Download App
29.33% MOON BRIDE UNIVERSE: Spiral Gang / Chapter 22: EPILOGUE

Chapter 22: EPILOGUE

HULING GABI ng perya sa sentro ng bayan pero sarado ang booth ng babaeng manghuhula. Makikita siyang naglalakad papunta sa direksiyon ng dirt road kung saan natagpuan ng mga tanod ang grupo nina Ruth. Kumikinang-kinang ang mahaba at itim na itim niyang buhok, na para bang may maliliit na bituing nakadikit sa mga hibla niyon.

Mayamaya may nakasalubong siyang tricycle. Napangiti siya nang makita ang dalawang sakay niyon. Isang lalaki at isang babae na mahigpit na magkahawak ang mga kamay. May malaking traveling bag sa paanan ng mga ito. Mukhang teenager pa ang babae habang nasa early twenties siguro ang lalaki. Halatang magkarelasyon ang dalawa. Katunayan may naramdaman siyang mahinang tibok ng buhay sa sinapupunan ng babae.

Mabilis na bumigkas ng maiksi pero epektibong orasyon ang babaeng manghuhula para bigyan ng proteksiyon at kaligayahan ang pamilyang iyon. Pagkatapos tuluyang lumampas ang tricycle at binalot uli ng katahimikan ang paligid.

Saka lang siya umiba ng direksiyon. Pumasok siya sa gubat, nadaanan ang bangin kung saan nahulog sina Ruth pero sa baba niyon wala na ang lawa. Nilampasan niya iyon at nagpatuloy sa paglalakad paakyat. Sigurado ang bawat hakbang ng magandang babae, ginigising sa pagkakatulog ang mga maliliit na nilalang na naninirahan sa mga puno. Kalaunan hindi na lang ang buhok niya ang kumikinang. Sumabay na rin ang mga alitaptap at bolang apoy na iniilawan ang daan para sa kaniya.

Maliwanag na ang bilog na buwan sa langit at malalim na ang gabi nang makarating siya sa tuktok ng bundok. Napangiti siya nang makita sa malaking batuhan ang pigura ng isang babae, nakatalikod sa kaniya at nakatunghay sa buong bayan ng Tala. Naglakad siya palapit dito.

"Dumating na ang nakatadhana," sabi nito sa sinaunang lengguwahe na matagal nang nalimot ng mga mortal.

Ngumiti siya at umupo sa tabi ni Dian Masalanta, ang diyosa ng pag-ibig na ilang libong taon nang nakatira sa lupa. "Oo. Nakasalubong ko kanina."

Nilingon siya nito. May sumilay na malungkot na ngiti sa mga labi. "Salamat na hinayaan mong dito sila mapadpad. Salamat na tinanggap mo sila. Dito mapapanood ko siyang lumaki, ang taong tatapos sa koneksiyon ko sa lahi ng aking pinakamamahal."

"Pero siya ring tao na magbibigay ng huling regalo mo, hindi ba?"

Hindi sumagot ang diyosa, malungkot pa rin ang ngiti. Siguro dahil kahit ilang libong taon nang wala sa mortal na mundo ang lalaking iniibig, hindi pa rin madali para kay Dian Masalanta na tuluyang putulin ang koneksiyon sa lahi nito.

"Magiging tahimik at masaya ang buhay nila rito kahit pansamantala lang. Ito yata ang bayan na ipinangalan sa akin ng mga mortal," sabi pa niya.

Tumango si Dian Masalanta at tumingin uli sa ibaba. Ganoon din ang ginawa ng babaeng manghuhula. Pagkatapos tumingala siya sa langit. Itinaas niya ang kanyang mga kamay, iwinasiwas ang mga iyon at sa isang iglap nagkaroon ng mga kumikinang na bituin sa kalangitan.

Dahil siya si Tala, diyosa ng mga bituin, at isa sa nakatalagang maging bantay ng sanggol na kalaunan ay ipapanganak sa gabing lumuluha ng dugo ang bilog na buwan.

author's note: thank you for reading. if you enjoy this story please take time to give a good rating and review. it will be a huge help for me. <3 next volume coming up.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C22
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login