Hanggang sa...
"Done!"
Halos pabulong na sabi ni Eunice.
Halatang nahirapan sya isolve ang problem, pero makikita ang ngiti sa labi ng sabihin nyang "Done!".
Alam nyang nagtagumpay sya.
Nasolve nya ang problem sa loob ng 19 minutes! Halos triple sa time ni Kate.
At humakbang palayo si Eunice para makita ang sagot nya na may ngiti hangang tenga.
CLAP CLAP CLAP
Unang pumalakpak si Professor John tapos ay si Kate na masayang masaya ng makita ang sagot ng pinsan nya.
Tapos ay si Nicole na hindi na mapigilan ang emosyon at lumapit na sa anak.
"Mommy is so proud of you anak!"
"Thank you po Mommy!"
Tumayo na rin si Ames at pumalakpak kasunod si Mel at Jeremy na kahit hindi nila naiintindihan ang ginawa ni Eunice basta alam nila masaya sila para sa kanya.
And lastly si Teacher Chris, Teacher Santi and Teacher Erica, kita sa face nila how proud they are dahil may genius na naman sa school na ito.
"Teacher Erica, bakit pati ikaw pumapalakpak? Sigurado ka ba na tama ang sagot ni Eunice? English teacher ka diba?"
"Hindi mo ba nakikita, parehong pareho ang sagot niya kay Kate! Masasabi mo bang mali ang sagot ni Kate?"
Tiningnan nga nito at pinag compare ang sagot ng dalawa.
"Totoo nga! Parehong pareho nga!"
"Saka isipin nyo, may isa na naman genius sa school natin! Ito na ang pangatlo! Tyak paguusapan tayo at sisikat ng husto ang school natin pag nalaman ito ng mga tao!"
Nang ma realize ng mga co teacher ni Teacher Erica ang sinabi nya, natuwa din ang mga ito at napapalakpak.
Pero hindi si Teacher Orly. Ang kaninang ngisi sa labi nya ay nawala ng makitang natutuwa ang lahat.
Tiningnan nya ang sagot ni Kate tapos ay ang sagot ni Eunice.
Pareho nga!
Naalarma sya!
'Hindi ito maari! Paano nangyari iyon, estudyante ko si Eunice at hindi ko pa naituturo ito?'
'Siguro .... nangopya sya..'
'Tama! may posibilidad na nasilip nya ang sagot ni Kate!'
"TIGIL!"
Napalingon ang lahat kay Teacher Orly.
"Anong pinapalakpak nyo dyan?"
Turo nya sa mga co teacher nya.
"Ambilis nyo naman maniwala! Bakit naiintindihan nyo ba ang ginawa nya?"
Tumahimik ang mga teacher na naroon.
"Ano bang problem mo Teacher Orly? Ano bang problema mo kung masaya kami? Bakit masama bang maging masaya?"
Napataas ang kilay ni Teacher Orly.
"Ms. Ames, huwag nyong sabihin na naniniwala kayo sa ginawa ni Eunice?"
"At bakit naman hindi?! Aber!"
"Tschk! Hindi nyo ba nakita, pareho ang sagot nila ni Kate!"
Napakunot ang noo ng lahat. Halatang hindi naintindihan kung anong problema ni Teacher Orly.
"Yes nakikita nga namin Teacher Orly, kaya nga kami masaya e! Kasi pareho ang sagot nila! Anong problema mo don?"
"Exactly! Pareho ang sagot nila! So that only means kinopya nya ang sagot ni Kate!"
Napataas na ang kilay ni Kate.
'Hindi na nakakatuwa ang teacher na ito, nakakapipikon na sya!'
Naiirita na rin si Ames.
'Grabe ang utak ng teacher na ito, laging naghahanap ng butas! Kahit wala, sya ang gumagawa ng butas huwag lang masabing mali sya!'
"Paano mo naman nasabi na nangopya sya, Teacher Orly?"
"Simple lang! Hindi pa napagaaralan ni Eunice ang subject na yan kaya pano nya masasagutan yan kungdi sya nangopya? Kaya nga ganun sya katagal natapos e!"
Nagsimula na naman ang bulungan.
"Oonga, Tama si Sir Orly!"
"May point sya dun!"
"Sabi ko na fake yan si Eunice e! Tschk!"
"Grabe, gagawin ang lahat ma prove lang na inosente sya, nagpanggap pang genius!"
"Ano bang klaseng pagpapalaki ang ginagawa ng mga magulang nya sa kanya?"
Suyang suya ang mga alipores ni Teacher Orly kay Eunice na feeling nila dinaya sila.
Nadinig lahat ni Nicole at Eunice ang sinasabi nila at halatang galit na ang mag ina. Pati si Kate!
"SILENCE!"
"ANO BA? DAIG NYO PA ANG NASA PALENGKE!"
"MGA TEACHER KAYO BAKA NAKAKALIMUTAN NYO!"
Suway ni Ames sa kanila. Saka tiningnan ang mag ina at si Kate na halatang nagtitimpi at any time sasabog na!
'Kalma ka lang Nicole! Please!'
Naintindihan naman ni Nicole ang mga tingin nya, kaya tumango ito.
"Professor John, what can you say sa paratang ni Teacher Orly?"
"Ms. Ames, hindi ako naniniwala na nangopya sya dahil nasa gitna ako! Pero syempre kahit naman anong paliwanag ko hindi rin nya pakikinggan!"
"Na prove ko na sa madaling paraan na matatanggap nila na genius ang batang ito, but I guess the problem is not her but your teachers! Hindi sila open minded kaya mahirap para sa kanila na tanggapin ito!"
"Kasi kahit nasa harapan na nila ang truth at tinutuklaw na sila, hindi pa rin nila matanggap!"
Thank you Lord for all the blessings and the LOVE.
Thank you my dear readers dahil sa inyo araw araw nabubuhay ang dugo ko!
Sana lagi kayong healthy at happy ang lovely for this year and forever.
I love you all!