino!" Sabi naman ni Leila.

"Pag nalaman nya kung sino sa section nyo ay alam nyo na ang mangyayari! Ngunit yun ang susi para umalis na sa paaralan na ito si Rihana!" Sabi ng librarian.

"Papano po ninyo nalaman na yun ang susi?" Nagtatakang tanong ni Myles.

"Alam lahat yan ng mga kaklase mo kung bakit," wika ng librarian.

"Kasi lagi niya sinusulat sa blackboard ang salitang 'Sino' at sinabi niyang aalis na sya pag nalaman niya kung sino!" Wika ni Leila.

"At alam mo ba, nawawala ang kuwintas ni Trevor na hawak dati ni Rihana, tiyak yung sinasabing girlfriend daw ni Trevor ang may hawak ngayon nun!" Sabi ni Ely.

"Huh? Kung gayon, hindi si Rihana ang pumatay kay Trevor, kundi yung sinasabing girlfriend ni Trevor?"

"Wala pa ring makakapagsabi," wika ni Thea,

"Kailangang malaman natin kung sino ang naging girlfriend ni Trevor, para matapos na to, mas maraming idadamay si Rihana iisa-isahin nya tayo!" natatakot na sabi ni Leila.

Sumunod na araw...sa kanilang klase.

Tahimik ang lahat nang dumating si Rihana. Pagpasok ng guro ay nagturo ito ngunit may takot sa kaniyang mga mata. Habang nagsusulat ito sa blackboard ay bigla na lamang nagliliparan ang mga papel sa kanilang mga desk. Ngunit kahit kinikilabutan ay walang kumikibo. Maya maya naman ay nag aangatan ang mga libro sa ere at biglang hahampas sa pader. Pinag lalaruan sila ni Rihana. Pangisi ngisi lang si Riana sa kaniyang kinauupuan at humahagikgik mag-isa. Nagbigay ng recitation ang guro. "Saang bansa matatagpuan ang mga Pyramid?" Tanong ng guro, ngunit walang nagtataasan ng mga kamay. Kumunot ang noo ng guro.

"Maaari bang sumagot kayo?" Wika ng guro. At napilitan magtaasan ng mga kamay ang mga studyante. Si Ely ang napili na sumagot. "Ma'am ang sagot ko po ay Egypt!"

Wika ni Ely. Bago magsalita nag guro ay biglang nagtaas ng kamay si Rihana.

"Riana, may sagot ka ba?" Kinakabahang wika ng guro.

"Mali ang sagot niya!" Malamig na boses na wika nito.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login