Download App
73.91% I'm (Still) Into You / Chapter 17: Kapitbahay

Chapter 17: Kapitbahay

Chapter 15. Kapitbahay

KINABUKASAN ay halos tinanghali na ng gising si Ice. Gusto pa sana siyang pagpahingahin ni Jervis pero tumanggi siya. Kailangang harapin na nila ang kaniyang pamilya ngayon.

"Pero kailangan mo pang magpahinga," sambit nito.

"Ayos lang. Hindi rin yata ako makakapagpahinga nang hindi sila nakakausap," sagot niya.

Jervis sighed and stared at her. Nakaupo ito sa gilid ng kama, siya nama'y bahagyang umupo para makasandal sa headboard ng kama.

"Anong iniisip mo?" she asked.

"I just still couldn't believe you are here," bulalas nito.

She smiled sweetly at him and held his hand.

"Babe," anas nito.

Tumahimik lang siya para pakinggan ang sasabihin nito.

"Two of your brothers went here last night, but the security guards didn't let them in," pagbibigay-alam nito.

"I thought so. Kaya rito ko naisipang magpunta kahapon dahil alam kong mataas ang seguridad dito."

"I let him in. I let them in..." hindi nito matapos-tapos ang sasabihin.

Napatuwid siya ng upo. "Ano? Why did you do that?"

"They're your family, Ice. I can't just shove them away."

"Where are they now?"

"Umalis din nang sabihin ko sa guwardyang tumawag sa akin na papasukin sila."

"Sino'ng kasama nina kuya?" panigurado'y ang kambal niyang mga kuya ang sumusundo sa kaniya.

"They say, it's your..." Hindi nito matapus-tapos ang nais na sabihin. Nakuha niya iyon at agad na umiling siya.

"He isn't my fiancé, Jervie. Ikaw lang ang lalaking pakakasalan ko."

"What?" tila lutang na tanong nito.

Nangunot ang noo niya. Nasabi na niya iyon, a?

"What did you call me?"

"Huh?"

"You... said..." namamaos ang tinig na untag nito. Ah, iyon pala.

"Jervie..." masuyong bulong niya.

Jervis smiled at her. "Mom used to call me in that name," he reminisced. "That's why I didn't want to be called by that nickname anymore after the tragedy befell."

"Sorr—"

"But hearing it from you, my heart... feels lighter," amin nito.

Napamaang siya. Kinikilig ba ito?

She realized she's right when his face got heated up. Pulang-pula ang mukha nito maging ang mga tainga.

"I also adore you when you're blushing, you know," pansin niya rito.

"I'm not blushing," kaila nito.

"Yes, you are," tukso niya.

He just cupped her face and gave her a quick kiss. "Good morning," bati nito saka siya tinalikuran. Dumiretso ito sa banyo para mag-shower.

"Parang sira, kahahalik lang sa akin kaninang pagkagising ko," kinikilig na bulong niya sa sarili.

She smiled when she saw the tray of food on the bedside table. Nagsimula na siyang kumain dahil nakaramdam na rin siya ng gutom.

Matapos nitong maligo ay siya naman ang dumiretso sa banyo. She couldn't help but grin while washing herself. And no, he didn't agree to have a bathroom sex with her. Naalala niya rin kung paanong maingat siyang pinaliguan ni Jervis kagabi. Ingat na ingat ito sa bawat pagdampi nito sa balat niya. Now, she couldn't wait to make love with him again soonest.

Nang matapos ay may nakahanda ng mga damit sa kama. Hula niya ay pinakuha nito ang mga iyon kay Jasel sa condo ng mga ito sa ibaba. Hindi siya nagkamali nang pumasok si Jasel at sinarado ang pinto.

"Magpapakasal ka talaga kay Kuya?"

Parang nakalutang siya nang tumango sa kaibigan.

"Magkatulad nga kayo ni Kuya. Lutang din nang tanungin ko tungkol sa kasal," komento nito. She cackled imagining her friend getting irritated but her brother didn't mind at all. Lutang, e.

"Saglit, magbibihis lang ako," aniya at pinunasan ang mamasa-masa pa niyang katawan.

"Ano ba iyan!" bulalas ni Jasel nang matitigan ang katawan niya. Sanay siyang magbihis sa harap ng kaibigan, ganoon din ito sa kaniya.

"Bakit?"

"I cringe! Ang dami mong hickeys sa may dibdib! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko... At kung tinalo ka ba ni kuya o ikaw ang tumalo sa kaniya," komento nito. Napasabunot ito sa sarili. "Hay, ewan! Magsama kayo!"

Nagdadabog na lumabas ito ng kwarto nang hindi nila-lock ang pinto. She's already wearing her undergarments when Jervis came in.

"Nag-away kayo?" agad na tanong nito.

"Magkapatid nga kayo. Istorbo sa pagbibihis ko. Hayaan ninyo muna akong makapagbihis," naiiling na biro niya.

"Sige, magbihis ka na," sagot nito pero hindi lumabas ng kwarto. Bagkus ay pumasok ito at sinara ang pinto. Umupo ito sa may couch at nagkunwaring may binabasa sa cellphone. Alam niyang wala itong tinitingnan doon dahil nakatalikod ang phone.

Kahit nakita na nito ang kabuuan niya'y naiilang pa rin siya. Pero pilit niyang binalewala iyon at nagpatuloy sa pagbibihis. She chose to wear pants and a fitted red shirt. Nang lingunin niya si Jervis ay nakanguso itong nakatitig sa pang-upo niya.

"Minamanyak mo na naman ako, 'no?" biro niya. Dang, did she even use the right word?

"I am just admiring your back," katwiran nito.

"My back or my butt?"

Ngumisi ito, "Both."

Nakasuot na ito ng dark maong pants at polo shirt na kulay krema. Nagsusuot na rin ito ng brown leather shoes at siya nama'y sinusuklay ang hindi pa tuyong buhok. Hindi na siya nag-abalang patuyuin iyon.

Nang matapos silang mag-ayos ay niyaya niya munang pumunta si Jervis sa apartment niya.

"We can go straight in Aurora, if you want," alok nito.

Umiling siya.

"Sa apartment na muna. Nakalimutan ko ang purse ko." Ang pamasahe nga niya kahapon ay hiniram niya sa security guard pagkarating ng gusali dahil wala siyang dalang pera.She'd pay him next time.

"Ako nang bahala."

Umiling siya at sa huli'y pinagbigyan siya nito.

"Hintayin mo na lang ako rito," awat niya kay Jervis nang bababa na rin sana ito ng sasakyan.

Pagkapasok ay kinuha niya ang purse niya kung saan nandoon ang mga I.D. at passport niya, pati ang mga debit at credit cards. Saktong pagka-lock niya ng apartment ay bumukas ang pinto ng silid ng kaniyang kapitbahay. Hindi niya iyon pinansin pero bago pa makaalis ay nagtaka siya nang harangin siya ng kung sino.

"Saan ka nanggaling?" ang kapitbahay niya pala iyon.

Bakit? Hindi naman sila close ng kapitbahay niya para tanungin siya ng ganito.

"Kasama mo ba iyong kabit mo?"

"Kabit?"

Nagtagis ang bagang nito. "Iyong lalaki mo."

"Ha?"

"Come in. Your brothers are still sleeping," pag-iiba nito sa usapan at hinawakan ang kaniyang braso.

"Bakit naman nandiyan sina kuya?"

"Ice!" sigaw ni Jervis, mabibilis ang hakbang nitong lumapit sa kanila ng kaniyang kapitbahay. "Get your filthy hands off my Ice!"

Ngunit hindi nito binitawan ang mahigpit na pagkakapit sa braso niya. She whimpered that's why his grip loosened. Nang tumingin siya rito'y humihingi ng paumanhin ang mga titig nito sa kaniya.

Hinigit siya ni Jervis at itinago sa malapad nitong likuran.

"Hey, sweetheart, let's go inside," untag ng kaniyang kapitbahay habang pilit na hinuliang paningin niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at napasiksik sa likuran ni Jervis. Napakapit din siya sa kanang braso nito.

Umigting ang mga ugat ni Jervis sa braso at nangangalit ang bagang nito nang samaan ng tingin ang kaniyang kapitbahay.

Nang bahagyang magtama ang tingin niya sa kapitbahay niya'y ngumisi ito ng nakakaloko.

"Surprise, fiancée," bulalas nito.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login