Ilang araw na ang lumipas, nakalabas na ng ospital si Earl at Ian at nagpapagaling na lang. Unti unti ng naayos ang Elementary School.
"Haaaay!"
Buntung hininga ni Nicole.
"Okey ka lang ba hon?"
Tanong ni Edmund sa asawa.
"Yeah, okey naman!"
"I don't get it! Unti unti mo ng naayos ang lahat pero ... is there something bothering you?"
"Si Ames kasi! Nag kausap kami nung isang araw!"
"... at?"
"Gusto na nyang mag retiro!"
"Well that's good for her! Kailangan nya yun! So anong problem?"
"Gusto nyang ako ang pumalit sa posisyon nya!"
"???"
Edmund, Hon, kilala mo si Ames, pag may naisip yun ... walang makakapigil nun!"
"So anong problema? Bakit ka bumubuntunghininga dyan?"
"Dahil... ako ang gusto nyang ipalit sa kanya!"
"So?"
"Anong So?! Hindi ka ba nakikinig? Gusto nya akong gawing CEO ng kompanya nya!"
"Hon, nasa 'yo ang final answer, kung ayaw mo, wala naman makakapilit sa'yo! Pero .... alam mong hindi yun ang gumugulo sa isip mo! Somewhere in your brain is telling you that you want this!"
Natahimik si Nicole.
Indenial nga ba sya?
Ito rin ba ang gusto nya?
*****
"Melabs miss you na!"
"Kate MyLabs ko, miss you na rin!"
"Gusto kitang makita... miss na miss na kita!"
"Pero di ako makaalis dito sa bahay, lamo naman nangyari kay Ian!"
"Melabs, alam kong nangyari kay Ian dahil pareho sila ng pinsan kong si Earl, remember? But Earl is doing fine and I know Ian is also doing fine, but not me! I'm not fine, why? Because I miss you, at malapit ng matapos ang sembreak ko! So do something or else..."
At binabaan na nya ng cellphone si Mel.
Kinabahan si Mel.
'Ano kaya yung "or else"?'
"Sinong kausap mo dyan Mel, si Kate ba?"
Tanong ng Mama ni Mel sa kanya.
"Po?"
"Huwag ka ng mag deny! Alam kong si Kate yan, halata sa mukha mo! Kaya sige na puntahan mo na sya, alam kong na mi miss mo na yang MyLabs mo!"
Pero, paano po...."
"Wala ng pero, pero! Tandaan mo 'to anak, huwag mong basta basta babaliwalain ang babaeng na mi miss ka, hindi mo magugustuhan ang pwede nyang gawin!"
'Bakit parang nadinig ni Mama ang pinagusapan namin ni MyLabs?'
"Huy, ano pang itinatayo mo dyan? Layas na, puntahan mo na si Kate!"
Salamat po Ma!"
***
Kate My labs, dito na me! Hehe!"
Hmp! Kungdi ka pa tatakutin dyan dika pupunta! Bahala ka dyan!"
"Uuuy! Nagtatampo si Kate MyLabs..."
"Hmp! Ewan ko sa'yo!"
"Kate ... MyLabs huwag ka ng magtampo, andito na ko at ... may dala ako para sa'yo! Eto oh, ang favorite mong kikiam! Masarap yan, malutong ang pagkakaluto ko dyan!"
"Hmp! Ayaw!"
"Haaay!"
Naupo na si Mel at binuksan ang dala nya saka nagsimulang kumain.
"Teka, akala ko para sa akin yan? Ba't kinakain mo?!"
"Ayaw mo e, sayang naman, mawawala na ang lutong nya pagnagtagal pa sya!"
"Akin yan!"
Sabay inagaw ang kikiam.
"Ibig bang sabihin nito bati na tayo? Hindi ka na nagtatampo sa akin?"
"Nope!"
"Ha? Tampo ka pa rin?! Ano bang gagawin ko para mawala na ang tampo mo?"
Ngumuso si Kate.
"Ano yan! Anong tinuturo mo?"
"Hindi! Mmmm!"
At muling tinulis ang nguso.
Nang makitang hindi pa rin sya maintindihan ni Mel, hinawakan nito ang kwelyo ng damit ni Mel at hinila.
"Kate w_w_wait MyLabs, wait!
"Bakit ba?"
Naiiritang tanong ni Kate. Bitin na bitin na sya.
"Nangako ako sa Daddy mo remember? No kiss, here!"
"Huwag kang magaalala wala dito si Daddy!"
At muli nitong hinatak ang kwelyo ni Mel.
"Teka, teka, Kate..."
Sabay turo sa CCTV.
"Halika, dalhin mo yang kikiam ko!"
Sabay hawak sa kamay ni Mel at dinala sya sa silid nito.
"Ayan wala ng iistorbo sa atin dito!"
Inilock na ni Kate ang pinto.
Napalunok na lang si Mel.
'Juskolord! Help! Marupok ako!'
'Bad ba 'to?!'
'Pero like ko din sya!'
At hindi na nya napigilan si Kate ng muli syang halikan nito.
*****
"AAAAAHHH!"
"MOOOOOOMM!"
Sigaw ni Earl.
Natarantang, nagtatatakbo si Nicole ng madinig ang malakas na tawag ng bunso nyang anak sa kanya.
"Bakit? Bakit Earl anong nangyari?!"
Hindi ito nagsalita, iritableng tinuro ang Ate nya.
"Eunice, anong ginagawa mo sa kapatid mo?"
"Wala po Mom, tinutulungan ko lang po sya, baka he needs help!"
"No I don't want your help! How many time will I tell you I don't need help, especially coming from you! Hindi na ko bata, I don't need a babysitter or a Yaya! Pero ang kulit po nya Mom!"
"Bakit ba galit ka? Ikaw na nga 'tong tinulungan!"
Tanong ni Eunice.
"Ayaw.ko.ng.help.mo!"
"TAMA NA, TAMA NA!"
Suway ni Nicole. Tumataas na ang BP nya sa dalawang anak nyang ito.
"Earl, go to your room and rest! Hindi ka pa magaling!"
"Eunice, anak alam kong na giguilty ka sa nangyari sa kapatid mo pero ... hindi mo kasalanan yun Okey!"
"Listen Eunice, malaki na ang kapatid mong si Earl! Even me na Mommy nya, hindi na nya kailangan ang help ko! Gusto na nyang patunayan na kaya nya, so hayaan na natin sya sa gusto nya!"
"Eh, kasi po Mommy, kanina sa school nakita ko syang nahihirapan lumakad. Nakaakbay sya dun sa classmate nya kaya nilapitan ko po! Baka kasi nahihirapan na yung girl kay Earl!"
"Nakaakbay sya sa girl?"
"Opo Mommy!"
'Mukhang alam ko na ang pinagmamaktol ni Earl.'
"Anak I don't think na nahihirapan si Earl kaya sya nakaakbay dun sa girl!"
"Po? Kung hindi po sya nahihirapan bakit nya po kailangan akbayan yung girl?"
"Ang tawag dun SUMISIMPLE!"
"Anak, I think you need to get a life, I mean .... a love life!"
Eunice: "???"