Download App
80% Loving You Is Enough / Chapter 4: Pen

Chapter 4: Pen

Chapter 4. Pen

"BUT... you are a de Guzman. Paanong..." Hindi makapaniwala si Lia. All these years, she knew that Leonard belonged to the middle class family. Wala sa hinagap niya na ang pamilya nito ang may-ari ng isa sa mga sikat na Airlines sa buong mundo.

"I'm a bastard."

Natahimik siya sa isiniwalat nito.

"I'm using my mother's surname," dagdag pa nito.

"You don't have to tell me everything if y-you aren't comfortable yet," agap niya.

He just sighed and looked straight into her eyes.

"And you're not a bastard. You're a lovechild..." masuyong bulong niya. He then lovingly stared at her like he fell for her more. Alam niyang namumula na siya ngayon kaya yumuko siya para hindi nito gaanong makita ang mukha niya. Ilang sandali siya nitong tinitigan bago nagsalita,

"My dad said he's going to acquire your Shipping Lines. But your dad... doesn't want to sell it."

Why would her dad not selling it? Baon na baon na sila sa utang.

"Let's not talk about it," iwas niya sa usapan.

Lumipas ang isang taon at kahit paano'y nabayaran ang mga utang. Her dad sold all of their properties, maging ang iilang lupain nila'y naibenta rin. Sa isang iglap ay nagbago ang mala-prinsesa niyang pamumuhay. Ang tanging natira sa kanya ay ang kapirasong isla sa Pangasinan at ang ancestral house kung saan sila nakatira. Hindi niyon maibebenta ng kanyang papa dahil nakasaad sa last will and testament na hindi maaaring ipagbili ang isla at ang ancestral house na ipinangalan sa kaniya. Maging siya ay hindi iyong mabebenta pagtuntong niya sa legal na edad. Maaari lamang ipasa ang titulo sa susunod na tagapagmana.

She couldn't believe she's experiencing all of these at the age of seventeen when just two years ago, she thought that even if she would not work her ass off, hindi siya kailanman maghihikaos.

Nang tumuntong ng Grade twelve ay mas lalo siyang naging abala sa pag-aaral. Ngayon ay gusto niyang magsisi kung bakit hindi siya nagpalipat sa Star section. That would be a plus points on her credentials when she entered college.

"Lia, would you be my date on our Acquaintance Party?"

Para siyang natuod nang lumuhod si Mark Louis sa harap ng kanyang upuan at ginawaran ng halik ang likod ng kanyang palad.

"Pumayag ka na!"

"Ako na lang ang yayain mo, Jo!"

Samu't saring kantiyawan pa ang narinig niya sa mga kaklase at ilang estudyanteng nakikiusyoso sa nangyayari. Iginala niya ang mga mata at natigilan nang makita si Leonard sa kumpulan ng mga tao... at nakaakbay sa matipunong braso nito ang kaklase niya sa P. E. na si Flare.

He became fit.

Naging abala siya at hindi gaanong nakipagkita rito sa mga nagdaan na buwan. She could already guess that he had well-toned muscles now. And, damn, ang nag-uumigting na mga ugat nito sa braso ang dahilan kung bakit natulala siya sa matipunong katawan nito.

Doesn't he look hot?

Wala sa sariling tumango siya at umugong lalo ang kantiyawan. Doon siya natauhan at luminga-linga sa paligid. Ang iingay ng mga ito. Mukhang inakala ng mga tao na um-oo siya kay Mark Louis.

Kapagkuwa'y hinanap niya agad si Leonard, nakita niya kung paanong nangalit ang mga panga nito at tumalim ang mga titig nito sa kanya. Bago pa makatayo ay mabilis itong umalis at lumayo sa harap ng silid-aralan.

Binawi niya ang kamay kay Mark Louis at hinayaan naman siya nitong makaalis. Tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase kaya wala na ang mga tao sa hallway, pero patuloy pa rin siya sa paghahanap kay Leonard. Ngunit hindi niya ito nakita.

Dinala siya ng sariling mga paa sa infirmary, magdadahilan na lang siya para makapagpahinga. Pero bago pa man niya natulak ang pinto ay may narinig siyang humahalinghing sa loob.

"Pusa ba iyon?"

Sumilip siya sa siwang ng pinto at nanlalaki ang mga mata niya nang makitang nagme-make out si Leonard at ang isa sa mga student-teacher nila! Nakatalikod si Leonardsa kaniya habang ang babaeng kahalikan ay nakasandal sa nakasaradong glass windows. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa binata!

Wala sa sariling napasandal siya sa pader habang pinakakalma ang masakit at bayolenteng pagtibok ng kanyang puso.

What they were doing was illegal! Sure, Leonard had turned eighteen but still, they're at the school grounds!

Isumbong kaya niya ang mga ito? Napailing siya. Hindi niya ipapahamak ang binata.

Pero... hindi tama iyon...

"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." Napatuwid siya ng tayo nang marinig ang hinihingal na tinig ng babaeng higad.

Wala sa sariling tumakbo siya at nagpasyang pumasok na sa klase. Bahagya pa siyang napagalitan dahil late siya. Nagdahilan na lang siya na masakit ang kanyang pakiramdam.

"You should go to the infirmary," ani ng kanyang teacher. Mabilis pa sa alas quatrong umiling siya at nagsabing kaya naman niya.

Masakit ang kanyang nararamdaman sa nasaksihan. Gusto niyang masuka sa na parang hinahalukay ang tiyan niya at sa bayolenteng pagkabog ng kanyang puso.

Nang lunch break na ay walang gana siyang nagtungo sa cafeteria. Hindi rin niya inubos ang pagkain kaya nagpasya na lamang siyang maglagi sa silid-aklatan. Tahimik doon at walang iistorbo sa kanya kung makatulog man siya.

Ilang minutong nakayuko lang siya sa mesa nang may tumayo sa gilid niya, kung saan nakaharap siya. Nanlalaki ang mga mata niya nang mapansing sakto ang kanyang paningin sa masikip na pantalon ng kung sino. Nilingon niya ito at nakita ang seryosong mukha ni Leonard.

She's now sitting up straight and tried to composed herself when he put a familiar thing on the table.

"W-where did you get this?" she asked nervously.

"You dropped it on the floor..." kaswal na sagot nito. It's her Parker ball point pen. At hindi maitatangging kanya iyon dahil naka-engrave ang buong pangalan niya roon.

"Thank—"

"...in front of the infirmary."

"—you." Natutop niya ang bibig nang dugtungan nito ang sinabi. His eyes bored into hers and licked his lower lips. Wala sa sariling napatitig siya sa labi nito. She suddenlypictured it was her whom he was making out with in the infirmary awhile ago. Napapikit siya't bahagyang yumuko saka tinakpan ang mukha gamit ang kanyang palad. She's just seventeen she shouldn't feeling this.

"Did you enjoy what you saw, my little peeping tom?"

Nilakasan niya ang loob na tingnan ito. Balak niyang sigawan at pagbantaan na isusumbong niya ito pero umurong ang dila niya nang maalala ang nasaksihan.

"Ilang beses n'yo nang ginawa iyon?" wala sa sariling tanong niya. Leonard was a year older than her. Kailan ito nagka-experience sa makamundong bagay? Was that the reason why he suddenly became fit? Parang last year lang, ang payat-payat pa nito.

Tinalikuran lang siya nito. Napakurap-kurap siya nang bigla na lang siya nitong naiwang nakamaang at natutulala sa papalayong bulto nito.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login