Download App
6.73% BACHELOR'S PAD / Chapter 7: Chapter 5

Chapter 7: Chapter 5

"DAISY! Buksan mo ang pinto!" sigaw ng kanyang papa mula sa labas.

Sumikdo ang puso ni Daisy. Galit ang kanyang papa. May palagay siya na may kinalaman ang nangyari kagabi sa galit nito. At kapag nalaman ng ama ang nangyari, isa lamang ang ibig sabihin niyon—laman siya ng balita.

Muling lumagabog ang kamay ng kanyang papa sa pinto. "Kapag hindi mo ito binuksan, gagamitin ko na ang master key!"

Marahas na napaungol si Daisy bago malakas na nagsalita. "Lalabas na ako!" Hirap na bumangon siya mula sa kama at mabagal na isinuot ang silk robe bago iika-ikang naglakad. Mas matindi pala kaysa sa inaasahan ang natamo niyang injury. Those bitches, gigil na usal niya sa isip bago binuksan ang pinto.

Nabungaran niya ang galit na galit na ama. Bumuka ang bibig nito na parang sesermunan siya pero napatigil nang makita ang kanyang hitsura. Nanlaki ang mga mata nito.

"Kung gano'n, talagang nakipag-away ka sa isang club habang akala ko ay natutulog ka sa kuwarto mo. Look at you. You look awful!" bulalas ng ama.

Napangiwi si Daisy at hinawakan ang sentido. "Papa, hindi ako ang nagsimula ng gulo. Nananahimik ako nang lapitan ako ng limang babaeng `yon. Alangan namang hindi ako lumaban? Although, wala akong laban sa limang tao."

Tumiim ang mga bagang ng kanyang ama. "Hindi magandang tingnan na nakikipag-away ang isang babae."

Sa sinabi nito ay biglang naalala ni Daisy ang lalaking tumulong sa kanya kagabi. Ganoon din ang sinabi nito sa kanya. Pagkatapos, biglang sumagi sa isip ang sandaling lumuhod ang lalaki sa harap niya at maingat na hinubad ang kanyang mga sapatos. Hindi siya nakahuma noon nang may maramdamang kakaiba dahil humaplos ang mga daliri ng lalaki sa kanyang mga paa. Lalo na nang haplusin nito ang namamaga niyang mga sakong. His touch was gentle yet hot. It made her uncomfortable. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Daisy, noon lamang niya naramdamang tila may nagliliparang paruparo sa kanyang sikmura.

Ipinilig ni Daisy ang ulo upang ibalik sa kasalukuyan ang isip at saka napabuntong-hininga. "Hindi nga ako ang nagsimula."

"Pero ikaw naman ang nasa mga tabloid, television, at Internet. Inilagay mo sa eskandalo ang pangalan ng pamilya natin at ang sarili mo. Ngayon pa kung kailan ipapakilala pa lang kita sa board at sa mga empleyado sa kompanya. You were supposed to start working tomorrow, remember? At paano ang nalalapit na kasal ng kapatid mo? Baka madamay siya sa gulong pinasok mo," galit pa ring sabi ng kanyang papa.

Kumuyom ang mga kamay ni Daisy. Kung noon siguro, iisipin niyang pinapaboran na naman ng ama si Lily. Subalit pagkatapos nilang makapag-usap nang masinsinang mag-aama, alam na niyang pantay lamang sila ni Lily sa puso ng kanilang ama. At nagagalit ang ama dahil iniisip din nito ang kapakanan niya. Daisy hated herself for letting her father down again.

Nang sandaling iyon ay nakapagdesisyon siya. Hindi niya hahayaang harapin ng kanyang ama nang mag-isa ang gulong kinasangkutan. "Magre-report pa rin ako sa istasyon bukas, Papa. Puwede mo pa rin akong ipakilala sa board," determinadong sabi niya.

Halatang nagulat ang ama ngunit bahagyang umiling. "Hindi sila papayag na ibigay ko sa `yo ang posisyon ng vice president. Lalo na ngayong namamayagpag sa balita ang pangalan mo. At kahit ako, iyon din ang opinyon ko. Hindi maganda para sa kompanya."

Sumikip ang dibdib ni Daisy sa sinabi ng ama subalit binale-wala niya iyon. "Tatanggapin ko kahit saan nila ako maisip ilagay. Basta papasok na ako bukas."

Mahabang sandaling tinitigan siya ng ama. Marahil ay nabibigla ito sa kakaibang determinasyon niya. Kunsabagay, ngayon lang niya ipinakita sa ama na gusto niyang magtrabaho para sa kompanya. Hindi kasi nito alam na noong nasa Europa ay kumuha siya ng short courses na related sa TV programming at kung ano-ano pang may kinalaman sa television network. Dahil ang totoo, bata pa lamang ay interesado na si Daisy sa kung paano pinapatakbo ang isang TV network. Hindi lang niya ipinaalam kahit kanino.

Ang akala tuloy ng lahat ng tao, at malamang kahit ang kanyang ama, naglalamyerda at nagpapasarap lang siya sa Europa. Hinusgahan siya ng mga tao bilang socialite at anak-mayaman na tagaubos lang ng pera ng kanyang mga magulang. Well, noong nagrerebelde pa, totoong ganoon ang kanyang ginagawa. Subalit hindi na ngayon.

Marahas na bumuga ng hangin ang papa ni Daisy. "Okay. Ngayong araw ay magpahinga ka lang maghapon. Bukas, isasama kita sa istasyon."

Bahagya siyang ngumiti. "Thanks, Papa."

NAKAUPO si Rob sa mahabang sofa sa common area ng Bachelor's Pad. Nasa ground floor iyon ng gusali at napapalibutan ng gym, bar, game room, at theater. "Common area" ang tawag doon dahil madalas ay doon tumatambay ang mga residente ng Bachelor's Pad kapag may oras.

Abala si Rob sa kanyang iPad. Doon niya tinitingnan ang e-mails at doon din siya nagbabasa ng mga balita sa Internet. Tanghali pa ang meeting niya sa Diamond Records kaya may libreng oras para tumambay roon. Sa common area lang kasi may malakas na Wi-Fi. Nang minsan niyang ireklamo kay Keith ang kawalan ng Internet sa loob ng unit, sinabi nito na paraan daw ni Maki Frias ang paglalagay ng Internet sa ground floor lamang ng gusali upang magkakilala ang mga residente ng Bachelor's Pad. Kung paano nagagawa iyon ni Maki Frias, wala siyang ideya. Hindi pa nga niya nakikita nang personal ang may-ari ng Bachelor's Pad. Kahit daw sina Ross, Jay, at Charlie ay hindi alam kung ano ang hitsura ni Maki.

"Rob, ang aga mo rito, ah," narinig ni Rob na biglang sabi ng kung sino. Nag-angat siya ng tingin at nakita si Keith na pumasok sa pinto. Hindi na ito balbas-sarado gaya noong una niyang nakilala subalit puno pa rin ng stubble ang panga at baba. Mahaba pa rin ang buhok at rugged pa rin ang pananamit. May bitbit itong MacBook.

"I'm more surprised that you're awake, Keith," komento ni Rob. Sa loob kasi ng ilang buwang pananatili roon ay nalaman niya na nocturnal si Keith. Sa umaga ito tulog.

Tumawa si Keith at sumalampak ng upo sa katapat na sofa. "May deadline kasi ako ngayon. Kailangan kong magpasa," sagot nito habang binubuksan ang MacBook.

Hindi halata sa hitsura ni Keith, pero ayon sa mga residente sa Bachelor's Pad na mas nauna kay Rob, isa raw international best-selling author si Keith. Hindi pa nga lang niya alam kung ano ang isinusulat nito dahil ayaw namang sabihin.

"Ikaw, wala kang lakad ngayon?" tanong ni Keith.

Nagkibit-balikat siya at muling ibinalik ang tingin sa iPad. "Mamayang lunch pa. I just need to check on the news online—" Napahinto siya sa pagsasalita nang pag-click niya sa Web site ng Yahoo! ay may nabasa siyang headline.

TV8 network heiress, Daisy Alcantara, involved in a catfight.

Kalakip ng headline ang mga larawan sa loob ng isang club. Isang away na pamilyar kay Rob dahil naroon siya nang gabing mangyari iyon.

So, she's an heiress. That's why her name sounded familiar. Binasa niya ang artikulo at hindi maganda ang nakasaad doon tungkol kay Daisy. May statement ang artikulo mula sa limang babaeng kaalitan ni Daisy at base sa mga sinasabi ng mga ito, lumilitaw na ang dalaga ang maraming ginawang atraso sa limang babae. Gumanti lang daw ang mga ito.

"Ano `yang binabasa mo at mukhang napukaw ang interes mo?"

Umangat ang tingin ni Rob sa nagsalita. Maging si Keith ay lumingon. Ikinagulat ni Rob nang makitang naglalakad palapit sa kanila si Brad Madrigal.

Isang filmmaker si Brad. Ang ginagawa nito ay documentary films para sa mga sikat na personalidad sa Hollywood. Nakatrabaho na dati ni Rob ang lalaki dahil ito ang naging director para sa documentary film ng anniversary concert tour ng Wildflowers.

"Yo, Brad. Nasa Pilipinas ka na pala uli," bati ni Keith kay Brad.

"You live here, too?" gulat pa ring tanong ni Rob kay Brad.

Ngumisi ang bagong dating. "Oo. Hindi mo alam? Ako, alam ko na dito ka na nakatira. Sinabi sa akin ni Keith."

"Well, ini-inform ko talaga ang lahat ng residente kapag may bagong lipat dito," paliwanag ni Keith.

Pabagsak na umupo si Brad sa tabi ni Rob. "Sa wakas, natapos ko rin ang project namin na sa Japan ang location shooting. Break muna ako sa trabaho." Sinulyapan nito ang i-Pad ni Rob at umangat ang isang kilay. "Ano `yan?"

Mabilis na tumayo si Rob at pinatay ang kanyang i-Pad. "Nothing." Tumingin siya sa kanyang wristwatch. "Aalis na ako."

Pumalatak si Brad. "Busy ka pa rin kahit hindi na aktibo sa industriya sina Anje?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang keyboardist ng Wildflowers. Magkakilala na kasi sina Brad at Anje noong high school pa lamang ang mga ito.

"Of course. Who do you think I am?" sagot ni Rob na tumingin sa dalawa.

Nagkatinginan sina Brad at Keith, pagkatapos ay kapwa napangisi.

"Oo nga pala. Mr. Invincible ka nga pala," sabi ni Brad na nakangisi pa rin.

Nagkibit-balikat na lang si Rob at tinanguan ang dalawa bago umalis ng common area. Habang naglalakad sa hallway, muli siyang napatingin sa artikulo tungkol kay Daisy.

Mr. Invincible, huh? Hindi ba ang ibig sabihin niyon ay kaya niyang gawin ang lahat at hindi natitinag ng kahit anong bagay?

Kung ganoon, bakit hindi siya mapakali pagkatapos mabasa ang artikulo tungkol kay Daisy? Bakit kahit wala naman siyang pakialam sa babaeng iyon ay parang gusto niyang gumawa ng paraan para tanggalin sa Internet at sa kung saan pa nalathala ang artikulo tungkol dito gaya ng palagi niyang ginagawa para sa Wildflowers?

It's none of my business. Isa pa, kung totoo ang sinabi ng limang babae sa artikulo, may dahilan naman talaga ang mga ito para gumanti. Hindi kilala ni Rob kung sino ang tunay na Daisy Alcantara. At hindi niya kailangang makialam sa problema ng taong hindi niya kilala.

Sumakay si Rob sa elevator. Nakababa na siya sa underground parking lot ng Bachelor's Pad nang mapahinto sa paglalakad at marahas na napabuga ng hangin. Damn!

Tumiim ang kanyang mga bagang at sa huli ay hindi rin nakatiis. Dinukot niya ang cell phone at nagsimulang tumawag sa kung sino-sino.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login