Download App
60.31% Talk Back and You're Dead! / Chapter 75: Chapter Seventy-Five

Chapter 75: Chapter Seventy-Five

"Oy Timothy Odelle Pendleton, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya nang humiga sya sa kama ko.

"Matutulog."

"Eh! Diba dun ka sa kwarto mo matutulog?"

"Nagbago na ang isip ko. Ayoko na palang matulog don."

"Psh! Gusto mo lang matulog sa tabi ko eh. Hahaha!"

"Tss."

"TOP. Ano ba talaga ang laman ng kwartong yun? Gusto kong malaman."

"Hwag mo nang itanong." Pumikit na sya.

"Bilis na gusto kong malaman," tumalon ako sa kama at lumapit sa kanya.

"Hwag makulit Wifey." Nakapikit na sagot nya.

"Sige na! Sige na! Sabihin mo na!"

"Wifey! Matulog ka na!"

"Sungit mo!"

"Ang kulit mo kasi," tumalikod sya sa'kin.

Humiga na rin ako. Tinignan ko si TOP. Nakatalikod parin.

"TOP, galit ka ba?"

"Hindi."

"Galit ka eh," nag-pout ako.

Bumuntong hininga sya at humarap sakin. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Hindi ako galit."

Ngumiti ako.

"Matulog ka na, babantayan kita," sabi nya.

"Ano ako bata?"

"Miracle.."

"Oo na po, matutulog na. Yan na oh nakapikit na ako. Hmm."

"Sweet dreams," bulong nya.

"Dream of me TOP."

"Of course."

***

Bigla nalang akong nagising sa pakiramdam na may nakatingin sa akin at sa tunog ng nabasag na bagay. Tiningnan ko si TOP sa tabi ko, nakapikit. Mahimbing syang natutulog habang hawak ang isa kong kamay. Madilim ang kwarto, nakabukas lang ang maliit na lampshade sa tabi ng kama.

"Hubby." Hindi sya sumagot. "Hubby." Sinundot ko ang pisngi nya.

"Ano?" Nakapikit na tanong nya.

"Gising ka?"

"Sasagot ba ako kung hindi?" Kumunot ang noo nya pero hindi sya nagmulat ng mata.

"Oo nga no?"

"Ano yon? Magpapasama ka ba sa banyo?" tanong nya.

"Kaya kong pumunta sa banyo nang mag-isa TOP."

"Malay ko kung natatakot ka."

"Tama ka, natatakot nga ako."

"Bakit?"

"May narinig akong nabasag, baka may magnanakaw."

"Nananaginip ka lang Miracle, matulog ka na."

"TOP." Hinawakan ko ang shirt nya.

"Hmm?"

"Umuulan"

"Alam ko."

"TOP."

"Ano?"

"Kumukulog."

"Rinig ko."

"TOP."

"Hmm?"

"Ang lamig,"

"Ramdam ko," niyakap nya ako.

"T-TOP," kinakabahan na tawag ko.

"Ano na naman?" tinignan na nya ako. Kinusot nya ang mga mata nya.

"May multo," tinuro ko yung nakaitim na babae sa sulok ng kwarto, nakatalikod sa amin.

Sinundan nya ng tingin ang tinuturo ko. "Kita ko."

Natahimik ako. Nakatayo sa sulok ang babae, nakatalikod sa amin at hindi gumagalaw. Halos kainin sya ng dilim. Nakaitim sya mula ulo hanggang paa at mahaba ang buhok nya.

"AAAAHHHH!!" biglang nagdilim ang buong paligid. "TOP! Hwag mo akong iiwan dito!" kumapit ako kay TOP.

"Ah shit! Wala akong makita."

"Hubby, dito ka lang sa tabi ko!"

"Hold my hand. Pupunta tayo sa kusina."

"Pano yung m-m-mul-to?"

"She's just a ghost Miracle. Hindi ka gagalawin non."

"Perooo natatakot ako TOP!"

"Teka," gumalaw si TOP at narinig kong bumukas yung drawer.

Lumiwanag nang kaunti. May flashlight na hawak si TOP.

"Let's go Miracle," tumayo sya.

"Hubby naman eeeh."

"Mas maganda kung sa living room nalang muna tayo."

"Ano'ng oras na ba?"

"Three in the morning."

Bumaba na kami ni TOP at nagsindi ng mga kandila. Sa living room lang kami. Hindi namin alam kung kami lang ba ang walang kuryente. Malayo kasi ang bahay na 'to sa ibang bahay sa lugar na 'to. Wala pang telepono at signal kaya hindi kami makahingi ng tulong. Bukod doon, ang lakas pa ng ulan.

"Ang lakas ng ulan."

"Titigil din yan," itinaas ni TOP ang makapal na kumot sa balikat ko.

Magkatabi kaming nakaupo sa sofa at nakabalot ng kumot.

"May bigla akong naalala," sabi ko.

"Ano 'yon?"

"Si Michie," natawa ako. "Tuwing umuulan lagi kong naaalala yung pag-akyat nya sa kwarto ko. Stalker. Napagkamalan ko syang multo."

"Stalker?"

"Sinundan kasi nya ako sa bahay. Gusto daw nyang makipag-kaibigan... in a creepy way nga lang."

Natahimik sya.

"TOP?"

"Miracle, what if..." tumahimik ulit sya.

"What if what?"

"Nevermind," he sighed. "Matulog ka na."

"Hindi na yata ako makakatulog pa, natatakot ako eh."

"Babantayan naman kita."

"Ayoko," sumandal ako sa dibdib nya.

"Ano'ng gusto mong gawin natin ngayon?"

"Mag-usap. Mag-kwento ka naman."

"About what?"

"Kung ano ka nung bata ka? Yung mga ginagawa mo. Mga lugar na napuntahan mo. Kung sino ang unang nakaaway mo. Una mong black-eye." Natawa ako.

"Hwag mo akong pagtawanan Wifey."

"Naiimagine ko kasi kung ano'ng hitsura mo nung bata ka pa."

"At ano'ng hitsura ko?" Hinaplos nya gamit ang isang kamay ang buhok ko.

"Isang batang bully. Hahaha!"

"Tss."

"Hahahaha! Tama ba?"

Nagkibit balikat lang sya.

"TOP."

"Hmm?"

"Inaantok ka na ba?"

"Hindi pa."

"Good! May itatanong ako sa'yo."

"Kung hindi mo napapansin Miracle, kanina mo pa ako tinatanong."

"Hindi mo naman kasi sinasagot nang maayos."

"Hindi ko naman kasi kailangan sagutin."

"Bakit?"

"Dahil sinabi ko."

"Ang dami mong sikreto. Ngayon ko lang narealize na hindi pa pala kita ganon kakilala no?"

"Kung ano ako sa'yo, yun ang tunay na ako. Hwag mong pagdudahan, sayo lang ako totoo."

"Parang tula! Hahaha! Isa kang romantic na tao! Haha-Aray!" napahawak ako sa pisngi ko, kinurot nya.

"Pinagtatawanan mo ako?"

"Hindi TOP, hindi, iniiyakan kita oh grabe dami kong luha."

"Pilosopo ka na ngayon?"

"Hahaha! Ang cute mo grabe!"

"Tss. Hindi ako tuta."

"Kakainis ka!"

Parang nagulat sya. "Ano'ng kasalanan ko?"

"Ang gwapo mo kasi masyado," kinurot ko ang magkabilang pisngi nya.

"Hwag mong paglaruan ang mukha ko Wifey."

"KYAAH! Tinawag mo akong Wifey! Ulitin mo nga!"

"Uhh Wifey, lasing ka ba?"

"Ulitin mo pa! Hubby!"

"Wifey. Ano'ng nangyayari sa'yo?"

"Hindi ko rin alam," kinuha ko yung kamay nya at ikinumpara sa kamay ko. "Hubby ang laki ng kamay mo oh," pinakita ko sa kanya. "Ang rough din. Grabe lalaking lalaki ang kamay mo."

"Ganito ka pala kapag gabi, ang kulit," tumawa sya.

"Masaya lang ako," sumandal ulit ako sa kanya, pinaglalaruan ko parin yung kamay nya.

"Dahil?"

"Syempre kasi kasama kita ngayon. Tagal kaya kitang hindi nakita."

"Sorry wala ako nung time na—"

"TOP wala lang yun sa'kin, basta ang importante magkasama tayo ngayon."

"Akala ko nagalit ka sa'kin nung araw na hindi kita naipagtanggol. Kaya hindi ko magawang magpakita sayo. Nahihiya ako sa sarili ko. Dapat hindi ko hinayaan na mangyari sa'yo 'yon. Kasalanan ko," niyakap nya ako nang mahigpit at ipinatong nya ang noo nya sa balikat ko. "Wala ako noong oras na kailangan mo ako."

"Hindi ah! Wala kang kasalanan don."

"Kasalanan ko."

"Hindi sabi."

"Kasalanan ko."

"Hindi mo ginusto 'yon."

"Kung hindi sana kita tinalikuran hindi ka sana napahamak. Kasalanan ko."

"Hindi nga."

"Kasalanan ko."

"Hindi nga sabi eh!" binatukan ko sya.

"Ah! Shit!" napahawak sya sa ulo nya.

"Ayan! Ang kulit mo kasi eh!" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Kaya mo na akong saktan ngayon ha. Binabatukan mo na ako?"

"May angal ka? Ha?"

"Tapang mo ah," natatawang sabi nya.

"Talaga!" nag-cross arms ako.

"Tss. Iwan kaya kita dito?"

"Huh?"

"Mag-bonding muna kayo nung," bumulong sya sa tenga ko. "Black lady."

Muntik ko nang makalimutan yun ah! Bigla akong napatingin sa paligid. Waah!

"Iwan na kita dito ha," tumayo sya.

"Eeeeh! TOP naman eh!" hinigit ko yung shirt nya.

"Akala ko ba matapang ka?" nakangising tanong nya.

"TOP naman kasi! Hwag kang umalis!" hawak ko parin sya.

"Kailangan kong pumunta sa banyo Wifey, babalik ako agad," inalis nya yung kamay ko sa damit nya.

"Ayaw! Sasama ako!" tumalon ako sa likod nya at ipinulupot ang legs at braso ko sa kanya.

"Wifey! Bitaw!"

"Ayaw ko! Sasama ako sa'yo sa banyo!"

"Miracle," hinigpitan ko yung kapit ko sa kanya. "Fine."

Lumakad si TOP papuntang banyo. Tumigil sya sa tapat ng pinto.

"Hanggang dito ka nalang," sabi ni TOP.

"Ayoko! Sasama ako sa loob."

"Miracle, hindi pwede."

"Hindi ako titingin! Promise!"

"Hindi ako papasok sa loob nang kasama ka."

"Hindi kita sisilipan!"

"Baba na Miracle."

"Pipikit ako kapag nasa loob tayo!"

"Miracle."

"Kung gusto mo takpan mo pa ang mata ko!"

"I'm a guy Miracle. Hindi ko kayang takpan ang mata mo habang nagbabawas."

"Huh? Oo nga pala," namumula ang mukha na sabi ko.

"Ngayon mo lang naisip na magkaiba tayo ng body structure?"

"TOP."

"Ano?"

"Ang weird ng pinaguusapan natin."

"Pansin mo?"

"Ahh! Basta dito lang ako sa likod mo!"

"Fine. Pero nakakita ka na ba ng penis?"

"AHH! TOP! Ano'ng tanong yan?!"

"Sagot."

"Hindi pa syempre!" Maliban nalang sa mga textbooks. Kailangan 'yon sa school eh.

"Good! Kapag sumilip ka, yung akin ang una mong makikita"

"Hindi sabi kita sisilipan eh!"

"Yeah. Pero iwasan mong hawakan kapag nakita mo."

"TOOOP!!"

"I'm warning you Miracle."

"Crazy!"

***


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C75
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login