"Sister Kate, anong nangyayari sa pinsan mo? Bakit parang gusto nyang awayin lahat!"
Tanong ni Mel kay Kate na puno ng pagaalala.
Hindi nakasagot si Kate, kinakabahan na din sya sa pinsan nya.
Pati si Jeremy ay nagulat din sa pinost ni Eunice.
Hindi ito ang Eunice na matagal na nyang nakilala.
Pinagkaguluhan ng marami ang post ni Eunice.
Marami ang galit at marami din naman ang nakakaintindi.
Pero lahat ay nagtataka.
"Si Eunice ba talaga ang nagsulat nyan?!"
"Ang tapang pala nya!"
~~
Itigil nyo na ang mga haka haka sa nangyari at hayaan na sa mga pulis ang pagiimbestiga!
~ Jeremy ~
Napahinto ang lahat maging si Yna na gusto pang sumagot kay Eunice. Galit na galit ito sa sinabi ni Eunice na "shut up".
'Paano nalaman ni Eunice na ako ang nag post sa labas?'
"Pasensya na Jeremy, pero hindi ko basta mapapalagpas ito. Bakit ako ang pini pinpoint ni Eunice, meron ba syang ebidensya?"
~ Yna ~
Biglang sinagot sya ni Eunice ng screenshot at binilugan ang account name nya.
Huwag ka naman laging pa victim Yna, kung ikaw rin naman ang nag start!
~ Eunice ~
"Halah! Si Sissy ko warfreak mode!"
Grrrr!
Gigil na gigil si Yna sa sagot ni Eunice.
'Walanghiya malditang babaeng ito! Aaaah! Kakagigil!'
"Tama na yan! Hindi pa ba kayo titigil, kanina pa kayo sinasaway ah!"
~ Jeremy ~
"Hindi ako titigil hangga't may isa na hindi tumitigil na sirain ako at ang Ate Kate ko!
Kailangan ko rin naman ipagtanggol ang sarili ko at ang pamilya ko!"
~ Eunice ~
'Jusko pano ko ba patitigilin itong si Eunice?'
Napapraning na si Jeremy.
*****
Sa presinto.
Kausap si Miles ng Daddy nya.
"Anak, tapatin mo nga ako, bakit mo nagawa ang lahat ng ito? Ano ang pumasok sa isip mo ha?"
Kanina, kinausap na sila ng abogado nya at tinapat.
Solid ang ebidensyang hawak ng mga pulis laban sa kanya at dinagdagan pa ng mga statement ng grupo nya at lahat ng witness.
Kaya malabong pumabor sa kanila ang hustisya, kaya kinausap sya ng ama.
Ramdam nyang may hindi sinasabi ang anak.
"Miles anak, gusto kitang tulungan pero paano kita matutulungan kung hindi ko alam ang tunay na nangyayari sa'yo?"
"Sabihin mo sa akin, totoo ba ang lahat ng binibintang sa'yo ni Jeremy? Ito ba ang dahilan ng lahat kaya nagawa mong saktan si Kate?"
"Daddy huhuhu!"
"Anak please magsalita ka naman! Lalo kang madidiin kung hindi ka magsasalita!"
Pero tahimik pa rin si Miles na umiiyak, hiyang hiya sa Daddy nya.
"Ganun na ba katindi ang pagkagusto mo kay Jeremy kaya mo naisip yan?"
"Dad! Huhuhu!"
Hindi na alam ang gagawin pakiusap ng Daddy nya sa kanya para magsalita ito.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo anak at ayaw mo akong tulungan ka?"
Gusto ng sumuko sa pangungulit ang ama.
"Siguro naman alam mo na ang mangyayari sa'yo kapag nahatulan kang guilty! Pwede kang makulong! Gusto mo ba yun?!"
"Dad please help me!"
"Paano kita tutulungan kung ayaw mong tulungan ang sarili mo?!"
"Alam kong may itinatago ka, kaya please sabihin mo na!"
"Huhuhuhu!"
Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo ngayon Miles so you need to make a choice!
Malaki ka na! Gumawa ka ng mali, you should know the consequences of your actions!"
Tumayo na ito, pagod na rin sya at gusto na nyang magpahinga! Kagabi pa sya walang tulog dahil binabantayan ang anak.
"Dad ....dad please, please! Huwag nyo po akong iwan! Sasabihin ko na po! Magsasalita na po ako! Sasabihin ko na po ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon!"
Muling bumalik sa pagkakaupo ang Daddy nya.
"Okey anak, speak, makikinig ako!"
"Dad, kaya ko po ginawa yun kasi ..... kasi.... ayaw ko pong mag madre?"
"What?!"
Hindi maintindihan ng Daddy nya kung ano ang ibig nyang sabihin.
"Ipaliwanag mo nga anak at nalilito ako!"
"Sabi po kasi ni Mommy pagka graduate ko daw po ng high school ipapasok nya po ako sa kumbento para mag madre! Dad hindi ko po gustong mag madre! Gusto ko pong magka boyfriend at makasal! Gusto ko din pong magkaroon ng mga anak!"
"Pero natatakot po ako kay Mommy! Sabi nya po sa akin, kailangan daw po akong mag madre dahil isinilang daw ako para maging Madre! Huhuhuhu!"
Hindi maintindihan ng Daddy ni Miles ang mararamdaman.
"Totoong pong may gusto ako kay Jeremy pero hindi ko pa naman po gustong mag asawa agad!
Pero dahil po sa plano ni Mommy na mag madre ako, kaya naisip kong kailangan kong mapikot si Jeremy!"
"Mas gusto ko na pong mag asawa kesa ipasok ni Mommy sa kumbento!"