Oren
Pagkatapos ng kasunduan namin ni Astrid ay pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng isang unan at kumot.
Nakita ako ni Astrid na naglalatag ng higaan sa malaking sofa sa sala.
"Master, what are you doing?" she asked me.
"Naglalatag, dito ako matutulog at doon ka sa kwarto ko" i answered.
Pero agad na nagreact ito. "Hindi na kailangan, Virtual human don't sleep doon kana matulog sa kama, Master" she said. I just stared at her.
Mukang na gets naman nya ang gusto kong iparating kaya naglakad na siya patungo sa room ko at sinara ito. I sighed.
Ano nga ba ang nagyayari, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kasama ko ngayon ang character na galing sa imahinasyon ko. This must be a dream.
Kaya ibinagsak ko ang aking katawan sa sofa, good thing dahil may kalakihan ito kumpara sa ibang sofa. Marahan kong pinikit ang aking mata at nakaramdam ako ng pagod para sa ngayong araw.
At unti unti ay dinalaw na ako ng antok at tuluyan nang nakatulog.
"Goodnight, Master"
***
The next morning, nagising ako sa halimuyak ng amoy na parang niluluto sa kusina. I opened my eyes at saka nag unat unat.
I glanced at the clock, mabuti nalang at nagising ako ng maaga kahit walang alarm clock.
Dumaretso ako sa banyo at saka naligo na para sa pagpasok, sa kasamaang palad ay nakalimutan ko ang mga damit ko sa kwarto ko at pawang towel lang ang nandito.
Agad na sinapi ko ang tuwalya sa hubad kong katawan at lumabas ng kwarto.
"Master, the breakfast is rea— Ahhhhh!"
Halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng pagkakasigaw nito.
"What the hell" sabi ko at saka narealize kung bakit siya napatili. Nalaglag lang naman ang towel sa katawan ko.
At ngayon ay nakaharap ako sa isang babae. Let's that sink in.
Bigla siyang tumalikod, at agad ko namang inayos ang towel ko at tumakbo patungo sa kwarto ko.
***
Awkward, yan ang namalagi samin ni Astrid sa harap ng lamesa. nakaupo lang siya habang hindi makatingin sa akin.
Sinadya kong tapusin agad ang pagkain at saka tumayo.
"Salamat sa pagkain, mauuna na ko" sabi ko a saka aalis na nang pigilan niya ako.
"Ah master wait" sabi niya kaya napahinto naman ako. May kinuha siya sa kusina at saka hinarap ako. "Your lunch" sabay abot ng lunch box.
Pero hindi ko agad iyon kinuha, nakatulala lang ako sa kaniya. Bigla kong naalala si Mom, siya lagi ang gumagawa ng baon ko dati.
"Master?" tawag sakin ni Astrid kaya agad ko naman itong kinuha. "Thank you, Astrid" pasasalamat ko, Sinuklian naman niya ito ng isang matamis na ngiti.
tatalikod na sana ako nang may maalala ako. "Astrid"
"Bakit Master?" tanong naman agad niya.
"If you want to go outside, wag mong kakalimutan na isara ang pinto" paalala ko sa kaniya.
"Yes Master!" masigla naman niyang tugon.
"Another thing"
"Hm?"
"Don't call me Master for now on" i said.
"Eh, anong itatawag ko sayo?" tanong niya sakin.
"Just call me Ren" i said saka tumalikod na at umalis.
***
"Just call me Ren" "Just call me Ren""Just call me Ren" Just call me Ren—
Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakadukdok ko sa lamesa, Walang tigil kasi ang utak ko sa pagiisip ng sinabi ko kanina.
Ano bang nangyayari sakin? Why i let her call me by that name? Ugh! and now it's freaking me out. Hindi ako makapag concentrate sa pakikinig sa klase.
"Ok class please welcome your new classmate, she's from Sydney Australia" Mrs.Asistio announces at the class.
As usual hindi na ako nag abala pang tumingin sa klase, at itinuon ko nalang ang isip sa pagbabasa ng textbook.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kasabay nito ang ingay ng buong klase. Samut saring bulungan, at sigawan.
Artista ba ang new transfer student? hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang pag rereact nila sa bagong studyante.
"Goodmorning, May name is Astrid, nice to meet you"
Astrid? pati ba naman sa school ay naririnig ko ang pangalan na yan.
"Astrid dito ka nalang sa tabi ko please!"
"Omg she's like a doll"
"No she like a goddess!"
Rinig na rinig ko ang sigawan at bulong bulungan.
"Quiet Class!" pagpapatahimik naman ni Mrs. Asistio sa klase. "Astrid you may choose your seat.
Naramdaman ko naman na patungo sa direksyon ko ang yabag kaya nagangat ako ng tingin.
"Hi Ren!"
Halos malaglag ko ang librong hawak ko dahil sa gulat, Nanlalaki abg mata ko sa nakita. Tama ba na si Astrid ang ngayon ay nasa harap ko at nakasuot ng uniform ng Ricaford Academy.
Bago pa ko magsalita ay narinig ko nanaman ang bulungan ng mga kaklase ko, kitang kita ko din kung paano mapalingon si Maisie sa akin na para bang nagtatanong kung anong nangyayari.
"Who's Ren?"
"Baka ang tinutukoy niya ay si Oren"
"What the hell kilala ni Oren si Astrid?"
"That's weird"
Rinig na rinig ko ang bawat bulungan ng mga tao sa room. Mabilis na tumingin ako kay Astrid pero ngumiti lang siya ng matamis at humarap sa buong klase.
"Yes i knew him, because he is my boyfriend"
Halos malaglag ang panga ko sa huling sinabi ni Astrid. At prang sirang plaka na paulit ulit sa isip ko.
He is my boyfriend