Download App
65.21% I'm (Still) Into You / Chapter 15: Elope

Chapter 15: Elope

Chapter 13. Elope

HINDI man aminin ni Ice ay nasasabik siya sa date nila ni Jervis mamayang gabi. She excitingly prepared. Ang isusuot na damit ay handa na. She's going to wear a very conservative black dress. Mahaba-haba iyon kaysa sa karaniwan niyang dress na hanggang itaas ng hita ang haba. Iyon ay aabot hanggang tuhod. Ang manggas ay mesh at mababalutan ang braso niya hanggang palapulsuhan.The neckline wasn't revealing, too. She suddenly wanted to cover up herself and devote her body exclusively for Jervis.

Alas sinco na ng hapon at katatapos lang niyang maligo. She's blow-drying her hair when her phone rang. She couldn't hear it at first, inilayo niya nang bahagya ang blow-dry at nang masigurong may tumatawag nga ay pinatay niya muna ang blow-dryer.

"Fraulin Ice!" dumagundong ang boses ng sa kabilang linya.

"O, Kuya, kumusta?" bati niya. Hindi pinansin ang pasigaw na tawag ng panganay niyang kuya na si Frank.

"Get your feet back here in Aplaya!" Aplaya was her hometown in Dingalan, Aurora. "Hindi ka namin hinayaang mapag-isa riyan para magpapasok ng kung sinong lalaki sa tinitirhan mo!"

Huh? How did they know? And even if, she's already at the legal age. Old enough to have a relationship, or even get married.

"Don't you dare to go out! Papunta na sina France diyan!"

"B-bakit?"

"You're going back here today!"

"Ha?!"

"You, little devil! I won't care if you're with some guy that we can meet afterwards. Pero one night stand? 'Tangina, hindi ka ganoong babae!"

"Ano ba'ng one night stand ang pinagsasabi mo, Kuya?"

"At siya pa talaga ang nakakita?! Nakakahiya!"

Rinig na rinig niya ang bayolenteng paghinga ng kapatid sa kabilang linya. "Sino'ng siya?"

"You're going back here."

The call got disconnected and she immediately dressed up casually. Sumakay siya ng cab para makapunta sa Nievieras' Condominiums.

Ngunit wala roon ang kaibigan. Baka nag-overtime ito kaya wala pa sa bahay. Natatarantang d-in-ial niya ang numero ni Jervis.

"Babe—"

"Where are you?" she cut him off.

"Penthouse. What's wrong?" bakas ang pagtataka at pag-aalala sa tinig nito.

Pinutol niya ang tawag at lumabas ng condo para makaakyat sa penthouse.

She's tapping her right foot while waiting for the lift to go up. Nang makarating sa tamang floor ay lakad-takbo siyang nagpunta sa penthouse ni Jervis.

"Open the damn door!" naiinip na bulalas niya nang pindutin niyang muli ang doorbell.

When Jervis opened the door, shock was visible on his face.

"Ice, why are you here? I told you to rest and I'll pick you up tonight, right?"

Tinulak niya ito at sinarado ang pinto. She was restless thinking that her brother might have followed her.

"What happened?" he asked worriedly.

"I don't know... but my brothers knew that someone slept in my place! Papunta na si Kuya France nang katawagan ko si Kuya Frank sa phone," she exclaimed. She didn't bother to explain who's who.

"Then, why did you go here?" mababa ang tinig na tanong nito.

"Let's elope, Jervis."

They were still on the doorway. She made sure she locked the door, too.

Hindi kumibo si Jervis. Alam niyang nakakaloko ang sinabi niya pero iyon lang ang alam niyang gawin ngayon.

"Bakit hindi ka kumikibo? Ayaw mo ba sa akin? Akala ko ba gusto mo ako? Nagbago na ba ang isip mo kasi naikama mo na ako?"

"Hell, no!" tumaas ang boses nito't pinakalma rin kaagad ang sarili. "Higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko sa iyo, Ice. Pero hindi tayo magtatanan."

Hindi maaari. Kailangang mapapayag niya ito. She held his arms tightly and caught his gazes. She desperately stared at him.

"Magtanan na tayo, please? I'd do everything you want. I'll serve you, I'll make you feel good—devote myself to you. Basta magtanan lang tayo," parang luka-lukang aniya.

"Can you hear yourself? We're both adult. At isa pa, hindi kailanman magiging kasagutan ang pagtatanan. Hindi tayo tatakas. I'll face your family, babe. Trust me in this one, okay?"

Nanghihinang napabitiw siya sa mga braso nito na agad naman nitong nasapo ang mga iyon.

"Do you trust me?" he asked seriously. Tumango siya. Pero may dapat itong malaman.

"But I don't trust my family on this matter, Jervis," maliit ang tinig na sambit niya at bumuntong hininga.

It was her second time going inside his penthouse but she couldn't fully admire it yet. What if they just stay in and never go out? Mataas ang security ng Nievieras' Condominiums kaya nasisiguro niyang hindi agad makakapasok ang kaniyang pamilya kung walang access. But...

"I am engaged," nakayukong siwalat niya. Jervis held her chin to meet her gazes. Why didn't he look surprised?

"Yes, you are," anas nito. "...to me."

She kept still.

No, she wasn't cheating. She just knew that her family was marrying her of to someone she never met when her ex-boyfriend got married. She never really felt she's engaged, but now that this was happening, she remembered about it.

"Isa lang ang alam kong paraan para makalusot tayo, Ice. Pero nais kong makasiguro kung gusto mo ba ako," seryosong untag nito.

"Duh! Tinatanong pa ba iyan? May nangyari na sa atin, Jervis. Tapos itatanong mo kung gusto kita? Hindi pa ba malinaw pati iyong mga sinabi ko?"

"I want assurance, Ice. Hindi iyong nasabi mo lang dahil may nangyari sa atin."

Hindi siya makapaniwala! He was doubting her feelings for him when she clearly made him feel she's head over heels for him. She sighed heavily and tried not to get heated up.

"Kunsabagay, hindi kita masisisi. Idinaan ko sa biro ang nararamdaman ko sa iyo," wika niya nang mapagtanto kung bakit gustong-gusto nitong marinig ang sagot niya. Dapat pala ay nilinaw na niya kaagad bago pa isinuko ang sarili rito.

Tahimik lang ito, naghihintay sa isasagot niya.

"Hindi kita gusto," panimula niya. Tumikhim siya nang ang kaseryosohan nito ay halos ilubog siya sa kinatatayuan. "S-sandali," awat niya. "Iinom muna ako ng tubig."

Akmang aalis siya nang hilahin siya nito ay isinandal sa pader. Walang sabi-sabing hinalikan siya. May pagka-agresibo ang atakeng iyon peronakaramdampa rin siya ng kakaibang kiliting dulot niyon.

"Is this pure lust, then?" nangangalit ang bagang na tanong nito.

Tumango siya't kaagad ding umiling.

"This isn't your joke time, damn it!" He growled. "Bakit hindi mo ako gusto? You submitted yourself to me, Ice."

Umiling siya ulit at bago pa ito makapagsalita o makagawa ng kilos ay yumakap siya sa baywang nito. Mahigpit iyon at ang mukha niya'y binaon niya sa dibdib nito.

"Totoong hindi kita gusto, dahil gustong-gusto kita, Jervis..." in her low tone.

Sumimghap ito'tsiya ay nanatiling nakayakap dito, dinadama ang malakas na pagkabog ng dibdib nito, tulad ng kaniya.

Ilang sandali pa ay pinilit nitong kalasin ang yakap niya at hinanap ang paningin niya.

"Can you say that again, hmm?" sumamo nito.

"Gustong-gusto kita..."

His eyes flickered a bit.

"...noon pa," dagdag niya.

Pagkuwa'y hinawakan siya nito sa isang kamay at iginiya sa kwarto nito.

Namangha siya sa kasimplehan niyon. Gray and dark gray ang kulay ng pintura't ilang kagamitan, pero hindi naman plain tingnan. Mayroon itong maliit na basketball doon sa may sulok malapit sa veranda, katulad niyong mga nakikita niya sa arcade games sa mall, iyong hinuhulugan ng token, at may time limit kung ilang minutong magsu-shoot ng bola.

Mayroon ding couch at center table sa kabilang banda ng paanan ng king sized na kama. Mapadako ang tingin niya sa kama, his bedsheets were black, the comforter was a bit lighter grey, same with his pillows. Parang gusto niyang mahiga roon at namnamin ang lambot ng kutson; samyuhin ang natural na amoy ng lalaki.

May closet din sa kabilang banda ng kwarto at ang banyo ay nasa tapat ng closet. Maliit ang espasyo ng closet, but she doubted that. She got a hunch that it's a walk-in closet, too.

"Why did you bring me here?" she asked.

He smirked. "I'm going to tuck you in my bed."

"Huh?"

"Take a rest, babe, I know you're still tired. Don't think about the situation first."

"Pero—"

"Shh..." nakangising putol nito sa kaniya. "Pagod ka pa. Sa susunod na natin ituloy ang date natin. Magpahinga ka muna at bukas na bukas ay ihahatid kita. Sabay nating haharapin ang pamilya mo."

She pouted as she nodded, then, he kissed her forehead.

Sabay silang natigilan nang sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell. Kinabahan siya sa pag-aakalang ang Kuya France niya iyon.

"Stay here, okay?" habilin nito.

Tumango siya bago nito sinarado ang pintuan. She couldn't hear anything from outside that room. Ilang sandali ang nakalipas ay hindi pa rin ito nakababalik. She got worried so she opened the door a bit to eavesdrop.

"Where is she?" nanggagalaiting tanong ng babae.

Agad na binuksan niya ang pinto nang makilala iyon.

"J-Jase..."

"Damn! You're really keeping her!" sigaw ng kaibigan niya.

"Calm down," anang Jervis na nakaupo sa sofa. Tumayo si Jasel at bahagyang lumayo sa kuya nito.

"Shut up! I can't keep up with these diabolic acts, Kuya! You! Freaking! Went to her place! Sinabi ko sa iyong layuan mo siya!" sisi nito sa kapatid at dinuro-duro. She didn't know why her friend reacted that way but she got hunch when she cried while releasing her anger towards her brother. Her friend might be worried that she's just going to be added in her brother's long list of ex-fuck buddies.

Agad na lumapit siya at yinakap ang kaibigan.

"Wala siyang kasalanan, Jase. Ginusto naming pareho iyon..." agap niya.

"So you really gave in?! 'Tangina naman, Ice! Ilang beses kitang pinaalalahanan! Ayaw kong mapalapit ka kay Kuya! Na kapag tapos na kayo ay matatapos din ang pagkakaibigan natin. I can't bear to lose you." Gumagaralgal ang boses ni Jasel habang pilit siyang yumayakap dito.

"Walang matatapos, Jase," agap ni Jervis.

"No! I know your reputation! You bedded a lot of women and never had any serious relationships at all. Hindi na ako magtataka kung gawin mo rin sa kaibigan ko—"

"You don't have to worry, I'll marry her!" matigas ang boses na sabad ni Jervis. Natahimik si Jasel at siya ma'y ganoong din. "I can't bear to lose her, too. That's why I'm marrying her."

"B-baka nabibigla ka lang," agap naman niya kahit pa nga ang mga pamosong paru-paro ay naglumikot sa kaniyang sikmura.

"Hindi, matagal ko nang p-in-lano ito," matigas na sagot ni Jervis.

Matagal?

Bumaling ito sa sa kaniya't napansin ang pagtataka niya.

"I've been waiting for the right time; at the right moment. You were so broken and I didn't want to meddle in yet. Gusto kong kapag niligawan kita, ako lang ang makikita mo. No fragments of your previous lover."

Si Jasel ay nakamaang na nakatingin sa kuya nitong nakalapit na sa kanila. Dahan-dahan itong kumalas sa yakap niya't umupo sa malapit na sofa. Jervis and her were left standing closer to each other.

"Matagal na akong naka-move on."

"I didn't know... Naduwag ako. I always see you, drinking, and telling my sister that you're still moving on..."

"S-sa iyo na 'ata ako nagmu-move on..." amin niya.

Napasinghap si Jasel, hindi inaakalang iyon ang sasabihin niya.

"No, you're lying," hindi makapaniwalang untag ni Jervis.

"I am not." She sighed. "Akala ko kasi, kahit kailan ay hindi mo ako tatapunan ng pansin...That I didn't meet your standards with women. Malaki ang boobs, matangkad..." Tumikhim siya. "Na baka totoo ring may napili ka nang makasama habambuhay..."

"Mayroon na nga. Matagal na."

"See?" she bitterly smiled to hide her sadness.

"And that's you..." malamyos na wika nito, maging ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya ay napaka-sinsero.

"No way!" bulalas ni Jasel.

Yes, way, Bulalas niya sa isipan. Nawala ang lahat ng agam-agam at napangiti.

"Totoo ang lahat ng sinasabi mong gusto mo si kuya?" baling sa kaniya ni Jasel.

Kagat-labing tumango siya. "But you didn't believe me at all."

"Pero, may fiancé ka," pagpapaalala ni Jasel sa kaniya. Alam ng kaibigan ang lahat sa kaniya.

"A fiancé I never met," nakangisi niyang untag. Wala na siyang pakialam sa kasunduang iyon. "Pumayag lang ako kasi para hindi isipin ng pamilyako na hindi ako willing na kalimutan si Noel. Pero hindi ko naman inakalang seseryosohin ng mga kapatid ko iyon," paliwanag niya.

"He went to the hotel, looking for you," mahinahong hayag ng kaniyang kaibigan. She looked restless, as if she wanted to say something more, but chose to be silent about it.

"What do you mean?"

"Iyong... fiancé mo," saglit na lumingon ito kay Jervis pagkuwa'y sa kaniya. "Someone went to the office, looking for you. Nagpakilalang fiancé mo."

"Ako ang fiancé ni Ice," matigas na sabad ni Jervis.

"Hindi nga ikaw!" Padabog na tumayo si Jasel at sinamaan sila ng tingin. Marami pang gustong sabihin pero mas piniling tumahimik na lang. "Siguraduhin ninyong hindi kayo maghihiwalay!"

Iyon lang at iniwan sila nito.

Nakatayo pa rin sila kaya napagpasyahan niyang umupo muna. Tinapik niya ang espasyo sa gilid niya para maupo si Jervis doon pero sa katapat na pang-isahang sofa ito umupo.

Ngumuso siya.

"We need distance so we could talk properly, babe," anas nito.

Hindi sinsasadyang napangisi siya. Well, he got a point.

"Care to explain everything?" he asked.

"May tanong muna ako... Bakit parang hindi ka nagulat nang sabihin kong engaged na ako?"

"You told me."

"Ha?"

"The first time I kissed you while you're sleeping, you told me you're engaged. And I sometimes hear your conversation with Jasel regarding that matter."

Napatango-tango siya. Wait,he did what?

Jervis chuckled at her reaction.

"Yes, my baby, I always kiss you whenever I got the chance to," amin nito at isiniwalat nito ang tuwing kailan ang chances na iyon.

"You're creepy!" pabirong bulalas niya. Siyempre, gusto niya ito. Pero kung sakaling hindi niya ito gusto at malaman ang ginagawa nito, siguro'y kikilabutan siya. Kaya maswerte ito dahil patay na patay siya rito, kung hindi ay baka nagsampa na siya ng kaso ngayon.

Tumabingi ang ngiti nito at nag-iwas ng tingin. Mukhang na-guilty na hindi.

Cute.

"You should have just courted me. Agad-agad," komento niya.

Tumitig ito sa kaniya. "I know. Pero umuurong ang dila ko kapag binabalak ko. I always ended up being cold to you because I couldn't contain my feelings very well. Kapag lasing ka, saka ko lang nasasabi ang lahat ng mga bagay na gusto kong sabihin," siwalat nito. "And you left me the impression that you still didn't move on with your ex-boyfriend."

"I already moved on," agap niya. "Dapat niligawan mo na kaagad ako, e!" paninisi niya rito.

"I... I'm..." he's lost of words. Natawa naman siya.

"Jervis Saver Cortez Guevara? Hindi marunong manligaw?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa pagitan ng pagtawa. Hindi halata sa itsura ng lalake na torpe ito. O baka naman kasi ito ang nililigawan ng mga babae?

He groaned to protest. Tumikhim siya at sumeryoso.

"Who else did you kiss in their sleep?" paninigurado niya. He stared back at her and seriously looked straight into her eyes.

"Only you," anas nito.

"Kiss lang?"

He groaned harshly. Hindi na makatingin ng diretso.

Napasinghap siya. Tumayo siya at pabagsak na umupo sa kandunagan nito, at bahagyang yumakap sa batok ni Jervis.

"Ice..." awat nito.

"To be honest, that's creepy. Pasalamat ka, parehas tayo ng nararamdaman. Kung hindi, baka pina-Tulfo na kita," biro niya. Tinutukoy niya ang sikat na show kung saan may mga naghahain ng iba't ibang mga reklamo, pagkatapos ay ipaghaharap ang mga taong sangkot at i-o-on air ang usapan ng mga iyon. "Tapos hihingan kita ng malaking halaga para sa danyos na babayaran mo," biro niya pa.

"I'm willing to pay—"

"Tunog-bayaran naman ako niyan."

Nangunot ang noo nito. "You are not!" pagalit na sambit nito.

"I know. I'm just kidding!"

Humigpit ang yakap niya sa lalaki. Now, she's feeling a bit hot, and based on her fresh sex experience, she exactly knew what did that mean.

"Tell me. What else did you do?" she asked in her soft tone.

"Not me. It's always you..." tila nahihirapang wika nito. Napangisi siya nang maramdaman ito sa kaniyang pang-upo.

"Ako?"

Tumango ito. "You always touch my body whenever I kiss you."

Napahagikgik siya. "Maybe my body knows it's yours. Or I'm thinking I am dreaming about you."

"Y-yes... You uttered my name lots of times." Bahagya itong napamura. "Those sexy encounters kept me haunted in my sleep for nights, babe. You're always giving me a hard time whenever that happens, too."

"You mean, a hard on?" she smirked and pressed her body onto his. "Like this?"

Napaungol ito at sumandal sa dibdib niya. She pressed herself onto him more.

"Magpahinga ka muna," namamaos na untag nito. Hindi niya pinansin iyon.

"Magtanan na tayo," ulit niya sa alok kanina. Mabilis na kumalas ito sa yakap at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Mahal kita, Ice. At hindi tayo magtatanan gaya nang naiisip mong solusyon."

Ngumuso siya. "Pero—"

"Pakakasalan kita."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login