Download App
49.54% My Beautiful ... Me / Chapter 220: Ang Cool Ng Tita Ko

Chapter 220: Ang Cool Ng Tita Ko

Hiyang hiya si Jeremy ng magkita silang mag ama.

"Pa, s-sorry po!"

Umiiyak nitong sabi sa ama. Ito lang ang nasabi nya sa sobrang hiya nya sa ama.

Mahal na mahal ni Jeremy ang Papa nya, sobrang bait nito sa kanila ng Mama nya at kapatid nya. Ni minsan hindi sya nito napagalitan at laging andyan para damayan sya.

Hindi man ito kasing galing ng ibang ama pero proud sya sa Papa nya at gusto nya maging proud din ang Papa nya sa kanya pero .... feeling ni Jeremy ngayon, binigo nya ang ama.

Ngunit hindi galit si Jericho sa anak. Nilapitan nya ito at inakap.

Sa mga oras na ito, hindi panghuhusga ang kailangan ng anak kundi pangunawa at pagmamahal.

Inakap nya ng mahigpit ang anak para iparamdam nito na hindi sya galit at nandito lang laging handang dumamay.

Napahagulgol sa pagiyak si Jeremy.

Nagkatinginan na lang ang magtyahin na si Ames at Elaine saka nagkibit balikat.

Iniwan nila ang magama para magkasarinlan. Kailangan nila yun ngayon.

Dinala ni Ames si Elaine sa isang fast-food dahil mukhang gutom na ang bata.

"Elaine, alam ba ng Lolo mo na sumunod kayo dito?"

"Tita Ames, hindi ko po alam? Pero mukhang pong hindi! Sinundo po ako ni Papa sa school para sabihin na pupuntahan nya si Mama dahil may emergency daw, sumama ako! Ayoko ngang maiwan kay Lolo, baka ako pang pagbuntungan nya ng galit!"

"So ibig sabihin hindi kayo umuwi ng bahay, dumiretso na kayo agad dito?"

"Eh, opo Tita, hehe!"

'Jusmiyo kaya pala wala silang dala ano mang bagahe!'

"Malamang sa oras na 'to, nagsisimula ng magtaka ang Lolo nyo dahil nawawala kayo!

Hmmm, mukhang may delubyong parating! Hehe!"

Natuwa si Elaine sa Tita nya, hindi nya. Ang Tita Ames lang nya kasi ang may kayang sumagot sa Lolo nya.

"Halika, mamili tayo ng personal needs nyo, lalo na ng damit at naka uniform ka pa!"

Biglang nahiya si Elaine ng mapansin ang suot nya.

"Jusko nakakahiya!"

"Hahaha!"

Ito ang gusto ni Elaine sa Tita Ames nya.

'Ang cool ng Tita Ames ko talaga!'

***

Sa Pinas.

Nagtataka si Lemuel kung bakit umalis bigla si Jericho sa kompanya ng hindi sinasabi kung saan pupunta at ngayon nawawala na parang bula at walang makapagsabi kung nasaan sya.

"Nung isang araw, si Elsa ang biglang nawala! Wala man lang pasabi bigla ba lang umalis!"

Nang tanungin ni Lemuel si Jericho, ang sagot nito nagpunta lang ng Maynila dahil may emergency sa pamilya nya.

"Pero ngayon pati SYA at si Elaine nawawala na rin?! Nasan na ang mga lintek na yun?!"

Tinatawagan nya ang mga cellphone nila pero pareparehong can not be reach.

Tinawagan ni Lemuel ang assistant nya para ipahanap sila.

"Sir, wala po sa bahay ng pamilya nya si Mam Elsa at Sir Jericho, pati po si Elaine! Sabi po ng school, sinundo daw ni Sir Jericho si Elaine nung isang araw dahil may emergency nga daw po!"

"Pero nasaan sila, at anong emergency yun?! Bakit hindi nila sinasabi sa akin?!"

Nagngingitngit na sa galit si Lemuel ayaw nyang wala syang nalalaman sa mga nangyayari sa pamilya nya. Feeling nya nagmumukha syang tanga, at yun pa naman ang ayaw na ayaw nya sa lahat.

"Bwisit sila, pinagkakaisahan nila ako! Huwag kang titigil sa pagiimbestiga! Kailangan kong malaman kung anong pinaggagawa nila!"

Apat na araw na simula ng umalis si Elsa ng malaman ng assistant kung nasaan sila pero hindi pa rin nito alam ang dahilan kung bakit sila nagpunta sa America.

***

Sa America.

"Jeric, sa mga oras na ito malamang alam na ng Papang kung nasaan kayo at tyak umuusok na yun sa galit!

Ang kinakaba ko ay baka sumunod pa yun dito!"

"Ate Ames, pasensya ka na pero hindi ko pa kayang harapin ang Papang! Mas kailangan ako ng asawa ko at ng mga anak ko ngayon!"

"Naintindihan ko, kaya sa tingin ko kailangan ko ng umuwi para pigilan ang Papang sa pagsunod dito. Kailangan ko ng umuwi ng pinas!"

"Salamat Ate, salamat sa lahat!"

At inakap nito ang kapatid.

"Makinig ka Jeric, sa ngayon ang mahalaga ay ang pamilya mo kaya sila muna ang isipin mo! Huwag kayong maghihiwahiwalay dahil mas malakas kayo pagsamasama!"

"Kung may problema sabihin nyo sa akin agad naintindihan nyo ba? Jeremy?"

"Opo Tita!"

At inakap sya ni Ames.

"Gagawa ako ng paraan para maibalik agad ang Mama nyo sa Pinas. Jeremy alam kong ayaw mong umuwi sa San Miguel pero alam ko rin naman na ayaw mong manatili dito sa America, tama ba ako!"

Tumango si Jeremy.

"Listen Jeremy, gusto kong umuwi ka ng Pilinas kasama ng Mama mo, para sa Mama mo! Kung ayaw mong umuwi ng San Miguel fine, you can stay in my home sa Manila! Ang mahalaga ngayon ang Mama mo!"

"Talaga po Tita?!"

"Oo! Dahil yan ang ipinangako ko sa Mama mo!"

Natuwa si Jeremy at inakap ang tiyahin.

"Salamat po Tita Ames!"

At muli itong umiyak, naalala nya ang huling usapan nila ng Mama nya.

"Kahit anong mangyari anak ipangako mo sa akin na magtatapos ka ng pagaaral!"

"Opo Mama, pangako!"

At ngayon wala syang malay dahil yun sa pagiging immature nya. Naiinis sya sa sarili nya!

Kailangan makatapos ako, pangako sa'yo Mama, magtatapos ako!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C220
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login