Words of Love
If I had words to describe my feelings for you
I would be the happiest man in the universe.
But words seem to fail me time and time again.
So I have to settle for the words in this verse.
Your touch, your smile, your presence, and soul.
Mesmerize and entangle me completely.
If I had but one ambition, one utter goal.
It would be to stay by your side for eternity.
- Unknown -
"Tita Virgie?" Tawag ni Hayley sa Head ng Fitting Floor. Lahat ay tumingin sa kinatatayuan nila ni Nico at lahat ay nagbigay galang sa binata at unti-unti nagbigay ng daan sa kanila para makapasok. "Hayley!" Tawag ni Virgie sa dalaga na dala-dala ang isang mannequin na malaki pa sa kanya. "Good morning? Good afternoon?" Tanong ni Virgie na nakatingin kay Nico kaya tumingin si Nico sa relo niya. "Good afternoon." Sagot ni Nico. Natawa si Hayley kay Virgie dahil hindi man lang ito naintimidate sa kaharap. "Bakit kayo nandito?" Seryosong tanong ni Virgie na lalong nagpatawa kay Hayley. Kumunot naman ang noo ni Nico. "May nakakatawa ba?" Tanong ni Nico. Nagseryoso si Hayley dahil nakita niya ang inis sa mukha ng binata at ng tumingin siya kay Virgie ay nagbigay ito ng warning na huwag sirain ang image niya na "small but terrible. "Sorry." Sabi ni Hayley at inayos ang sarili.
"Tita Virgie, iniikot ko lang si Mr. President sa buong building so he would be familiar with everyone." Sabi ni Hayley. "I see." Sagot ni Virgie. "Well, as I could see, you're busy so we would take our leave now." Sabi ni Nico na hinila na si Hayley palabas. Kaway na lang ang binigay ni Hayley kay Virgie na napangisi na dahil nakita niya kung paano maging uncomfortable si Nico sa harap niya.
"Bakit ba nagmamadali ka? May lakad ka?" Takang tanong ni Hayley. "What is her name again?" Tanong ni Nico. "Si Tita Virgie?" Tanong ni Hayley. "Yeah, daig niya pa ang principal namin nung highschool, as if kakainin niya ako ng buhay." Sabi ni Nico na ikinatawa ni Hayley. "Mabait si Tita Virgie, stress lang 'yun." Sagot ni Hayley. "Yeah, sana nga." Sagot ni Nico.
"HIndi tayo gagamit ng elevator?" Takang tanong ni Nico na makitang lumagpas si Hayley sa elevator. "Let's use the stairs. Sa taas lang naman 'yung Showroom. Usually kapag ako lang, I use the stairs to exercise my feet and legs." Sabi ni Hayley. "Pero kasama mo ako." Sabi ni Nico. "Eh ano? Si Tito was also using the stairs too, come on." Sabi ni Hayley sabay hila sa binata.
"Timothy, ano ba? Ayusin mo ang lakad mo! Cassandra, chest in, stomach out!" Dinig sa labas ng Runway ang matinis na boses ni Leandra. "Sino 'yun?" Tanong ni Nico kay Hayley. "Coach ng mga models, Leandro sa umaga, Leandra sa gabi." Nakangiting sabi ni Hayley.
"Hey, Leandra!" Tawag ni Hayley sa kaibigan. "Yes...ooooohhhhh my handsome." Sabi ni Leandra ng makita si Nico. "Good afternoon, Mr. President." Sabay-sabay na bati ng mga models. Kumaway sila Ashley at Lily kay Hayley at ganoon din ang ginawa ng dalaga. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Kamahalan?" Pa-cute na tanong ni Leandra. Napabungisngis si Hayley sa kalokohan ng bading. "Nothing, just continue what you're doing. I'll just sit around and observe." Seryosong sabi ni Nico. Napansin naman ni Leandra na hindi game ang bagong presidente sa kalokohan niya kaya nagseryoso na din siya.
"Okay, from the start!" Sigaw ni Leandra. Naupo si Nico sa isa sa mga upuan samantalang tumayo sa tabi ni Leandro si Hayley. "Grabe naman 'yang jowa mo, ang sungit!" Sabi ni Leandra. "Be careful with your words baka madinig ka. And correction, hindi ko siya jowa, okay?" Sabi ni Hayley. "Eh, bakit namumula ka?" Tukso ni Leandra. "Stop it! Anyways, pasensiya ka na. He's still learning to be kind to everyone. Ewan ko ba, sala sa init, sala sa lamig ang attitude. MInsan cold, minsan naman hot." Wala sa loob na sabi ni Hayley. "From the mouth of the girl herself, HOT!" Nakangising sabi ni Leandra. "What I mean is..." Sabi ni Hayley. "Yeah, yeah, I got it." Sabi ni Leandra. "But, he's really hot." Sabi ni Leandra na ikinaikot ng mata ni Hayley.
Dahil kinakabahan ang mga models ay madaming napansin si Nico na mali sa kanila kaya medyo nainis siya. "Okay!" Sabi ni Nico na biglang tumayo sa upuan. Nagulat naman sila Hayley at Leandra. "When is the fashion show, Ley?" Kahit inis ay sinabi pa din ni Nico ang nickname ni Hayley na nagpataas ng kilay ni Ashley, Lily, at Leandra. "It's three weeks from now, Ni...Mr. President." Sagot ni Hayley na ikinataas ng kilay ni Nico. "The agreement, Ley." Sabi ni Nico na ikinatingin sa kanya ni Hayley. "When is that again, Ley?" Ulit ni Nico sa tanong niya. "Three weeks from now, N I C O." Sabi ni Hayley na binigyan ng diin ang bawat letra ng pangalan ng binata. Ngumiti si Nico pero lalong tumaas ang kilay ng mga kaibigan ni Hayley. "Okay, I'll give you one week to perfect your walks and turns. I'll come to you next week and if I'll see mistakes on you again, I'm afraid this will be your last fashion show." Nanlaki ang mata nila Hayley at Leandra sa nadinig. Magsasalita pa sana si Hayley pero lumabas na si Nico. "I'll talk to him." Sabi niya kay Leandra na natulala. "Guys, continue practicing, no one will leave this company, okay?" Sabi ni Hayley pagkatapos ay sinundan na ang binata.
"What the hell was the meaning of that, Mr. President?" Sabi ni Hayley sabay hatak sa braso ni Nico bago makasakay ito sa elevator. "Giving them advice." Sagot ni Nico. "What!? Advice!? That was a threat, Mr. President!" Sabi ni Hayley. "They were here before you. They have done everything to be in this company. They've sacrificed things to maintain kung ano man ang meron sa kanila ngayon then what, because of little mistakes, ganoon na ang sasabihin mo sa kanila. You will fire them just because kinabahan sila dahil kaharap ka nila." Inis na inis si Hayley sa kaharap pero lalong siyang nainis ng isang ngisi lang ang sagot ng binata. Bigla siyang napaatras at nabitawan niya ang braso ng binata dahil unti-unti itong lumalapit sa kanya.
Nagulat si Hayley ng maramdaman na pader na ang nasa likod niya. "Tama nga si Dad, you will fight for them, you will be at their side, lalo at alam mong nasa tama ka." Sabi ni Nico na nakalapit na sa dalaga. Iiwas sana si Hayley sa binata, babaling sana siya sa kanan para lumakad palayo pero hinarang ng binata ang kamay niya sa pader. Bumaling siya sa kaliwa pero hinarang na naman ni Nico ang braso niya. "Mr. President..." Sabi ni Hayley. Masyado ng malapit ang katawan at mukha nila sa isa't isa kaya hindi niya malaman kung anong gagawin.
"One more Mr. President and you will be punish, Ley." Bulong ni Nico sa tainga ng dalaga dahilan para tumayo ang balahibo ni Hayley sa batok. Nagpasalamat si Hayley ng bumukas ang elevator kaya lumayo sa kanya ang binata. "I have a proposition for you. Pagkatapos ng one week at hindi nila na perfect ang paglalakad nila sa runway, you'll be my PA as long as I'm the President of this company." Sabi ni Nico. "What? Bakit ba ako ang pinipilit mong maging PA. Marami tiyak d'yan na mas qualified sa akin. And I will do everything para makahanap ng permanent PA mo." Inis na sabi ni Hayley. "Then, I guess that will be their last runway show." Sabi ni Nico.
"Mr...Nico naman!" Biglang bawi ni Hayley sa salita na ikinangiti ng binata. "Think about it, Ley. You will still have time to do your designs even if your my PA. Just choose, me or them." Sabi ni Nico sabay lakad pasakay ng elevator. Naiwan si Hayley na nakatulala. Maya-maya ay naglakad siya pabalik sa loob ng Runway room.
"Anong nangyari?" Tanong agad sa kanya ni Leandra. Nakita ni Hayley ang pag-asa sa mata ng kaibigan. Alam niyang ibinibigay lahat ni Leandra ang makakaya para maperfect ang lahat ng fashion show ng Kleid Moda. Nakita niya sila Ashley at Lily na pinapakalma ang ibang models na halos ay maiyak na sa nadinig mula sa bago nilang Presidente. Bumuntong-hininga si Hayley. "Guys, walang aalis sa Kleid, okay? Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari 'yun. So, ngayon, kailangan natin magtulong-tulong para ipakita sa mayabang na 'yun na kaya natin lahat, okay?" Sabi ni Hayley. Nakita niya kung paano umaliwalas ang mukha ng lahat at kahit papano ay nakagaan iyon sa loob niya.