Someone Like You
by : Jessica Sings
I used to dream of somelike like you,
To hold me tight and see me through,
To love my eyes and love my smile,
And when I'm scared stay with me for awhile,
But now I've got you I don't know what to do,
It's amazing this feeling I have for you,
When I look at you my heart melts to the floor,
Everyday I love you more and more,
When life gets me down you're always there,
A good heart like yours is very rare,
You're my world you're my universe my star,
I would never change a thing that you are,
All my worries and problems disappear,
When you hold me in your arms I have no fear,
The only fear I have that's true,
Is living my life without someone like you.
Nagulat si Hayley ng makitang ang sinasabing quarters ni Levi ay isang two storey building sa isang subdivision na hindi malayo sa condo unit nila. Nang patayin ni Levi ang makina ng kanyang kotse ay lumabas agad si Nico mula sa passenger seat at binuksan ang pinto sa tapat niya. Inalalayan siya ni Nico na makalabas. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng kotse ay bumukas na ang pinto at inuluwa si Holden na halatang nagulat ng makitang kasama siya. Tiningnan ni Holden sila Nico at Levi pero tumango lang ang dalawa at tuluyang ng pumasok sa loob. Muling nagulat si Hayley ng makita sa loob sila Dashiell at Landon. Ngumiti naman ang dalawa ng makita ang dalaga.
"Ano'ng gusto mo'ng gawin natin sa kanya? Tig-isa tayong paa, gusto mo?" Nangiti si Hayley sa sinabi ni Landon. Sinenyasan ni Holden sila Nico at Levi na kailangan nilang mag-usap ng hindi nadidinig ni Hayley. Nawala sa loob ni Nico na nakahawak sa kanyang kamay ang dalaga kaya ng lalayo sana siya ay naramdaman niya na humigpit ang hawak sa kanya ng dalaga.
"May kailangan lang kaming pag-usapan, Ley. Dashiell and Landon are here. They will not leave you." Sabi ni Nico pero parang walang nadinig si Hayley sa sinabi ng dalaga na dalawang kamay pa ang hinawak sa kamay ni Nico na napabuntong hininga naman. "She's like Quinn." Sabi ni Dashiell na nakangisi. Umikot naman ang mga mata ni Holden. "Yeah, I can see that. So I guess, she'll become one of the boys just like Quinn, right?" Sabi ni Holden na nakatingin kay Nico. Ngumiti lang si Nico dahilan para umikot na naman ang mga mata ni Holden. "You'll understand us kapag nakita mo na din ang 'the one' mo. Den." Nakangising sabi ni Dashiell. "Yeah, right." Sabi ni Holden para matawa ang iba.
"He's been used by the true mastermind." Panimula ni Holden. "This has been he's work ever since. Paid to threaten people but not to the extent that he'll kill someone." Dugtong ni Rod. "He's saying the truth na hindi niya na-meet ang nag-utos sa kanya na takutin si Hayley. We've checked the CCTVs on the places he said na nagkita sila but the bad news is...hindi pa din natin makikilala ang mastermind dahil covered ang mukha niya and he or she used a voice changer." Patuloy ni Holden. "We've contacted Grey and Jacob and their targets are still in Vestido when the incident happened. But, both are talking to someone and sometimes texting on their phones." Sabi ni Rod. "The person doing this is very careful on everything he's doing. He planned this very well." Sabi ni Levi. "So, you've decided that he's a he?" Tanong ni Dashiell. "Yeah, let's just say that he's really a man." Sagot ni Levi. "Her case is the same with Quinn but remember, at first we thought it was a girl fan but at the end, he was a guy." Sabi ni Landon. Naguguluhan man si Hayley sa pinag-uusapan ng mga lalaki sa harap niya ay hindi niya maiwasan na magtanong ng tungkol sa nangyari kay Quinn.
"What happened to Quinn?" Tanong ni Hayley. "She's been abducted for almost a week by an avid fan. Nahirapan kami to find her because niligaw kami ng mismong kumuha sa kanya but luckily, Quinn was able to escape." Sagot ni Dashiell. "What happened to the...guy?" Tanong ni Hayley. "He's dead. He committed suicide." Ramdam ni Nico na humigpit ulit ang hawak sa kanya ni Hayley kaya inakbayan niya ito dahilan para mangiti ang mga kasama nila. "I think we should end the night. You should be resting now." Sabi ni Nico na nakatingin kay Hayley. "I want to see him." Sabi ni Hayley dahilan para magkatinginan ang lahat. "He's not worth of your time." Sabi ni Nico. "Let's go home." Dugtong ni Nico sabay alalay kay Hayley sa paglakad palabas pero huminto si Hayley.
"I'll just ask him kung ano ang dahilan nung nag-utos sa kanya para takutin ako." Sabi ni Hayley. "We will do the questionning, Ley." Sabi ni Nico. "Please..." Sabi ni Hayley dahilan para mapabuntong hininga si Nico.
"Those women of yours will be the headache of our group." Sabi ni Holden dahilan para matawa ang iba.
Pagbukas ng pinto ng isang kwarto ay nagulat si Hayley ng makitang nakatali ang lalaki sa isang upuan. Nakayuko ito at ng maramdaman na may tao ay itinaas nito ang ulo para lang magulat ulit si Hayley. Tiningnan niya ng masama ang mga lalaki na kakamot-kamot naman sa kanilang mga ulo at hindi makatingin ng deretso kay Hayley.
"Kailangan ba talagang saktan siya?" Tanong ni Hayley. "She's back." Nakangising sabi ni Landon ng makitang nakataas ang kilay ni Hayley. "Yeah, happy to see that." Sabi naman ni Dashiell.
Umupo si Hayley sa upuan na nakatapat sa lalaki. Ngumisi naman ang lalaki ng makita siya.
"Kung tatanungin mo din ang mga tinanong nila kanina ay ganoon pa din ang isasagot ko sa'yo, Miss Ganda." Naikuyom ni Nico ang mga kamay ng madinig ang sinabi ng lalaki. Tinapik ni Levi ang balikat niya para sabihan na huwag gagawa ng kalokohan dahil kasama nila ang dalaga.
"Bakit niya ako gustong takutin?" Tanong ni Hayley na pilit nilakasan ang loob pero sa totoo lang ay nangangatog ang kanyang mga tuhod. "Kung lalaki siya, pwedeng stalker mo kasi sa ganda at sexy mo, madami talagang maloloko sa'yo." Nakangising sabi ng lalaki. Pinigil ni Levi si Nico ng makitang susugurin nito ang lalaki. Si Hayley naman ay kinilabutan dahil iba ang paraan ng pagkakatitig ng lalaking kaharap sa kanya pero hindi siya nagpahalata na natatakot. "Kung babae naman, malamang selos? Inggit? Galit?" Muling sabi ng lalaki. "Natakot ka ba kanina? Sa totoo lang, kung hindi dumating ang mga lalaking iyon kanina, baka sa unang pagkakataon ay nagawa kong pasayahin ang sarili ko kanina. Sayang nga lang at naudlot ang pagpunta natin sa langit na dalawa." Nanlaki ang mga mata ni Hayley sa mga nadinig mula sa lalaki. At lalo siyang nagulat ng biglang bumagsak ang lalaki sa sahig dahil sa malakas na suntok ni Nico. Nakailang suntok muna si Nico bago tuluyang napigil nila Levi at Holden ang binata. Lupaypay ang lalaki at duguan ang mukha.
Nang kumalma na si Nico ay inalalayan niya si Hayley palabas ng kwarto. Alam ng binata na unang pagkakataon ni Hayley na makita siyang ganoon pero hindi niya talaga napigil ang sarili ng makita ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki. Nagulat siya ng hilahin siya ni Hayley bago tuluyang makalabas ng pinto ng bahay. Dinala siya nito sa sink at dahan-dahang hinugasan ang kamay niya na may bahid ng dugo.
"May first-aid kit ba kayo dito?" Tanong ng dalaga at tinuro naman ng binata ang cabinet kung nasaan ang kit. Naupo sila sa couch pagkatapos ay nilinis ni Hayley ang maliliit na sugat na natamo ni Nico sa pagsuntok sa lalaki. Pagkatapos lagyan ng benda ay niligpit na at ibinalik ang kit sa cabinet. Hindi pa man nakakaupo si Hayley pabalik sa couch ay tumunog ang phone niya.
"Yes, Ash?" Tanong ni Hayley sa kaibigan na nasa kabilang linya. "Don't go home, just stay where you are. I know you're with Nico so you'll be safe with him." Bungad ni Ashley na ikinakunot ng noo ni Hayley. "What are you talking about, Ash?" Nag-aalalang tanong ni Hayley. "Someone came to our unit." Hindi na nakapagsalita si Hayley. Nagmamadaling hinila si Nico. "What happened?" Takang tanong ni Nico. "It's Ashley, someone...he came...he went...he's..." Nagkandautal na sabi ni Hayley. "Levi!" Malakas na tawag ni Nico sa kaibigan. "Let's go!" Nagtaka man si Levi sa sinabi ng kaibigan ay mabilis itong kumilos kasama sila Dashiell at Landon.