Chapter 5. Cellphone
WALA talagang balak na manood ng sine si Ice, ayaw rin naman niyang manood. Kaya lang, sa sobrang inis niya ay iyon ang nasabi niya. Ang totoo ay pagod siya at gusto niyang magpahinga. Sa dinami-rami ng tinalak ng salesman kanina ay nakaramdam siya ng matinding pagkabagot kaya inaantok na siya ngayon.
At ang lalaking ito! Ang lakas ng loob na magpasama sa kaniya para bilhan ng cellphone ang kung sino mang babae nito. Siya pa talaga ang pinapili nito ng kulay? Tsk! She liked the rose gold one but she didn't tell him. Matinding inis at paninibugho ang naramdaman niya nang bilhin nito ang dawalang cellphone units.
She grimaced. Paano kung pera lang pala ang habol ng babaeng iyon dito?
Pero nang bigla'y pumayag ito sa gusto niyang manood ng sine ay may humaplos sa puso niya. Halatang ayaw nito, bahagya kasi itong ngumiwi, pero um-oo pa rin. He even paid for the movie tickets.
Subali't pagkapasok pa lamang nila ay sinalubong na sila ng lamlam ng mga ilaw. Idagdag pa na walang gaanong tao at malamig na paligid. Kung sa ibang pagkakataon ay kakabahan siya dahil magkatabi sila sa loob ng halos tatlong oras. Pero sinamantala niya ang pagkakataong iyon para magpahila siya sa antok. Ilang minuto pa lang yatang pinapalabas ang pelikula ay pumipikit-pikit na siya't hindi na namalayang nakatulog habang nakaupo't nagpapanggap na nanonood.
Ang marahang paghaplos sa kaniyang buhok ang dahilan kung bakit siya nagising. Bahagya siyang gumalaw pero hindi kaagad nakakilos dahil tila siya nakakulong.
"Gising ka na pala," bulalas ni Jervis at niluwagan ang pagkakaakbay sa kaniya.
Oo nga pala! Nasa sinehan sila. Kaagad na dumako ang tingin niya sa big screen at after credits na ang nagpa-flash.
"Uh, t-tapos na pala," nahihiyang pansin niya. Ano na lang ang iisipin ni Jervis sa pagtulog niya? Na nagsayang lang sila ng oras at pera? Na hindi siya interesadong kasama niya ito?
"May last show pa. Do you want to stay? Hindi mo napanood," masuyong tanong nito.
Umiling siya't tumuwid ng upo. Ngayon rumehistro sa kaniya na sinayang niya ang mga oras na nasolo sana niya ang lalaki.
"Tara na, para makapagpahinga ka na," yaya nito.
Kung tapos na ang palabas ay nasisiguro niyang lagpas alas otso na ng gabi. Baka nagugutom na rin ito.
Babawi siya.
"Kumain muna tayo," wika niya.
"Oo, para pagkauwi natin sa condo, magpapahinga ka na lang. Maaga pa tayong gigising bukas."
The way he uttered it made her feel like they'd been living together for so long. Ang paggamit nito ng "natin" at "tayo" ay talaga namang kiniliti ang kaniyang pandinig.
"Sige... tayo na, ha...?" tila lumulutang na usal niya. "I mean, tara na," agap niya.
Jervis smirked, his eyes were smiling, too. Ilang beses na ba siyang ningitian ng lalaki buong araw? Ang akala niya rati, puro kasungitan lang ang alam nitong ibigay sa kaniya. Pero ngayong nginingitian na siya nito'y may mas igu-guwapo pa pala ito.
"Wait, C.R. lang ako," paalam niya at pumasok na sa Restroom. Magre-retouch siya! Mabilisang pag-aayos ang ginawa niya at siniguro niyang nag-apply ulit siya ng lip balm at lipstick niyang kulay peach.
Nang makalabas ay kaagad siyang humingi ng paumanhin sa naghihintay na si Jervis.
"M-marami kasing nakapila," dahilan niya kahit hindi naman.
"It's alright." He kept on staring at her face. "Saan mo gustong kumain?" tanong nito at mataman pa ring nakatitig sa mukha niya, partikular na sa kaniyang labi.
She unconsciously licked her lower lip before she answered, "Greenwich na lang. I'm craving for some lasagna," maliit ang tinig na wika niya.
"Lasagna, then," namamaos na untag nito at lumakad na sila papuntang kainan.
"I'll pay," agap niya nang maka-order, at kaagad na iniabot ang cash sa cashier.
"Ako na lang dapat ang nagbayad."
"No, gusto kong bumawi kasi tinulugan kita sa sinehan," dahilan niya at wala na itong nagawa.
Kumain na sila pagka-serve ng pagkain at um-order pa ito ng medium pan pizza na halos ito ang nakaubos.
"Sorry, nagutom ka tuloy," basag niya sa katahimikan.
"Hmm..." Umiling nito at nilunok muna ang ningunguyang pizza. "Hawaiian is my favorite."
Wala sa sariling napangiti siya. She never knew that detail about him. Kunsabagay, marami siyang hindi alam dito. Kung mayroon man, kaunti lang.
"Ako rin," komento niya.
"Then, why aren't you eating?"
"Naubos mo na," biro niya. He kind of blushed and she couldn't help but to adore him.
"Let's buy again."
"'Uy, joke lang! Nabusog na ako sa lasagna."
"I'll still buy. Takeout."
Saglit siyang nag-isip. "Sige. Bilhan na rin natin ng lasagna si Jasel."
Naghintay sila ng halos labinglimang minuto bago dumating ang takeout order nila. Mag-a-alas diyes na nang pauwi na sila.
"Kuya? Ice? Magkasama kayo?" bungad ni Jasel na may nakalagay na moisturizing mask sa mukha nito, at nakaupo sa sofa. Tumayo lang ito nang mapansin sila.
"N-nagpasama lang ako sa mall," sagot niya kahit si Jervis naman talaga ang nagpasama.
"Nag-date kayo?" kunot-noong tanong ni Jase.
"Date?" kunot-noong tanong niya. Now that she thought about it, what they did was like a normal date. Wala sa sariling napangisi siya at pinigilang kiligin.
"I'll just put these on the table," sabad ni Jervis at umalis na.
Si Jasel ay padabog na hinila siya at dinala sa isang bakanteng kwarto malapit sa sala, tinanggal din nito ang suot na face mask.
"Hindi ba't sinabi kong ayaw kong mapalapit ka kay kuya?" inis na tanong nito.
"Nagpasama lang naman ako. Bumili ako ng primer saka eyeliner, tapos may binili rin siya. Hindi kami nag-date. I swear," defensive na aniya. Naningkit lang ang mga mata ng kaniyang kaibigan.
"Ano namang binili niya?"
"Cellphone," bahagya siyang napabusangot nang maalala na naman iyon.
"Kabibili lang namin ng phone niya last month, ah!"
"Ewan ko. Tanungin mo siya. Baka gagamitin niya iyon pang-contact sa mga babae niya," inis na untag niya. Ngayo'y mas naiinis na siya kaysa kay Jasel.
"Kung may binili lang kayo, bakit kayo ginabi?" she probed.
Bigla'y nawala ang inis at naalala ang ginawa nila ni Jervis. It was like a real date and she couldn't stop from giggling like a teenager.
"What?"
Napakagat-labi siya at kinwento rito ang nangyari.
"N-nanood din kasi kami ng sine..." Sinabi rin niyang kumain lang sila ng dinner at dumiretso na ng uwi.
Pagkuwa'y lumabas na sila ng kwarto. Papanhik na si Jervis nang lingunin sila't bahagyang tumango para magpaalam.
"Nag-mall ka lang pala," untag ni Jasel. "Akala ko kasi pinuntahan mo iyong ipinagkasundo sa iyo," dagdag pa nito.
She scowled. Now, she got it why did he want to go to the mall. But, really? Cellphone ang ibibigay nito?
She grimaced a bit. "Binilhan niya iyon ng cellphone," wala sa sariling komento niya. Nakakunot ang noo ni Jervis nang lingunin siya at nag-iwas siya ng tingin.
"Ano 'kamo?" si Jasel.
"He bought two same phone units with the same model and same color," she bitterly uttered. "He probably bought her that. Maybe he's a sucker of couple things."
"What?" hindi makapaniwalang bulalas ni Jervis.
"Talaga, Kuya? Mukhang seryoso ka na, ah!" si Jasel iyom pero hindi ito pinansin ng kuya nito. "Pero bakit hindi jewelries? Bakit cellphone?"
"I didn't buy that damn phone for someone. Na-sales talk lang ako," dahilan nito.
She bit her lower lip hard.
Hindi niya namalayang nasa harap na niya ito.
"Here, take it, wala akong paggagamitan niyan. Sa iyo na." Hinawakan nito ang kamay niya saka ipinatong ang box ng mamahaling cellphone sa kaniyang palad.
Walang sabi-sabing tumalikod ito at imbis na pumanhik sa kwarto, ay lumabas ng condo.