Download App
33.78% My Beautiful ... Me / Chapter 150: Hindi Ako Makakapayag

Chapter 150: Hindi Ako Makakapayag

Busy ang lahat sa paghahanda para sa byahe nila papuntang resort.

Sa isang beach resort gaganapin ang birthday celebration ni Nadine.

Ito ang paboritong lugar ni Nadine, kaya dito hiniling ni Kate sa Lolo at Lola niya ganapin ang birthday celebration ng Mommy nya. Mag stay sila dito ng 3 days and 3 nights.

Hindi alam ni Nadine na si Kate ang namuno sa pagpaplano nito, kasama sila Eunice at Mel.

Gusto nyang pasayahin ang Mommy nya, lately lagi itong nalulungkot at alam nyang dahil iyon sa Daddy nya.

Medyo malayo layo ang byahe mga 1hour kaya maaga pa lang gising na sila.

Hindi pa alam nila Enzo at Nelda ang nangyari sa pamilya ni Nadine. Walang sino man ang may gustong magkwento dahil kay Kate.

"Eunice, nakaready na ba ang lahat?"

"Yes Ate Kate!"

"Yung video, yung flowers, yung mga gifts?!"

"Haaay, Kate, myLabs! Kalma ka lang! Okey!"

"Huwag kang magalala Ate Kate, maayos na ang lahat! Kung gusto mo pagdating dun magpraktis tayo!"

"Okey, salamat!"

"Huwag ka ngang seryoso dyan, myLabs! Hindi bagay sa'yo!"

Pero hindi pa rin magawa ni Kate kumakalma. Kinakabahan kasi sya.

Nagkatinginan si Eunice at Mel.

"Beshy, bigyan mo nga ng kiss si Ate Kate! Baka sakaling kumalma!"

"A-Y-A-W!"

Pero bigla syang hinawakan ni Kate sa kwelyo ng damit nya at saka hinalikan sa labi ng mariin.

Hindi nakapalag si Mel sa ginawa ni Kate.

"Mhmhm mm mhm!"

Sabi ni Mel.

Na ang ibig sabihin ay "Tulungan mo ako!"

Pero hindi sya naintindihan ni Eunice.

"Ha? Ano?"

"Beshy hindi kita maintindihan!"

Hanggang sa natapos na ang halik.

"Haaah! Haaah! "Haaah!"

Hingal na hingal ang dalawa, habol habol ang paghinga.

"Ano ba Kate? basta basta ka na lang humahalik dyan!"

"Sorry! Naiistress na kasi ako!"

Pero kahit galit si Mel, masayang masaya naman ang kalooban nya.

Samantala.

Nasa isang restaurant si Jaime at Jeremy nagaantay sa mga text ni Mel.

"Jeremy, nagkausap na ba kayo ni Mel? Nasabi na nya kung saan sila pupunta?"

"Opo Tito! Sa Kawai Beach daw!"

"Good!"

"Tara sundan natin!"

*****

Kinagabihan.

Inayos ng mga bata ang Hardin, nilagyan ng maraming dekorasyon

at saka tinawag si Nadine.

Nakatakip ang mata ni Nadine ng mga kamay ni Kate at pagbukas nya, nagulat sya sa sorpresa ng anak.

"Mommy, let's go po!"

Dinala ni Kate ang Mommy nya sa gitna habang kinakanta naman ni Eunice ang paborito nitong kanta.

Maluha luha si Nadine sa ginawa ng mga bata.

"Mom, Happy Birthday po! Here's your present!"

At nagulat si Nadine pag talikod nya ay naruon ang panganay nyang anak may dalang cake!

Ito ang surprise birthday gift nya sa Mommy nya, ang Kuya nya na matagal na nilang hindi nakikita at nakakasama.

Humahagulgol na si Nadine ng pagiyak. Pati ang nasa paligid ay naiyak sa saya para kay Nadine.

Happy birthday to you!

Happy birthday to you!

Happy birthday, Happy birthday day!

Happy birthday to you!

Sa malayo, nakatanaw naman si Jaime. Naiiyak din ito ng makita ang magiina nyang masayang nagtatawanan.

Ngayon nya lang napagmasdan sa malayo ang pamilya nya. Masaya sila at nagmamahalan.

Nakaramdam sya ng kirot sa puso. Hindi nya akalain na sanay na pala ang pamilya nya na wala sya.

'Ang dami ko pa lang na miss!'

'Bakit ko ba ngayon lang na realize na wala pala akong kwentang ama at asawa!'

'Hindi! Hindi ako makakapayag na mawala kayo sa akin!'

*****

Si Jeremy ay nasa isang lugar din malapit sa kanila. Nagtatago.

Ayaw nyang malaman ng Tita nya na sumunod ito kaya hindi nagpapakita.

Ang hindi nya alam, natawagan na si Ames ni Elsa at nasabi na nito si na sumunod sa kanila sa Zurgau si Jeremy.

Hinayaan lang nya ang pamangkin.

'Mas maganda yan, mas matutuo syang dumiskarte!'

Pagkatapos nilang magkantahan, dinala ni Nadine ang panganay nya sa loob ng bahay para makausap.

Matagal na silang hindi nagkita nito at kailangan nya muna itong masolo.

Dito naman nakakita ng pagkakataon si Jaime na makita at makausap ang asawa.

Palihim nyang sinundan ang dalawa sa loob ng bahay.

"Dad?!"

"Anong ginagawa mo dito Jaime?!"

"Gusto kitang batiin ng Happy birthday!"

"Ayaw ko ng gulo! Umalis ka na dito bago ka makita ni Kate!"

"Hindi ako manggugulo! Pangako!"

"Dad, Mom? What's goin' on?"

"Sorry anak but I can not explain right now! Gusto ko lang mag sorry sa Mommy mo!"

"Nadine please, sorry!"

"Sorry sa mga pagkukulang ko!"

"Please give me a chance!"

"Mom, Kate is coming!"

"Jaime, tumayo ka na dyan! Saka na tayo magusap!"

Nang biglang bumukas ang pinto.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C150
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login