Download App
26.08% I'm (Still) Into You / Chapter 6: Into

Chapter 6: Into

Chapter 4. Into

"ANO'NG isasama? Hindi ko siya isasama." Malapad ang pagkakangisi kay Jervis ng kaibigan niyang si Kieffer nang makaalis na si Ice sa opisina. Nakilala niya ito noong nagkataong parehas silang kumuha ng security services sa isang prestigious security agency, at naging mag-business partners kalaunan, hanggang sa naging magkaibigan na.

"Isama mo, nakita kong nakikipaglampungan lang sa restaurant," he said coldly.

"Man, can you hear yourself? Ano'ng akala mo sa sekretarya ko, pusa?"

Hindi siya kumibo at hindi pa rin nawawala ang inis na nadarama.

"Wala ka ba'ng gagawin ngayon?"

"I'm on vacation. So basically, I've got nothing to do."

"Look for some flings. You ace on that. Hindi iyong ako ang iniistorbo mo rito."

"I'll stay for a while."

"Binabantayan mo ba ako, p're? Nakakadiri ka!" Umakto pa ang kaibigan na animo'y tinatakpan ang dibdib.

"Gago!" Pabagsak na umupo lang siya sa sofa.

Ilang minuto pa may tinawagan ito gamit ang telepono.

"Ice, okay na, huwag ka nang sumama. You can take an early out today," pagbibigay-alam nito sa sekretarya.

Kaagad siyang tumayo.

"O, saan ka pupunta?"

"Uuwi na."

Humalakhak ito. "Mukhang alam ko na kung sino ang binabantayan mo."

He just raised his middle finger,and stormed out the room.

Mabuti na lamang ay hindi pa nakasakay ng lift si Ice kaya naabutan niya ito.

"Going somewhere?" he asked casually.

"I'll just get my luggage at Jasel's office, then, I'll go," sagot nito.

"Ihahatid na kita," alok niya. Bumukas ang pinto at pumasok sila. Sila lang ang nandoon. Nasa ika-tatlumpu't limang na palapag sila at ang opisina ng kaniyang kapatid ay nasa ikalabing-siyam.

Umiling ito. "Dadaan pa kasi akong supermarket."

"Samahan na kita."

Maang na napatingin sa kaniya si Ice at patay-malisya siyang nag-iwas ng tingin.

He liked her the first time he saw her, and he sworn that she would be his. Pero ayaw niya itong pangunahan kaya naghihintay siya ng tamang panahon hanggang sa tuluyang maghilom ang sugat nito.

Ayaw niyang kumilos nang hindi pa ito handang sumubok sa panibagong relasyon.

"S-sige." She blushed hard when she agreed.

"Beautiful," anas niya.

"Ha?"

Muli, nagpatay-malisya siya'tkunwaring pinapagpagan ang manggas ng suot niyang polo-shirt.

Natigilan siya nangbahagyang dumampi ang likod ng palad nito leeg niya. Napalunok siya sa biglaang kilos nito. Inayos nito ang kwelyo ng kaniyang polo shirt at pinagpagan din ang invisible na alikabok na kanina pa niya pinapagpagan.

"Ayan, maayos na," nakangiting komento nito. The way she stared at him made him feel he's the most handsome person in her life.

He advanced a bit to let her feel the tension he's feeling. Nagtagumpay siya nang makitang namula naman ang pinsgi nito.

"N-nandito na tayo," baling nito sa pintong nagbubukas na. Bahagya siya nitong tinulak at nagmamadaling lumabas sa lift.

Nang makuha nito ang maliit na luggage ay siya na ang nagpresintang humila roon.

"Ayos lang, de-gulong naman. Hindi mabigat," tanggi nito.

Hinayaan na niyang hilahin iyon hanggang sa makarating sila sa parking lot. He unlocked his Chevrolet and opened the shotgun door for Ice.

"Itong luggage ko..."

"Hop in. Ako nang bahala."

Ilang na ilang ito sa mga ginagawa niya, pero sisiguraduhin niyang sa mga susunod na araw ay mawawala na ang pagkailang nito. He'd never hold back now. Kasehodang may fiancé itong hindi naman pala kailanman nakilala.

"Thanks." Her low tone was always like music to his ears.

"Saan tayo?" tanong niya nang makaupo na sa driver's seat.

"Uh, wait, may chat si Jase," sambit nito kaya tumahimik siya. He started the engine, and waited for her to answer. "Siya na lang daw ang pala ang bibili mamaya, dadaan din naman siyang supermarket."

"Okay, then. Ihahatid na kita."

"May pupuntahan ka ba?"

"Wala naman. Bakit?"

She sighed her relief.

"Sa inyo tayo. Doon ang punta ko," sagot nito at bigla'y parang ayaw niyang umuwi. If they're going home, he'd be alone with her. And fuck knew how many times did he hold back himself to not touch her whenever she's in their unit. Lalo na sa tuwing wala ang kapatid niya.

"Don't you want to eat outside?"

Umiling ito.

"How about buy something?"

Umiling ulit ito.

"Is it okay if we go to the mall first?" palusot niya. Maraming tao sa mall kaya hindi mahahaluhan ng kung ano'ng pagnanasa ang kaisipan niya.

"Okay lang. May bibilhin ka ba?"

"Yes," malat ang tinig na sagot niya. Until when would he be distant towards her?

He didn't know how to court a woman. He'd never done that since he had to focus on his studies before.

"Sige," pilit na pinasigla nito ang boses para mawala ang pagkailang.

He knew that feeling very well. He had mastered on how to keep his composure whenever she's near to him for years now.

Nice try, babe.

"May bibilhin din akong makeup, paubos na kasi ang primer ko kaya bibili ako no'n saka ng pangkilay," she added, as if she's counting using slender fingers. He glanced at her hands, and he liked how she trimmed her nails now. The last time, she had long nails and cute fruity designs on them.

Nang makarating sa mall ay nagpasya itong maghiwalay silang dalawa at magkita na lang pagkatapos. Pero hindi siya pumayag.

"I'll go with you first and wait for you to buy your stuffs," ma-awtoridad niyang hayag. He had to sound firm so she wouldn't decline.

"Baka kasi mainip ka..."

"I won't. Besides, you're going to help me later, too," katwiran niya't napapayag ito.

For the whole hour, she spent roaming around the makeup store. Noong una'y nasa likuran siya nito pero pinaupo siya nito sa waiting area.

"Naiilang ako," amin nito. Halos ngumisi siya nang marinig iyon. She was really vocal with her thoughts despite of being awkward.

If only her feelings for him were real, too... Hindi iyong biro lang.

Kaya gagawin niya ang lahat para maging totoo ang nararamdaman ni Ice sa kaniya.

Natigil siya sa pag-iisip kung paano uumpisahin ang panliligaw kay Ice nang lumapit ito.

"You put on some makeup," pansin niya. She looked like a temptress.

Her face reddened and he's certain that that wasn't because of the makeup.

"Ah, they put it on my face so I'd know which one would I like better. Maganda kasing lahat pero isa lang ang kailangang kong bilhin bawat product. Tight budget," litanya nito.

Tumayo naman siya. I'd buy all of those for you.

"Tara," anito kaya hindi na niya nasabing bibilhin niya ang mga gusto nito.

Siya'ywalanaman talagang bibilhin pero kailangang mayroon.

Sa mga gadget store sila napadpad at doon niya ito iginiya.

"Bibili ka ng cellphone?"

Tumango lang siya. May nag-assist sa kanila pero hindi naman siya nakikinig. He just wanted to buy some time so they'd stay longer outside.

Ilang minuto nang nagsasalita ang lalaki at nang mapalingon siya kay Ice ay mukhang bored na bored na ito. Gusto niyang tampalin ang sarili dahil doon.

"This model is famous for couples, Sir! It has—"

"I'd take that. Give me a pair," putol niya sa sasabihin ng salesman. Malapad ang ngiting tumalima ang salesman at in-assist sila sa cashier.

"What colors would you like, Sir?"

"Anong gusto mong kulay?" baling niya sa nakabusangot nang si Ice. She's really cute that he wanted to pinch her cheeks right now and shower her face with his light kisses. Bahagya siyang umiling. Nasa pampublikong lugar na nga sila, kung ano-ano pa'ng naiisip niya. That's how much he'sinto her.

"Grey," tamad na sagot nito.

He got two units and paid using his debit card.

Pagkatapos ay nagyaya siyang kumain, pero ayaw pa nito. Kinuha niya ang hawak nitong paper bag at siya na ang nagbitbit habang naglalakad-lakad sila. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa habang naglalakad. Parang gusto tuloy niya itong hilahin palapit sa kaniya o hawakan ang isang kamay nito pero hindi niya ginawa.

Napansin niyang nakasimangot ito at hindi kumikibo.

"What's wrong?" he tried hard to not sound too worried.

"Wala. Gusto ko lang manood ng sine."

"Let's watch, then."

"Talaga?" Umaliwalas ang mukha nito.

Yes, justlike that.

Tumango siya at napangiti nang nawala na ang busangot sa maamong mukha ng babae.

"Ano'ng panonoorin natin?" he asked while they were in queue to buy tickets.

Saglit na hinimas nito ang baba at tila nag-iisip habang tinitingnan ang list ng mga showing na pelikuka. Cute.

"Ito na lang." Tinuro nito ang isang nakakatakot na pelikuka.

Bumili na sila ng tickets at pumasok sa sinehan. Dahil ilang linggo nang pinapalabas ang horror film ay halos wala nang nanonood niyon.

"Ayaw mo talaga ng snacks?" he asked. She only ordered a diet soda.

Umiling ito habang umiinom gamit ang straw.

Nang magsimula ang palabas ay tahimik lang sila. Pero noong bandang kalagitnaan na ay naramdaman niyang sumandal si Ice sa kaniya. Napatuwid siya ng upo pero pilit itong sumisiksik sa kaniya.

"Are you scared?" he tried to sound lightly.

Nag-flash ang nakakatakot na scene pero parang mas natakot siya sa unti-unting nabubuhay sa kaniya. He was wrong. Kahit saan, o kahit kailanma'y hindi huhupa ang pagnanasa niya rito.

He just groaned when his pants tightened.

Pilit naman itong sumiksik sa kaniya't napaungol ulit ito. Muntik na itong mabuwal sa pagkakasandal sa kaniya kung hindi niya ito nasalo gamit ang kaniyang braso.

"Ice," nahihirapang tawag niya sa ngalan nito. "Ice," ulit niya. The horrid scenes flashed continously but Ice wasn't moving at all. Bigla siyang kinabahan. Paano kung sa sobrang sindak ay hinimatay ito? Kaya nama'y bahagya siyang yumuko para lumapit dito.

"Hey..." Marahang tinapik niya ang balikat nito. But he only heard her little snores.

He sighed his reliefand he chuckled lightly. She's not watching the movie at all. Tulog na tulog ito sa kanang bisig niya.

Inayos niya ang pwesto nito at isinandal sa kaniya habang nakaakbay siya para kahit paano'y maging komportable ito sa pagtulog. He stroke his hand on her soft, long and wavy hair as she's sleeping soundly.

Napangiti siya nang marinig muli ang mahinang paghilik nito. He didn't know that she snored like a baby, and it sounded really, really cute.

He could smell her sweet scent and her hair smelled as sweet as strawberries, too. Must be her shampoo. Sinamyo niya iyon at ilang beses na hinagkan ang ulunan nito. Napapikit siya nang mariin para pigilan ang sariling hagkan ang malambot nitong labi.

How many times did he do that while she's dead tired and asleep whenever she's in their condo?

He lost the count.

Kaya umaalis sa tuwing nakikitulog ito roon ay dahil kailangan niyang magpigil. Baka kapag nalaman nito ang mga ginawa niya'y matakot ito sa kaniya. But, he really couldn't stop herself from wanting to kiss her...

I'm really into you, Fraulin Ice.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login