MATAPOS na makapag-paalam kay PNP Chief Abelarde, ako naman ang nagpaalam na umalis.
Naglalakad na ko palayo nang marinig kong tinawag ang pangalan ko "Rizza," Gusto ko sanang wag na itong pansinin pero hindi naman maatim ng konsensya ko lalo pa at ito ang siyang nagayos ng gusot na kinasangkutan niya.
"Bakit Sir?" binalingan ko ito.
"I'm sorry."
"Bakit ka naman nagso-sorry hindi ba sekretarya mo lang ako?"
He flinched at my words. "I'm out of line sa sinabi ko kanina, I know it offended you but that isn't what I meant."
Huminga ako ng malalim this is it pansit ang unrequited affection ko ay matatapos na sa gabing `to. "Kasi naman Sir bakit kasi hindi niyo na lang tanggapin ang resignation ko? Or better yet i-reject niyo na lang ako ng harap-harapan para matapos na tayo ditto at bumalik na sa kanya-kanyang normal ang buhay natin."
Matamang tumitig ang mga mata nito sa'kin. "I don't want to mix my work and personal life, that's the reason why I talked to you last time in the first place." Lumapit pa ito sa`kin. "Again I'm sorry please, forgive me," Bahagya itong yumukod para magkapantay ang mukha namin, Syet bakit ba pang alam nito ang weakness ko? "Saka sino ba ang nagsabi na ire-reject kita?"
Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nami sa isa't-isa kaya hindi agad nag-register sa utak ko ang sinabi niya. Napalunok ako at kitang-kita ko ang konting galaw lang ay maglalapat na ang labi nila kaya. Ang utak ko nade-demonyo na naman.
Wala ako sa sariling nakipagtitigan ditto at katulad nang parating nangyayari sa`kin para na naman akong nahihipnotismo at kahit na pilit kong pagkastigo sa sarili ay hindi ko magawa lalo na at nakikita kong sinsero talaga ito sa sinasabi.
Hindi ko maiwasang magalangan, talaga kayang matutugunan nito ang nararamdaman ko? O kaya lang ayaw siya nitong pakawalan dahil sa pagiging effective secretary ko? Sigurado kasing walang duda na magre-resign ako oras na makakuha ako ng rejection mula ditto.
Pero bago ko pa ma-settle ang lahat ng argumento sa utak ko ay tinawag na ko ng mga Kuya ko.
"Rizza! Uwi na tayo," Sabay kaming napalingon ni Ryan sa dalawa habang diskumpiyadong nakatingin ang mga ito sa huli.
Hinamig ko ang sarili saka nilapitan ang mga kapatid ko. "Sasama ka rin ba sa bahay Kuya Ruel?"
"Hindi, sa condo ka na matulog ngayong gabi may damit ka naman `don para hindi ka na mahirapan bukas na pumasok sa trabaho."
"Natawagan niyo na si Nanay? Sinabi niyong nasa presinto tayo?"
"Ano ako bale? Gusto mo bang atakihin sa puso si Nay? Syempre hindi sinabi lang namain na late kang nakalabas sa trabaho kaya sa may condo ka na matutulog," Saka binigyan ng nagbabalang tingin si Ryan gusto kong maitirik na lang ang mata at nagumpisa na naman ang pagiging overprotective ng mga kapatid ko.
"Ah, boss ko nga pala si Sir Ryan, Sir, si Kuya Ronan nga pala tapos si Kuya Ruel," pakilala ko nang tamaan naman ng kahihiyan sa katawan ang mga kapatid ko dahil boss ko ang tinititigan ng mga ito ng masama.
Hindi man lang ito pinansin ng magaling kong mga kapatid. "It's getting late I need to go, see you tomorrow in the office Rizza."
"Sige Sir, balik ko na lang ang `tong coat niyo," mas mabuting umalis na kami bago kung ano-ano pang gawin ng mga kapatid ko.
"It's okay, just keep it," Anito saka ito dumiretso na sa kotse nito.
"Parang familiar sa`kin ang itsura ng boss mo," Sabi ni Ruel.
"Malamang ilang beses na kayang na-feature ang boss ko sa mga business magazines," Aniya.
Nagkibit balikat lang ito habang si Ronan naman ay inakbayan siya. "Ang mabuti pa libre ka na lang namin you look so stressed dear sister."
"Sabi ko na nga pagpapalain ng libre niyo ang stress na inabot sa inyo ngayong gabi eh," Nakangising sabi niya.
"Sino kayang nasa presinto?"
"Oo na… dali libre niyo na kong Jabi."
"Wag mo namang orderin ang buong menu ha, kababae mong tao ang siba mo."
"Aba nagsalita si Kuya Ronan na isang dalagang Pilipina kung kumain."
Iiling-iling na sumunod sa kanila si Ruel habang nagpapalitan silang magkapatid ng insult sa isa't-isa.
KINABUKASAN balik sa normal ang lahat kahit papano ay napalis na rin ang inis ko dahil nakapag-sorry na ito sa`kin hindi na nga lang kasama `yung ang katotohanan na masyado nitong nilandi ang nagririgodon kong puso.
Hindi na rin siguro mawawala sa'kin ang umasa pero panghahawakan ko na lang ang mga sinasabi sa'kin ng puso kaysa ang dinidikta ng utak ko.
Para ngang walang man lang itong naging kasalanan dahil sa pagiging absent minded ko kagabi napasok pa tuloy ako sa gulo. Pero ito rin naman ang umayos ng lahat kahapon kaya quits na lang siguro kami kahit na parang gusto kong ibato ang paper weight dito dahil sa kalandian nito kagabi.
Obvious naman na magulo pa rin ang status nilang dalawa pero siguro panghahawakan ko na lang kung ano ang sanasabi ng puso ko kaysang utak ko.
Pero kung sa huli malalaman ko na hindi naman talaga nito kayang ibalik ang nararamdaman ko malamang na mag resign ako nang tuluyan para man lang masiayos ang ang sugatan niyang puso. Advance mag-isip? Okay lang `yon at least kahit papaano ay mababawasan ang sakit kapag ganito ang nasa isip ko.
Huminga ako ng malalim saka inumpisahang tapusin na ang huling trabaho ko ngayon araw, `ni hindi ko man lang namalayan ang mga sumunod na oras. Kung ganito ba naman lagi ang gawain ko `di sana walang nang kung ano-ano ang pumapasok sa utak kong butas.
Saktong pagkaayos ko nang gamit ay saka naman bumukas ang pintuan ng opisina ni Ryan.
"Let's go."
"Huh?"
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Wag na Sir, kaya ko namang mag-commute," Mabilis kong tanggi, torture lang mararanasan ko kapag kaming dalawa lang sa loob ng kotse nito.
"Right, and look where it got you yesterday," He deadpanned.
Ouch, may point `to `don pero ang hindi ata nito isinama na nabugbog ko ang mga bastos na `yon kagabi.
"Isolated cases lang `yon Sir besides nakita mo ba ang itsura ng mga sira-ulong `yon?"
"Yeah, kaya nga ang bagsak mo sa presinto."
Bakit ba nitong mga nakaraang araw hindi ako manalo-nalo sa diskusyon nila?
Mangangatwiran pa dapat ako nang tumunog ang cellphone nito at ang biglang pagbabago ng mukha nito bago sandaling nagpaalam sa'kin.
Alam ko namang hindi dapat ako tumakas pero bukas ko na lang haharapin ang galit nito.
Ang kaso sakto namang papalabas na ko ng building nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Napapalatak ako wala pa man din akong dalang payong. "Malas talaga."
"Siguro naman hahayaan mo na kong ihatid ka?"
Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Ryan, wala na rin kasing tao sa main lobby maliban sa security guards at maintenance kaya ganon na lang ang gulat ko.
Nag-iwas ako ng tingin dahil huli na naman ako sa akto, at mukhang pati ang panahon nakikipagkuntyaba ditto hindi man lang ako nakalabas ng building bago ako nakita.
"Let's go, sa lakas ng ulan siguradong hindi ka agad makakakuha ng masasakyan," nagpatiuna na ito sa elevator papuntang basement parking.
Sino ba naman ako para mag inarte `di ba? Syempre sunod na lang ako kaysa naman ma-stranded pa ko sa opisina kapag nagkataon.
Tahimik lang sila sa habang magkasama sa elevator kahit na ang totoo pakiramdam niya ay masyaodng maliit ang lugar dahil lang sa presensya nito.
Gamit ang remote control ay binuksan nito ang lock ng sasakyan. Automatiko na dumeretso ako sa likurang passenger seat nang hindi ko namamalayan medyo nagtaka pa ko nang hindi pa umaandar ang kotse.
"Gagawin mo ba kong driver mo?" taas-kilay na tanong nito.
Doon lang ko napansin na wala pala itong driver kaya pinamulahan ako ng mukha saka agad na lumipat ng pwesto.
Tahimik na lang nitong pinaandar ang kotse nang makapag-seatbelt ako.