Download App
55% The So-Called "Ex" / Chapter 11: TSCE: It's Time To Move-On!

Chapter 11: TSCE: It's Time To Move-On!

***

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nagising kasi ako mula sa pagtunog ng alarm sa cellphone ko na nakapatong sa bed side table ng aking silid. Napakabigat pa rin ng aking mga mata. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Ngunit ay maingay pa rin talaga 'yung alarm.

Napilitan na akong bumangon mula sa aking kinahihigaan nang ramdam ang matinding sakit ng ulo ko. Huminga ako ng malalim habang nakaupo pa rin sa kama. At bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

Hindi ko naiwasang mas malungkot pa habang sinasariwa ang naging bangungot ko ng nakaraang gabing iyon. Masakit talagang isipin na ang kagaya ni Jemmi at si Evo na parehong naging espesyal na parte ng buhay ko had turned me down.

At one hand, may isang bagay pa rin na hindi ko maintindihan at patuloy na gumagambala sa isipan ko hanggang sa mga oras na iyon, at 'yon ay walang iba kundi ang humihikbing si Jemmi sa gitna ng pagset-up sa akin. May kung ano kasi ang nagsasabi sa akin na hindi niya nais ang ginawa sa akin. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Kung pwede nga lang na kurutin 'tong puso ko upang huminto na sa kanyang kahibangan ay matagal ko nang ginawa.

Okay, tama na!

Tumayo ako, at nang didiretsohin ko na sana ang banyo ay nanakaw ng aking paningin ang collage ng mga photos na nakadikit sa may dingding ng aking kwarto.

Sa bawat dampi ng aking daliri sa mga larawang naroon ay 'di mapigilang sumariwa sa aking isipan ang mga ala-ala naming dalawa ni Jemmi. Kung maaari nga lang na hiramin kong pansamantala ang magic wand ni Harry Potter at buhaying muli ang lahat ng mga ala-ala namin mula sa mga larawang nandoon ay matagal ko na iyong ginawa. But it's over!

Ilang sandali lang nang matigilan ako sa aking sarili pagkatapos kong makita ang isang larawan. At doo'y hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha. Pero saglit lang at kaagad ko din namang pinahiran ang aking pisngi. 'Yun ay ang huling kuha naming dalawa ni Jemmi sa aming ika-3rd Anniversary. Bagama't masakit ay mayroon pa ring ngiti na gumuhit sa aking mga labi habang pinagmamasdan ko iyon.

Isa-isa kong tinanggal ang mga pictures at inilagay ko ang mga iyon sa loob ng isang trash can. Sa may likuran ng bahay namin, doon ko tinipon ang lahat ng matatawag ko na ngayong mga basura. At pagkatapos ay aking sinunog ang mga iyon.

Uumpisahan ko nang tahakin ang bagong landas at pumakawala sa pagkakakulong ko sa madilim na kahapon. It's time to move on! I promised to myself.

"Paalam." Ani ko pa sa aking sarili habang tinutunghayan ko ang unti-unting pagkaka-abo ng mga 'yon.

***

February 14, 2008 (Kasalukuyan)

Dahan-dahan ay lumingon ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Bagama't malungkot ay pinilit ko ang ngumiti. Umayos ako sa aking pagkakaupo at pagkatapos ay kumain ako ng pop corn. Mag-isa akong nanonood ng movie. Ayokong may tumabi sa akin kung kaya'y dalawa ang binili kong ticket at ang bag ko lang ang aking pinaupo doon. Walang may iisturbo!

Okay, mula ngayon ay dapat masanay na akong nag-iisa na lang.

_________

Sa isip ko...

Gumulat sa aming lahat ang nakakagulat na sound effect mula sa pinanood naming horror movie.

Napasigaw siya at sabay tago niya sa bisig ko nang naka'akap sa akin at nanginginig pa sa takot. Samantalang ako naman ay pinagtatawanan lang siya.

"Aray!" ang angal ko nung paluin niya akong bigla.

"Nakakainis ka! Eh, ba't ba horror 'yang pinapanood natin? Ang sabi mo comedy ang movie na 'yan? Hindi naman pala. Andaya mo naman!"

"Oh nagrereklamo ka ba? Hm, baka nakakalimutan mong ikaw naman ang taya ngayon, kaya panonoodin natin ang kahit anong genre ng movie na gustuhin ko. Eh sa horror ang favorite kong movie eh. May magagawa ka ba? Haha"

Wala siyang nagawa. Parang isang talunan na nagsimangot siya with her crossed arms doon sa kanyang upuan. Tawang-tawa ako habang pinagmamasdan siya. Parang bata lang eh.

Maya-maya pa'y gumulat ulit sa amin ang nakakagulat na sound effect ng pinapanood naming movie.

Napasigaw siya sa takot, at napayakap ulit sa akin.

_________

Mabilis na naglaho ang nakaraang iyon sa isipan ko.

At bigla akong nahinto sa pagdampot ng pop corn sa gitna ng aking panonood. Tila ba nawalan na akon ng gana. Wala na ring epekto 'yung nakakagulat na mga sound effects ng movie sa akin. Pakiramdam ko'y biglang naging manhid ang aking pakiramdam.

Dahan-dahan ay napasulyap ako sa bakanteng upuan na nasa aking tabi kung saan ay bag ko lamang ang nandoon. Naiinis ako sa aking sarili dahil para bang nagugunita ko pa rin na siya ang katabi ko!

Tumayo ako, dinampot ko ang aking back pack at saka umalis ako palabas ng sinehan.

Nakakainis! Bakit ganun? Parang walang pinagbago pa rin ang lahat. Para bang mas lalo lamang akong minumulto ng nakaraan?

***

"Hello sir, Happy Valentines Day po. As a special offer, may free meal po ang Joy Food Court para sa mag-couple. Baka gusto niyo pong mag-avail. First one hundred po." Iyon ang isinalubong sa akin ng isang promodiser ng isang food store pagkalabas ko ng sinehan. At may iniabot siya sa akin na isang gift certificate.

Napabuntong hininga ako. Nagdadal'wang-isip na tinanggap ko iyon.

________

Sa isip ko...

"Wow. An'daming foods. Lagi tayo dito ah sa mga susunod pa nating Anniversary. Masarap ang foods dito eh."

Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain.

"Oh, bakit?" huminto siya sa kanyang pag-kain. Na-conscious siya marahil dahil kanina ko pa siyang tinitingnan.

Wala akong ibang nagawa kundi ay ang ngumiti sa kanya. Gusto ko lang talaga na pagmasdan siya kung pwede lang ay 'forever'.

"Ba't ka huminto?" ang natatawa kong tanong.

"'Wag ka kasing titig na titig sa akin, para akong matutunaw niyan eh."

"Hahaha. Okay, okay."

Natagpuan na lamang namin ang aming mga sarili na kapwa tumatawa sa isa't-isa.

***

Ngayon...

"Wala nang susunod pa na Anniversary, pero Happy Valentines Day pa rin sa akin!"

***


CREATORS' THOUGHTS
2ndHandBoyFriend 2ndHandBoyFriend

Hi! I was thinking about stopping my updates. But when I noticed that the number of reads was increasing, I changed my mind. So, here it goes. Enjoy reading!

--- SHBF

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login