"Uhm, Sir Edmund, Mam Nicole, pwede ko po bang ligawan ang anak nyo?"
Tanong ni AJ ng buong tapang kahit na hindi na sya halos makahinga dahil puno ng kaba ang dibdib nya.
"AJ, sino ba sa mga anak ko ang gusto mong ligawan?"
Tanong ni Edmund.
"DADDY???!!!"
Sabay na usal ng magkapatid.
Hindi sila makapaniwala sa tanong ng Daddy nila.
'Ano ba tingin nya kay Milky, hindi naman gay si Milky ko ah?'
'Ano bang tingin sa akin ng tatay ko, akala ba nya pumapatol ako sa lalaki?'
"Hahahaha!"
Natawa na lang si Nicole sa reaction ng mga anak nya.
"AJ iho, bukas ang bahay namin sa panliligaw mo sa anak ko, kung sino man ang gusto mong ligawan sa kanila! Hahaha!"
Namula ng husto si AJ.
"MOMMY???!!!"
Sabay ulit ang dalawang magkapatid.
'Jusmiyo, mga magulang ba namin ito?!'
"Bro, AJ, linawin mo nga ang sinasabi mo! Sino ba talagang gusto mong ligawan?"
"Bakit Earl, umaasa ka ba?"
Tanong ni Edmund.
Namula si Earl.
"Sorry! Ang ibig ko pong sabihin, pwede ko po bang ligawan si Coffee, si Eunice po!"
"Oh, ayan ha nadinig nyo, si Ate Eunice ang gusto nyang ligawan! Hehe!"
"Oo anak, sayang umasa ka pa naman!"
Sagot ni Edmund. Halatang iniinis ang anak.
"Hmp!"
Lalo tuloy natawa si Nicole sa reaction ni Earl habang si Eunice ay hindi naman alam kung ano ang gagawin.
'Matutuwa ba ako o maiinis? Ano bang dapat kong sabihin?'
"Pasensya na Bro Earl, si Coffee talaga ang gusto kong ligawan, sya talaga ang love ko eh!"
Earl: "....."
Namula naman si Eunice sa sinabi ni AJ.
Masayang tuksuhan at kulitan habang kumakain ang sumunod na nangyari.
Nang matapos ang hapunan, nagpaalam na ang binata. Ayaw nyang abusuhin ang kabaitan nila kaya nagpaalam na ito agad.
"Coffee, pumayag na ang family mo na ligawan kita, ikaw na lang ang hindi pumapayag!"
Tanong ni AJ kay Eunice ng ihatid sya nito sa kotse nya.
"Seryoso ka ba talaga Milky?"
"Bakit naman hindi? Minsan ko ng nasabi sa'yo na gusto kita!"
"Hindi mo ba ako jinojoke lang?"
"Coffee your not a JOKE to me and my feelings for you is also not a JOKE! Mahal talaga kita, nuon pa!
Hindi kita pipilipiting mahalin ako agad, maghihintay ako, pero sana hayaan mo akong ligawan ka!"
At binigyan nito ng kiss si Eunice sa noo na natulala sa sinabi ni AJ, bago ito sumakay ng kotse nya.
"Bye Coffee ko!"
*****
Dumaan ang araw at unti unti ng lumabas ang mga resulta ng imbestigasyon nila kay AJ at inaantay na rin ni Ames ang results ng DNA test ni AJ at ni Ames, pati ang sa asawa nya.
May lahing hapon ang asawa ni Ames na si Jethro dahil haponesa ang mother nito at pareho sila ng mukha ng nanay nya lalo na ang mga mata nila.
Ganito rin ang mga mata ni AJ katulad ng kay Jethro maliit at malalim. Pero matapang ang aura ni Jethro hindi tulad ni AJ na maamo ang mukha kahit matalim ang mga mata at makapal ang mga kilay.
Kaya pinaimbestigahan ni Edmund ang both sides ng family ni AJ at kung bakit walang news sa existence nya bilang anak ni Jaja.
Nagkausap na rin sila ng Lola Inday ni AJ.
"Manang Inday, ilang taon po si AJ ng dumating sa inyo?
"Ang alam ko limang taon na sya nun, hindi pa sya nagaaral ng dumating sa amin pero sabi ng asawa ko, wala pa daw limang taon si AJ nuon kasi magbi birthday pa lang sya ng taon na yun! Mayo kasi ng dumating si AJ at June naman ang birthday nya!"
Naimbestigahan na ni Edmund kung kelan nangyari ang sunog at kung kelan sya naibigay sa poder ng lolo't lola nya. Nakakuha na rin sya ng birth certificate nito at tumutugma lahat ng sinabi ni Lola Inday.
'Twenty five years old na si AJ mag tu twenty six sa darating na June! Five years ang tanda nya kay Eunice!'
Pagkalibing, sa Lolo't Lola na nya umuwi si AJ.
At dahil wala syang alam sa mga pagaari ng mga magulang nito, napaghatihatian na ito ng mga malalayong kamaganak ni Jaja at ang natira na lang ay ang insurance at educational plan na nasa pangalan ni AJ. Nakahiwalay kasi ito at walang nakakaalam nasa pangangalaga na ng Lolo ni AJ, dahil ang Mother nya ang bumili nito para sa anak.
"Pero Manang Inday, bakit po hindi nakasama si AJ nung araw ng sunog? Nasaan po sya?"
"Nasa bulacan si AJ nagpapagaling. Marahil ay nakalimutan na ng bata pero kagagaling lang nya ng operasyon nuon!"
Nagulat si Edmund. Walang binanggit si AJ, malamang hindi na nya matandaan.
"Na operahan po sya, saan?"
"Sa mata sya inoperahan! Bata pa kasi si AJ ng mawalan sya ng paningin dahil sa isang aksidente nung bata pa sya! Mula nuon ay hindi na sya pinalalabas ng ama nyang si Jaja! Parang ikinahihiya nya ang nangyari sa anak nya!"
'Kaya pala nasabi ni AJ na wala syang maalala sa pamilya nya dahil never nya itong nakita nung bata pa sya!'