Download App
36.26% My Beautiful ... Me / Chapter 161: Wala Ng Pwesto

Chapter 161: Wala Ng Pwesto

Sa malayo, natanaw agad ni Jeremy si Reah sakay ng motor.

Kanina, hindi nito agad nakita na biglang lumiko ang minamanehong kotse ni Jeremy sa gubat. Nakalagpas na sya ng napansin nya na may dalawang kotse na tila naghahabulan papasok sa kagubatan at nakilala nya agad na yun ang sasakyang minamaneho ni Jeremy.

Sinundan nya.

Dalawa silang nagbabantay kay Eunice pero sya ang malapit kaya nakagawa sya agad ng paraan para makasunod sa mga bata samantalang ang kasama nya ay nasa malayo pa dahil naabutan ng lockdown.

Nang malapit na sya nakita nyang nasa isang kotse si Eunice at pinaandar nya ito papunta kay Mon.

"Paano natutong magdrive ang batang yun?"

Nagaalala sya kaya pinaharurot nya ng mabilis motorcycle ng biglang..

BANG!

Kinabahan sya ng madinig ang putok at isinigaw ni Jeremy ang pangalan ni Eunice.

"Ms. Eunice!"

Kinabahan sya.

"Eunice! Eunice!"

Natatarantang sabi ni Jeremy ng makitang duguan ito.

Agad nya itong tinulungan na mailabas ng sasakyan.

"Huwag kang gumalaw! Huwag kang gagalaw! Hihingi ako ng tulong!"

Sa malayo, nakita nya ang mabilis na papalapit na motor ni Reah.

Agad itong bumaba sa motor at patakbong nilapitan si Eunice.

"Tulungan mo akong buhatin sya sa may puno!"

Sabi ni Reah kay Jeremy.

Pagkabuhat, kitang kita ang takot sa mukha ni Jeremy. Putlang putla ito.

"Sa may pagitan ng leeg at balikat ang tama nya! Marahil sinubukan nyang umilag! Mabuti na lang tumagos ang bala, pero madaming dugo ang lumalabas!"

Kumuha ito ng towel at inilagay sa sugat ni Eunice para maimpit ang pagdurugo.

"Kailangan natin syang madala sa ospital agad!"

Sabi ni Reah kay Jeremy na halatang shock pa!

Nang madinig ni Jeremy na kailangan madala sa ospital si Eunice, agad itong tumayo.

Butas na ang gulong ng kotseng dala nya dahil pinaputukan ni Mon ito kanina. Matatagalan kung magpapalit pa sya kaya yung sasakyan dala ni Mon ang nilapitan nya.

Nagulat sya pagpasok sa sasakyan at makita si Yna tila umuungol at duguan. Hindi nya sigurado kung may malay na ito.

"Mam Reah, may dugo din sya!"

Turo nya kay Yna ng buksan nito ang pinto sa likod ng kotse. Nakahiga si Yna kaya nakalimutan na nila na kasama nga pala ito ni Mon.

'Marahil ay sa kanya dumiretso ang bala!'

Samantala, habang abala si Jeremy at Reah, gigil na gigil naman si Kate kay Mon kaya nilapitan nya ito habang nakahiga at saka pinagtatadyakan

Nasaktan man sa pagkakabangga at pagkakatalsik si Mon pero hindi ito nawalan ng malay.

Sinubukan nyang makatayo pero hindi nya magawa dahil sa mga tadyak ni Kate na lalong nagpapasakit ng katawan nya. Hindi nya akalaing ganito ito kalakas, mukhang may alam sa martial arts.

"Kate myLabs tama na yan, kailangan natin tulungan si Sissy ko! Kailangan nyang madala agad sa ospital!"

"Sandali na lang Melabs! Hindi pa ako tapos sa halimaw na 'to!"

Kailangan nyang mailabas lahat ng galit nya kinikimkim nya.

Napipikon na si Mon!

Naalala nya ang hawak nyang baril at itinutok ito kay Kate, pero hindi sya pinansin ni Kate.

BANG!

Pinaputukan ni Mon si Kate. Bwisit na bwisit na sya sa mga bubwit na 'to!

Buti na lang mabilis si Mel at hinawakan nya ang bewang ni Kate para maiiwas sya at pareho silang natumba.

"Ahhh!"

"Melabs, may tama ka!"

Takot na usal ni Kate ng makitang may dugo si Mel.

Nagulat si Jeremy at Reah na kasalukuyang tinutulungan si Eunice na makasay sa sasakyan.

Agad naman tumayo si Mon ng makakita ng pagkakataon para tumakas.

"Walanghiya ka talagang halimaw ka!"

Sigaw ni Kate na nagpupumilit tumayo para lusubin muli si Mon. Hindi sya natatakot dito.

BANG!

Nagulat ang lahat kung saan nagmula ang putok.

"Ahhhh!"

Sigaw ni Mon.

Nakita nilang duguan ang kamay ni Mon dahil may bumaril sa kanya.

'Marahil ginawa yun para matanggal sa pagkakahawak nya yung baril.!'

BANG!

At isa pang putok.

Pinaputukan naman nito ang binti ni Mon ng makitang gusto nitong tumakas.

Natahimik ang lahat.

Hinanap ni Reah ang pinagmulan ng putok.

Si JR, ang dating bodyguard ni Kate. Kahit isa sya sa tinanggal ni Nadine sa serbisyo, sinusundan pa rin nya si Kate sa malayo dahil napamahal na ang bata sa kanya.

Sumenyas si Reah ng pasasalamat sa kanya.

"Sir Jeremy, Ms. Kate, tara na po bilisan natin!"

Tumawag ito kay Edmund.

"Sir, papunta po kami sa malapit na ospital! May tama po ang mga bata!"

"Ha?! Anong may tama?"

"Tama po ng bala! Duon na lang po kayo tumuloy!"

Gamit ang kotseng nirentahan ni Mon, nagtungo silang lahat sa ospital. Si Reah ang nagdrive, nasa passenger seat si Jeremy kandong si Eunice pinipigilan ang bleeding.

Nasa likod naman si Kate at Mel na hawak din ang may sugat nyang balikat na nadaplisan ng bala. Saka si Yna na nagkaroon na ng malay pero hinimatay ulit ng makitang puno ng dugo ang katawan nya.

At si Mon, Wala ng pwesto kaya nilagay nila sa compartment.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C161
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login