"I'LL BE YOUR SLAVE!"
"Hanep sa line AJ Dude! Hehe!"
Panunukso ni Mel sa kaibigan.
"Gusto ko lang syang pasayahin, Buddy Mel!"
"Gustong pasayahin? Eh ba't feeling ko totoo yung hugot mo, ang lalim parang hinalukay sa balon!"
Ngumiti na lang si AJ habang pinagmamasdan si Eunice sa may sofa kausap si Kate.
"Well, kung sabagay totoo namang ALIPIN ni Sissy yang puso mo!"
"Huh?"
"AJ Dude, bakit kasi hindi mo subukang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, hindi yang hanggang tingin ka na lang dyan?"
"Because she's so amazing, I don't think I'm good enough for her! Saka .... andyan pa rin si Jeremy sa puso nya!"
Ang tinutukoy nya ay ang kalagayan ng buhay nya. Mayaman ang family ni Eunice at tingin pa nya dito parang si wonder woman a GODDESS.
Nangiti naman si Mel sa sinabi ni AJ.
'Mukhang tinamaan na sya ng husto kay Sissy!'
"Alam mo ba ang kwento nila?"
"All I know is magkababata sila!"
"Yup, magkababata sila, pero hindi talaga sila ang close kundi si Kate MyLabs at Jeremy, sumasabit lang si Sissy sa kanila!"
"Sumasabit?"
"Ang totoo nyan mag bestfriend si Jeremy my friend at si Kate MyLabs .... at si Eunice, Iaging syang bumubuntot kay Kate MyLabs pag nakikipaglaro ito sa bahay ni Jeremy because she likes Jeremy since then. Mabait kasi ito sa kanya lagi syang binibigyan ng ice cream.
Pero, four years ang tanda ni Jeremy kay Sissy kaya sa tuwing andun sya sa house nila Jeremy, ang madalas nyang kalaro ang nakababatang kapatid ni Jeremy na si Elaine hindi nya kasi gusto ang laro nila Kate MyLabs at Jeremy, larong lalaki!
Nung nasa highschool na sya, dun nya na realize na hindi nya lang like si Jeremy, love nya na ito. Si Jeremy kasi ang nagtatanggol parati sa kanya sa mga bully sa paligid nya.
Mabait si Jeremy at lagi nyang inaalagaan si Sissy ko na parang nakababatang kapatid.
"Nakababatang kapatid?"
"Yup! Suplado kasi yang si Jeremy sa mga girls pero hindi kila Kate MyLabs at Sissy!"
"Sa tingin mo ba ganun pa rin ang pagtingin ni Jeremy kay Coffee, little sister?"
"I'm not sure, AJ Dude, people change, yun feelings pa kaya!"
"Eh bakit ikaw, hindi nagbago ang feelings mo kay Kate?"
Bakit naman napunta sa akin ang usapan? Ikaw talaga!
Saka anong hindi nagbago ang feelings ko kay Kate MyLabs?
Well for your information AJ Buddy Dude, hindi ko type yang si Kate MyLabs nuon! Nakuha lang nyan ako dahil lagi nya akong kinikiss!
Pero aminado akong matapos kaming magkalayo ng ilang taon na realize ko na hindi ko pala kayang mabuhay na wala sya! She's my LIFE!"
Clap! Clap! Clap!
"Wow! Ang cheesy mo, Buddy Mel! Hat's off ako sa'yo! IKAW NA!"
****
Sa kabilang mesa.
"Eunie anong masasabi mo kay AJ?"
"Huh? Bakit ate Kate, anong meron kay Milky?"
"Hindi mo ba napapansin kung paano ka nya tingnan? May gusto sya sa'yo Eunie!"
Tiningnan nya si AJ na nakatingin din sa kanya, nginitian sya nito.
"Sigurado ka ba Ate Kate?"
Hindi nya kinontra ang sinabi ni Kate, magaling itong kumilatis ng tao at magbasa ng isip. Hindi pa ito nagkakamali ng kutob.
"Oo sigurado ako, kahit si Melabs napapansin nya rin! At sa tingin ko IKAW ang pinaguusapan nila ngayon!"
Nakaramdam ng pagka ilang si Eunice.
"Bakit?"
"Eh ... kasi .... naisip ko lang, kung totoo ang sinasabi mo, hindi ba parang hindi tama?"
"Bakit naman nasabi mong hindi tama?"
"Kasi ... boyfriend ko si Jeremy! Mali na maging close ako sa ibang guy na may gusto sa akin!"
"Eunie, tapatin mo nga ako, do you really love Jhay o inlove ka lang sa idea na makatuluyan mo ang first love mo?"
"????"
Naguguluhan si Eunice.
"Eunie, kilala kita! In love ka sa love story ng Daddy at Mommy mo kaya gusto mo mangyari din sa'yo ang nangyari sa kanila!
Pero Eunie, Jeremy and Ninong are not the same! Happy si Ninang kay Ninong at Happy din si Ninong kay Ninang but you and Jeremy ... ?
Happy ba kayo sa isa't isa?"
Kinabahan si Eunice.
***
Si AJ na ang naghatid kay Eunice sa bahay nila.
Sanay na itong hinahatid ni AJ pero ngayon nahihiya sya.
Napansin ni AJ na hindi ito komportable.
"Bakit Coffee, may nagawa ba ako sa'yo?"
"Ha? W-Wala!"
Hindi nito matingnan si AJ. Umiiwas sya.
"Huy, Coffee, mag relax ka nga dyan! Ako lang 'to si Milky mo! Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Eh, kasi ..... "
Inihinto ni AJ ang sasakyan.
"Bakit ka huminto?"
"Gusto mo bang magusap tayo, Coffee?"
"A-Ano naman ang paguusapan natin!"
"Ikaw, tungkol sa'yo, bakit ka ganyan sa akin ngayon?"
"Wala 'to, medyo naiilang lang ako!"
"Saan? Bakit?"
"Sa'yo!"
"Sa 'kin?!"
"Bakit ka naman naiilang sa akin, Coffee? Ang tagal na nating close ngayon ka lang nailang dyan?"
"Sasabihin ko sa'yo pero huwag mo akong pagtatawanan ha, Milky?"
"Promise hindi kita pagtatawanan! Ano ba yun? Sige na sabihin mo na, hindi ako makakatulog pag hindi mo sinabi!"
"Si Ate Kate kasi sabi nya you like me daw!"
Tumingin ito kay AJ, gustong makita ang reaction ni AJ sa sinabi nya.
Nakita nyang nakangiti ito.
"Sabi ko na eh, pagtatawanan mo lang ako!"
"Hindi po kita pinagtatawanan!"
"Eh bakit ka nakangiti dyan! Nangiinis ka anuh?"
"Hindi ah! Sinong nangiinis?"
"Kung hindi ka po nangiinis bakit ka nga nakangiti?"
"Kasi po totoo ang sinabi ni Kate! Mahal kita Coffee, since day one! That day na nakita kita at naki share ako ng table sa'yo, since that moment I set my eyes on you, I love you na!"
Speechless si Eunice.