Download App
19.04% Who's the Killer? / Chapter 4: U N A

Chapter 4: U N A

Ghoul's POV

Isang linggo na ang nakararaan matapos mamatay at ilibing si Lola. I was dejected, sobra akong naapektuhan sa mga nangyari. Napakawalang puso nang gumawa nang ganoon sa kaniya. Sa tuwing naiisip ko pa rin ang sinapit niya, hindi ako makahinga. Hindi ko matanggap na ganoon ka-brutal ang ginawa sa kaniya nang hinayupak na demonyo, kung sino man siya.

"Bhess? Okay ka na ba talaga? Nagugutom ka ba? Gusto mo nang umuwi? Kung gusto mo . . ." I stop her from uttering more words, hindi pa ako handa. I need space. Hindi pa ako handang harapin ang katotohanan, na wala na siya, na wala na si Lola.

"Please, bhess. Kahit ngayon lang, just this time." Habang dinaramdam ko pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Tinignan ko naman si Sioney sa kaniyang mga mata. Puno ito nang pag-aalala. Last week sila nakarating dahil sa masamang balitang bumungad sa kanila. Thanks God I have them.

"Maraming salamat, bhess ha." She nod. Marahan akong tumingin sa kawalan, sa lugar kung saan noon ako'y payapa. Pero ngayon hindi na, wala na ang rason kung bakit ko ito ginagawa. Pangako Lola, makukulong ang may gawa sa 'yo ng ganoon. Ibibigay ko sa 'yo ang hustisiyang nararapat. Kahit sa anumang paraan, fuck. Ipaghihiganti kita, Lola. Pangako 'yan.

Tinignan ko ulit ang buong hulma ng bahay na ito. I smile. Samo't saring alaala ang pumapasok ngayon sa isip ko. Naalala ko na naman ulit ang araw na 'yon, ang araw kung saan nakita ko ang malapad na ngiti ni Lola, habang ipinapakita ko ang tree house na ini-regalo ko sa kaniya.

[ F L A S H B A C K ]

5 months ago . . .

"Close your eyes po , La. Be sure 'di ka po sisilip, ha. Naku, magtatampo talaga ako." I frowned, kahit alam ko naman na 'di niya ako makikita.

"Oo na, naku talagang batang 'to, oh. Ano ba kasi ipapakita mo at atat na atat ka? Kotse ba 'yan? Naku, 'wag na lang kung iyon nga. Alam mo namang matanda na ang Lola mo, hirap nang maglakad. " Napangiti naman ako sa itinuran niya.

"Saka na 'yon Lola kapag nag-suweldo na ako nang mas malaki, sana po magustuhan mo." Then, I unwrapped the blindfold na nakatali sa may bandang mata niya.

"Surprise!" I exclaimed.

"Nasaan ba 'yon, apo? Naku, pasensiya na anak ang labo na talaga ng mga mata ko." Habang palingo-lingo pa rin. Napakamot naman ako kaagad nang mapansing malabo na pala ang mga mata niya.

"I'm sorry, Lola. Nakalimutan ko, hahaha." Mabilis ko na ibinigay sa kaniya ang salamin nito.

"Sige ganito na lang, para ma-surprise pa rin ako, ilalagay ko ang salamin ko nang nakapikit, at gagawin mo 'yong part mo. Game?" Napakagaling talaga nitong si Lola mag-diskarte.

"Game!" At pinikit niya ang kaniyang mga mata, sinuot naman niya ang salamin. So, I did what she said.

She heaved a sigh. At . . .

"Surprise!" sigaw ko, at napatingin naman ako sa reaksyon niya.

"Ah, eh. Lola? 'Di niyo po ba nagustuhan? Pangit po ba? Masakit ba sa mga mata ang mga kulay?" Habang naghihintay pa rin nang magiging reaksiyon niya. She looks at me, with her teary-eyes.

"Gusto?" Her reaction breaks me. Hindi niya nagustuhan. Napayuko na lamang ako ng aking ulo. I'm sorry.

"Siyempre, gustong-gusto. Ang ganda kaya, tatanggihan ko pa ba? Naku, ikaw talagang bata ka ginasto mo na naman ba suweldo mo? Mahal kaya ito." I was shocked. This would be the topmost memorable moments of my life, seeing her smiling like that.

"Halika ka po, La. I-try na natin at puntahan ang ating munting palasyo. Ikaw ang reyna at ako naman ang prinsesa." Mabilis ko na isinukbit sa kaniyang ulo ang plastik na korona, tulad din ng sa akin.

Masaya naming tinungo ang Tree House na ine-regalo ko sa kaniya. Ang unang regalo, sa kauna-unahang suweldo ko as a Detective. Hoping that this moment will last forever.

[ F L A S H B A C K E N D S ]

"Are you sure okay ka lang? Umiiyak ka na naman kasi." Puno nang sincerity ang bumabalot sa mukha niya. It was him, the man I had love before.

"I'm okay, sa tingin ko I'll just need more time, hindi pa siguro ako sanay na wala siya," ani ko, sabay nagpakawala ng hangin. Kakayanin ko ito. Sabay na lumingon ulit sa kaniya. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, siya pa rin ang Lux na dating kinabaliwan ko. Napangiwi naman ako sa sinasabi ng utak ko.

"Mabuti kung gano'n." Nakatitig pa rin siya sa akin, I don't know, but his eyes--parang may sinasabi ang mga kinang nito.

"I miss you," wika nito. Huh? Ano daw?

"Ah, eh. I mean, na-miss kita-ah 'di pala, na-miss ko pala 'yong dating ikaw." Sabay pa nito ang parang batang napakamot sa batok nito. Napangisi naman ako. Baliw pa din talaga siya kahit minsan.

"Ganiyan dapat, you should smile more often. Mas maganda kung kumikinang 'yang ganda mo," saad nito. Ramdam ko naman na parang umakyat ang dugo ko sa aking ulo, alam kong nangangamatis na naman itong mukha ko. He never change, he can always make me blush kahit na wala ng kami.

"Thank you," I said. Pero halata pa rin na namumula.

"Halika, may pupuntahan tayo. Nang mawala naman 'yang kalungkutan mo kahit pansamantala lang, alam mo na dating gawi." Sabay hila nito sa kamay ko. Wala naman akong nagawa, at nagpadala na lang. 'Di ko alam kung saan kami pupunta, pero I hope na maibsan naman 'tong pangungulila ko kay Lola.

Halos mawalan ako nang hininga nang marating namin ang isa sa mga paborito kong lugar. Kapos at habol na habol ko pa rin ang hangin. Sino ba naman ang 'di mag mu-mukhang aso kung tumakbo kayo nang halos dalawampong minuto, nakamamatay kaya 'yon. Nasa plaza kami ngayon, and I think kilala niya pa rin talaga ako. He knows me very well.

"Shout," wika nito. Hindi ko naman naintindihan ang nais niyang sabihin. Pinakunutan ko naman siya ng noo.

"Isigaw mo. Isigaw mo ang lahat ng sakit, lahat ng galit mo. Lahat ng nagpapabigat sa pakiramdam mo, minsan kasi kailangan nating isigaw ang lahat para lang mabawasan ang bigat nito." He smiled.

Akin namang napag-isip-isip na mabuti din iyon. Tama siya, I should let it out. Kailangan kong ilabas ang lahat, lahat nang hinanakit.

I heaved a deep sigh.

"Pangako, Lola. Ipaghihiganti kita! Aaaahhhhhhhhh!" Hugot pa nito ay ang patuloy na paghibik ko. "Hahanapin ko ang gumawa sa'yo nang ganoon, at ipakikita ko sa kaniya kung gaano kabagsik ang gante ng isang masamang espiritu!!" aking sigaw. Tears are now flooding down on my cheeks. Hanggang nakiramdam na rin ang kanina pang kumukulimlim na langit. Napangiti naman ako, I feel relieved.

Napatingala ako sa lalaking kasama ko, he's staring at me, melancholy. Napangisi naman ako.

"Okay na ba 'yon?" Sabay bangga sa mga braso niya. Ramdam ko na ang pagkabasa at lamig ng dalawang elemento. Sana katulad na lang ako ng hangin at ulan--iyong hindi ako kayang pigilan.

"Sobra," wika nito. Nakangisi na rin siya.

"Gusto mong sumilong muna tayo, alam mo na lumalakas na rin ang ulan?" Napahalakhak naman ako nang malakas.

"Sorry ha. Haha, halika na. Nadadamay ka pa tuloy sa kadramahan ko," tugon ko. Hindi ko siya narinig na sumagot, bagkus ay killer smile naman ang bumungad sa 'kin.

***

Kasalukuyan kaming nasa isang cafe. And happy to say na, sobrang creamy ng mga kape nila dito, at mas nakakatakam talaga ay ang special snack nila na sobrang, basta, I can't explain. Basta sobrang sarap niya.

Nguya, lunok, nguya. Waaaah, ang sarap talaga. Nagising na lamang ako sa aking ulirat, nang bigla . . . "Tooooooooooooot!" akong napa-utot. WTF!

"HAHAHAHAHAHA!" Rinig kong halakhak ni Lux. Napalingon naman ako sa paligid, what the F? halos mawala ang aking pagkabusog sa sobrang hiya. Ang daming tao, fuck. Narinig kaya nila? Naamoy kaya nila?

"Miss, nariyan lang po ang cr, walang tao do'n," sambit ng babae, habang pigil pa rin ang tawa nito. WTF? Lupa kainin mo na ako. Waaaaah! No! Nakakahiya!

Agaran akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas ng cafe. That was so embarrassing. Tuloy pa rin ang aking takbo nang bigla kong nabunggo ang isang lakaking . . .

"Ay, sorry. Sorry talaga." Sabay yuko ng aking ulo. Hindi ko narinig na tumugon siya sa ani ko, pero 'di pa din naman siya umaalis dahil naro'n pa rin naman ang kaniyang sapatos sa kinatatayuang puwesto. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo, tinignan ko siya, wala ni isang reaksiyon ang makikita sa mukha niya. Sandali? Wait lang, bakit parang napaka-pamilyar ng mukha niya? Nakita ko na ba siya rati? Siya ba iyon?

"I-ikaw?" I asked. Nang bigla kong maalala ang araw na 'yon. He grinned. Creepy. At mabilis na tumalikod sa akin.

"W-wait lang, sandali lang please." Mabilis na habol ko sa kaniya. Hindi siya sumagot pero mabilis pa rin siyang naglalakad, pero habol-habol ko pa rin siya. Jusko, nakapapagod.

"Hey, may itatanong lang ako. Hoy, saglit lang. Please," pagmamakaawa ko. Ilang minuto na rin kaming naglalakad pero 'di pa din siya tumitigil. I'm exhausted.

Hanggang sa marating namin ang isang masikip na eskinita. Napalilibutan ito nang mga matataas na gusali, parang daanan papuntang secret bar or something. I'm a detective, at dapat alam ko rin ang mga pasikot-sikot sa lugar ko. But, how come I can't remember this place. Hindi siya pamilyar sa akin.

He stop. Ngayon ay umikot na siya at nakaharap na sa akin. Naka-hood na rin siya, 'di ko napansin 'yon, ah? Hingal-hingal akong napayuko sabay hawak sa mga tuhod ko. What a day! Magkakasakit talaga ako nito.

"Sino ka?" Hindi ko alam pero parang ang taas-taas ng pressure ko ngayon. He didn't respond. Ngumisi naman ito. Napaka-weird naman ng gagong 'to. I stepped back.

"Answer me. Sino ka ba talaga? Ano'ng ibig mong sabihin do'n sa itinuro mo nang nakaraang araw? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng Lola ko? Sabihin mo ha, may kinalaman ka . . .!"

"Shut the fuck up!" Pasigaw na tugon nito. Nagulat naman ako sa naging reaksiyon niya. I was about to utter a word, when I felt my knees trembling. His face doesn't show emotions. His eyes is black as it was imprisoned, so cold. How could he do that?

"First, I'm not obligated to answer your fucking questions. Second, privacy is a damn personal thing, so fuck off. Last, know your limitations."

"Ahhhh. . ." Pinigilan niya ako ulit. Tinuruan ba siya ng tama at mali?

"You're a detective pero hindi mo alam kung sino ang pumatay sa Lola mo? That was so unreal." Pinagsingkitan ko naman siya ng mga mata. Ano akala niya sa 'kin, kapag may krimen solve na agad?

"It's a process," wika ko. Kumukulo talaga dugo ko sa mga ganitong uri ng tao.

"I know." Sige, punuhin mo nang punuhin ang pasensya ko. Magsisisi ka talaga.

"Puwede bang diretsahan mo na ako? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Lola? O ikaw pumatay sa kaniya?" Agad na binigyan ko siya ng mga matatalim na tingin.

"Kung ako man ang pumatay, do you think may mapapala ako sa kaniya. Sa tingin mo may rason ba ako na maaari kong gamitin para kitilin ang buhay niya?" I frowned. He has a point.

"So . . . A-anong ibig mong sabihin sa itinuro mo noong araw na iyon? Why you're acting like a creepy one? Nababaliw ka na siguro." Pag-i-insulto ko sa kaniya. Tignan natin kung hanggang saan ang sungay ng pasensiya mo.

"Ikaw ang nababaliw, I know everything about you. Even the very small of your details, alam ko," tugon nito na siya namang nag-palaki sa aking balintataw. How could he say that? I look at him, with so much fierce. Paano niya ako nakilala?

"That day . . . I have warned you. Sa araw na iyon, binigyan kita ng clue pero you ignored it. Tapos ngayon susundan mo ako, at tatanungin kong may kinalaman ako sa pagkamatay ng Lola mo. How rude. Ikaw na nga itong tinulangan, ikaw pa ang may kayang mangbentang." Napag-isip-isip ko din naman. Tama siya, bakit ba ako nagpapadalos-dalos ng hakbang. Hindi ko na iniintindi ang nararamdaman ng iba, I'm being selfish already. Nagpapaka-sakim ako sa lahat ng bagay.

"S-sorry," I think I have made the right decision, now. Siguro, tama na ang mga maling akala. Tama na ang pagiging bulag sa mga pangyayari.

Tinignan ko siya, nakita ko na lamang na napangiti siya. His brows blankly pacify along on his melodious eyes.

"Then, you made the right choice. Iyon lang naman ang nais kong marinig mula sa 'yo." Napangiti na rin ako, parang natanggal ang pressure ko sa mga nangyari. Pero 'yong lungkot, heto nananatiling masakit, mapait, at mapaglaro.

"Thank you," tugon ko. He just smiles back.

"I am willing to help you to solve the case of your Grandmother, I just need your cooperation, and your trust. If gusto mo akong makatulong, then let your faith finds its way to me. Trust me. And . . ." Nagtaka naman ako. And? Pa-suspense naman si Kuya, eh." And what? Ano?

"And I'll tell you if who the real Killer is."

---

HeartHarl101


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login